KABANATA 5

1349 Words
Zaera's Point of View "Zae! Oh my gosh! Mas lalo kang gumanda!" Sinalubong ako ng yakap ni Lovern ng makita niya ako. Niyakap ko ito ng mahigpit. "Grabe. Parang hindi tayo laging nagv-video call?" Natatawang bigkas ko pagkatapos kong humiwalay ng yakap sa kanya. "Syempre, iba pa rin kapag personal na tayong nagkikita" Sagot nito. "Asa'n pala si Zian? Excited na akong makita 'yon, gustong-gusto ko pa namang pisilin 'yong pisngi non" "Sandali lang. Nakatulog eh" Bumalik ako sa sasakyan at binuksan ang backseat. Binuhat ko si Zian na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Napagod siguro sa biyahe. "Woah. Ang laki na niya. Noong kailan lang baby pa 'to eh" Puna niya. "Ako na ang bubuhat sa kanya. Alam kong pagod ka rin" Kinuha niya naman sa bisig ko si Zian. "Manang? pakitulungan naman po si Zae sa mga luggage niya. Salamat po" Utos ni Lovern kay Manang Eli. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Inilibot ko 'yong paningin ko sa buong bahay. May kaunting pagbabago pero ganun parin naman ito. "So, how about the Everlasting? Sino muna ang iniwan mo para magmanage no'n?" She ask me while we are heading upstairs. "Si Hather 'yong naiwan do'n. Gusto pa nga sana niya akong samahan pagbalik dito kaya lang pinaasikaso ko muna 'yon sa kanya" Mayroon kasi akong business doon sa Spain. Everlasting is an industry of perfumes. Well, sikat 'yung everlasting sa iba't-ibang bansa especially dito sa pilipinas. There are lots of requests for me before coming from different C.E.O's here in the philippines but I always ignored their offers. Alam niyo na kung ano ang reason. Pero ngayon, hindi ko na naiwasan pang mapadpad ulit dito. "Sus. Kayo ha?" May ngiting nanunukso na nakaguhit sa labi nito kaya kinunutan ko siya ng noo. "Anong 'kayo ha?'" Pangggagaya ko sa boses nito. Tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng kuwarto. Ibinaba nito si Zian sa kama. "Nothing. I'm just being curious about you and Kuya" Umupo ako sa kama saka kinumutan si Zian. Hinalikan ko ang noo nito. "We're friends, Love. Wala kang dapat ika-curious" Natatawang sagot ko. Sumeryoso naman ang mukha nito. "But let me ask you something, Zae" Napabaling ang tingin ko sa kanya. Waiting for her question. "Kamusta ang puso?" Kamusta nga ba ang puso ko? Matagal akong hindi nakasagot at tanging pagtitig lang sa kanya ang ginawa ko. "Masaya na ako, Love" Nakangiting sagot ko saka ako tumayo at lumapit sa bintana at pinagmasdan ang buong paligid. "Hindi ako nagtatanong kung masaya ka ba. Ang tanong ko kung kamusta 'yong puso mo" Nilingon ko naman siya. Seryoso ko itong tiningnan. "If you're asking about my feelings for Zero, wala na 'yon. We're both happy. May Heiress na siya at ako meron naman akong Zian" Ngumiti naman ito. "Okay" Pagsang-ayon niya. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niya na makipagtalo sa 'kin. "How about Tita Dionne? Kailan mo siya dadalawin?" Sumagi naman sa isipan ko ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pinas. Matagal kong pinag-isipan ang naging desisyon kong ito. And I choose to come back. Ayokong dalhin si Zian pero ayoko namang mahiwalay sa anak ko. Hindi ko rin alam kung paano ko sila ia-approach after everything. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila lalong-lalo na kay Mama. "Bukas ko siya dadalawin sa hospital" Payak na sagot ko. "Do you want me to accompany you?" Umiling naman ako. "Hindi na, gusto kong bantayan mo si Zian. Ayokong dalhin siya dahil baka mag-krus ang landas namin ni Zero. Alam kong alam na nito ang nangyari tungkol kay Mama" "And do you think pupuntahan niya si Tita?" "I don't know. But I'm just being advanced. Hindi ko hawak ang daloy ng pagkakataon. May posibilidad na mangyari iyon" Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng paglakas ng kabog ng dibdib ko. Iniisip ko palang na mangyayari 'yon ay nate-tense na ako. "So, are you ready to face him?" _________ KINABUKASAN Zaera's Point of View Nakaupo lang ako sa kama at pinagmamasdan si Zian na tulog pa