KABANATA 4

575 Words
Zaera's Point of View Hinatid kami ni Hather pauwi ng bahay. Hanggang ngayon hindi ako mapakali dahil sa nabalitaan ko. I ask Lovern to look for my mother while I'm still thinking for my decision. Tinatantiya ko pa ang magiging kahihinatnan ng desisyon ko. Ayokong magpadalos-dalos. "I'm sure your mom will get through it. She'll be okay" Hinawakan nito ang kamay ko upang pagaanin kahit papaano ang pakiramdam ko. Tumango naman ako. Gustuhin ko mang isipin na magiging maayos si Mama pero hindi parin napapanatag ang kalooban ko. Ayoko ng magpakita sa kanila pero hindi naman puwedeng hindi ko makita ang ina ko. Ayokong magsisi sa huli. "Anong desisyon mo?" "Hindi ko alam" Payak na sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko. Napalingon ako sa backseat kung saan nandoon si Zian at mahimbing na natutulog. Hindi ako puwedeng bumalik sa pilipinas pero hindi ko naman puwedeng hindi puntahan ang ina ko. Tinapik niya naman ang balikat ko. "Kung ano man ang magiging desisyon mo nandito lang ako sasamahan kita" ______ Third Person's Point of View "Narinig mo ba ang balita?" "News about what?" "Dude. Saan ba lumilipad 'yang utak mo?" "I'm not in the mood para makipagbiruan sa 'yo, Ephraim" Wala talaga sa mood si Zero matapos ang sinabi ng Lolo niya sa kanya noong isang araw. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. "Chill. I heard that Dionne Maldiviano is in the hospital. Sa pagkakaalam ko inatake ito sa puso" Kaagad namang napatunghay si Zero matapos itong marinig. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito dahil kilalang-kilala niya ito. Dionne Maldiviano is the mother of Zaera Everest Maldiviano. Ang babaeng ina ng anak niya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita. "So, how is she?" Hindi na rin naman niya maiwasang mag-alala sa kalagayn nito. "Wala pa rin namang update kung kamusta na siya" Napasandal naman si Zero sa recliner. Gusto niyang kamustahin ito pero sa kabila nito nagtatalo ang isipan niya. Ayaw nitong magpakita sa pamilya ni Zaera. "Pero sa tingin mo ba, babalik si Zaera kapag nabalitaan niya ito?" Mabilis na napabaling ng tingin si Zero sa pinsan niya. Nakuha nito ang atensiyon niya. Hindi imposibleng puntahan ni Zaera ang ina nito pero hindi parin siya sigurado dahil alam niya kung ano ang nangyari five years ago. Napabuntong hininga siya. "I don't know" Matamlay nitong sagot. Siya ang may kasalanan kung bakit hindi magkasundo si Zaera at ang mga magulang nito. Alam niya sa sarili niya na siya ang dahilan sa mga nangyari. Habang napapaisip siya ay hindi niya rin naman maiwasang makonsensiya. Zaera choose him over her family but he choose to hurt her. "Pero kung sakaling bumalik si Zaera, kukunin mo pa rin ba ang anak ninyo?" Natigilan siya sa tanong ng pinsan niya. Kung noon ang isasagot nito ay oo na walang paligoy-ligoy pero ngayon hindi niya alam kung bakit hindi siya kaagad makasagot. Someone's POV "Nahanap mo na ba siya?" Tanong ko sa kanya. Nakatanaw ako sa papalubog na araw. Ang ganda nitong tingnan lalo na ang repleksiyon nito sa tubig. "Oo, Boss" "Good. Manmanan mo lang siya at sabihin mo sa 'kin kung may kahina-hinala kang makikita" "Opo, Boss. Wala na ba akong ibang gagawin?" "Just wait for my order. Makakaalis ka na" Nang makaalis ito ay napabuntong hininga ako bago ako lumapit sa gilid ng yacht. Zerron Gustave Del Fierro. Paano ba 'yan, naunahan kitang mahanap siya. Napangisi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD