Chapter 3

2506 Words
"Ba-kit?" Nanginginig na tanong ko dito. Why of all the sudden? Ganito ang nangyayari? Bakit bigla na lang itong nagdesisyon na iwan ako? Bakit bigla nalang nitong gustong tapusin ang lahat sa amin? May nagawa ba akong mali para mangyari sa akin ito? Ganoon-ganoon na lang ba ako kadaling bitawan ng taong mahal ko? O may mali talaga sa akin? Madaming tanong na naglalaro sa aking isipan na gusto kong isigaw at itanong dito. Pero, mas pinili ko ang manahimik na lang muna pansamantala at tahimik na umiyak. This is what I am capable of. Ang manahimik na lang lagi. Ang umiyak sa isang sulok at damhin ang sakit ng pang iiwan nila sa akin. Ayaw magsink in sa utak ko ang lahat. O sadyang ayaw talagang tanggapin ng utak at puso ko ang sinasabi ng taong mahal ko? I've loved him for almost years. Tapos ganiyo lang ang kakahinatnan namin? Ang pinakamasakit sa lahat ay hindi man lang ito nagdalawang isip na bigkasin ang mga katagang kailanman ay hindi ko maiisip na marinig mula rito. Lalo na't nakatatak na sa isip ko na siya na ang taong makakasama ko hanggang pagtanda ko. Pero---hanggang isip ko lang pala dahil iiwan na din niya ako. Hinding hindi ko 'yon inaasahan. Hindi ko man lang naisip na mangyayari ito. Paano niya nagagawa ito sa akin? He's looking at me intently with his serious face. No emotions written on it. It hurts like hell. The way he look at me now is different from the way he looked at me yesterday. Mahal na mahal niya pa ako kahapon gaya ng lagi niyang binibigkas. Tapos---biglang naglaho lahat. Paano naging ganito kadali sa kanya ang lahat? Umiling iling ako. He can't do this to me. He just can't. Nagbibiro lang siya. I know how much he loves me. Sobra-sobra niya akong mahal. Hindi niya ako kayang iwanan nalang. Naalala at tumatak pa nga sa isip ko ang sinabi niya kagabi habang magkayakap kaming nakahiga sa kama. Sinabi niya lang naman kung gaano niya ako kamahal. And he---won't leave me kahit na anong mangyari. Kahit pa daw magunaw ang mundo, hinding hindi niya ako iiwan. Tapos, ano itong nangyayari at sinasabi niya? "You're joking, mahal ko. I don't believe you. Sinabi mo lang sa akin kagabi kung gaano mo ako kamahal. Then, masaya tayong nagkukuwentuhan kagabi, mahal ko. I know, you have your reason why. And---you just can't let me believe in every lie you said right now. Not at all, mahal ko. Kaya tumigil ka na, pakiusap." Nakikiusap na sabi ko dito. Pilit ko ding pinapatatag ang aking loob. He's just joking at me. At isa lang ito sa mga prank niya sa akin. I know he's not serious. I know he won't leave me. Napalingon ako sa kanya nang magsalita ito ng hindi ko inaasahan. "I just did, Lailanie. I just did it." He didn't even blink while saying it. Parang wala lang talaga sa kanya ang iwan ako. Tang'na! Bakit ang sakit? Bakit parang namamatay ang puso ko ng dahan dahan? Umiling iling ako. Hindi pa din naniniwala kahit harap harapan nitong sabihin iyon. Pero, bakit ganoon? Kahit isiping kong prank lang ang lahat---bakit nakakaramdam ako ng pangamba at sakit? Sobrang sakit ring marinig na tinatawag na lang niya ako ngayon sa aking pangalan. It's really killing me. Para akong sinasaksak ng milyo-milyong kutsilyo sa aking puso. "Lailanie?" Tumawa ako nang pagak habang umiiyak. "Kung banggitin mo ang pangalan ko, parang ngayon lang tayo nagkakilala, mahal ko?" I don't care kung para na akong baliw sa hitsura ko. He's lying! "Is this part of your pakulo, mahal ko? Or is this a prank you were in to? Tell me mahal ko----dahil epektibo. Napaiyak mo na ako. Tama na, please, sobrang sakit na." Pinilit kong pigilan ang paghikbi. Pero, hindi ko kinaya. Kusa 'tong umalpas mula sa aking bibig. Para akong pinapatay sa sakit dahil sa isang hakbang ko papalapit sa kanya ay siya ring hakbang niya papalayo sa akin. Na para bang may sakit akong nakakahawa. "Mahal ko... " I called him almost whispering. I can't barely hear my own words. "Please---wag mo namang gawin ito sa akin. I beg you." Kulang na lang ay lumuhod pa ako sa kanyang harapan para lang huwag niya akong layuan. "We're over, Lailanie. Tapos na ang lahat sa atin. Hindi na kayang ibalik pa." Siya naman ang umiling. Makikita mo sa mukha nito na wala siyang pakialam sa nakikita nitong pagtangis ko. "Hindi ko pa tinatanggap ang pakikipagbreak mo, mahal ko. Walang matatapos na relasyon. Walang break up. Dahil prank lang 'to,' di ba? Tama na mahal ko, sobra na akong nasasaktan. Please--- tama na." Nagmamakaawang sabi ko dito habang panay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pilit akong nagpapakatatag kahit alam ko sa sarili kong any minute now ay susuko na din ako. Ang hirap lang. "It's over, Lailanie. Give up on me. Bakit hirap mong maintindihan 'yon?" Bakit ganoon lang kadali para sa kanya ang magbitaw ng salitang nakakasakit at halos ikamatay ng puso ko? "It's over?!" Sinigawan ko ito at itinuro siya. I can't take it anymore. "Paano mo kadaling nasasabi 'yan na para bang wala lang ako sa buhay mo? We've been living together for almost four years now. Then you're breaking up with me na para bang balat lang ako ng candy na pwede mong itapon nang basta basta? How could you!" I know hysterical na ako. Hindi lang ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Wala na din akong pakialam kahit na pinagtitinginan nila kami. All I want right now is for Henrico to explain everything to me. "It's just..." putol nito na para bang hirap din nitong sabihin ang susunod na salita. "I don't love you anymore. I'm sorry." "Sorry?" Nag uuyam na tanong ko dito. "You're sorry? Bakit parang hindi ko maramdaman ang sorry mo?" "Just stop, Lailanie. It won't work. I said---I don't love you anymore and I am not planning to be with you anymore." Natahimik ako sa sinabi nito. Totoo ba ang mga naririnig ko? Or it's just a dream? "Gising, Lailanie. Gising!" Tinapik tapik ko ang aking pisngi. Hindi pa ako nakontento. Sinampal ko pa talaga ang aking sarili habang umiiyak. "Nananaginip ka lang at hindi totoo ang lahat ng ito. Please, gising na." Kinakausap ko na ang aking sarili. Para na akong tanga sa harapan ng madaming tao. All I want is for me to wake up on this nightmare. Sasampalin ko ulit sana ang sarili ko ng biglang may humawak sa aking mga kamay. Akala ko ay si Henrico ang gumawa noon. Pero nagkamali ako. Si Raven pala and trying to atop me from hitting myself again and again. Humihingi ako nang tulong na nakatingin dito. I need any sympathy right now. The pain is killing me softly. Parang tinarakan ng ilang milyong kutsilyo ang puso ko. This can't be happening. Masaya lang kami kahapon. We exchange our I love you's last night. Tapos ngayon, this? "Raven, sabihin mong nagbibiro lang si Henrico, 'di ba? Pakulo lang niya lahat ng ito, 'di ba?" Niyuyugyog ko pa ang kanyang kamay pagkatapos ay titingin ako kay Henrico na nakatayo lang sa malapit at nakapamulsa. "Is this one of your jokes, Henrico? Sinasaktan mo na siya. Hindi na ata tama' yan, bro. Hindi mo ba nakikita?" Yumakap na ako dito dahil nanghihina na talaga ako. Kailangan ko nang makakapitan, dahil kung hindi---ipagkakanulo na ako ng sarili kong mga paa. "Huwag kang makialam, bro. Ayaw lang niyang tanggapin ang desisyon ko. It's over between us. Bakit ba hindi niya iyon matanggap? I don't love her and tell her to stay away from me." Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko makita ang kanyang reaksiyon. Pero, halata ko ang pagpipigil ni Raven. Dahil na rin siguro customer kami at nagtatrabaho siya dito. Kung hindi lang ako nakayakap sa kanya, malamang ay nasugod na nito si Henrico in no time. Nakayukom lang ang kamao nito habang nakatingin nang masama kay Henrico. "Ako nang bahala sa kanya, Raven. Baka mapagalitan ka. Please, hayaan mo na. Baka may surprise lang siya sa akin at hindi niya iyon masabi kasi pinagtitinginan na tayo dito. Sige na, Raven, balik ka na doon. Okay na ako." Pagtataboy ko dito. Ayoko namang magpang abot sila ni Henrico dahil lang sa akin. Habang kausap ko si Raven ay napatingin ako kay Henrico nang lagpasan niya kami. "Sige na, aalis na kami. Yung bill namin, idaan ko na lang bukas, ha. Pasensiya na ulit." Nagpupunas ng luhang paalam ko dito at niyakap siya saglit bago ako nagmamadaling sinundan si Henrico sa labas. Ni hindi ko na hinintay na makasagot ito. Naabutan ko si Henrico sa hagdan pababa. "Mahal ko..." tawag ko. Hindi siya lumingon kaya muli ko itong tinawag ng medyo malakas. "Mahal ko...." He stop but didn't looked back. Sinamantala ko ito at nagmadaling lumapit sa kanya. Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran "Lahat ng 'yon biro lang 'di ba? Walang katotohanan lahat ng 'yon. Isusurprise mo lang ako, di ba? You promised me, mahal ko." Napahikbi ako nang pilit niyang tinatanggal ang kamay ko na nakayakap sa kanyang baywang. Sobrang nasasaktan ako. "You promised me na hinding hindi mo ako iiwan. You promised me to stick with me forever. You promised me to be with me until we die. Bakit mahal ko? Bakit?" puno nang hinanakit na tanong ko. "Give up on me, Lailanie. I don't love you anymore. Those promises are meant to be broken. Why would I stay beside you, when I know for myself that there's no love between us?" Ang dating malambing na boses nito sa akin ay napalitan na ng malamig na pakikitungo. Bakit ganito kasakit? "Kung hindi mo na ako mahal. It's okay. I will do everything para bumalik ang pagmamahal mo sa akin. Just don't---just don't leave me. Huwag mong hilingin sa akin ang isuko kita." Napahikbi ako. "Dahil alam mong hindi ko kaya. Hinding hindi ko kakayanin." Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya kahit na anong pilot nitong tanggalin ang mga kamay ko. Natatakot ako. Natatakot akong baka kapag bumitaw ako, hindi ko na ulit siya mayayakap at makikita pa. "I don't want to stay in a relationship with no love at all. Let me go, Lailanie." "No! Ayoko!" Umiiyak ako habang umiiling. Alam ko na kapag bumitaw ako hindi ko na siya makikita at mayayakap pa ulit. Bakit napaka-unfair? "Just let me go, will you?" Ang mga salita na binibitawan nito ay parang saksak sa aking puso na unti unti pumapatay sa buo kong pagkatao. "Bakit hindi mo na ako mahal?" Gusto ko nang kasagutan. "I don't believe you. Kagabi lang sinabi mong mahal na mahal mo ako at hindi mo kayang mabuhay ng wala ako. Tapos ngayon sinasabi mo to na para bang wala lang? Hindi ako bibitaw. Hinding hindi." Pagmamatigas ko. Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya. Nagsisinungaling lang siya. "Don't let this hard for the both of us. It's better this way. Saka, kung ayaw mong maniwala, nasa sa 'yo na 'yan. All I know is that I don't love you anymore . Mahirap bang intindihin yon?" Napapikit ako. Gusto ko na namang pigilin ang mga luha sa aking mga mata pero hindi ko kaya. Kusa itong umaalpas at nagsasabing ayaw niyang tumigil. Huminga ako nang malalim bago dahan dahan bumitaw. Ayokong bumitaw sa yakap ko sa kanya pero kailangan. Kung hindi na pala niya ako mahal. Will I let him stay o hahayaan ko siya kung saan siya sasaya? Napayuko ako at umiyak lang nang umiyak. Ayokong bumitaw pero ayoko din siyang ikulong sa relasyong hindi na siya magiging masaya pa. Nakakailang hakbang na siya nang nagtaas ako ng tingin dito at tinawag siya. "Henrico..." he didn't stop but he walked slowly. "Can you look me in my eyes and tell me that you don't love me anymore?" Nagulat siguro ito sa tinanong ko dahil huminto siya. Hindi ko din inaasahan ang hinihingi ko sa kanya. "Will that make you give up on me?" Napipilitan akong tumango kahit hindi niya ito nakikita. Pagpihit nito ay hilam pa din ng luha ang aking mga mata. Pero siya? Wala pa ding emosyon. Nanlulumo akong napatingin sa mga mata nito. Nakikita ko ang determinasyon sa mga mata niya, na mas pumatay sa aking puso. "Hindi. na. kita. mahal." Hindi ko mabasa ang emosyon niya. Nakatitig lang ito sa aking mga mata. Straight from my eyes. Hindi ko na nakayanang titigan ito, kaya ako na mismo ang nagbaba ng aking tingin at napaluhod na lang sa semento. Hindi ko alam kung saan ako kakapit dahil ang taong kinapitan at gusto kong kapitan ay tuluyan na akong iiwanan. "Hahayaan na ki-ta." sambit ko nang nakayuko at nakahawak na sa semento. Ayokong tumingin sa kanya dahil mas masasaktan lang ako ng sobra. "hahayaan lang kita pero hindi ako sumusuko. Hahayaan kita, hindi dahil hindi kita mahal. Hindi ko kayang ibigay ang hinihiling ng taong mahal na mahal ko. Hahayaan ko kung saan ka sasaya." Kinagat ko ang kamay ko para pigilan ang hikbi ko bago ulit ako nagsalita. "Sorry, mahal ko. Sorry dahil sobrang minahal kita, na pati buhay ko ay kaya kong ibigay. Paalam dahil hindi mo kinaya at nauna ka nang umayaw. Go, Henrico. Just leave. I know that you won't looked back. Gusto ko sa pagbukas ng aking mga mata ay hindi na kita makita. Dahil baka kapag nakita kita, hindi na kita bibitawan pa." Mas yumuko pa ako at pumikit. Hinayaan kong tumulo sa semento ang mga luhang hindi matapos tapos umalpas sa aking mga mata. Nagbilang ako sa aking isip hanggang sampu bago ako nagtaas nang tingin at unti unting tumayo. Akala ko ay wala na ito pero natatanaw ko pa ang likod niya habang naglalakad. "Mahal ko..." mahinang usal ko. Alam ko na ang pagtalikod nito sa akin ngayon ay nangangahulugang hindi ko na siya mayayakap at makikita pang muli. "Mahal ko..." Nanghihina akong nakatayo at nakatingin lang dito habang nawawala na ito sa aking paningin. "How much pain do I have to take now?" Wala sa sariling tanong ko. Ngayong wala na siya? What will happen to me? "Will I be okay? Kakayanin ko ba?" Lumiko ako sa kaliwang daan. Ayokong sundan ang nilakaran niya. Mas madudurog lang ako. Habang naglalakad ako, wala ako sa aking sarili. Basta naglakad lang ako nang naglakad ng walang patutunguhan habang hilam pa rin ng luha ang aking mata. This is the most painful goodbye that happened into my life. Mas masakit pa sa pang iiwan ng mga magulang ko sa akin. My parents leave me without a word. Oo, masakit---sobra, pero alam ko na pwede silang bumalik at umaasa ako. Pero kay Henrico? He left me with a word and goodbyes. At 'yon ang pinakamasakit sa lahat. Mas okay pa sanang umalis na lang ito nang walang paalam gaya ng ginawa ng mga magulang ko. Kaysa ang ganito. Sobrang sakit. He left me with words that breaks my heart completely. Bakit ganito kasakit ang tadhana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD