CHAPTER 07

2154 Words
BRONE’s POV 3 days have passed. Ang dalawang linggong paghihintay kong makita ang sapang iyon ay nabawasan na ng tatlong araw. Sa nakalipas na mga araw na ‘yon ay marami-rami na rin akong nakasallamuhang mga ka-uri nila Raze, unti-unti ko na ring naiintindihan ang pamamalaad nila sa loob ng kanilang pack. Sa loob din ng tatlong araw na ‘yon ay palaging si Lixn lamang ang nakakausap ko, we are living in the same roof after all, hindi na rin ito masyadong ilang sa akin. Parati ko naman kasi itong sinasabihan na ‘wag niya akong ituring na boss instead we can be friends na lang. She’s kind and shy. Madali kaming nagkapalagayan ng loob, tinutulungan ko siya sa mga gawaing bahay well, except na nga lang sa kusina. Na-truama na ata siya sa nangyari noong nakaraan na nasugatan ako kaya as much as possible eh inilalayo niya ako sa kusina o sa kung ano mang mga matatalim na bagay. Napapalapit na ang loob ko sa lugar na ito, kunti na lang at maituturing ko na ‘tong sarili kong tahanan. Malayo man ang pakiramdam ko sa nafe-feel kong ambiance ng tunay kong pinagmulan ay hindi ko na rin maipagkakailang hindi na rin masamang manatili sa lugar na ito. When it comes with Raze naman ay minsan lang kami magkasama at magkausap, siguro ay one to two times a day. Dahil nga iyon sa responsibilidad niyang magbantay sa borders ng kanilang teritoryo. Lately kasi ay dumarami na ang mga hindi nila ka-packs na lumalabag sa batas at bigla-bigla na lang pumapasok sa kanilang teritoryo kaya wala silang choice kundi mapalaban na rin. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hanggang sa araw na ito ay parang hindi na ata siya umuuwi sa sinasabi niyang sarili niyang tahanan. Parati na lang siyang dito natutulog at umuuwi pagkatapos ng kanyang patrolling shift, though hindi ko naman ikinakagalit ‘yon kasi sa kanya rin naman ‘tong bahay na tinitirhan ko ngayon pero nakaka-curious lang. Always niyang reason na sinasabi sa tuwing napapatanong ako eh wala raw magsisilbi sa kanya dahil nandito si Lixn sa akin, but one-time nang matanong ko iyon kay Lixn ay ang sabi nito na marami naman rawng kasambahay na omega si Raze kaya alam kong nagsisinungaling ang mokong. Well, hinayaan ko na rin ang ginagawa niya dahil katulad nga ng sabi ko eh kanya rin naman itong bahay na ito at nakikitira lang talaga ako. [. . .] “Brone, sama ka?” bungad sa akin ng napaka-energitic na kaibigan ni Raze na si Ford. “Saan?” “Sa fountain. Sama ka na, wala ka rin namang choice kundi umoo since utos ito ni Raze, nandoon na siya sa daan papunta roon, naghihintay sa atin kaya tara na.” Matapos niyang sabihin iyon ay hindi na niya ako pinagsalita at kaagad nang kinaladkad palayo sa bahay, ni hindi ko na nga naimbita sa Lixn. “Ahm, tayong tatlo lang ba ni Raze ang pupunta roon? Tsaka ano naman ang gagawin natin sa lugar na ‘yon?” “Ano pa ba edi syempre maliligo, don’t worry wala namang ibang tao roon kaya tayong tatlo lang talaga. Naisipan kasi naming magpahinga ngayong umaga since mamayang gabi pa naman ang shift namin ni Raze sa pagpa-patrol.” Bigla akong napatigil sa paglalakad kaya napatigil din si Ford, nagtataka naman siyang nilingon ako. “Ayoko na pa lang sumama, I’m not a fan of cold places especially waters.” Narinig kong napabuntong hininga siya saka niya ako hinilang muli. Nagbabalikwas pa ao dahil ayaw ko talaga sa malalamig na lugar lalong-lalo na ng mga talon, siguro likas na iyon sa akin bilang isang feline na matakot sa malalamig especially sa mga anyong tubig. Tumigil kami bigla sa paglalakad kasabay nun ay tumigil din si Ford sa paghila sa akin. “Don’t worry, hindi ordinaryong talon ang meron kami rito, Hindi malamig ang tubig roon at sigurado akong mag-eenjoy ka. Susugal ko buntot ko.” One of the most important part of a werewolf is their tails kaya taboo iyon sa kanila na sabihin ang ganoong bagay. Bigla ko namang naramdaman ang papalapit sa aming presensya ni Raze. Nang makalapit na ito sa amin ay