KABANATA 3

1404 Words
Five Years Later.... Third Person's POV It's been five years since Zaera left. Maraming nagbago lalong-lalo na sa buhay ng mga taong iniwan niya. Ang mga magulang nito ay hindi matanggap ang pagkawala ng anak nila, tumulong sila sa paghahanap pero wala paring nangyari. Kusa nalang silang sumuko at tinanggap ang naging desisyon ng anak nila. Mas kapansin-pansin rin ang malaking pagbabagong naganap sa buhay ni Zero. Naging opisyal ang relasyon nila ni Heiress pero hindi ito matanggap ng kapatid niya lalong-lalo na ang kanyang Lolo na si Don Fugere. Simula pa naman noon ay si Zaera na ang gusto nito sa apo. Masaya si Zero pero hindi ganun kasaya, napapansin nitong may kulang sa buhay niya. Siguro ay dahil gusto parin nitong makuha ang anak niya o pati na rin ang ina ng anak niya? Pero ika nga nila, huli na ang lahat. "Lolo, Heiress is here. She wanted to greet you personally" Wika ni Zero habang naka-abre siete sa kanya si Heiress. Makikita ang pagiging sopistikada at elegante nito sa suot niyang pulang night gown. Kaagad na lumapit si Heiress kay Don Fugere upang makipagbeso rito pero mabilis na umiwas ang matanda. Pilit na lamang siyang ngumiti. "Happy Birthday po, Lolo" Tanging tango lang ang isinukli nito sa kanya. "Apo, Aether. Ihatid mo na ako sa kuwarto ko nais ko ng magpahinga" Utos nito sa nakakabatang kapatid ni Zero. Napatingin si Aether kina Zero at Heiress na halata ang pagkapahiya sa mukha nito. "Aether, nakikinig ka ba sa 'kin? Ihatid mo na ako sa kuwarto ko. Nawalan na ako ng gana" Nayayamot na wika ni Don Fugere. "O-Opo, Lolo" Mabilis namang tumalima si Aether. Itutulak na sana nito ang wheelchair ng lolo niya ng pigilan siya ni Zero. "Ako na ang bahala kay Lolo" Hihindi sana si Aether pero sinenyasan na siya ng mga magulang niya. Wala itong nagawa kung hindi sundin ang sinabi ng kuya niya. Naiwan si Heiress kasama ang iilang mga bisita na mga relatives at kaibigan lang nila pati ang mga magulang at kapatid ni Zero. "Papasok na rin po ako sa loob" Walang ganang paalam ni Aether. "Aether, hindi mo manlang ba muna sasamahan si Heiress?" Tanong ng Mama nito. Bumaling ito ng tingin kay Heiress at tumaas ang kilay nito. "I have my priorities po, Mama. Excuse me, I have to go" Paalam nito at plastic na ngumiti bago iniwan sila roon. Mapapansin naman ang pagkuyom ng kamao ni Heiress habang nakatingin sa kapatid ni Zero. Naiinis ito sa pinapakita nito lalong-lalo na ang pinapakita ni Don Fugere sa kanya. Samantala.... "Bakit ikaw ang naghatid sa akin rito? Nasaan si Aether?" Tanong ni Don Fugere kay Zero. "Bakit hindi niyo parin matanggap si Heiress hanggang ngayon, Lolo?" Deritsahang tanong nito. Hindi sumagot si Don Fugere at binuksan lamang ang pintuan ng kuwarto niya. "Heiress is a good woman, Lolo. Why don't you give her a chance? Bakit hindi niyo parin siya nagugustuhan para sa 'kin?" Zero ask once again. "Because she is not Zaera" Simpleng sagot nito. Zero frustratedly comb his hair using his fingers. Hindi nito maintindihan kung bakit si Zaera parin ang hinahanap nito. "Zaera again? Zaera already left, Lolo. Inilayo pa nito ang anak koㅡang apo ninyo pero bakit hanggang ngayon siya parin ang hinahanap ninyo? Can't you see she's not a good wom---" "It's because of your fault, Zerron! Akala mo hindi ko malalaman ang ginawa mo sa kanya at ang plano mong ilayo ang apo ko sa kanya? Anong klase kang ama?Mabuti nga at lumayo siya sa 'yo dahil wala kang kuwentang lalaki para sa kanya. She deserve someone else. She deserve someone who could love and take responsibility of her" Napipilan si Zero ng marinig ito mula sa Lolo niya. Ang tanging nagawa lamang nito ay ang ikuyom ang mga palad niya. Nasaktan siya sa mga narinig niya. May kung anong bumara sa lalamunan nito dahil sa katagang binitawan ng Lolo niya. Sa bagay na ito ay ang pinsan at ang lolo niya lamang ang nakakaalam sa tunay na nangyari liamng taon na ang nakakaraan. "But it was five years ago already, Lolo. Just accept Heiress" "Kahit ilang ulit mo pa sa aking ipagpilitan na tanggapin ko ang babae mo, hinding-hindi iyon mangyayari" "Lolo! Hindi lang siya simpleng babae ko, girlfriend ko po siya at magiging asawa ko rin at magiging ina ng mga magiging anak ko!" Hindi nito mapigilang magtaas ng boses sa Lolo niya. Tumawa lamang ang Lolo niya sa sinabi nito. "Sabihin mo 'yan kung pinanindigan mo ang pagiging nobyo at asawa kay Zaera at pagiging ama sa anak niya" Pinindot na nito ang controller ng wheelchair niya saka siya tumungo papasok sa kanyang silid. Napakuyom ang kamao nito. Hindi na niya magawang makasagot dahil alam niyang may punto ang kanyang Lolo. "At sinasabi ko sa iyo, Zerron. Wala kang makukuha ni katiting na pagmamay-aring mayroon ako hangga't hindi ko nakikita si Zaera at ang apo ko. Tandaan mo 'yan" Sa huling sinabi ng Lolo niya ay doon mas tumindi ang inis at galit nito. Nang tuluyang makapasok si Don Fugere sa kuwarto nito ay nasuntok niya ang pader upang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya. ________ Zaera's Point of View Ang bilis ng panahon. Napakaraming nagbago sa buhay ko sa loob ng limang taon. Masasabi kong masaya na ako lalong-lalo na at kasama ko ang anak ko. Isang katok ang narinig ko mula sa pinto kaya't napatingin ako roon. Kaagad akong napangiti ng makita ang mukha niya na nakasilip sa siwang ng pinto. "Hi, Mama" Itinaas nito ang maliit niyang kamay at ikinaway sa 'kin. Mas lalo tuloy lumiit ang mga mata nito dahil sa pagngiti niya. Umalis ako mula sa pagkakaupo at nag-squat saka itinaas ang dalawang kamay ko. I signaled him to come with me. "Come here, nak" Bumukas ang pinto at tuluyan na siyang pumasok sa loob saka patakbong tumungo sa 'kin. Nag-alala pa ako at baka mapatid ito sa sarili niyang paa kaya sinalubong ko nalang ito ng yakap. "I miss you, Mama" "Awww...I miss you too, nak. Who's with you?" Malambing kong tanong sa kanya. "I'm with Dada" Tinuro nito ang direksiyon kung saan ang pinto. Napatingin ako roon at nakita ko si Hather na nakasandal sa may pintuan habang ang mga kamay ay nakapasok sa kanyang pantalon. Nakaguhit ang ngiti sa labi nito. Nginitian ko naman siya. Zianrill used to call Hather Dada although he already know that he is not his real dad. Close ito kay Hather dahil siya lagi ang nakakasama nito kapag nasa trabaho ako. Zianrill is already four years old, he's a smart kid. Ayoko mang aminin pero nakuha nito ang talino niya kay Zero lalong-lalo sa usapang Math na talagang mahina ako. Hindi ko rin maiwasang magtampo minsan dahil kahalusan ng physical features ni Zero nakuha niya mula sa ilong, kilay, labi at hugis ng mukha samantala ang nakuha niya lang sa 'kin ay ang kulay ng mata. "Ang cute niyong dalawa" Napabaling ako kay Hather ng punain niya kami. Lumapit ito sa amin. "Did you hear it, nak? Your Dada said that we're cute together" "Well, he's not good at lying Mama" Natawa nalang ako sa sagot nito. Pinisil naman ni Hather ang ilong niya. Ibinaba ko naman siya at tumakbo ito sa may sofa. "How's work?" "Medyo stress pero nandito na si Zian kaya okay na ako" Sagot ko at napangiti. Matagal itong hindi umimik kaya napatingin ako sa kanya. "Do you have any plan on telling him?" Natigilan naman ako sa sinabi niya. Kahit hindi ako magtanong ay alam ko kung ano ang tinutukoy niya. "Wala akong planong sabihin sa kanya at hindi ko sasabihin kung sino ang ama niya" Desididong sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Well, if that is your decision. But what if hanapin niya ang ama niya anong isasagot mo?" Hindi kaagad ako nakasagot. Paano nga ba kapag hinanap niya si Zero sa 'kin? "Iisipin ko nalang 'yan kapag dumating na ang araw na 'yon" Siya naman ang hindi nagsalita. Bumaling ang atensiyon ko sa cellphone ko ng tumunog ito. Nang makita kong si Lovern ito ay kaagad ko namang sinagot. "Oh, Love. Bakit?" [Z-Zae, ang mama mo.... Ang Mama mo sinugod sa hospital. H-Heart attack] Nabitawan ko ang cellphone ko at kasunod noon ang pagtulo ng luha ko. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang malakas na kabog ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD