Time really flies so fast. Hindi ko namamalayang nagtagal na pala ako sa pananatili ko kina Nanay Masha. Ang dating Lola na tawag ko dito ay napalitan na ng Nanay sa pagtagal ng panahon. They became my family since then. Pinaramdam nila sa akin ang tunay na pamilya na pinagkait ng mga magulang ko sa akin. Nakatayo ako sa malapit sa dagat habang haplos haplos ang malaki ko ng tiyan. Kabuwanan ko na kasi at mas mahirap pala. Buti na lang ay naipadala ni Marianne ang pera muka sa savings account namin. Gusto nga nito na personal niyang i-abot sa akin ang pera para kamustahin ako kaso, hindi talaga ako pumayag. I know, Isa will trail her. Mas okay na ang nag iingat. Yes, he won so many times sa ilang buwan naming pag uusap. Ang dami ko ng hint na naibigay sa kanya at ang dami na rin niya

