Zaera's Point of View
Kasalukuyan akong lulan ng sinakyan kong taxi na saktong dumaan pagkalabas ko ng Mansion. Simula kanina ay iyak lang ako ng iyak. Wala na akong pakialam kung ano ang isipin ng driver sa itsura ko ngayon dahil mas nangingibabaw sa akin ngayon ang lungkot, sakit at galit.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Hindi ako puwedeng umuwi dahil may kasalanan ako sa kanila. Mas pinili ko kasing sumama sa taong akala ko mamahalin ako ng buo at walang ibang motibo sa 'kin.
Pero nagkamali ako ng desisyon at ngayon ay huli na para magsisi pa. Napahawak ako sa tiyan ko na medyo may umbok na. Ikaw nalang ang natitira sa 'kin anak, walang-wala na ako ikaw nalang.
Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko na kinuha ito mula sa bulsa ng denim dress ko. Nang makita ko ang caller ay mas domoble ang sakit sa puso na nararamdaman ko.
Magsama kayo ng walanghiyang Heiress na 'yon! Mabuti nalang at bukas ang bintana ng taxi kaya mabilis kong tinapon ang cellphone sa labas. Narinig ko pa ang pagkabasag nito.
Pinigil ko ang sarili ko na umiyak. Iisipin ko nalang na isa itong masamang panaginip.
"Ma'am, saan po kayo bababa?"
Pinakalma ko muna ang sarili ko saka ko pinunasan ang pisngi ko. Isang tao na lang ang mapupuntahan ko ngayon.
"S-Sa Saavedra Subdivision po, M-Manong"
Tumango naman siya. Naging tahimik na ulit ang loob ng sasakyan. Pinilit ko ang sarili ko na huwag maiyak. Alam ko na makakasama sa 'kin ang masyadong stress. Ayoko namang mapahamak ang anak ko.
Sana ay nandoon si Lovern. Siya lang ang maaasahan ko sa ganitong sitwasiyon.
Nakarating ako sa Subdivision kung saan ang kaibigan ko. Nag-doorbell ako at kaagad rin namang bumukas ang main door at lumabas kaagad si Lovern.
"Zaera? Anong ginaga---Oh my Gosh! Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak?"
"L-Love...." Wala akong ibang binanggit kundi ang pangalan niya at mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. Niyakap niya rin ako. Umiyak ulit ako sa mga bisig niya.
_______
Nakaupo ako ngayon sa kama niya habang bitbit ang isang basong tubig. Tumigil na rin ako sa kakaiyak.
"Ano ba kasi talaga ang nangyari, Zae?"
Nanunubig na naman 'yong mga mata ko ng maalala ang narinig kong pag-uusap nila sa Mansion. Kinuwento ko sa kanya ang lahat, simula umpisa hanggang sa kung paano ako nakarating dito.
"Aba'y gago pala 'yon! Anong karapatan niya para lokohin ka, Zae?! Ang kapal ng mukha niya na kunin ang bata sa 'yo tapos magsasama sila ng walanghiyang Heiress na 'yon?! Makikita niya talaga sa 'kin! Bwisit na 'yon!"
Tumayo ito at may balak pa yatang sugurin si Zero.
Kaagad ko naman siyang hinawakan sa braso.
"Love, h-huwag na"
"Hindi 'yon pwede, Zae! Mapapatay ko talaga ang hay*p na 'yon!"
"Love, ang kailangan ko nalang ngayon ay tulong" Pagmamakaawa ko.
Napabuntong hininga naman siya saka umupo sa tabi ko. Tinapik nito ang balikat ko.
"Anong tulong ang kailangan mo?"
Napayuko ako at napahugot ng malalim na hininga. Pinigilan ko ang luha ko na pumatak.
"Tulungan mo akong lumayo dito. Tulungan mo akong mailayo ang anak ko kay Zero"