BRONE’s POV
A sudden jolt of feeling runs through my system. I can’t explain what it is but one thing is for sure. It was the suspect of my shivering body. Napaigtad pa ako nang bigla akong kalabitin ni Lixn nung nasa mismong harapan na kami ng chamber ng kanilang alpha leader. Madali naman akong nakabawi at sinabi na lang na ayos lang ako at wala siyang dapat pang ipag-alala.
I cannot picture out the appearance of their alpha leader, ni ang presensya nga nito kanina nung nakasalubong ko ito sa gubat ay hindi ko rin maramdaman. Parang tagong-tago talaga sa kahit na sino mang magtangkang kumilatis dito.
Huminga akong malalim bago ako tumuloy sa aking paghakbang paabanti. Pinagbuklod ko na lang lahat ng lakas ng loob ko sa papalapit naming paghaharap ng alpha leader nilang ito. Grabe man ang kabang nasa aking dibdib pero pilit ko pa rin itong pinapahupa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng sarili kong kumpyansa.
Hindi naman siguro ako biglaang susugorin nito pagkaharap namin diba?
Inabot kami ni Lixn ng mahigit sampung minutong paglalakad sa loob ng chamber bago namin marating ang harap ng isang silid. Ang silid kong saan ko nakilala noon si Izy. Kung tama ang pagkaka-alala ko ay ito rin ang bulwagan at mismong silid ng kanilang alpha leader na si Vladimir. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pangalan nito samantalang kadalasan lamang ipinapangalan ang ganoong pangalan sa mga lahing bampira na mortal na kaaway ng mga lobo.
Hindi pa man namin naitutulak ang napakalaking pintuan sa harapan namin ay kusa na itong bumukas saka iniluwa ang puno ng liwanag na kwarto sanhi ng mga nakadikit na sulo sa naglalakihang haligi sa loob.
Ang bakanteng upuang nakita ko noon, ngayon ay may nakaupo na. May kalayuan ang distansya ko rito kaya hindi ko pa gaanong naaaninag ang mukha ng nilalang na nakaupo roon pero base sa bulto nito ay nakasuot ito ng isang makapal na kasuotang gawa sa kung ano mang balat at balahibo ng hayop. Sa gilid nito naroon din ang isa pang bulto na hindi ko na kailangan pang maaninag ng maayos ang mukha para makilala ito.
“Welcome back to this wonderful room, Brone. How’s your stay in our territory so far?” maligalig na sigaw ni Izy sa akin kahit na nasa awang pa ng pinto ang pwesto ko ngayon.
Sa aking pagkabigla ay muling nagsara ang pintong nasa aking likoran at bukod pa ron ay naiwan rin si Lixn sa labas, nagsanhi tuloy ang pangyayari para kabahan pa ako ng husto. Ngayon, nag-iisa na lang talaga akong haharap sa alpha leader.
“It’s good, your people are easy to work with, I kinda like the mood of the atmosphere here,” tugon ko sa passive kong tono habang maliliit na hakbang pasulong ang aking ginagawa.
Patingin-tingin pa ako sa aking paligid para siguruhing wala nga talagang ibang taong naririto kundi kaming tatlo lang. Kahit na sinalubong ako ng maligalig na tanong na iyon ni Izy ay hindi pa rin nabawasan nun ang pagka-gloomy ng silid na ito.
“Good, good. Mabuti naman, umasa kang mababait at mga friendly talaga ang buong nasasakupan. Hindi ba, Vladimir?” usal muli ni Izy na ngayon ay kasalukuyan nang tinatawag ang pansin ng alpha leader.
Patuloy pa rin ang maliliit kong paghakbang pero sa pagkakataong ito ay nakatuon na lamang ang buo kong atensyon sa kung anong itutugon ng alpha leader, pero binigo lamang ako ng aking inaasahan. Hindi ito tumugon at nanatili lamang itong tikom ang bibig sa sinabing iyon ni Izy.
Rinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Izy saka siya muling nagwika. Kinamusta niya ako sa mga bagay-bagay patungkol sa mga pinaggagawa ko nitong nakalipas ng tatlong araw na pamamalagi ko rito, kahit na alam ko na namang alam na niya iyon lahat ay nagkunwari pa rin akong ignorante at sige lang sa pagtugon sa lahat ng kanyang katanungan. Hindi nagtagal ay tuluyan na nga akong nakalapit sa kanilang pwesto.
Sa pagkakataong ito ay lubos ko nang naaaninag ang itsura ng alpha leader. Isang nasa 40s na lalaki ang naka-upo sa magarang upuan, makapal ang bigote nito sa mukha at may kaunting wrinkles na rin akong nakikita rito. Magkaganon man ay hindi pa rin maipagkakailang gwapo pa rin ito at hindi halatang nasa 40s na ito.
Isang simpleng pagpupugay ang aking ginawad sa harap nito. Sa pamamagitan ng paglapat ko ng aking kanang palad sa aking bandang puso sabay yuko ng bahagya. Mabuti na lang at naturo ito sa akin ni Raze kamakailan bilang way of salute nila sa kanilang mga nakatataas.
Sa muli kong pagtingala ay blankong mukha pa rin ng alpha leader ang aking nakita. Hindi ko na tuloy alam kung ano na ang susunod kong sasabihin. Mabuti na lang at narito si Izy para sumabat at iliko ang topic. Nagsalita na naman siya ng kung ano-ano para lang hindi mabalot ng katahimikan ang kwartong ito.
Hanggang sa nabigla na lamang ako sa biglaang pagsiko ni Izy sa kanilang alpha leader sabay sabing. . .
“Vladimir, malapit nang matuyo ang aking laway, hanggang kailan mo ba balak manahimik at tumitig lang jan?” ani nito.
Sa pagkakataong iyon ay iwinaglit na ng alpha leader ang atensyon nito sa akin saka niya nilingon ang ngayon ay nakasuot ng pekeng ngiti na sa Izy. Sandali lang iyon at binalik muli nito ang paningin sa akin.
“Isa kang feline, hindi ba?” diretsong usal ng alpha leader na siyang nagpamulagat sa akin.
Hindi ako nakakilos sa aking kinatatayuan at dilat lamang ang aking matang tuwid na nakatitig pabalik sa kanya. Ni maibuka ko ang aking bibig ay hindi ko magawa.
Hindi ko lubos akalaing ganoon lang pala ako kadaling mabuko sa harap ng alpha leader na ito. Nagawa kong itago ang aking pagiging feline sa mga lobong nakakasalamuha ko sa labas ngunit sa kaunting oras na magkausap kami ay kay dali niya lamang akong nakilala.
Pakiwari ko ay alam na rin talaga ito ni Izy dahil wala rin akong makitang pagkabigla sa ekspresyon nito. Alam na niyang mangyayari ang bagay na ito.
“I—”
“Kung tama ang pagkaka-alam ko ay hindi ka galing sa mundong ito, sapagkat ang uri niyo ay hindi nabibilang rito. Hindi ko lamang makita ang dahilan sa kung papaano ka napadpad dito at sa mismong teritoryo pa namin.” Ma-awtoridad na wikang muli ng alpha leader. Sa bawat salitang kanyang binibitawan ay may diing kanyang isinasama. Mababanaag ang galit ngunit meron din namang pagkahinahon.
“A-Anong ibig niyo pong sabihin sa hindi ako nabibilang sa mundong ito”
Isang mahabang katahimikan sanhi ng hindi kaagad pagtugon ng alpha leader.
“Talaga ngang makulit ang inyong uri, sa tagal ng panahong nagdaan ay hindi niyo pa rin tinatantanan ang aking nasasakupan.” Biglang napatayo ang alpha leader. “Ano ba ang inyong pakay at balik kayo ng balik sa lugar na ito?”
Sa pagkakataong ito ay alam ko nang galit na lamang ang namumutawi sa kanyang mga salita, maging ako man ay hindi na rin mapigilang manginig at tumaas ang mga balahibo sa uri ng kanyang pagsigaw. Pilit siyang pinapahinahon ng kanyang personal magician na si Izy pero sige pa rin ang pagduro nito sa akin.
Napapalingo na lamang ako dahil sa wala naman akong alam sa pinagsasabi nito. Wala akong ni isang maalala kung kaya’t hindi ko alam kung tama ba o mali ang kanyang isinisiwalat. Iyon nga ba talaga ang dahilan ng pagkapadpad ko sa lugar na ito? O may ibang dahilan pa?
Nakita kong may ibinulong si Izy sa alpha leader pagkatapos nun ay biglang umukit sa mukha nito ang magkahalong pagkabigla at pagtataka, sumunod ay bumalik na ito sa kanyang pagkaka-upo.
Hindi ko pala namalayang kasalukuyan na akong nakaupo ngayon sa sahig, sanhi siguro ito ng panlalambot ng aking mga tuhod.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng alpha leader.
“Kung totoo ngang nakalimutan mo ang iyong nakaraan ay hindi ko na ipagpapatuloy pa muna ang usaping ito, ngunit kapag nalaman kong nagsisinungaling ka lamang ay patawarin ako ng aking mga ninuno ngunit kahit may kaunting kabutihan pa kayong naibigay sa aming lahi ay agaran kitang kikitilan ng buhay.”
Nataranta ako at kaagad na tinanong ang alpha leader.
“Kung ganon ay kung may nalalaman kayo tungkol sa aking nakaraan ay kailangan ko ang inyong tulong para ako ay makaalala. Kailangan ko ang nalalaman niyong impor—”
Bigla na lamang akong hindi makapagsalita, pilitin ko mang ibuka ang aking bibig ay wala ni isang salitang lumalabas rito. Nang itungo ko ang aking paningin si gawi ni Izy ay kasalukuyang nakatapat ang kamay nito sa akin, nakabuka ang kanyang kanang palad.
“Sa ibang araw na lamang natin ipagpatuloy ang usaping ito. You see, pagod na si Vladimir, este ang aming Alpha Leader dahil sa mahaba niyang paglalakbay sa labas ng teritoryo. Lumalalim na ang gabi, kailangan na niyang magpahinga—”
Isang malakas na ihip ng hangin ang naramdaman kong dumaan sa aking gilid sunod nun ay narinig ko na lamang ang galit na galit na boses ni Raze.
“Lift your magic, Izy. Right now!” madiing wika ni Raze na ngayon ay nakatayo na sa aking harapan. Habang ang isang kamay nito ay nakaabot sa akin wari ay pinoprotektahan ako.
“Okay, okay, Chill, little alpha boy. I won’t hurt you mate,” tugon ni Izy na nagdagdag sa aking iisipin.
“Alpha? Mate?” mahina kong bulalas sa aking isip.
Sandali naman akong nilingon ni Raze saka ulit nito hinarap si Izy na ngayon ay nagtatakip na ng kanyang bibig wari ay nakagawa ito ng napakabigat ng kasalanan.
“Kung may kailangan ka sa akin bukas mo na lang ito sabihin at ako’y pagod na,” ani ng alpha leader kay Raze sa walang kagana-gana nitong tono.
“Wala akong kailangan sa ‘yo at kailanman ay hindi ako lalapit sa ‘yo. Tanggalin niyo ‘tong ginawa niyo kay Brone bago tayo magkagulo rito.”
Pagkatapos nun ay mainit na titigan sa pagitan ni Raze at ng alpha leader ang nangyari. Animo ay sa titigan nilang iyon ay pinapatay na nila ang bawat isa. Ilang sandali lang ay ang alpha leader na ang unang sumuko kasabay nun ay senenyasan nito si Izy na tanggalin ang mahikang ginawa sa akin. Mabilis pa sa alas kwatrong naibalik ang aking boses.
Tuluyan nang lumisan ang dalawa sa pintuang nasa likod banda lamang ng magarang upuang iyon. Sa pagkakataong ito ay kaming dalawa na lamang ni Raze ang naiwan dito.
Dalian niya kaagad akong kinamusta at sinuri ang aking katawan kung ako ba ay nagkaroon ng pinsala. Sa kanyang mata naroon makikita ang magkahalong galit at puot. Hindi ko alam ang dahilan nun at pakiramdam ko ay wala ako sa posisyon para tanungin iyon sa kanya.
Napatitig na lamang ako sa kanyang mukha habang hindi alintanang wala na palang natitirang lakas sa aking katawan, lupaypay na ako at hindi na kayang tumayo mag-isa.
Sabay naming nilisan ni Raze ang silid na iyon. Habang ako ay kanyang akay-akay na parang bagong kasal. Ang kanina ay galit at puot sa kanyang mata, ngayon napalitan na ng pag-aalala.
Naging blanko ang isip ko. Wala ni isang imahe ang naglalaro ngayon sa aking utak. Maging ang sinabi kanina ng alpha leader ay parang bigla ko na lang ding nakalimutan. Parang nawalan ako bigla ng ulirat at rasong mabuhay.
Sa puntong ito ay nagdududa na ako sa aking mismong sarili. Kilala ko pa ba ang sarili ko o sadyang nabubuhay lamang ako sa isang ilusyong ako mismo ang may gawa?
Hindi pa man din kami tuluyan nakakalabas sa chamber ng alpha leader ay isang boses ang bigla na lamang nagsalita sa loob ng aking isipan. Ang boses ni Izy.
“Kung gusto mong makakalap ng kasagutan ay pumunta ka sa lugar kung saan nagsimula ang lahat ng ito. Kung saan ka nahanap ni Raze.”
Bigla akong napamulagat at naibalik sa aking wisyo. Walang ano-ano ay tumalon ako sa pagkaka-akay sa akin ni Raze at kumaripas ng takbo patungo sa direksyong hindi ko alam kung saan patungo. Basta ang tanging iniisip ko lamang sa mga oras na ito ay kailangan kong makapunta sa lugar na iyon.
Kailangan kong maabot ang sapa sa ilalim ng sinasabi nilang tree of change, dahil kung totoo man ang sinasabing iyon ni Izy sa aking isipan ay malamang ay doon ko nga malalaman ang sagot sa aking mga katanungan.
Pilit man akong binabagabag ng mga isinumbat sa akin kanina ng alpha leader ay maaring malinawan din ang lahat ng iyon kapag natunton ko na ang sapang iyon.
Ngunit saan ko ito makikita? Anong daan ang dapat kong tahakin para marating ito?
*****