Chapter 4

2605 Words
Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Basta ang alam ko lang ay umiiyak lang ako nang umiiyak habang naglalakad sa kalsada. I don't know where exactly I should go. Nawawala ako sa sarili kong mundo. At para bang wala akong nakikitang tao sa aking paligid. All I can see is darkness around me. Hindi ko alam kung may mga nakakasabayn ba akong naglalakad. Basta blangko ang utak ko. Iniisip ko kung bakit ganito na lang lagi ang nangyayari sa akin? Am I destined to be left alone forever? Mula sa magulang ko tapos sa kanya. May problema ba sa akin? Ang hirap. Sobrang hirap intindihin na bakit kailangan nila akong iwan. Did I deserve all of this? Katanungang hindi ko alam kung ano ang kasagutan. Pagod na pagod ang isip at puso ko. It hurts a lot. Parang gusto ko na ding mawala. At wala akong gustong gawin sa mga oras na ito kung hindi ang maglakad nang maglakad. Patungo sa kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Walang destinasyon. Gusto kong mapagod ako para makalimot. Pero---napakahirap. Ayaw maalis sa utak ko ang pangyayari. Hindi ako makapaniwala na itatapon na lang niya bigla ang anim na taong pinagsamahan namin. Anim na taong kasiyahan at anim na taong pagmamahalan. Umasa akong siya na ang makakasama ko sa habang buhay. Akala ko ay kami na hanggang pagtanda. It came out that I just hoped. Ako lang pala ang may kagustuhan niyon at against siya. Akala ko siya na ang lalakeng maghaharap sa akin sa altar. But---I was totally wrong. Bilog talaga ang mundo. Umiikot at pwedeng nasa ilalim ka o nasa ibabaw. Sa sitwasyon ko ngayon? Alam ko na nasa ilalim ako at pasan ko ang hirap at pasakit. Mapait akong napangiti, "buhay ko na ata ang iwan ng mga taong mahal ko. Lord, bakit naman po ganito sila sa akin?" Napayuko ako mas lalo at umiyak habang naglalakad. Hindi ako tumigil. Ramdam ko na ang pagod ng aking paa pero ayoko pa ding tumigil dahil ramdam na ramdam ko pa din ang sakit na binigay nila sa akin. Naglakad lang ako nang naglakad. Hindi talaga ako makapaniwala na iniwan ako ng taong sobrang mahal na mahal ko. Ang taong bumuo at muli palang dudurog sa akin. "Ginawa ko naman ang lahat para sa aming dalawa. Bakit kailangan niya akong iwan ng ganito. Sana man lang hinanda mo ako mahal ko. Sana hinanda mo man lang ako. Hindi 'yong ganito. Napakahirap." Napaupo ako sa gilid ng kalsada at yumuko. Doon naman ako naoatingin sa mga taong naglalakad at panay ang tingin sa akin. Gusto ko namang tumigil sa pag iyak dahil pinagtitinginan na nila ako pero hindi ko naman magawa. Ayaw tumigil ng mga luha sa aking mga mata. Dire-diretso pa din itong tumatagas mula sa aking mga mata na akala mo ay gripo na nakabukas. Nasasaktan at nahihirapan na ako. I need someone to lean on. Pero sino? Iniwan na ako ng taong kinakapitan at akala kong makakasama ko sa pagtanda ko. Iniwan na ako ng taong lakas ko para mabuhay. Hindi na ako makapag isip ng tama. Isinisigaw ng isip ko na kailangan ko ng taong makakausap ngayon. Baka kung ano pa ang magawa ko sa aking sarili at pagsisihan ko sa bandang huli. Bago pa man ako makapag isip ng kung ano pa man, biglang tumunog ang cellphone ko. Halos hindi ko ito makapa sa aking bag. Halos nakapikit na kasi ako kakaiyak ko. At nang tuluyan kong mahawakan ang telepono ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Expecting it to be Henrico. But, I was wrong again and again. Why would he call someone he just dumped? Nang makita kong si Marianne ang tumatawag. Mas napaluha ako. Did she feel how troubled I was? Sinagot ko ang tawag at umayos. Pipilitin kong hindi nito mahalata ang aking pag iyak. Pero, ipinagkakaluno ako ng sarili kong bibig. What more can I expect? I'm in a deep pain. "Marianne..." nanghihinang tawag ko sa pangalan nito. Trying to calm myself kahit napakahirap. "Bakit? Umiiyak ka ba? Did something happened? Asan ka?" Sabay-sabay na tanong nito. Ramdam ko din sa boses nito ang matinding pag aalala. "O-kay lang ako." Sinubukan kong hindi mapahikbi. Kagat-kagat ko na ang aking labi. Nalasahan ko na ang dugo mula rito. "May okay bang ganyan ang boses." Hindi ko na napigilang hindi humikbi sa sinabi nito. "s**t! Nasaan ka?" Napapamura na ito. It only means na sobra na itong nag aalala sa akin. At ayokong mag alala siya. "Okay lang ta-laga a-ko, Marriane." Naririnig ko ang boses ng mga kasama niya sa kabilang linya pero hindi ko sila maintindihan. "Hindi ka okay. Asan ka?" Pag uulit nito. "Hindi ko alam." Ang pinipigilan kong iyak ay umalpas na naman. "Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko lang ay lumiko ako. Tapos, naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa mapagod ako at mapaupo dito sa gilid ng kalsada." "What? Niloloko mo ba ako, Lailanie? Paanong hindi mo alam kung nasaan ka? Umayos ka! Sinasabi ko sa 'yo!" Galit siya. Anong magagawa ko? Hindi ko talaga alam kung nasaan ako. "It's true. Ang alam ko lang, pagkalabas ko sa restaurant naglakad lang ako pakaliwa. And walk and walk hanggang sa mapagod ako." Napayuko ako ng may maalala akong pangyayari. Minsan na akong nawala at hindi alam kung nasaan ako. Hindi kasi ako matandaing tao, lalo na kapag direction na ang pinag uusapan. Hinanap ako ni Henrico at hindi siya tumigil hangga't hindi niya ako nahahanap. Pero ngayon, i'm lost. At alam ko sa sarili ko na hindi niya ako hahanapin pa. Dahil wala na itong pakialam sa kung ano man ang mangyari sa akin. He didn't love me after all. Just like he said to me a while ago. "Pucha naman, Lailanie, eh!" Mura na naman nito. Kahit ayokong naririnig siyang nagmumura, tinatanggap ko muna sa ngayon. Alam ko na nag aalala lang siya sa akin kaya papalampasin ko ang pagmumura niya. Narinig ko naman na nagpaalam ito sa mga kasamahan niya. Seconds later when I heard her talked again. "Gaano ka katagal naglakad? After mong lumiko pakaliwa, lumiko ka ba ulit o diretso lang?" Umiling ako, "hindi ko alam." "Taena naman, Lailanie. Saang lupalop kita hahanapin. Di ba kasama mo asawa mo?" Piniga ang puso ko sa sinabi nito. Asawa na ang turingan namin ni Henrico pero umabot pa rin sa ganito. Life is indeed unfair. Lalo na ang tadhana. "I'm sorry." Ang humingi na lang ng tawad ang kaya kong gawin sa ngayon. Napahinga ito nang malalim bago nagsalita. "I'm just worried about you, Lailanie. Baka mapaano ka. Nasaan ba kasi ang asawa mo at hinayaan ka niyang mag isa at mawala. Tsk!" Kung nasa harap ko lang siya, malamang umiirap na ito sa akin. "He left me." Wala sa sariling bigkas ko habang pinupunasan ang luha sa aking mata. "Left you? Saan pumunta? Hindi ka man lang niya inihatid? Masyado bang importante 'yon para iwan ka na lang niya mag isa? Hindi ba siya nag iisip? Gabi na." Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "Iniwan niya na ako, Marriane. He just left me with no reasons. At ang masakit pa nito, iniwan niya na akong mag isa nang tuluyan." I sobbed. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking ulo at mas yumuko pa. My head is hurting like hell. Para itong sasabog na hindi ko maintindihan. Dahil na rin siguro sa matagal kong pag iyak. Can't help it. Ikaw ba naman ang iwan ng mahal mo. Paniguradong luluha ka nang luluha. Lalo na at naging sandalan mo siya sa mga nakalioas na taon. "Anong pinagsasabi mo diyan? Saan siya pumunta? Baka naman may importanteng kameeting kaya iniwan ka." Alam kong may idea na siya sa mga sinasabi ko pero nagmamaang maangan pa rin siya. Ayaw niya lang tanggapin na kaya akong iwan ni Henrico mag isa. "Ang sakit ng ulo ko, Marriane. Sobrang sakit na parang sasabog na. And my eyes hurts too. Kailangan kita, Marriane." Nanghihinang sambit ko. "Hold on, Lailanie. Hold on. Andiyan na ako. Hindi kita iiwan." Narinig ko ang paghikbi niya sa kabilang linya. "Stay where you are. Kahit nasaan ka man, sisiguraduhin kong susunduin kita. Please---hold on for a bit. Pupuntuhan kita kahit saan ka pa man." "Na-hihilo na a-ko." Nauutal kong sabi dito at isinandal ang sarili ko sa posteng kanina ko pa pala katabi pero ngayon ko lang napansin. "Nyeta ka! Umayos ka, Lailanie. Umayos ka! I'm almost there. Buti naka-open gps mo. Putek! Andiyan na ako. Hold on. If only I can fly and go there. Gagawin ko mapuntahan lang kita agad." May kausap ito sa kabilang linya. That's for sure. Sinisigawan na nito ang driver na kasama niya para bilisan ang pagmamaneho nito. Siguro ang ang taxi driver na kinalululanan niya. My head is spinning. Para akong lumulutang na hindi ko maintindihan. I keep on crying. Dahan-dahan akong nagmulat at napatingin sa bisig ko. It's almost twelve in the midnight na pala. Hindi ko man lang namalayan na ganoon na pala ako katagal naglakad at umiyak. "Lailanie!" Narinig ko sa aking tenga ang malakas na boses ni Marriane. But I was too weak to answer. "Hmmm... " I hummed. "Stay awake. Wag kang matutulog." Bilin nito ng natataranta "Ang sakit." Ayoko ng umiyak pero kusa pa ding tumutulo ang luha ko. Lord help me, please. Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Sumasakit na lahat, Marriane. My head, my eyes, my nose, even my head is spinning. Pero mas nangingibabaw ang sakit ng puso ko. Bakit napakasakit, Marriane? Help me please...tulungan mo akong alisin ang sakit." "Hintayin mo ko, Lailanie. Please..." humikbi na ito sa kabilang linya. I clearly heard that. Pero parang hindi ko na kayang magsalita pa dahil pikit na pikit na ang aking mga mata. "Di. ko. na. ka-ya." Paputol putol at nanghihina ng sabi ko bago tuluyang nawala ang aking ulirat. Naririnig ko pa ang sigaw ni Marrianne sa kabilang linya habang umiiyak. Gusto ko siyang patahanin pero hindi ko na nagawa dahil tuluyan na akong hinimatay. Nawala ako saglit sa mundong mapanakit. Nang magmulat ako, nasa sarili na akong kama at maayos na nakahiga. Bigla akong napabangon at hinanap ng aking mga mata si Henrico. Nagbabakasakaling nananaginip lang ako kagabi. "Mahal ko..." tawag ko habang hinahanap ng aking mga paa ang tsinelas na laging nasa baba ng aming kama. "Mahal ko..." Tawag ko ulit. Agad akong tumayo at dumiretso sa may sala. Nilibot ko ang buong apartment habang tinatawag ang kanyang pangalan. Kahit sobrang sakit ng aking ulo, hindi ko ito ininda. Ang importante ay makita ko ang taong hinahanap ng aking puso at mata. Gusto kong isiksik sa aking isipan na panaginip lang ang lahat nang nangyari kagabi at wala itong katotohanan. It's only in my dreams. Bumalik ako sa aking kuwarto at dumiretso sa salamin. Nanlumo ako bigla sa aking nakikita. Miserableng Lailanie ang nakikita kong repleksiyon ko sa salamin. Napaluhod ako at napasalamapak sa sahig. Hindi ko na namang maiwasang hindi umiyak. Ang hitsura ko ay pagpapatunay na hindi basta basta panaginip lang ang nangyari kagabi. Totoo lahat ng mga 'yon. "Hindi ito totoo. Babalik siya dito, babalikan niya ako. Hindi niya ako kayang iwan. Mahal na mahal niya ako. I am his life. He won't leave me." Tumatango tango ako habang pinupunasan ang aking luha pero hindi pa din ito maampat. Nadatnan ako ni Marianne sa ganoong sitwasyon. Nagmamakaawa akong tumingin dito. "Babalik siya 'di ba? Hindi niya akong kayang iwanan, Marriane. Sa-bi n-ya ma-hal na ma-hal niya a-ko." Halos hindi ko na maibigkas ang mga salitang binibitawan ko. "Sabi-hin mo sa akin na hindi totoo lahat ng ito at hindi niya ako kayang iwan. Please sabihin mo, Marriane." Agad niya akong dinaluhan at hinaplos ang aking pisngi bago niya ako niyakap nang mahigpit. "Magiging okay din ang lahat. Hindi ko man alam kung ano ang nangyayari, I know lilipas din 'yan. Tama na please... hindi ko kaya na nakikita kitang ganyan. Nasasaktan din ako." Haplos haplos nito ang mahaba kong buhok. But, it didn't change a bit. Sobra pa rin akong nasasaktan. "Andito lang ako, Lai. Andito lang ako. Hinding hindi kita iiwan. Hinding hindi ako gagaya sa kanya. Hindi kita tatalikuran. Mananatili ako sa tabi mo hanggang dulo. Alam mo 'yan. Stop crying." "Mahal na mahal ko siya ng sobra pa sa buhay ko, Marriane. Wala akong itinira para sa sarili ko. Ang sakit, Mariane. Ang sakit sakit dito!" Tinuro-turo ko pa aking dibdib. Hindi pa ako nakontento, sinuntok ko pa ito nang malakas. Nagbabakasakaling maibsan nito ang sakit na nararamdaman ko. "Tama na, Lai. Huwag mong saktan ang sarili mo." Hinawakan nito ang aking kamay para patigilin at awatin ako sa panay-panay na pagsuntok ko sa aking dibdib. Umiiyak na din ito. Niyakap niya ako para maiharang nito ang kanyang sarili. "Umiyak ka lang nang umiyak. Ilabas mo lahat ng sakit na nararamdam mo. You can even scream out loud. Gawin mo lahat, Lai. Magwala ka. Anything you want to do. Huwag na huwag----" he paused and looked at me with pity on his eyes. "Don't--- you ever hurt yourself. Promise me that, Lai. Promise me." She's begging. "Gusto kong isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko, pero alam kong hindi sapat 'yon. This pain is killing me softly. Hindi ko na kaya." Habol-habol ko ang aking paghinga dahil sa aking pag iyak. I couldn't stop myself. Ayaw maubos ng luha ko. "May mali ba sa akin, Marriane? Kulang pa ba ako? Hindi pa ba ako sapat? Did I not deserve to be loved forever? Am I destined to be hurt again and again?" Hindi ito umimik. Mas pinili nitong higpitan ang yakap nito sa akin. Nanghihina akong yumakap pabalik dito at hinayaang bumuhos pa lalo ang luha sa aking mga mata. Tahimik na akong umiyak. Nanatili kami sa pagkakasalampak sa sahig ng halos kahalating oras. Umiyak lang ako nang umiyak. Hinayaan naman ako ni Marriane. Hindi ito nagsalita. "Can you stand up?" Narinig kong tanong nito nang mapansin siguro nitong humihikbi na lang ako. Umiling ako, "hindi ko kaya. I feel numb." pag amin ko. "Aalalayan kita patayo. Magpahinga ka muna sa higaan mo." Umiling iling ako. "Ayoko. Mas lalo ko lang siyang maaalala." Tanggi ko. "Kailangan mong magpahinga. Baka mapaano ka na niyan. Please, kahit ihiga mo lang sa kama." Pakiusap nito. "No buts, Lai." Kahit ayoko, wala na akong nagawa nang patayuin niya ako at igiya papuntang kama. "Dito ka lang." Tinuro niya ako habang binibilinan na parang bata. Humiga na ako at hinila hanggang leeg ang kumot. Agad akong tumagilid at ipinasok na din ang ulo ko sa loob ng kumot. Naramdaman ko na lang ang pag alis nito. Ilang sandali pa ng maramdaman ko ulit ang pagbalik niya. "Inumin mo muna itong tubig." Umayos ako mula sa pagkakatalukbong at sinunod ito kahit hirap ako. After kong makainom, bumalik ako sa pagkakahiga. This time labas na ang aking ulo. "Andito lang ako, Lai. I will never ever leave you." Hinahaplos nito nang marahan ang buhok ko. Hindi ko na namamalayang tumulo na naman ang aking luha. Naramdaman ko na lang ang pagpunas nito sa aking luha bago ako hinalikan sa aking noo. "Umiyak ka nang umiyak. Sumigaw ka hangga't gusto mo para maibsan ang sakit. Sabihin mo sa akin lahat ng problema mo, dahil handa akong angkinin ang lahat ng sakit para umokay ka lang." Alam kong nasasaktan din siya sa nakikita niya. Anong magagawa ko? Nasanay akong si Henrico ang sentro ng buhay ko. And the worst thing is he just left me alone. No explanation at all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD