Three years later… Karga karga ko si Christian, ang two years old na baby ko. He’s cute. Siya ang laging nagpapasaya ng buhay ko maliban kina Nanay, Tatay, Marianne at Isa. Idagdag ko na rin ang mga magulang ni Isa na lagi ding andiyan para sa amin ng baby ko. Hindi nila kami nakalimutan kahit na sobrang layo namin ng anak ko. Lagi nga nila akong pinipilit na bumalik na sa Manila pero ayaw ko muna. Saka kung babalik man ako---sisiguraduhin ko na hindi muna nila malalaman. Gusto kong bumalik dahil may gusto akong patunayan at pag iipunan. I have plans on returning home pero ayaw ko talagang malaman nila. Gusto ko 'yong tatayo ako sa sarili kong paa at kaya kong buhayin ang anak ko sa pamamagitan ng sarili kong sikap. Although, laging nag iinsist sina Nanay at Tatay sa gastos. Pero, siye

