Pagdating ko sa restaurant ay wala pa si Henrico. Ito ang unang pagkakataon na naunang akong dumating sa meeting place namin. It's very unusual. Mas minabuti kong hintayin siya.
"Baka natraffic lang," sabi ko na lang sa aking sarili at sinundan ang crew sa restaurant.
Pagkaupo ko ay ngumiti muna ako sa crew bago nagsalita.
"I'll just wait for my companion to arrive. Saka kami mag oorder." Magalang na sabi ko na ikinangiti naman niya.
"Okay Ma'am. Just call me if you need anything." Yumukod ito bago umalis sa aking harapan.
Habang naghihintay ay Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napangiti. This restaurant always reminds me of everything we have now. Ito ang saksi ng pag iibigan namin ni Henrico. Actually, kilala na kami ng mga crew dito pero yung sumalubong sa akin ay baguhan lamang. Kapag sina Kuya Edgar ang sumalubong sa akin, malamang, kuwentuhan at kamustahan muna bago nila ako lubayan. Nagnilaynilay muna ako sa paligid.
Sinipat ko muli ang aking relo dahil wala pa din siya. Twenty minutes na itong late. Kaya napagpasyahan kong tawagan na lang ito.
First call pero ring lang nang ring hanggang sa mamatay ang tawag. I tried calling him again for several times pero wala pa ring sumasagot. Nag uumpisa na akong mag alala.
"Baka may tinatapos lang siya. Hindi naman masamang maghintay minsan, Lailanie. Para makabawi man lang ako sa paghihintay nito sa akin lagi." Nakangiting bulong ko sa aking sarili. Pinapagaan ko ang nag uumpisang pakiramdam sa aking dibdib.
"First time atang pinaghintay ka ni Henrico, Lanie." Napatingin ako sa nagsalita. It's Raven. Isa sa matatagal ng crew dito. Kilalang kilala na niya kami ni Henrico. Pati sina Kuya Edgar at Ate Stella. They became my friends too. Kaya madalas kaming nagpupunta dito dahil na rin sa kanila.
"Kaya nga, eh. Baka napa-overtime lang sa trabaho. He'll be here soon. Nalate nga lang." Tumawa ako ng mahina.
"Bumabawi daw sa ilang taon mong late lagi at pagpapahintay sa kanya." Tumawa din ito at umupo sa kaharap kong upuan. Maybe he's right after all.
Lumingon lingon pa ito sa paligid.
"Baka pagalitan ka ng boss mo." Biro ko dito kahit alam ko naman na hindi magagalit ang boss nila.
"Excuse me? Ako ata ang boss dito. Hayaan mo sila diyan." Mas tumawa ito na nakapagpatawa ulit sa akin. Kilala din namin ang boss nila. Sa anim na taon ba naming naglalagi dito sa restaurant niya malamang nakilala na namin siya. I must say na napakabait ng boss nila. He knowz how to handle at makioagbiruan sa mga empleyado niya. Unlike others, hindi ko naman nilalahat perplo karamihan kaso ng mga boss lalo na kapag mayayaman ay hindi na sila nakikipagkaibigan sa mga mababang empleyado nila. But not there boss. Ibang iba siya sa lahat. Tinitingala ko nga ito.
Napanguso ako ng maalala ang sinabi niya. Baka tama nga siya at bumabawi sa akin ang Henrico ko.
"Sa tingin mo, Raven?" Napatingin ito sa akin. "Binabawian kaya ako ni Henrico?"
Mas natawa ito na nakapagpanguso sa akin mas lalo.
"Yan talaga ang iniisip mo?" Napapailing na tanong nito sa akin. "Kung babawi man siya sa 'yo, sana noon pa. Anim na taon na kayo at sa anim na taong yon. Lagi kang late sa anniversary niyo, lalo na kapag monthsary niyo. Ngayon ka lang nauna."laging late sa monthsary at aniversary niyo. Pati nga weeksary niyo. Ikaw pa nakakalimot. Sa tingin mo? Sa tingin mo?" Tawang tawa ang loko. Aminado naman ako sa lagi kong pagkalate. Guiltyng guilty ako.
"Hindi ako makatingin, Raven." Tumatawang biro ko dito. Tama nga naman siya. Kung babawian man ako ni Henrico, sana noon pa. "Siguro, talagang busy lang siya. Hihintayin ko na lang siya hanggang sa dumating."
"Yan si Lanie. Huwag ka ng mag alala diyan. Darating ang lover boy mo." Pagpapagaan nito sa loob ko. Wala pa sana itong balak umalis kung hindi lang siya tinawag ng kasamahan niya. Magseserve kasi ito. "Paano ba yan? Kailangan na nila ang kaguwapuhan ko, este serbisyo ko pala. Iwan na kita dito." Paalam nito sa akin bago niya ako kinindatan.
Tumango ako. Naiiling na lang ako at the same time ay natatawa dahil sa ugali niya. The same Raven when I first met him six years ago.
Tumingin uli ako sa aking relo. Thirty five minutes to be exact pero wala pa din siya. Nag uumpisa na namang umusbong ang pag aalala ko. Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Ring pa rin ito nang ring. Isa, tatlo, lima, sampu hanggang hindi ko na mabilang na tawag. Wala pa ring sumasagot. Sobrang kinakabahan na ako.
Naghintay pa din ako kahit gustong gusti ko ng liparin papunta sa pinagtatrabahuan niya. Kaso baka magkasalisi kami kaya mas minabuti ko ng maghintay dito at ipagdasal na wala ngang masamang nangyayari sa kanya.
Ang isang oras at napunta sa tatlong oras. Para ng napapaso ang puwetan ko sa aking kinauupuan. Nakita kong nakatingin sina Kuya Edgar sa akin. Alam kong gsto nila akong lapitan kaso madaming tao kaya hindi sila makalapit. Sumesenyas sila kung okay lang daw ba ako. Tinatanguan ko lang sila at nginingitian pero deep inside pinapatay na ako ng pag aalala.
"Where are you, Henrico?" Tanong ko habang tinatawagan pa din ito. Nakailang baso na ako ng tubig pero hindi pa din mawala wala ang kabang nararamdaman ko. " Please, sagutin mo ang tawag ko, mahal. Please... nag aalala na ako ng sobra. Mahal..."
Nagsasalita na akong mag isa sa aking kinauupuan. Hindi na talaga ako mapakali. Mayroon yung napapaikot ako sa kanan ko pabalik sa kaliwa. Tatayo tapos uupo din. Mababaliw na ata ako.
Tumayo ako at akmang aalis na ng makita kong pumasok si Henrico sa loob ng restaurant. Nakita ko ang mapanuksong mga ngiti nina Raven. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Nakangiti kong pinapanood ang paglapit nito. Nagtaka ako, bakit wala siyang dalang bulaklak at tsokolate na lagi nitong dala basta magkikita kami dito. Baka dahil sa pag oovertime niya hindi na niya naharap. Okay lang basta safe siya at nasa harapan ko na siya
Nang makalapit na ito ay agad akong lumapit dito at akmang hahalikan ko ito sa kanyang labi pero umiwas ito. Doon ako mas nagtaka.
"May problema ba mahal?" Takang tanong ko dito at pilit na inihaharap ang mukha niya sa akin.
Ayaw niyang tumingin sa akin. May mali.
"Let's just sit and order." Ang lamig ng boses nito. May mali talaga pero isinasantabi ko. Iniisip ko na lang na pagod ito kahit alam ko naman na hindi ako kakausapin ni Henrico ng ganito kalamig ang boses niya. Na para bang hindi niya ako kilala.
"Oo-kay." Sumang ayon ako.
Nauna na itong umupo. Hindi man lang niya ako inalalayan paupo. Hindi din ito tumitingin sa akin. Kahit isang sulyap lang. Nakayuko lang siya na para bang ayaw niyang makita ang pagmumukha ko. Napilitan akong umupo at tumitig dito.
"Mahal..." tawag ko dito. Malikot ang kanyang mga mata. "Look at me." Medyo iritado ko ng sabi dito. Pero wala pa din. Bagkus ay tinawag nito si Raven at nag order. Halata din sa mukha ni Raven ang pagtataka sa ikinikilos ni Henrico. Halata sa mukha nito na gusto nitong magtanong pero hindi nito ginawa dahil sa seryosong mukha at boses ni Henrico.
Something is not right. Pero hindi ko alam kung paano siya i aapproach.
Mas nagtaka naman ako ng marinig ko ang mag inorder niya. Lahat ng inorder niya ay madaliang dishes na sineserve. It will only take ten to fifteen minutes. Masyado ba siyang nagmamadali? Or may lakad siya?
Naputol ang pag iisip ko ng marinig ko itong magsalita.
"Excuse me, gagamit lang ako ng restroom." He's really cold. Ni hindi niya ako tinatawag na mahal. Nakalimutan niya bang aniversary namin? Imposible dahil kagabi lang namin ito pinag usapan.
Napatanga na lang ako ng bigla na itong tumayo at umalis. Ni hindi na nga nito hinintay ang pagpayag ko. May mali talaga. Yun ang alam ko. Pero ano? Hindi naman ako manghuhula. May nagawa ba ako?
Naguguluhan na ang isip ko sa mga inaasta niya. Hindi siya ang Henricong kilala ko. Pagpasok pa lang nito kanina ay alam ko ng iba ang awra ng mukha niya. Hndi ko lang pinansin dahil ang mahalaga ay safe siyang nakarating. Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko, ayaw niya akong makita at napilitan lang siya?
Hindi ito ang Henricong inaasahan ko. Napapahinga na lang ako ng malalim at napapaisip.
"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Raven sa akin. Hindi ko man lang siya tinignan. Ang mga mata ko ay nakapaskil sa pinasukang pintuan ni Henrico. "May problema ba ang loverboy mo?"
Napapikit ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Ako man ay hindi alam kung ano ang nangyayari. Naguguluhan din ako.
"I don't know." Naiiyak ng sagot ko bago nagkibit balikat.
"Baka may pasorpresa ang loverboy mo, Lanie. Cool ka lang diyan." Pagpapagaan na naman nito ng aking dibdib habang binababa nito ang inorder namin. Or should I say inorder niya lang. Hindi niya man lang ako tinanong kung ano ang gusto kong kainin.
"Maybe, Raven. Sana nga, sana nga tama ka." Pagsang ayon ko dito at tinulungang ayusin ang mga nilalapag niyang pagkain.
"Tiwala lang, Lanie. Mahal na mahal ka ni Henrico kaya ipanatag mo yang loob mo. Malay mo, may pakulo lang siya gaya ng dati." Kinindatan niya ako bago umalis.
Napangiti ako ng maalala ang pakulo niya noong mga nakaraang taon.
"Raven is right. Baka nag ooverthinking lang ako. Baka nga may pakulo na naman siya." Nakangiti ako pero iba ang kalabog ng aking puso. Kinakabahan ako ng hindi ko alam kung bakit. Parang may iba pero isinasantabi ko lang. Ayokong i-entertain ang thoughts na naglalaro sa aking isip. Hindi niya yon magagawa sa akin.
Napatingin ako sa gawi papuntang restroom. Hindi pa din kasi siya bumabalik. Pinilit kong ngumiti at nag isip na lang ng positibo. But, may feet... Gustong sundan ito.
Walang pag aalinlangang tumayo ako at tinungo kung saan ito pumunta. Nakita ko itong nakatayo sa pintuan ng fire exit malapit sa banyo. May kausap ito sa kanyang cellphone. Kaya pala ang tagal nitong bumalik, may kausap pala.
Nakangiti akong tumalikod at hahakbang na sana paalis ng matulos ako sa kinatatayuan ko sa aking narinig.
"How could I break up with her?" Malamig na sabi nito sa kausap. Halatang galit.
Parang akong binuhusan ako ng malamig na tubig, Hindi ko magawang lumingon o kumilos man lang. Parang naestatwa talaga ako sa kinatatayuan ko. The next word that caught my ear makes my heart break into pieces.
"Yeah, I don't love her anymore. I will cut my connection to that girl. Don't worry---" Nag uunahan ng pumatak ang luha sa aking mga mata. "any minute now. She's out of my life permanently. As you wish."
Kahit di ko magawang lumingon ay tinatagan ko ang loob ko. Unti-unti akong lumingon.
"An-nong i-big mong sa-bi-hin?" I sobbed between every syllable. Hindi ko nga alam kung paano ko 'yon nabigkas. Nanginginig ang katawan ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Dire-diretso din ang agos ng aking mga luha. Para akong hihimatayin na hindi ko alam. Parang buong mundo ko ay naguho sa isang segundo lamang.
Tila natulos ito sa kinatatayuan niya at hindi nakagalaw.
"Ta-ma ba ang narinig ko?" Pinipilit kong magsalita kahit hindi ko kaya. "Sumagot ka!"
Nang humarap ito sa akin at makita ko ang malamig at walang kaemo-emosyon nitong mukha ay para akong tinakasan ng sarili ko. Napahawak ako sa pader dahil muntik na akong matumba. Napayuko ako dahil hindi ko mapigilan ang aking luha. Ayokong makita niya akong kaawa-awa pero hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko.
"Let's break up." Malamig na tugon nito na nakapgpaluhod sa akin at napahagulgol. Alam kong pinagtitinginan na kami pero anong magagawa ko. Ang salitang binitiwan niya ay hindi ko kailanman naisip na maririnig.
Words that crashes my world world into tiny pieces. Na kahit sinuman ay hindi kayang buuin pa. Paano niya ito nagagawa sa akin. Akala ko ba mahal niya ako. Hindi ako nakapagsalita. Napatakip na lang ako ng aking mukha habang nakaluhod at humahagulgol sa iyak. It pains me a lot.