KABANATA 6

1530 Words
Zaera's Point of View "Zaera" Tila tumigil ang paghinga ko ng banggitin nito ang pangalan ko. S-Sabihin niyo sa 'kin na kasama lang ito sa imahinasiyon ko. Gusto kong kurutin at sampalin ang sarili ko. S-Si Zero. Nandito si Zero. Tumataas-baba ang dibdib nito at habol ang hiningang nakatitig sa 'kin. Tagaktak rin ang pawis niya. Walang pag-aalinlangan ko itong tinulak upang magsara ang elevator. "Sh*t! Zaera!" Sigaw niya. Papasok pa sana ulit siya pero mabilis kong pinindot ang 1st floor. Halos masira ito sa mabilis at malakas na pagpindot ko. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba at tensiyon. Napasandal ako sa dingding ng elevator at napahinga ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Pero wala itong silbi. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Binibiro ba talaga ako ng tadhana? Bakit ngayon pa? Aligaga akong naghintay na bumukas ang elevator. Paano kung nandun na siya at hinihintay ako sa baba? Anong gagawin ko? Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi na ako mapakali. Saktong pagbukas ng elevator ay mabilis akong tumakbo palabas. Palinga-linga ako habang binabaybay ang daan palabas. Wala akong pakialam sa mga tinging ibinibigay sa 'kin ng mga tao. Ang importante ay makaalis na ako dito. "Zaera!" Narinig ko ang pagtawag nito kaya't domoble ang kaba na nararamdaman ko. Please, please. Huwag niyo pong hayaang maabutan niya ako. Nang tuluyan akong makalabas ay deri-deritso kong tinungo ang sasakyan ko. Habang tumatakbo ako ay kinakalkal ko rin ang sling bag ko upang hanapin ang susi. Sh*t! Bilis! Bilis! Nang makuha ko ito ay mabilis kong binuksan ang sasakyan. I was about to hope inside when a strong arm stop me from doing it. May malakas na kamay na pumulupot sa bewang ko upang hindi ako tuluyang makapasok sa loob ng saaakyan. Hawak-hawak rin ng isang kamay niya ang pintuan ng sasakyan kaya't hindi ko ito maisara. Kaagad akong napalingon at sumalubong sa akin ang nag-aalab niyang mga mata. Nagtatagis rin ang bagang nito. "B-Bitaw!" Inis kong bigkas at pilit inaalis ang kamay niya sa pintuan ng sasakyan pati na rin sa bewang ko. Hindi ito nagpatinag at hindi manlang nagsalita. Nakatitig lang ito sa 'kin. Aaminin ko na nakaramdam ako ng kakaiba ng magdikit ang balat nito sa balat ko at hindi ko ito nagugustuhan. Pagkailang, sakit at galit ang nangingibabaw sa nararamdaman ko ngayon habang nakikita ko siya. "Ano ba?! Sabing bit---What the?! Hoy! Anong ginagawa mo?! Akin na 'yan!" Nabigla ako ng hablutin nito ang susi ng sasakyan sa kamay ko. Walang salita niya akong sapilitang pinapasok sa loob ng sasakyan. Nilukob naman ako ng takot. "Z-Zerron! Bitawan mo nga ako! Ano ba?! Nasasaktan ako!" Reklamo ko at pilit na nagpupumiglas sa kanya pero madali lang niya akong nabuhat at naipasok sa loob ng sasakyan. Lalabas sana ako ng pumasok rin siya sa loob at kaagad isinara ang pintuan. He immediately started the engine without saying anything. "Zerron! Saan mo ako dadalhin?! Stop the car!" I tried to open the door but it was locked. Kinakabahan na talaga ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa 'kin at ang mas ikinakatakot ko ay kung magtanong ito tungkol sa anak ko. Anong gagawin ko? Kinalkal ko ang bag ko at kinuha ang cellphone ko. Kaagad kong tinipa ang numero ng police station. I was about to push the call button when he grab it from my hand and put it inside his pocket. Hindi ko na napigilan pa ang sobrang inis at galit. "Ano bang problema mo?! Ibalik mo sa 'kin ang cellphone ko!" "No" Mariing bigkas nito at saglit akong tiningnan. Inapakan nito ang gas kaya nanlaki ang mga mata ko ng umabit sa 80 mph ang speed niya. "Zerron! Ibaba mo na ako!" Pagmamakaawa ko at hinawakan ang braso niya pero hindi niya ako pinansin. Sumasakit na ang lalamunan ko. Tumayo ako at sumilip sa labas ng bintana. Mabuti nalang at nakabukas ito. Napatingin ako sa labas. Wala namang masyadong sasakyan. Hindi naman ako mamamatay kapag tumalon ako dito, diba? "D*mn! What the h*ll are you doing?!" Sigaw nito sa 'kin. "Kung hindi mo ititigil 'tong sasakyan tatlon ako mula dito!" Sigaw ko pabalik. Napahiyaw ako ng maramdaman ko ang kamay nito na hawak ang damit ko at hinihila ako pabalik sa loob. Bigla itong pumreno kaya't tumama ang tagiliran ko sa gilid ng bintana. Nahila niya ako ng tuluyan sa loob ng sasakyan. Hindi ko magawang magsalita dahil sa sobrang sakit ng tagiliran ko. Sakto namang bumagsak ako sa mga hita nito. Napahawak ako sa tagiliran ko at parang maiiyak ako dahil sa sakit. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng mura na alam ko dahil sa ginawa niya. "S-Sorry" Hingi nito ng tawad pero mas lalo lang nadagdagan ang galit sa puso ko. Ganun-ganun lang? Akala niya mawawala 'tong sakit sa simpleng sorry niya? Mabilis akong umalis sa kandungan niya at sinamaan ko siya ng tingin. "Que te folle un pez!" Translation: I hope you get f*cked by a fish! "What did you say?" Kunot na kunot ang noo nito habang nakaingin sa 'kin. Umiwas ako ng tingin at hindi sumagot. Sana ay sa ingles ko na lang iyon sinabi upang naintindihan niya. "Kahit hindi ko 'yon naintindihan alam kong hindi maganda ang sinabi mo" "Buti alam mo" Bulong ko at sinubukan kong muling buksan ang pinto ng kotse pero naka-lock talaga. Sa inis ko ay hinampas ko nalang ang pinto. "Palabasin mo nga ako rito!" "Zaera, where is my son?" Batid ko ang pagka-seryoso sa tinig nito. Natigilan ako at nagsimula na naman akong lukubin ng pangamba at takot. Hindi ko alam ang kung ano ang isasagot ko. Binalingan ko ito ng tingin. I gave him my most sincere stare. "Bakit ko sasabihin sa 'yo?" "Because I am his father!" Medyo napataas ang tinig nito kaya napakislot ako. Napakuyom ang kamao ko. Napahugot ako ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili ko. "Since when, Zerron? Kailan ka naging ama sa anak 'ko'?" Ipinagdiinan ko ang salitang 'ko' sa huli. Napatiim-bagang ito. Wow. So, siya pa ang galit ngayon? "Ipinagkait mo 'yon sa 'kin, Zaera! Ipinagkait mo ang maging ama sa anak natin!" Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Ibinuhos ko doon lahat ng galit, hinanakit, lungkot at sakit na idinulot niya sa 'kin. Napabaling ang mukha nito sa kabila. Sunod-sunod na nagsituluan ang mga luha ko habang nakatitig sa kanya. "A-Anak 'natin'?" May pang-uuyam na tanong ko sa kanya. "Anak 'ko'!" Sigaw ko at tinuro ko pa ang sarili ko. "Zian is not your child, Zerron! Anak ko lang siya dahil wala kang kuwentang ama sa kanya! At hindi ko siya ipinagkait sa 'yo! Inilayo ko lang siya sa taong kagaya mo!" Sigaw kong muli habang ang mga luha ko ay tuloy lang sa pagpatak. Sinabi ko noon na hindi na ako iiyak. H-Hinding-hindi na ako iiyak ng dahil sa kanya pero h-hindi ko parin pala kayang pigilan ang sarili ko lalong-lalo na at kaharap ko siya ngayon. Tumingin ito sa 'kin. Pinunasan ko ang pisngi ko. Gusto kong isumbat lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa kanya at lahat-lahat ng ginawa niya sa 'kin noon pero wala na rin naman iyong silbi dahil hindi na nito mababago pa ang nakaraan. "Tayong dalawa ang gumawa no'n, Zaera. Tayong dalawa ang bumuo sa kanya kaya may karapatan ako sa kanya" Seryoso at mahinahon nitong sabi sa 'kin. Natawa ako at napiling. "Tayong dalawa ang gumawa pero ako ang bumuhay sa kanya" Sagot ko at napabuntong hininga. Hindi ito sumagot. "Nagpapasalamat ako at narinig ko ang pag-uusap ninyo ng araw na 'yon dahil kung hindi, malamang namatay na ako sa sobrang sama ng loob, galit at kalungkutan, Zerron" Tumulo na naman ang luha ko pero mabilis ko itong pinalis. "Pinagsisihan ko na pinili kita kaysa sa mga magulang ko. Ikaw ang pinakamaling desisyong ginawa ko sa buong buhay ko at hinding-hindi na 'yon maaalis sa madilim na nakaraan ko" Puno ng hinanakit kong turan. "Zaera" Tawag nito sa pangalan ko. Tinitigan ko ito. Sinalubong nito ang tingin ko. Nakikita ko ang pagkibot ng labi nito na tila may nais sabihin ngunit pinipigilan niya lang ang sarili niya. "You have Heiress already and I know that you're both happy" Napalunok ako at ako ang umiwas ng tingin. Ewan ko ba pero habang sinasabi ko 'yon ay parang may bumabara sa lalamunan ko. "Anak ko nalang ang natitira sa 'kin dahil ang taong akala ko noon ay akin hindi parin pala" Dagdag ko saka ako sumandal sa upuan. Pinunasan ko ang pisngi ko. Gusto ko na talagang umalis. Malapit na talaga akong mag-breakdown. "Kung may balak ka paring bawiin ang anak ko, Zerron. Dadaan ka muna sa 'kin. Ipaglalaban ko siya kahit magkapatayan pa tayong dalawa at tatandaan mo 'to, hinding-hindi mo siya mahahawakan ni hibla man ng buhok niya" Dagdag ko saka ako humarap sa may bintana ng sasakyan upang itago ang mukha ko. Umagos na naman ang luha sa mga mata ko. Pest*ng luha naman oh bakit ba hindi ito maubos-ubos? Dapat hindi ako umiiyak ngayon dahil nangako na ako sa sarili ko. Pinunasan ko ulit ang pisngi ko pero walang silbi, nagsisituluan pa rin sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD