KABANATA 7

1364 Words
Someone's Point of View "Boss, pasensiya na. Hindi ko siya napigilan" Humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos at binalingin ko ito ng masamang tingin. Pabagsak kong ibinaba ang mga ito sa mesa at pinunasana ng labi ko. "How come? Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na gawin mo ang lahat para hindi niya makita si Zaera?! Paanong nakita niya parin ito?!" "B-Boss, nagpunta siya sa hospital kung saan nandoon rin ang Señorita. Pinigilan ko siya pero nagawa niya paring makatakas sa 'kin" "Idi*t! Nakita ba niya ang mukha mo?!" Hindi ko mapigilang mapatayo dahil sa sinabi nito. This stupid freak! "H-Hindi po, Boss" Napatungo ito. "Siguraduhin mo lang dahil kung hindi, ito ang tatama sa 'yo" Itinaas ko ang kamay ko kung saan ang baril. Nakita ko ang pagguhit ng takot at pangamba sa mukha niya. Tama, matakot ka talaga. "O-Opo, Boss" "Now, get out!" Nagmadali itong umalis. Inilapag ko sa la mesa ang baril at napakuyom ang kamao ko dahil sa inis. Hindi pa dapat ito ang oras para makita niya ang babaeng iyon. Naibato ko ang baso ng wine dahil sa galit. Ang isa ring iyon tatanga-tanga nagawa pang magpakita sa lalaking 'yon. Siguraduhin niya lang na hindi siya nakilala dahil siguradong masisira lahat ng plano ko. Zenron's Point of View I admit, I hurted her so much. Everything that I said that day was true. I really wanted to get the child and offer her a money for an exchange and I realized that it was really a dumbest decision that I have. Totoo rin na gusto kong mag-settle down kasama si Heiress dahil siya naman talaga ang una kong minahal. We've been together for almost six years and I don't want that to put to waste and just settle down with Zaera because of the baby. Naging kami ni Zaera after Heiress broke up with me. And it was my mistake for entering into a relationship without being certain about my feelings. Sumakatuwid, panakip-butas lang ang ginawa ko sa kanya. Then, Heiress contacted me again and wanted to fix everything between us. Doon na nagsimulang magbago ang lahat. Nagdesisyon ako ng padalos-dalos at hindi ko manlang inisip ang mararamdaman ni Zaera. And worst, she despise me. After she left, everything had changed. Maraming nagbago sa buhay ko at sa buhay ng taong nakapaligid sa akin. My Lolo hated me and also Aether. Kahit man hindi sa akin sabihin nina Mom and Dad, I know that they are not fond of what happened to my relationship with Zaera. Well, everyone in my family loves her so much. She's a kind-hearted, cheerful, selfless, responsible and faithful woman. A wife material to be exact just what a man could wish for and I was too dumb to realize that before. At sinayang ko lang siya. Sinayang ko ang babaeng walang ibang ginawa kung hindi ay mahalin ako. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya na yumuyugyog ang balikat niya. Masaya naman ako aky Heiress pero hindi ko alam kung bakit may kulang. Aaminin ko na natuwa ako ng makita ko siya ulit kanina. Pero dahil lang siguro iyon sa kadahilanang gusto kong makita ang anak namin. Itinaas ko ang kamay ko upang hawakan sana ang balikat nito pero hindi ko na lang itinuloy. "Put your seatbelt, Eve" Medyo natigilan pa ako dahil mismo sa tinawag ko sa kanya. I automatically said the nickname that I used to call her before. Napatingin ako sa kanya pero nanatili lamang siyang nakabaling sa may bintana at hindi nagsasalita. I wanted to say sorry for everything but I know it won't change everything that easily. Hindi rin maiaalis nito ang sakit na ibinigay ko sa kanya noon. I heave a deep sigh and fix her seatbelt. Napatitig ako sa mukha niya na sobrang lapit sa 'kin. I miss staring at her face this close. Kaagad akong lumayo sa kanya ng tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang caller. It's Heiress. I look at Zaera before answering it. [Hey, Hon. Saan ka na? Nandito na ako sa place] Sh*t! I forgot. It's our monthsary today. "I'll be there, Hon. Just give me 10 minutes. May dinaanan pa ako" [Okay, see you. I love you] Napalunok ako at napatingin kay Zaera na ngayon ay nasa labas ng bintana ang paningin. Hindi ko alam kung bakit nag-aalangan akong sumagot. Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin. ".....I-I love you too. Bye" I ended the call. Matagal akong napatitig sa screen ng phone ko bago ko ito ibinalik sa bulsa ko. Ipiniling ko nalang ang ulo ko. Maybe, marami lang akong iniisip ngayon. I started the engine. Zaera's Point of View Bumalik kami sa hospital. Sa buong biyahe ay wala kaming imikan. Ewan ko ba pero hindi matanggal sa isipan ko ang pagtawag ni Heiress sa kanya kanina. Gusto ko ngang matawa dahil ang kapal ng mukha niyang iparinig sa 'kin kung gaano niya kamahal ang babaeng 'yon. Samantala noon, minsan na nga lang ako makatanggap ng I love you o I love you too sa kanya. Kung iisipin ko, talaga ngang ang tanga-tanga ko noon dahil kaunting lambing ay naniniwala na ako kaagad sa kanya. "Take care, Eve" Iyan na naman siya sa pagtawag sa 'kin sa palayaw na 'yan. Binalingan ko siya ng malamig na tingin. "You don't have to remind me" Walang ganang bigkas ko saka pinaandar ang makina ng sasakyan. "And quit calling me with that nickname, matagal na 'yang nakabaon sa limot" Dagdag ko saka ko inapakan ang gas upang paandarin ito. Pinagmasdan ko siya sa side mirror ng sasakyan. Nakatayo siya doon at nakatingin rin sa sasakyan ko. Napabuntong hininga nalang ako saka binilisan ang pagmamaneho. Gusto ko ng makarating agad sa bahay dahil kanina pa masakit 'tong dibdib ko dahil sa galit. Nang makarating ako sa bahay ni Lovern ay mabilis akong tumungo papasok. Kaagad akong sinalubong ni Lovern at Zian. Gusto kong maiyak ng makita ko si Zian pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Ayokong makita niya na umiiyak ako dahil paniguradong iisipin niya may nanakit sa 'kin. "Ang tagal mo, kanina ka pa hinihintay ni Zian" Puna ni Lovern at pinasadahan ako ng tingin. Kumunot ang noo niya. "Mama! You're back!" Masiglang sabi ng anak ko at tumakbo papunta sa 'kin saka niya itinaas ang dalawang kamay niya upang magpabuhat sa 'kin na kaagad ko namang sinunod. "I-I miss you" Bulong ko saka ko siya hinalikan sa kanyang pisngi. "I miss you too, Mama. I just talked with Dada earlier, Mama!" Sumbong niya kaya tumango ako at nginitian siya. I know that it was Hather. "What did Dada said?" Pinilit kong pasiglahin ang tinig ko. "He said that he will be here this Thursday, Mama" Kita ko ang pagka-excite sa mukha niya. "Wow! Then, that would be great. Are you excited?" Nakangiting tanong ko. "Of course, Mama" Tumango naman ako. Niyakap ko naman siya at hindi ko na napigilan pang mapaiyak. Pinili kong huwag gumawa ng kahit anumang ingay. Nakita naman ako ni Lovern at gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya. Kaagad kong pinunasan ang pisngi ko at ibinaba ko si Zian. "Go upstairs first, nak. I need to talk to Tita Lovern first" Nakangiting sabi ko na sinuklian niya ng tango. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaakyat na siya sa taas. Kaagad naman akong nilapitan ni Lovern at niyakap. "Ano ba ang nangyari, Zae? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba sa Mama mo?" Nag-aalalang tanong niya. Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya. "N-Nagkita kami ni Zero, Love" "Ano?! Eh anong nangyari? May ginawa ba siya sa 'yo?!" Gulat nitong tanong. Umiling naman ako. "Wala. Pero hinahanap niya si Z-Zian" Nag-aalalang sagot ko. Naglakad naman siya ng pabalik-balik saka tumingin sa 'kin. "Ano na ang gagawin mo? Babalik ka ba kaagad sa Spain? Pwede namang gamitin ang private plane para madali kayong makaalis ng bansa" Suhestiyon niya. "Hindi puwede, nangako ako kina Mama at Papa na makikita nila si Zian. Dadalaw sila dito" Napabuntong hininga naman siya. "Paano na?" "Siguro ay aalis kami after nalang dalawin nina Mama at Papa si Zian. Sa ngayon, kailangan ko nalang mag doble ingat para hindi niya makita ang anak ko"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD