KABANATA 2

656 Words
Third Person's Point of View "D*mn it!" Mababatid ang galit at inis sa boses nito. Balisa na rin itong pabalik-balik ang lakad sa loob ng kaniyang silid at panay ang tingin sa cellphone niya. Simula kasing malaman nito na naglayas ang Señorita ay hindi na ito mapalagay. Makailang ulit na niyang tinatawagan ang numero nito pero hindi na ito makontak. Hindi niya alam kung anong dahilan at bakit ito naglayas. "Zero, may problema tayo" Humahangos na dumating ang isang binata. Makikita ang pangamba sa mukha nito. Mabilis nitong iniabot ang tablet kay Zero. Gumuhit ang galit at inis sa mukha ni Zero kasabay ng pagtapon niya ng Tablet sa sahig dahilan ng pagtilapon ng iba't-ibang parte nito sa sulok ng silid. Nakita niya mismo sa CCTV na nakikinig ito sa usapan nila ng pinsan niya. "FIND HER! HUWAG KAYONG BABALIK DITO HANGGA'T HINDI NIYO SIYA NAHAHANAP!" Dumagundong ang boses nito sa buong Mansion. Nagmadaling umalis ang lalaki na kinakabahan dahil sa galit ni Zero. Naiwan si Zero na hindi mapakali at makailang mura na ang kanyang sinambit. Naihilamos nito ang kanyang kamay sa buong mukha niya. Kailangan niyang mahanap ang mag-ina niya dahil lubhang napakadelikado ng sitwasyon nito at bukod pa roon, kailangan niyang makuha ang anak niya. _______ Zaera's Point of View "Maayos na lahat, Zae. I already contacted Hather about your arrival. Siya mismo ang susundo sa iyo sa airport" "Thank you, Love" Nakangiting saad ko at niyakap siya. "Syempre para sa 'yo. Mag-ingat ka do'n. Don't worry, hinding-hindi malalaman ni Zero kung saan ka" She assured me. Tumango naman ako. Tinulungan niya akong asikasuhin lahat ng kailangan ko. Tinulungan rin ako ng Kuya niya para hanapan ako ng matitirhan sa Spain. Nakilala ko na rin naman si Hather noong minsang bumisita ito sa Pinas pero isang beses lang naman 'yon. "Hindi ka ba muna magpapaalam sa mga magulang mo?" Napatigil naman ako saglit saka umiling. Inilagay ko sa compartment ng kotse niya ang mga luggage. Gustuhin ko man pero hindi pwede. Ayokong malaman nila ang nangyari sa 'kin dahil paniguradong lalala lang ang sitwasyon. And there is a possibility na mahahanap ako ni Zero. "Hindi na nila kailangan pang malaman, Love. Paniguradong mas lalala lang ang sitwasiyon kapag nagkataon. Mas mabuting aalis nalang ako na hindi nagpapaalam sa kanila" "Okay. Kung 'yan ang desisyon mo" Pagsang-ayon nito sa desisyon ko. Sumakay na ako sa kotse niya at siya na mismo ang nagmaneho papunta sa airport. Napahawak ako sa tiyan ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Napabuntong hininga ako saka pilit na pinapatatag ang kalooban ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin doon dahil wala ito sa plano ko. Pero gagawin ko ang lahat para buhayin ang anak ko kahit ako lang mag-isa. Mas gugustuhin ko pang mawalan siya ng ama kaysa mawala siya sa 'kin at mapunta siya sa pangangalaga ng babae niya. Sunod-sunod na nagsituluan ang luha ko. Kahit pa man galit ako sa kanya hindi parin maiaalis ang pagmamahal ko sa kanya dito sa puso ko. Ganun naman talaga diba kapag mahal mo, hindi mo kaagad makakalimutan kahit pa man gaano kalaki ang kasalanan niya sa 'yo at kahit gaano pa kasakit ang idinulot niya sa puso mo. "Zae, umiiyak ka na naman. Huwag mo ngang iyakan 'yong lalaking 'yon" Puna ni Lovern sa tabi ko kaya mabilis kong pinunasan ang pisngi ko. "Alam kong mahal mo siya at hindi naman iyon agad mawawala pero please lang, huwag ka ng umiyak ng dahil sa kanya. He doesn't deserve your tears. Maging malakas at matatag ka para sa anak mo" Saglit niya akong tiningnan at hinawakan niya rin ako sa kamay upang pagaanin ang pakiramdam ko. Tumango ako at ngumiti. "Thank you" Ngumiti naman ito saka nagmaneho na ulit. Inayos ko ang sarili ko. Ito na ang huling beses na iiyakan ko siya at iiwan ko lahat ng luha ko sa bansang ito. Ipinapangako ko 'yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD