BRONE’s POV
Gumising akong sabog at tulala. Pilit pina-process ang napakabilis na pangyayari kagabi, mas mabilis pa kaysa sa kidlat. I really didn’t think na ganon na pala ang nangyayari kay Raze.
He is in heat that time, he’s fvcking horny. Kung alam ko lang sa simula pa lang o nung pagkakita ko pa lang na nahihirapan na siyang pigilan ang sarili niya eh sana tumakbo na kaagad ako at hindi na siya nilapitan pa.
Well, all is just part of the past now. A thing that will not happen anymore because I will never ever permit it to. Natuto na ako and besides I’m a fast learner myself. An once lesson is enough for me to be literate.
Nagising akong hindi ko na mahagilap ni anino ni Raze sa buong bahay, hindi ko siya hinanap ah I just simply roam the house randomly. Sinabi naman sa akin ni Lixn, which is hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa hindi ko alam na dahilan, na nasa patrol shift na raw ito. Maaga raw talaga itong umaalis lalo na kung tungkol sa trabaho ang dapat nitong gawin.
Syempre pinagpasalamat ko na rin na hindi ko na ito naabutan pa dahil kung nagkataon ay hindi ko alam kung anogn level ng kahihiyan ang lulukob sa buo kong pagkatao. Hindi pa ako handang makita ito ng harap-harapan lalo na sa nangyari kagabi. I was a total embarassment.
But come to think of it ay hindi naman talaga ako ang dapat mahiya ng sobra sa aming dalawa dahil una sa lahat ay hindi ko naman alam na ganon na pala ang nangyayari, saka he should be tolerant with his self, dapat marunong siyang pigilan ang pag-iinit niya.
Well, ignorance of the law excuses no one ika nga nila kaya wala na rin akong maidadahilan pa. All in all ay may parte rin ako sa pangyayari na dapat kung ikahiya.
Napagpasyahan ko nang tumayo na sa aking pagkakahiga para masimulan na ang panibagong araw ko sa territory ng wolf pack na ito. I don’t have a choice kundi kalimutan na lang ang nangyari at ibaon na lang ito sa kailaliman ng ala-ala ko.
I’ve done my morning routine which is simple lang naman and I’m sure na ganon din talaga ang ginagawa ng karamihan. Hilamos, umihi, mag-toothbrush, and fix my as white as snow hair. Pagkatapos nun ay saka na ko tuluyang lumabas ng kwarto.
Nabungaran ko sa labas si Lixn na nagpupunas ng sahig habang takot na ekspresyon ang nakaukit sa kanyang mukha, pakiwari ko nga ay nasa ibang dimensyon ang isip nito at naglilinis lamang siya nang hindi niya nalalaman.
I decided na tapikin ang balikat nito upang makabalik siya sa normal niyang ulirat which is nangyari naman talaga. Napabalikwas pa siya at parang isa akong multo na nakita niya.
“Okay ka lang?”
“O-okay lang po ako, baka napagod lang po sa gawain.”
“Gusto mo bang tulungan na kita jan, tutal naman eh wala na rin akong makita pang gawin ngayon.”
“Naku, ‘wag po, hindi po pwede. Obligasyon ko po ang gawaing ‘to bilang omega. Tsaka baka mapagalitan po ako pag may nakakitang naglilinis ka dahil sa ‘kin.” Mahinhing pag-ayaw ni Lixn.
Pero ako ‘yung tipo ng taong hindi sumusuko agad kaya pinilit ko pa siya nang pinilit hanggang hindi na nga siya nakatiis at hinayaan na lamang akong tulungan siya sa gawaing bahay.
“Don’t worry hindi naman natin sasabihin kay Raze,” ani ko sabay pakita pa ng malapad kong ngiti.
We busy ourselves with all the chores. Kaliwa’t kanan ang paglilinis naming dalawa sa kabuoan ng bahay, general cleaning day pala ngayon at tradisyon na rin dito sa kanila na linisan ang buong bahay, isang beses sa isang linggo.
Parang hindi rin sanay ang sarili ko sa paglilinis kaya kailangan pa talaga akong turuan ni Lixn para lang magawa ko ng maayos ang ginagawa ko. Feeling ko tuloy eh imbes na makatulong ako ay mas napabigat ko pa trabaho niya.
“Gaano ka na ba katagal naninilbihan kay Raze?” usal ko habang nasa kusina na kami, siya ‘yung taga hugas ng mga kailangan hugasan samantalang ako naman iyong taga-punas.
“Sabay po kaming lumaki ni sir Raze. Ang ina ko ang unang nanilbihan sa kanila pero nung tumanda na siya ay ako na iyong humalili.”
“Ah ganon ba. Ilang taon ka na ba?”
“I’m 24 years old na po.”
“Ows, so I guess 23 na rin si Raze.”
“Hindi po, he was 2 year older than me, hehe.”
“Ahh ganon ba, by the way drop the po. Magka-edad lang naman tayo, you can just call me by my name. Brone.” Tumango lang siya at nagpakita ng medyo pilit niyang ngiti matapos nun ay tumahik na muli kami at nag-focus sa aming ginagawa.
“Oh- Ouch!” Bigla akong napa-aray dahil sa aksidente kong nahiwa ang isa kong daliri sanhi ng pinupunasan kong kutsilyo.
Dali-dali naman akong nilapitan ni Lixn para tingnan ang sugat ko. Kitang-kita ko pa kung paano magpawis ang noo niya at manginig ang kanyang mga kamay dala ng kanyang takot. Kumaripas kaagad siya ng takbo palabas ng kusina.
Naiwan ako roong ngumingiwi paminsan-minsan dala ng hapdi. Nakita ko pang tumulo ang butil ng dugo na galing sa sugat ko at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano pero parang bigla na lamang lumutang ang butil ng dugo kong ‘yon saka dumiritso ng labas sa bintana palapit sa isang estatwa ng lobong nasa labas.
Pagbalik ni Lixn ay may dala na siyang isang kahon. Mabilis niya akong pinaupo saka niya nilabas sa kahon na iyon ang mga first-aid kits. Nanginginig pa rin ang kanyang kamay kaya hinawakan ko ito at nagpresenta nang ako na lamang ang personal na maglalagay sa aking sugat.
“Sorry po, sorry... hindi ko na po dapat kayo pinatulong.” Ramdam ko ang takot sa bawat pagputol ng kanyang mga salita pati na rin sa muli niyang pag po sa akin at hindi na niya ako tinawag sa sarili kong pangalan.
“Wag kang mag-sorry, wala ka namang kasalanan. Katangahan ko ang sanhi kung bakit ako nasugatan kaya huminahon ka na. Ako dapat ang humingi ng tawad sa ‘yo.” Ani ko pa, sa pagsubok na ibsan ang pangambang kanyang nararamdaman.
Siguro nga ay ganoon na lamang niya maliitin ang kanyang sarili na kahit hindi niya naman kasalanan ay kailangan niya pa ring humingi ng tawad. Hindi ko lubos maisip na ganito siya lumaki. Sa lahat ng ayaw na ayaw ko ay ang hindi pantay na pagtanaw sa karapatan ng isang nilalang.
Kung bakit pa kasi kailangang by cluster o uri ang pagtanaw ng pagkatao sa mga wolf packs tulad dito.
Ramdam ko namang effective iyong pagpapagaan ko sa loob ni Lixn pero kahit na ganon pa man ay nanginginig pa rin siya hindi na nga lang ganon kagrabe.
Pagkatapos ng nangyaring iyon ay ako na lang mismo ang nagprisenta na kunyare ay napapagod na ako at bumalik na sa aking kwarto nang sa ganon ay hindi ko na maabala pa si Lixn at baka may mangyari na naman na ikapapahamak nito.
Nagkulong ako sa kwarto ng napakahabang durasyon, hanggang sa narinig ko na lamang ang mga ingay sa labas. Parang may kagulohan na nangyayari kaya sinubukan kong sumilip sa bintana. Naroon sa labas ang napakaraming tao at parang may pinag-uusapan silang lahat.
Sunod nun ay narinig ko ang pagbukas ng main door ng bahay senyalis na may pumasok dito. Agad akong lumabas ng kwarto para tingnan kung sino iyon at hindi nga ako nagkamali ng aking hinala. Si Raze, kararating lang niya habang may mga sugat siyang natamo sa kanyang braso at katawan. Mga hulma ng kalmot ang nakikita kong hugis ng kanyang mga sugat.
Sa pagkakataong iyon ay nakalimutan ko na ang hiya at mabilis pa sa kidlat na nilapitan ko siya saka sinuri sa malapitan ang kanyang mga sugat.
“Ano ito, may nangyari bang gulo sa pagpa-patrol mo?” Puno ng pag-aalala kong tanong kay Raze. Siya naman ay hindi makatingin ng direkta sa akin.
“Teka, kukunin ko ang first-aid kit. ‘Wag kang gagalaw,” dugtong ko pa.
Dali-dali ko kaagad na nilagyan ng paunang lunas ang mga sugat niya not minding that he is already shirtless right now. May isang kalmot siya sa likod at isa rin sa kanyang gilid, sa kaliwang braso niya naman ay may isang hiwa. Hindi naman ito malalalim pero may mga dugo pa ring natuyo nang nakapalibot sa mga ito.
“We are patrolling the west part of the territory then suddenly a group of south border wolves attack us in surprise. We couldn’t react in time. Fortunately, none of us die.” Pagpapaliwanag niya sa akin habang ako ay abala sa paglalagay ng lunas sa mga sugat niya.
Hindi ko na talaga kilala ang sarili ko. The moment na nakita ko siyang pumasok at may mga sugat sa katawan ay kaagad nang nag-react ang katawan ko na lapitan siya at suriin. I don’t really like the smell of wolves but him. He is different, his scent is giving different vibes to me. It was aggressive yet soft.
Nagkatitigan kami sa isa’t isa. Siguro ay tumagal ang pagtititigan naming iyon ng ilang minuto then suddenly bumaba ang tingin ko sa labi niya. His so red lips na kahit sa tingin pa lang ay alam ko nang ang lalambot ng mga ito.
Hindi ko na nakontrol ang aking sarili, namalayan ko na lang na unti-unti nang lumalapit ang aming mga mukha sa isa’t isa, then suddenly bigla kong naidiin ang cotton na hawak ko sa isa niyang sugat. Napangiwi pa siya na kaagad ko namang ikinahingi ng tawad. Matapos nun ay panibagong awkward ambiance na naman ang lumukob sa aming dalawa.
Minadali ko na ang pag-attend sa sugat niya saka ko na niligpit lahat ng mga kagamitan.
“Ayos na ang mga sugat mo, nalagyan ko na ng mga lunas. You just need to be careful not to be wounded next time.”
Aalis na sana ako nang biglang tawagin ng sinabi niya ang presensiya ko.
“Tungkol kagabi—”
“Just... Kalimutan mo na ‘yun, I know your difficulty. Don’t worry, I don’t mindi it so long as it won’t happen again.”
Matapos kong sabihin iyon sa mabilis na pagsasalita ay binilisan ko na kaagad ang lakad ko palayo sa kanya pero narinig ko pa rin ang pahabol niyang tugon.
“I can’t give you that as an assurance.”
Pumasok ako sa kusina kahit hindi naman talaga doon ang lagayan ng first-aid kit. Minabuti ko munang doon maglagi para magpalipas oras habang alam kong nasa sala pa si Raze, after a while ay dinala ako ng tingin ko sa bintana kung saan kitang-kita ko ang estatwa ng isang lobo.
Napakaganda ng pagkakahulma rito, bukod doon ay napaka-elegante rin ng tindig nito. Para bang pinapahiwatig niya na walang sinumang makagagapi sa kanyang lakas. At biglang bumalik sa aking isipan ang kakaibang nangyari kanina. Nung bigla na lang lumutang ang dugong galing sa sugat ko at dumiretso ito sa bunganga ng estatwa.
Nagtatalo pa rin ang isipan ko kung niloloko lang ba ako ng isip ko ng mga panahong ‘yon o talagang totoo ang aking nakita. Hindi ko namalayan ay napatitig na pala ako ng matagal sa estatwang iyon.
I appreciate its beauty and how good it has been carved pero may kakaiba akong nararamdaman habang nakatitig ako rito. Isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Pero magkaganon man ay isa lang ang nasisiguro ko, hindi iyon magandang pakiramdam.
“Sir, ahm, Brone. Pinapatawag ka ni sir Raze.” Rinig kong wika sa akin ni Lixn na ngayon ay naka-awang sa pinto nitong kusina.
“Bakit daw?”
“Hindi niya... sinabi. Ang habilin lang niya sa akin ay tawagin kayo.”
Nag-aalangan pa akong tumayo sa aking pagkaka-upo dahil hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ako tinatawag ni Raze. Humugot na lang ako ng malalim na hininga bago ako tuluyang tumayo at nilisan ang kusina.
*****
Sa tuluyang pag-alis ni Brone sa kusina ay siyang namang pag-ilaw ng kulay pulang mga mata ng estatwang mahigit isang oras niyang tinititigan kanina. Sa linaw ng kulay na nililikha ng mata nito ay nagmimistula na itong isang laser beam. Kasabay rin nito ang paglitaw ng isang dangkal na bitaw sa bandang bibig ng estatwa.