kenwento ni Ford dito kung paano ayaw kong sumama dahil lang sa akala ko ay malamig ang tubig na naroroon. And as usual ay parehas lang ang sinabi nito sa sinabi kanina ni Ford. “Hindi malamig ang tubig sa talong iyon. I know you don’t like waters pero sinisigurado kong magugustuhan mo ang talon namin dito,” ani ni Raze sa akin habang ang nangungusap niyang berdeng mata ay direktang nakatitig sa mata ko. Para naman akong nahipnotismo kaya tumango na rin ako’t nagpatuloy na kami sa paglalakad. Malawak itong teritoryo nila, sa kung hindi ako nagkakamali ay sasakupin na ata nito ang kabuoan ng buong antartica. Sila rin ang pinakamalalking wolf pack sa Alwest (A/n: the name of their country.) Kaya hindi na rin nakakapagtaka na maraming mga natural resources ang matatagpuan rito at mga magagandang tanawin na pwedeng puntahan, katulad na lang ng sinasabi nilang fall. Matapos ang medyo mahaba-habang lakaran ay nandito na kami ngayon sa east side of their territory kung saan nga raw makikita itong sinasabi nilang talon, matarik na ang daang tinatahak namin sa puntong ito, medyo basa na rin ang paligid sinyales na nalalapit na kami sa mismong talon. Kamuntikan pa nga akong madulas buti na lang eh nasa likod ko lang lagi si Raze para umalalay sa akin. Just a little bit of walking and finally nakita ko na ang napakataas na bagsak ng talon. Malamig ang paligid dahil nakapalibot naman sa lugar na ito ang matatayog na puno at mga halaman. Samantalang ang tubig namang tumatalsik sanhi ng pagbagsak ng tubig galing sa itaas ng talon ay may pagkainit ang temperatura. “Hot spring?” I muttered subconsciously. “Well, yes but no. Nakikita mo naman sigurong bumabagsak ‘yung tubig mula sa taas, Brone, no? So apparently mainit lang ang tubig niya pero talon talaga siya.” Pagbibirong bara sa akin ni Ford na ngayon ay kinakapa na ang tubig. “Alam ko, nasabi ko lang ‘yon out of something. Anyway, maganda ‘tong lugar ah.” “Nagustuhan mo ba?” may ngiting pagsabat ni Raze na ngayon ay nasa tabi ko lang, nilingon ko siya saka dahan-dahan akong tumango sabay ngiti pa ng malapad. “You know, si Raze talaga ang nagpresentang pumunta tayo rito. He really makes sure na walang ibang tao bukod sa ‘tin.” Rinig kong wika ni Ford na ngayon ay nakaloblob na sa tubig. “Come on, tama na ang harotan at maligo na.” Dugtong pa nito sabay wisik sa amin ng tubig. Hindi na rin naman ako nag-atubili pa at sabay na kaming tumalon sa tubig ni Raze. Naghubad ng pang-itaas niya si Raze samantalang ako ay diretso nang tumalon. Aliw na aliw kaming nagtatampisaw sa tubig at parang mga batang naglalaro at nagtatalsikan ng tubig hanggang sa bigla na lang sumigaw ng malakas si Ford. “Watch out!” Nang sundan ko ang tinitingnan nito ay naroon iyong lalaking assistant ni Mrs. Veronica. Parang hindi ito makakita ng maayos dahil kumakapa-kapa ito habang ang kanyang mata ay sinisingkit niya. Kaya sumigaw si Ford kanina ay para pigilan itong tuluyang mahulog sa tubig dahil nasa gilid na pala ito ngayon. “Ike? (pronounce as ‘Ayk’)” said Ford. Sabay-sabay naman kaming umahon sa tubig para lapitan ito. Wala na ang napakakapal nitong balbas na noon ay tumatabon talaga sa mukha niya. Kamuntikan ko na nga itong hindi mamukhaan kugn hindi lang sa suot nitong long white coat dress na kadalasang sinusuot ng mga nasa laboratory. Kumaway-kaway pa ko sa harap ng mukha nito at talagang wala nga itong masyadong makita. “Pasensya na kayo, nawala kasi ‘yong eyeglasses na suot ko habang naghahanap ako ng herbs banda rito. Kanina ko pa ito hinahanap pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahagilap kaya hindi ako makaalis-alis. You see, malabong-malabo na ang paningin ko.” Ani pa ng lalaki na tinawag kanina ni Ford as Ike. “Kamuntikan ka nang mahulog sa talon, kung hindi pa kita sinigawan baka tuluyan ka na talagang nahulog, saan banda mo ba nawala ang salamin mo?” pagtatanong dito ni Ford. Sinabi naman ni Ike na dito lang daw niya banda iyon nahulog kaya rito lang din siya nagpapaikot-ikot ng hanap kanina pa. “Baka nahulog na ‘yon sa tubig,” usal ko which is may point naman since napakalapit na talaga ng pwesto namin ngayon sa lawang binabagsakan ng tubig ng talon. Nagsuhestyon naman si Raze na ‘wag nang hanapin pa at alalayan na lang namin si Ike na makauwi. Dahil kanina pa naman kami naliligo rito at sa tingin ko ay sapat na iyon kaya pumayag na agad ako. Matapos nun ay kaming apat na ang sabay-sabay na bumalik sa central plains kung nasaan naroon ang bahay na tinutuluyan ko pati na rin ang laboratory ng mga foxtrot na katulad ni Ike. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ay napansin ko sa ‘di kalayuan ang grupo ng mga lalaking parehas ang suot sa suit nila Raze. Sabay-sabay ang pag-angat ng mga paa nito at parang may pinapalibotan sa gitna nila. “Sino sila?” ani ko sabay turo pa sa direksyon ng mga ito. Napatingin naman kaagad ang mga kasama ko sa kung saan nakaturo ang mga kamay ko. Nilingon ko si Raze pero diretso lang din itong nakatingin sa tinuturo ko at parang walang balak na sumagot kayo bumaling na lang ako kay Ford na siyang sumagot sa akin. “They are the personal guards of our Alpha Leader. An elite group of Beta wolves who trained under the chamber of our Alpha leader. Kung nandito na sila ibig sabihin nun ay nakauwi na rin ang alpha leader galing sa paglabas nito sa teritoryo.” “Labas?” bulalas ko. “Well, yes. Kahit gaano naman kalawak itong teritoryo namin ay may mga ibang packs pa rin sa labas na kailangang kausapin ng alpha leader to promote peace. Katulad na lang ng mga nangugulong taga south border.” Marami pang sinabi si Ford pero hindi ko na masyado iyong pinansin dahil nakatingin lamang ako ng mariin sa papalayong grupong iyon at sa nilalang na nasa gitna nila. Hindi ko ito makita dahil talagang natatabunan ito ng mga lalaking naka-black suit. If he really is the alpha leader, then sooner or later ay magkakaharap din kaming dalawa. [. . .] I feel like I jinx myself. Dahil kinagabihan ng araw na ito matapos kung makita ang mga personal guards ng alpha leader ay sa puntong ito ay kasalukuyan na akong pinapatawag sa chamber nito. Gusto raw ako nitong makita at makausap which is hindi nangyari nung nakaraan dahil umalis nga ito. Pero ngayon ay alam kung magkikita na talaga kami. I feel nervous and excited at the same time. Matagal ko na ring makausap ang alpha leader nila dahil marami rin akong gustong itanong dito pero feeling ko pag nakaharap ko na ito eh mawawala na lang bigla ang mga tanong ko sa isip. Dahil nga’t gabi na kaya time na for the patrolling shift of Raze and Ford at dahil doon ay wala akong mahanap na kasama para pumunta sa chamber ng kanilang alpha leader. Nahihilo na ako kakalakad dito sa sala dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, not until nagpresenta si Lixn an siya na lang daw ang sasama sa akin since wala naman daw siyang ginagawa. Hindi na rin ako nag-atubili pa ang kaagad nang naghanda saka tuluyang binagtas ang daan patungo sa chamber ng alpha leader kasama si Lixn. “Ano bang ugali meron ang alpha leader niyo?” tanong ko kay Lixn nung nasa kalagitnaan na kami ng aming paglalakad. “Actually, maging ako man ay hindi ko pa ito nakausap o nakita kaya hindi ko masasabi sa ‘yo kung anong uri ng ugali meron ang aming Alpha Leader pero base sa sinasabi ng mga nakakausap ko ay maginoo raw ito.” Napangiwi naman ako sa sagot na iyon ni Lixn, wala naman kasi akong pake kung maginoo ba ito o ano, ang gusto ko lang malaman kung mabait ba ito o sadyang estrikto. But I guess I just need to find it out on my own. “Are you really sure na alam mo ang pasikot-sikot sa chamber ng inyong alpha leader. Nakakaligaw pa naman ang daanan sa loob nun. Last time I check eh kung hindi ko lang kasama si Raze ay naligaw na ako.” “Don’t worry, Brone. Ilang beses na rin akong nakapunta roon.” “Really? Well, good then.”   *****      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD