Chapter6

1142 Words
Mag-iisang buwan na magmula nung sinundo sya ni Jake sa Cebu pero palagi pa rin nilang pinagbabangayan kung saan sya dapat matulog. She insisted na sa condo nalang nya pero ayaw naman ni Jake kaya lang sya naman ang nasunod. Syempre buntis sya kaya pinagbigyan sya ni Jake. Wala namang nagbago sa relasyon nila ni Jake at sa pakikitungo naman nito ay parang noong magbestfriend pa rin sila kaso mas maalaga na ito ngayon sa kanya. Lahat ata ng iutos nya sinusunod nito para hindi na sya mastress. Wala syang naging balita sa kung ano ang relasyon ni Jake at Yannah ngayon. Hindi na kasi sila nagkikita at saka palagi nalang syang nasa bahay. Actually silang dalawa ng binata ay nasa bahay lang. Kagaya ngayon na ipinagluto sya nito ng fried chicken. Gusto nya sanang magluto pero ayaw syang payagan ng binata. "Jake bago mo i-fry dapat i-deep mo muna sa ketchup ah." "Like seriously Lee? Pwede naman na pagkaluto mo nalang lagyan ng ketchup." Reklamo sa kanya ng binata. "E sa yung ang gusto ko paki mo ba. Bahala ka na nga dyan. Kainin mo yan mag-isa." Sabi nya sabay walk-out. Nakasimangot syang naglalakad papunta sa kanilang kwarto. Ganito sya lagi kapag hindi nasusunod ang kanyang gusto. She sat on the edge o the bed, her dack is facing the door. She's on the verge of crying when there's a strong hand hugging behind her back. "Lee sorry na. Niluto ko na yung chicken mo with ketchup." Paglalambing sa kanya ng binata kaya naman nagliwanag ang kanyang mukha sa kasiyahan. Hinarap nya ang binata at hinalikan bago tumakbo papuntang kusina. Natulala bigla si Jake ngunit agad namang nakabawi nung nakita syang tumabo. "Lee don't run baka mapano ka at si baby." Saway nya kay Lee pero tila wala itong narinig kaya naman napailing nalang ito at tumayo na upang sundan ang kanyang mahal na medyo may katigasan ang ulo. Hindi naman ganun kalakas ang takbo niya syempre nag-aalala parin sya kay baby at baka kamuhian sya ni Jake kapag may nangyaring masama dito. Pagdating ni Jake sa kusina ay nadatnan nyang maganang kumain si Aliyah. Sya na ang laging nagluluto ng kanilang ulam dahil ayaw naman kumain ni Lee kung hindi sya ang nagluto, kahit wala sya gaanong kaalaman ay pinag-aralan nya talagang magluto. Ayaw naman nyang magutom ang mag-ina nya. "Ang gana atang kumain ni baby ngayon?" Na-upo sya sa tapat ni Lee at pinanuod itong kumain. "Lagi naman." Yan lang ang naging sagot ni Lee at nilantakan ulit ang pagkain. Ilang sandali pa ay may biglang nagdoorbell. Tumayo na sya upang tignan kung sino ang nasa labas. Mukha namang walang balak alamin ni Lee kung sino man yun. Pagkabukas ni Jake ay tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng dalaga. "What brought you here Yan?" Tanong agad ni Jake. Wala syang balak papasukin si Yannah. Baka kasi iba ang isipin ni Lee kapag nakita pa nito ang dalaga. "Why? It's not my first time to come here anyway and I always love to be here." Sabi ni Yannah at bahagya pa syang tinulak para makadaan ito papasok. "What happened to your condo Jake. It's so girly. Is this the reason why you're not seeing me anymore? Don't tell me Jake that you're gay." Napailing nalang sya at hindi na pinatulan ang sinabi ng dalaga. Tuloy-tuloy itong pumasok hanggang sa sala kaya sinundan nya ito. Nagtaka naman sya kung bakit napahinto si Yannah. "Oh my! Aliyah? What are you doing here? And why are you wearing Jake's shirt?" Nagtatakang saad ng dalaga at nilapitan si Lee. Napatulala naman si Lee at parang kinakabahan. Naka-upo kasi ito sa sofa at nanunuod ng paborito nitong TV shows. Hindi naman halata ang tiyan nito lalo pa't shirt nya ang sinusuot nito. She always said that she loves his smell that's why she's wearing his shirt everyday. "Hey Lee don't be nervous. I'm just asking." Nakangiting saad ni Yannah ngunit matalim sya nitong tinitigan. Nakatalikod naman ito kay Jake kaya hindi makita ng lalaki na para syang papatayin sa uri ng titig nito. "Sa kwarto lang ako Jake. Mag-usap muna kayo." She excused herself bago tumayo at nilisan ang sala. Umupo naman si Yannah at tinabihan naman siya ni Jake. "Yan I'm sorry." Panimula ni Jake. "For what Jake." Naging seryoso naman si Yannah. Medyo nairita sya sa pagmumukha ni Aliyah. Simula pa naman talaga noong college ay ayaw na nya talaga sa dalaga. Lagi kasing inaagaw nito lahat ng atensyon ng taong malapit sya kanya. They used to be bestfriend until Aliyah met Jake na naging crush naman nya. She tried everything for Jake to notice her but nothing happened. Si Jake ang naging dahilan ng kanilang alitan. Nung time na ayaw nya na ay bigla namang nag-aya si Jake ng date kaya naman nagpakatanga sya ulit. Sinigurado nya na mamahalin sya ni Jake. Ngayon mukhang masisira na lahat ng plano nya. "Aliyah's pregnant and I'm the father." Nakayukong saad ni Jake. Nahihiya sya kasi parang pinapaasa nya lang si Yannah sa wala. "What? Diba ako naman ang gusto mo? Siguro nilandi ka nya at pinikut. Matagal naman na syang malandi. Nagfeeling anghel e marami naman nang mga lalaki ang nakatikim sa kanya." "Huwag mo syang pagsalitaan ng ganyan Yannah. Nirespeto kita kaya ko sinabi ang totoo pero kung pagsasalitaan mo ng ganyan ang mahal ko pasensya nalang talaga Yan." Nagalit si Jake sa narinig. Walang kahit na sino ang pwedeng manglait at manira kay Lee kahit na hindi pa ito totoo. "Totoo naman talaga yung sinabi ko Jake. E yung last boyfriend nga nya ang nakauna sa kanya. She's a slut. You're inlove with a low class." Sabi pa ni Yannah at inirapan pa sya nito. Hindi na nakapagtimpi si Jake kaya tumayo sya at kinaladkad palabas si Yannah. "Umalis ka na Yannah at huwag ka nang magpapakita kahit kailan." Binalibag nya ang pinto at pinuntahan si Aliyah sa kaniang kwarto. Nadatnan nya itong natutulog. 'She's sleeping like an angel. My very own angel.' Nakangiti nya naman itong tinabihan at kinalimutan ang galit na narandaman nya. Sumiksik naman ang kanyang katabi sa kanya kaya yinakap nya ito at tinitigan ang mukha ng maigi. Sa kabilang banda naman ay nagpupuyos ng galit si Yannah at parang baliw na hinahampas ng paulit-ulit ang kanyang manibela. Nasa parking lot pa rin sya ng building kung saan ang condo ni Jake. Hindi nya matanggap na inagaw na naman ni Aliyah sa kanya ang taong mahal nya. "Lahat-lahat nalang inaagaw mo. Mula sa ama hanggang sa taong pinakamamahal ko. Sisiguraduhin ko na di ka na tatagal sa mundong to at kapag nawala ka ay ako na ang pipiliin ni Jake." Umiiyak nyang saad pagkatapos ay bigla nalang tumawa sa nabuong plano sa kanyang utak. She can't wait to make it happen. She can't wait for Aliyah's death.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD