Nagmumuni muni siAliyah habang pinagmasdan ang asul na karagatan. Dito na sya namalagi sa isang private resort sa Cebu na pag aari ng kanyang kaibigan.
Matapos kasing malaman nya na nagdadalang tao sya ay lumipad agad sya pabalik sa Pilipinas ngunit hindi muna sya nagpakita sa binata bagkus ay nagtago pa sya kaya sya napadpad sa Cebu. Naalala pa nya ang naging reaksyon ng magulang nya nang malaman nilang buntis sya ngunit hindi nya ipinaalam kung sino ang amang batang dinadala nya.
Dalawang linggo na syang namamalagi sa bahay ng parents nya. Nitong nakaraan linggo ay palagi nalang syang nagsusuka at laging hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Nag-alala naman ang mommy nya at nagdududa na itong buntis sya.
Isang umaga nadatnan sya ng kanyang ina na nagsususuka na naman sa banyo.
"Baby are you okay? Is there something wrong?"
"It's nothing mom." Sagot naman nya ngunit hindi pa rin mawala ang pagdududa sa mukha nito.
"We have to buy a pregnancy test. I had a conclusion that you're pregnant Aliyah." Seryoso ang mukha ng kanyang ina habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Why would I need that? I'm not pregnant." Todo tanggi sya ngunit nasa isang bahagi nya ang sumang-ayon sa ina. Baka nga sigurong buntis sya.
"We're not 100% sure that you're not pregnant so we'll buy a pt right now. And I'm excited to be a grandmother baby so don't be a kill joy." Her mom giggled like a teenager.
Her father is busy to their company so it's just her and her mom. Dali-dali sya nitong pinagbihis at pumunta na sila sa pinakamalapit na pharmacy.
She's nervous at the same time is excited. She's nervous of what would her father's reaction if she's really pregnant and excited to the fact that if it's positive then she would be a mother. It's her and Jake's angel.
After a couple of minutes. She got the result. Her hands was trembling after she knows the result.
The result was two lines so it means that positive she's really pregnant. Her mother can't wait to see the result so she barged in.
Nakatulala pa rin sya ng datnan sya ng ina.
"So was it positive?" Her mother excitedly asked.
Tango lang ang naging tugon nya at pinakita nito ang pt na ginamit nya. Hindi nya kayang magsalita. Halo-halo ang naramdaman nya at maraming what ifs ang naisip nya.
She decided to go back to the Philippines. She needs to go back. She don't know why but it feels like she needed to go back.
Napangiti sya sa naalala nya. Ayaw pa sana syang pabalikin dito ng kanyang magulang pero gustong gusto na nyang bumalik kaya no choice ang mga ito kundi ang payagan sya. Pero bago pa sya pinayagan ng sandamakmak na paalala ang baon sa kanya ng magulang.
Nasa malalim pa rin sya sa pag-iisip nang may bigla syang narinig sa may sala. Parang may nakapasok sa bahay na tinutuluyan nya.
Bigla syang nag-alala hindi sa kalagayan nya kundi sa anak nya. Pano kung may gawin itomg masama sa kanya? Hindi sya makakalaban dahil buntis sya.
Para syang natulos sa kanyang kinatatayuan nang nakita nya ang pumasok sa kabahayan.
"What are you doing here?" Yan angad ang naging tanong nya.
"Why? Masama bang sunduin ko ang bestfriend ko?" Tanong pabalik ng kaharap nya.
Bestfriend pa rin pala talaga ang tingin sa kanya ni Jake. Yes, si Jake lang naman ang taong akyat bahay.
"How did you find me Jake?"
"I have my ways Lee. Now let's go home together Lee." Pagsusumamo ng binata.
"I can't Jake. I'm sorry."
Naiiyak na sya at hindi nya alam kung bakit. Ganito talaga pagbuntis masyadong emosyonal.
"But why?" Naguguluhan na ang binata.
"I'm pregnant. At ayaw kong manging dahilan ng pagkasira ng buhay mo at ng relasyon nyong dalawa ni Yannah."
"What? Is that means I'm the father?" Mbabakas ang kasiyahan sa mukha ng binata. Walang pagdadalawang isip kung sa kanya ba talaga ito o hindi.
"Yes that's why I don't want to go back. I don't want to ruin your relationship with Yannah."
Kahit nasasaktan sya ay pinili nya pa ring magpakatatag para sa batang nasa sinapupunan nya.
"I don't care just go home with me. Gusto mo bang lumaki si baby ng walang ama?"
"But-
"Don't you trust me?" Hindi na pinatapos kung ano man ang kanyang sasabihin.
Umiling lang sya na para bang pipi. Napayuko sya. May isang bahagi sa kanya na gustong sumama dito upang may makaalalay sa kanya at mag alaga. Naisip nya rin na paano nalang si Yannah? Makikipagdate pa rin ba ang binata sa iba?
"If you're thinking about Yannah, don't worry I'm not seeing her anymore."
'Because I realized that I don't need anyone else except you. Because I love you.' Gusto nya sanang idagdag pero baka mabigla ang dalaga kaya hindi nalang nya itinuloy. Marami pa namang pagkakataon para masabi nya ang tunay na nararamdaman sa dalaga.
Inilahad nya ang kanang kamay sa dalaga. Nagdadalawang isip naman si Aliyah pero sa huli ay tinanggap nya ito at isa lang ang ibig sabihin nun. Yun ay sasama na sya sa binata pauwi.
Umaliwalas naman ang mukha ng binata. Hinalikan pa nito ang kamay nya bago sya inakay papalabas. Pagkalabas nila ay nabigla sya dahil nakita nya na kompleto ang barkada ni Jake na naghihintay sa kanila sa labas.
Renzo, Tyron, Rage, Blair and Blane was patiently waiting for them. Medyo nahiya sya kasi pinaghintay nya pa ito. She didn't know na ganun pala ka-supportive ang mga ito. Alam nya kasing busy sila sa kanya kanyang buhay kaya hindi nya akalain na maglalaan ito ng oras para lang samahan si Jake sa pagsundo sa kanya.
"Sa wakas lumabas na rin kayo. Akala namin ay gumawa pa kayo ng baby bago umalis sa lugar na to." Namula naman sya sa sinabi ni Renzo na nakaupo sa driver seat sa van kahit na wala namang katotohanan ang sinabi nito.
"Akala ko nga magpapalipas pa tayo ng gabi dito." Sabi naman ni Tyron na nasa passenger seat.
Nagtawanan naman ang tatlo at nakisali naman si Jake kaya mas lalo pa syang namula.
"Hindi na kailangan gumawa ng baby Renz may laman na e." Proud na proud si Jake na magiging tatay sya samantalang isa isa naman syang binati ng mga kaibigan ni Jake.
"Congrats Lee. Dapat ninong kami."
"Iba talaga basta sharpshooter. Though congrats pa rin."
"Congratulation."
"Pakainin nyo kami sa binyag a. Congrats."
Yan ang narinig nyang bati sa kanila. Natatawa pa nga sya sa mga pinagsasabi nito. Pagkatapos ng batian nila ay nilisan na nila ang lugar sapagkat may mga appointment pa ang mga kasama nya kinabukasan kaya kailangan nilang makaalis ng maaga.