rin. Actually, kanina pa talaga ako gising at nakapag-ayos na rin dahil ngayon ang araw na dadalawin ko si Mama. "¿Mamá?" Napabaling ako ng tingin kay Zian ng tawagin ako nito. Gising na ang prinsipe ko. "estoy aquí, Zi" Translation: I'm here, Zi Umupo ito sa kama at kinusot-kusot pa ang mga mata niya. Napatitig ito sa 'kin. "Are you going somewhere, Mama?" "I have need to meet someone, nak" Nakangiting sabi ko at pinisil ang pisngi niya. He pouted. "¿Puedo ir contigo, mamá? ¿Por favor?" Translation: Can I go with you, Mama? Please? "I'm sorry, Zi. You can't go with Mama" Nakita ko naman ang mas lalong pagnguso nito. Niyakap ko nalang siya at hinalikan sa noo. "But I promise. I'll be quick" Nagliwanag naman ang mukha nito at tumango. Hinalikan niya naman ako sa pisngi. Ito talaga ang pinakagusto ko kay Zian. Hindi niya ipinipilit ang gusto niya. Nakarinig naman ako ng katok. Bumaling ako roon at nakita ko na nakasilip si Lovern. "Aalis ka na, Zae?" "Oo. Ikaw muna ang bahala kay Zian" Tumango naman ito at tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto. Hinawakan ko naman ang magkabilang balikat ni Zian at pinaharap ito sa 'kin. "I'll go ahead, Zi. Be kind to Tita" "Si, mamá" Masigla nitong sabi at sunod-sunod pang tumango. Hinalikan ko ulit ang pisngi nito. Tumayo ako. "Kamukha niya talaga si Zero" Biglang sabi ni Lovern kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Kinabahan ako bigla. Mabuti nalang at hindi masyadong nakakaintindi ng tagalog si Zian dahil English at Spanish lang ang kinagisnan nitong lenguwahe. "Lovern" Puna ko. Tinakpan niya naman ang bibig niya at nag-peace sign. She mouthed sorry. I heave a deep sigh. "Sige, alis na ako. Huwag mong ilalabas 'yang si Zi" Paalala ko. Tumango naman siya. "Ito nga pala ang susi ng sasakyan" Tinanggap ko naman ito. "Alis na ako. Bye, nak. Love you" Nakangiting paalam ko kay Zian. "Love you too, Mamá" "Ingat ka, Zae" Tumango nalang ako sa sinabi ni Lovern. Kaagad na akong lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Napabuntong hininga ako upang pakalmahin ang sarili ko. Aaminin ko na miss na miss ko na sila. Ewan ko lang kung napatawad na ba nila ako sa ginawa ko noon. Third Person's Point of View "Are you going somewhere?" "Yeah" "Hospital?" Tanging tango ang isinagot ni Zerron sa kanya. "I thought, you're not going to see her mother?" "Dadaan lang ako" Nilingon naman si Zero ang pinsan niya na may nakaguhit na ngisi sa labi. Hindi niya na lamang ito pinansin. Napatingin ito sa salamin at pinagmasdan ang suot niya. Hindi niya rin naman alam kung bakit pa siya nag-aabalang bisitahin ito sa ospital gayong wala na rin naman sila ni Zaera at isa pa, hindi naman sila ganun ka-close ng pamilya nito. "Okay, if you said so. Sige, ingat ka" Tumango lang siya bilang sagot sa pinsan niya. Pagkatapos nitong ayusin ang sarili ay kaagad na itong umalis. After twenty minutes ay nakarating na ito sa hospital. Ipinark nito ang sasakyan sa parking space ng hospital. Lumabas ito at tinungo ang administration area para magtanong sa receptionist. "Excuse me" "Yes, Sir?" "Where is the room of Dionne Maldiviano?" "Kaano-ano po kayo ng pasyente?" "I'm her........s-son-in-law" Wala na itong maisip na maisagot sa receptionist kaya't iyon ang lumabas sa bibig niya. Napamura na lamang siya sa kanyang isipan. "Room 301, Sir" Tumango lang ito. Hindi pa man ito nakakalayo ay narinig na nito ang usapan ng dalawang nurse. "Siguro siya 'yung asawa nang babaeng pumunta dito kani-kanina lang" "Pero bakit kaya hindi sila sabay na nagpunta?" "Baka kapatid ng babaeng 'yon yong asawa ni Sir" Hindi ito nakatakas sa pandinig niya. Hindi nito maintindihan pero biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Walang ibang anak na babae si Dionne Maldiviano. Isa lang ang pumasok sa isipan niya. 'Zaera' Bumilis ang bawat hakbang nito hanggang sa naging takbo na ito. Kung totoo man na nandito na nga si Zaera. Hindi niya palalampasin ang araw na 'to na makita at makausap ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD