CHAPTER 05

2865 Words
BRONE’s POV I felt the devastation inside of me when I finally heard the reason that Raze said. Bukod sa hindi ko masyado itong maintindihan kung bakit may ganoon silang uri na batas dito ay hindi ko rin nagustuhan ang takbo ng mga pangyayari sa buhay ko ngayon. I don’t want this thing. Para bang may nagsasabi sa loob ko na kailangan kong malaman sa lalong madaling panahon ang lahat ng tungkol sa nakaraan ko. Na may importanteng bagay akong nakalimutan na kailangan kong gampanan. Bukod ron ay nakakaramdam din ako ng paninikip ng aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan at alam kong sa lahat ng iyon ay tanging pagbabalik lang ng ala-ala ko ang makasasagot. “That place is off-limits right now. Katatapos lamang ng aming ritual bilang mga lobo and as part of our tradition, no one shall see the after math of our doings. We should let the tree of change heal all its wound then after that ay pwede na kitang dalhin doon. Kahit gaano mo pa katagal gustong manatili roon.” Mahabang pagpapaliwanag sa akin ni Raze. “Kung ganon, ilang oras ba akong maghihintay bago ko mapuntahan ang lugar na ‘yon?” I asked, biting my finger nails as if I am so irritated by the chain of events. I heard Raze sigh, “Hindi oras kundi dalawang linggo, until then pwede na kitang dalhin doon.” Napamulagat ako sa sinabi niyang iyon, pero ang sana ay panunumbat kong mga salita na gusto kong pakawalan sa kanya ay hindi ko na nagawa pang isawika. Pinabayaan ko na lamang, na-realize ko rin na kailangan ko ring magkaroon ng mahabang pasensya lalo pa at nasa foreign place ako ng mga panahong ito. I can’t afford to offend someone nor ruined my reputation infront of them, especially the man who save me. Well, hindi ko naman talaga siya kino-consider as my savior but ‘yon kasi ang sinasabi ng lahat ng nagkekwento sa ‘kin dito so I don’t have a choice but to believe na siya nga talaga ang nagligtas sa akin. Napalaylay na lamang ako ng aking mga balikat at parang wala ng gana sa buhay. Napapansin ko namang nag-aalala talaga sa akin si Raze at parang gustog-gusto niya na talaga akong tulungan but because it’s their norm and tradition kaya wala na rin siyang magagawa. Then suddenly I hear Ford claps. “O siya maiwan ko na kayo marami pa akong dapat asikasuhin para sa shift kong mag-patrol sa buong teritoryo.” Wala ni isa man sa amin ang pumigil sa kanya kaya tuloy-tuloy na siyang lumabas sa laboratoryong ito. Bago siya tuluyang makalayo ay may kung anong mga salita pa siyang sinisigaw. “Kung lilipad ang lupa, paano na ang langit?” Napakarandom lang naman ang sinabi niyang iyon kaya hindi ko na rin pinansin. Another weird werewolf, huh. We decided to stay there for a while para na rin magtingin-tingin ng mga ginagawa ng mga foxtrot wolves dito, the scientist of their pack. Sa katunayan ay restricted daw talaga ang laboratories to the people who are not foxtrot pero sa kung anong dahilan ay nakagagala ako rito ng malaya basta ba nasa tabi lang ako lagi ni Raze. After that eh may lumapit sa aming isang lalaki, the same guy who give me the huge leaf a while ago. Sinasabi niyang pinapatawag daw kami ng head scientist at gusto raw nitong makilala ang sakay ng malaking dahon na ‘yon, which is me. May kalakihan itong laboratoryong ‘to at nasa pinakadulong bahagi pa ang office ng sinasabing head scientist kaya medyo marami-raming hakbang din ang aking nagawa bago namin ito nalapitan. Pagpasok namin sa isang silid ay bumungad kaagad sa akin ang kulay puting mga dingding. Even the colors of all the furnitures are all white, kung hindi white ay beige. Napakaraming mga cylinders at iba pang mga kagamitan sa laboratoryo ang nakadisplay sa gilid. The scent that was present outside is also present here. “Ow, nice to meet you again, Raze. How’s work?” bungad ng may edad nang ginang na nasa harap namin. Nakasuot ito ng mahabang white coat dress. “Maayos naman po.” “It’s good to hear that,” ani ng ginang pagkatapos ay bumaling ito ng tingin sa akin at tinitigan ako na waring sinisipat pati pagkatao ko. It lasted for about a minute. “Siya ba ‘yon?” Sabay na tumango si Raze at ‘yung lalaking naggiya sa amin dito. Dali-dali naman akong nilapitan ng ginang at nakangiti akong sinipat muli mula ulo hanggang paa, saka niya ako inamoy-amoy. “You’re such an adorable guy ah. Kaya lang may something sa amoy mo na hindi ko nagugustuhan parang in any minute eh mababahing ako.” “Po?” I exclaimed upon hearing her last words. Bigla naman siyang tumawa nang bahagya tsaka sinabing nagbibiro lang siya, pagkatapos ay saka na siya bumalik sa dati niyang pwesto kanina. “By the way, I am Veronica, the head scientist of the Alwest west border wolf pack.” She said then grab the shoulder of the guy who brought us here. “And this is Ike, a foxtrot like me and also my apprentice s***h assistant.” “I am Brone Elisse, but you can just call me Brone po.” “Okay, Brone po.” Pagbibirong muli ng head scientist na si Veronica. By how Raze give her an honorary, masasabi kong matagal na silang magkakilalang dalawa, hindi lang magkakilala pero feeling ko eh close talaga sila sa isa’t isa. Matapos nun ay pinaupo na kami which is pinagpasalamat ko talaga ng sobra dahil sa wakas ay maipagpapahinga ko na rin ang mga binte ko na kanina pa lumalakad at lagi lang nakatayo. “I must admit, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking dahon. Sa buong buhay ko sa mundong ‘to at sa dami na ng lugar na napuntahan ko ay kahit ni isang beses ay hindi ko pa nai-encounter ang punong pinanggalingan nito.” Mahabang salaysay ni Veronica. “Are you really in a state of amnesia right now?” dugtong pa nito. Tumango ako, “Yes, Ms. Veronica—” “I’m Mrs., by the way.” “I-I’m sorry. Mrs. Veronica. Bukod sa pangalan at edad ko ay wala na akong maalala pang iba tungkol sa aking sarili . . .” Tugon ko habang sinasabi ko ang totoo except na nga lang sa alam ko ang lahing pinanggalingan ko which is hindi ko pa alam kung safe na bang sabihin sa mga oras na ‘to. “Well, It’s not that shocking kung titingnan natin ang terrain formation ng ilog na binaybay ng katawan mo ng gabing iyon eh himalang hindi ka talaga makakalimot. But naniniwala akong babalik din ang mga ala-ala mo, batay na rin sa naaalala mo naman ang pangalan mo, let’s just hold onto that.” She sighs then all of a sudden she started to say random things na napakalayo naman talaga sa topic namin kanina. Napunta na siya sa adventure stories niya pati na rin kung paanong siya mismo ang nagpaanak sa ina ni Raze at ang mismong nagpalaki na rin dito since namatay raw ang ina nito nung ito ay ipinapanganak. Nakaramdam naman ako ng awa kay Raze pero hindi ko na rin pinakita sa ekspresyon ko since I know he doesn’t need that pity right now dahil nga’t matagal na rin na naman iyong nangyari. Gusto ko pa sanang magtanong tungkol sa ama niya pero naisip kong sa ibang pagkakataon na lang, kapag kami na lang dalawa. At lumipas na nga ang ilang oras na hindi ko man lang namamalayan. Pagkalabas naming dalawa ni Raze sa laboratoryo ay palubog na ang araw. Nagpaalam na kami kay Mrs. Veronica saka na bumalik sa aming dinaanan kanina. Hinatid pa ako ni Raze hanggang sa bahay na tinutuluyan ko rito kahit na ilang ulit ko nang sinasabi sa kanya na hindi na naman kailangan at medyo kabisado ko na naman ang daan. He still insisted it kaya in the end eh hindi na lang din ako nakipagtalo pang lalo. “Goodnight and goodbye,” ani ko matapos kong makapasok sa loob at nakatayo na lang ako ngayon sa awang ng pinto habang siya naman ay nasa labas lang. Animo ay isang tuod at parang wala pang balak na umalis. Then it hit me. Kung bakit yumuko si Lixn sa kanya kanina at kung bakit gusto niya ‘kong ihatid dito. In the end purong patansya ko lang pala lahat ng iyon. Sa isang iglap ay bigla ko na lamang naibalibag ang pinto ng malakas para lumaki ang pagkabukas nito at naiwan roong parang tuod na isinaksak sa lupa, dahil sa kahihiyan. A tiny smirk appears in his face, after that he slowly approach me. Pero hindi siya tumigil sa harap or sa gilid ko, kundi nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy lang siyang pumasok. Ang totoo pala ay bahay niya ang tinutuluyan ko at isa lamang akong sampid dito. Napa-face palm na lamang ako dahil sa kahihiyan. “Be sure to lock the door,” he commanded. [. . .] “So, are you saying this is not your primary home?” Tanong ko kay Raze nung nasa harapan na kami ng pagkaing ihinanda ni Lixn. Nilunok niya na muna ang pagkaing kanyang sinubo bago siya tumango. “Hmm, this is one of my leeway houses, unfortunately bihira lang akong bumisita rito kaya malaya mo ‘tong magagamit habang nandito ka sa teritoryo namin.” “When you said houses ibig sabihin marami ka pang ganitong uri ng bahay?” Muli niya ‘kong tinanguan tsaka na ulit siya nag-focus sa kanyang kinakain. Ako naman ay sinasaksak lang ng marahan ang kaning nasa plato ko habang lumilipad ang isip na nakatitig sa mukha ni Raze. Gaano ba talaga ka yaman ang pamilya ng lobong ‘to para magkaroon siya ng maraming bahay? Wait, let me rephrase it. Gaano ba kataas ang rango ng pamilya niya sa pack na ito? Bigla siyang tumingala at tinitigan ang mukha ko pabalik with matching pagtataka pa sa ekspresyon niya, dahil doon ay napayoko na lamang bigla ako at nagsimula nang magsubo sa mabilis na paraan, sinabihan pa nga niya akong magdahan-dahan at baka raw mabulunan ako. Inimbita ko rin si Lixn na sumalo na sa pagkain namin ngunit mabilis niya lang itong hinindian. Hindi naman siya nagsabi kung bakit at kaagad nang umalis sa dinning area saka bumalik siya sa kusina. Natapos kaming kumain at si Lixn pa rin ang nagligpit ng lahat ng iyon, gusto ko mang tumulong pero sinabihan na ako ni Raze na kaya na iyong lahat ni Lixn at matulog na lamang daw ako dahil lumalalim na ang gabi. “Hindi ka ba uuwi sa mismong bahay mo, I mean sa primary house mo?” ani ko nang mapansin kong naghuhubad na ng kanyang patrol suit si Raze. Napatalikod pa ako ng wala sa oras nang maghubad na siya ng outerlayer niyang damit, naging dahilan kasi ‘yon para bumalandra sa harap ko ang hapit na hapit sa kanyang katawang inner suit niya. Kaya rin ako napatalikod dahil feeling ko eh nahuli niya akong nakatitig sa bandang tiyan niya tsaka alam kung namumula ngayon ang mukha ko. “Dito na lamang ako matutulog for this night. There are still two vacant rooms in this house at doon na lang ako sa isa matutulog. Don’t worry malapit lang ‘yon sa kwarto mong ‘to.” Nabigla naman ako sa huli niyang sinabi, ‘di niya siguro napansin pero para sa pandinig ko eh napakamali ng binigkas niyang iyon. Nagmumukha akong hindi mapapanatag if malayo siya sa akin. Which is wrong, maling-mali. “O-kay,” ‘yon na lang ang nasabi ko, taliwas sa tinutulak ng isip ko. Matapos nun ay tuluyan na siyang lumisan sa loob ng kwarto. After that I started preparing myself to sleep. May sariling banyo ang kwartong ‘to kaya hindi ko na kailangan pang lumabas para maligo. Lumipas ang mahigit kalahating oras at tapos na ako sa aking paghahanda. Walang ano-ano ay kaagad ko nang ibinagsak ang aking sarili sa kamang naririto. Kasabay rin nun ang paglabasan ng nakatagong pagod sa loob ng aking katawan, parang nung naramdaman nilang nasa ibabaw na ako ng isang malambot at komportableng kama ay doon pa lang sila nagsilabasan. Hindi nagtagal dahil sa pagod ay nakatulog din ako kaagad. Himbing na himbing na ako sa aking pagkakatulog at ayaw ko na talagang ibuka ang aking mga mata. This is really a long day for me pero kahit anong gawin kong pagtakip sa aking tenga ay naririnig ko pa rin ang bawat kaluskos sa aking paligid. Para bang napakalapit ng mga ito sa akin, ewan ko kung tama ba ‘tong naririnig ko pero pakiramdam ko ay nakarinig ako ng malalalim na paghinga kani-kanina. Nakatalukbong na sa buo kong katawan ang kumot na ginagamit ko dahil gusto ko na talagang makatulog nang diretso, not until isang bagay ang nahulog sa sahig at nabasag. Nagsanhi ito ng malakas na ingay kaya kaagad akong napabalikwas para tingnan kung ano ‘yon. Hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang tumambad sa aking harapan. Si Raze hawak-hawak niya ang kanyang ulo na para bang sumasakit ito ng todo, hindi rin maperme ang buo niyang katawan at para na siyang lasing na pagewang-gewang.   “Raze, what’s wrong?" I shouted off of my lungs. He was half naked at tanging isang mahabang pants na manipis lang ang suot niyang pang-ibaba ngayon. At sa bandang iyon natigil ang titig ko, isang pahabang bagay ang nasa ilalim nito na ngayon ay tayong-tayo. Namulagat ako sa kung ano iyon at ngayon pa lamang ako nakakita ng ganoong bagay, napakalaki nito na halos mapunit na ang suot niyang manipis na pants na pantulog. Lalapitan ko sana siya umang tangkain siyang tulungan nang sigawan niya ako. “Don’t... Don’t come near me.” He stuttered. Ramdam ko ang paghihirap niya sa salita niyang iyon, hindi ko naman alam kung ano ang nangyayari sa kanya at isa pa ay sinabihan niya rin akong ‘wag siyang lapitan. Kitang-kita ko na ang butil-butil niyang pawis sa kanyang katawan. Para na nga siyang bagong ligo sa puntong ito dahil sa basa na ang kanyang balat. Hays, bahala na. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Sa mabilisang paraan ay tinakbo ko ang kanyang pwesto saka biglang hinawakan ang kanyang magkabilaang siko. Ngunit kasabay rin nun ay ang biglaan niyang paghablot sa maliit kong katawan padikit ng sa kanya. Nabigla ako at natuod na lang sa aking pwesto. Nakapulupot ang isa niyang kamay sa aking bewang samantalang ang isa naman ay nasa kanyang likod lang. Rinig na rinig ko ang malalalim niyang paghinga at ang lubos pang nagpakaba sa akin ay ang nagiba niyang hugis na mata. Napakaliit na ng pupis ng mga ito sabayan pa na animo’y umiilaw na ang mga ito, tanda na nasa kalagitnaan na siya ngayon ng kanyang pag-aanyong lobo. Ngunit hindi ba ay tapos na ang kabilogan ng buwan? Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanya ngayon. Isa pa ay napakainit ng kanyang buong katawan na para bang nasa gitna kami ngayon na naglalagablab na apoy. “I told you... don’t come near me.” He whispered. Ibang uri ang bulong niyang iyon, malagkit ang kanyang boses ngunit napakabanayad pa rin nito sa aking pandinig sabayan pa ng mainit na hanging dala ng kanyang pagsasalita. Huli na ng mapagtanto kong nakahiga na akong muli ngayon sa kama at napapaibabawan na niya. Isang matigas na bagay rin ang nararamdaman kong tumutusok sa aking ibabang bahagi. Kung ano mang uri ng bagay iyon ay dahilan iyon ng pagdagdag ng kabang nasa dibdib ko ngayon. “R-Raze.” ‘Yon lang ang tanging nabanggit ko dahil sa kaagad na niyang inilapit ang kanyang mukha sa bandang kaliwang tenga ko at doon ay pinasadahan niya ng kanyang panga ang aking tenga pababa sa aking leeg. Inamoy-amoy niya ang aking leeg kasabay ng pagbuga niya ng may kainitan niyang hininga. Napapa-igtad pa ako at sa hindi malamang dahilan ay nakalilikha ako ng weirdong ingay. Ingay na hindi pamilyar sa aking sistema. Narinig ko ang tonog ng mga bumabaong kuko niya sa gilid ng kama habang patuloy pa rin siya sa pag-amoy sa aking leeg. Then out of a sudden ay parang may himalang nangyari sa sarili ko at bigla na lamang akong nahimasmasan saka napabalik sa akong normal na wesyo. Sisigaw na sana ako at hihingi na ng tulong sa kung sino mang makakarinig sa akin nang kasabay nang pagbuka ko ng aking bibig ay siyang pagbagsak ng ulo ni Raze. Sa likod niya naroon nakatayo si Lixn na ngayon ay may hawak-hawak na malaking kahoy habang sa mga mata nito ay ibayong takot ang namumutawi.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD