BRONE’s POV
Nagmamadali akong tumakbo sa kung saan mang direksyon, kunyare ay alam ko na ang aking patutunguhan ngunit ang totoo ay hinahayaan ko lang talaga ang aking mga paa na gumawa ng sarili nitong desisyon at ipagpasalangit na lamang ang patutungohan ko.
Sa lawak ng teritoryong ito ay malabo nga talagang matunton ko ang sapang iyon. Kahit baliktarin ko pa ang lupa at langit ay wala pa ring mangyayari. Sa huli ay nagtatago lamang ako sa isang ilusyong ako mismo ang may nais. Nagkukubli sa landas na walang hangganan.
Hawak-hawak ang dibdib ko sabayan pa ng aking paghingal dahil sa walang katapusan kong pagtakbo ay napunta ako sa gitna ng kung saan. Puro nagtataasang katawan lamang ng puno ang aking nakikita at wala ni isang ilaw akong naaaninag liban na lamang sa iilang alitaptap na nagkalat sa hagin. Mga huni ng kwago at mga maiingay na insketo ang namayani sa aking pandinig.
Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at pakiramdam ko, sa bawat pagtungtong ng bagong segondo ay unti-unting lumulubha ang pag-ikot ng aking paligid. Animo’y pati ang gubat ay pinaglalaruan ako sa ‘di ko malamang dahilan.
I feel frustrated. Nauubos na ang pasensya ko. Kating-kati na ang buong katawan kong malaman ang lahat ng tungkol sa akin.
Isang napakalakas na sigaw ang aking pinakawalan sa hangin, kasabay ng sigaw na iyon ay lahat ng galit at inis na siyang nakakulong sa aking dibdib. Isang sigaw muli at naramdaman ko na lamang ang pagliparan ng mga ibon sa paligid sanhi ng pagkabulabog ko sa mga ito.
Sisigaw pa sana ako ng isang kamay ang tumakip sa aking bibig. Ang magaspang na malapad na kamay ay siyang tumakip sa aking bunganga para hindi na ako makasigaw pa. May kunting diin niya itong tinakpan ngunit tama lang upang hindi ako mawalan ng komportable sa paghinga.
“Walang magagawa ang pagsigaw mo kundi pambubulabog lamang. Malalim na ang gabi, natutulog na ang mga elemento sa gubat. Ikaw lamang din ang mapapahamak kung ipagpapatuloy mo ang ‘yong pagsigaw.”
Nagpumiglas ako at walang ano-ano naman na ako’y nakatakas sa kanyang hawak. Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay alam ko pa rin kong nasaan siyang direksyon ngayon. Hinarap ko siya. Hinarap ko si Raze.
“Kung ganon, ihatid mo ko sa sapa. Sa kung saan mo ko napulot.” Garalgal ang aking boses na sinabi ang katagang iyon. Masyado talagang mahina ang aking sarili, kay dali kong umiyak at mahulog sa tuksong nakahain sa aking harapan.
Hindi kaagad siya sumagot kaya tanging mga ingay ng insecto muli ang namutawi sa paligid. Sunod nun ay hindi ko na siya hinintay pang tumugon bagkus ay nagpatuloy na ako sa aking paglakad pasulong. Pero maagap siya dahil sa oras ng aking unang hakbang ay siya niya ring paglitaw sa aking harapan muli upang harangin ang aking daraanan.
“Wag mo kong gagalitin, Raze. Hindi mo pa ako lubos na kilala. Kung ayaw mo akong ihatid at tulongan ay wala na akong magagawa roon pero hindi kita pahihintulotang ako’y pigilan.” Ma-awtoridad kong bigkas na may halong pagbabanta.
Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga.
“Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa ‘yo ni Izy. Pero hindi mo siya kilala, mapaglaro ang mahikerong ‘yon. ‘Wag mong paniwalaan ang lahat ng kanyang sinasabi at pinapahiwatig sa ‘yo.”
“At sino ang dapat kong pagkatiwalaan? Ikaw?” I paused trying to see his reaction in this unlit forest. “The last time I remember, of all people in this pack ay ikaw itong mas maraming sekretong itinatago sa ‘kin. Hindi ko pa nakakalimutan ang padaplis na sinabi kanina ni Izy, Raze. Tungkol sa paginging isa mong Alpha at higit sa lahat ay ang pagiging. . .” Hindi ko matapos ang aking sasabihin, para bang pinipigilan ko ang aking sarili na sabihin iyon, marahil ay hindi ko pa lubos maunawaan ang salitang iyon o sadyang iniiwasan ko lang na sabihi ito dahil baka tuluyan na itong tumatak sa aking isip.
Tinangka niya akong lapitan ngunit sa kanyang paglapit ay siya ko ring paghakbang palayo sa kanya. I feel betrayed. Of all people here ay siya ang pinakapinagkakatiwalaan ko pero anong ginawa niya. Nagsinungaling siya sa akin para ano, saan at bakit?
Naramdaman ko na lamang ang biglaang pag-init ng aking mga mata and the next thing I knew ay may isang butil na ng luha ang dumadaloy sa aking pisngi, eksakto pa nito ay siyang pagtama ng sinag ng buwan sa magkapareho naming mukha.
Ang kanina ay malungkot niyang ekspresyon ay kaagad na napalitan ng pag-aalala nang makita niyang ako ay umiiyak. Dali-dali ko kaagad na pinanunasan ang aking luha saka muli siyang tinalikuran upang sana ay iwanan na siya roon ngunit ang aking inaasahang pagtakbo ay nauwi sa ibang pangyayari.
The next thing I knew is that our lips is already touching each other. Isang halik na si Raze mismo ang nag-initiate. Sa ilalim ng sinag ng buwan naganap ang una naming halik. Ang pagnakaw niya sa isa sa pinaka-iniingatan kong parte ng aking pagkatao ay tuluyan na niyang kinuha.
Hindi ako nakagalaw. Ang malambot niyang mga labi ay nakadikit sa akin at iyon lamang ang tanging naglalaro sa aking isipan ngayon.
Sunod kong naramdaman ay ang pagpulupot ng kanyang kamay sa aking bewang sabay hablot ng aking katawan palapit sa kanya. Sumunod nun ay siyang dahan-dahang paggalaw ng kanyang labi. Hindi rin ako nagpahuli at namalayan ko na lamang na tuluyan na akong nahulog sa kanyang halik at sinusundan na ang ritmo ng paggalaw nito.
Nagpalitan ang aming mga laway at animo’y dalawang ahas na naglingkisan ang aming dila sa bawat pagpalitan namin ng aming mga kalik. Naging agresebo na ang ganapan. Nagsisimula nang gumalaw ang aking mga kamay, hinahaplos ang bawat parte ng kanyang katawan. Lumalim nang lumalim ang halikan naming iyon at hinahayaan ko lamang siyang maging dominante.
Kahit na alam kong nawawalan na ako ng hininga ay wala pa rin kaming putol. Parang mga manok na uhaw sa tubig at nag-aagawan sa gabutil na tira.
Pumasok ang kanyang isa pang palad sa loob ng aking damit at doon ay hinanap nito ang nakaumbok kong n****e. He caresses it. Play with it like it’s his favorite toy. Naging sanhi rin ang ginagawa niyang iyon ng bahagyang pag-arko ng aking katawan. Ang mainit niyang palad ay nagdala ng kakaibang kuryente sa buo kong sistema nang sa ganon ay mawalan ako ng lakas at manghina.
Lumipas ang mahabang minuto at kapwa na kami hingal na hingal. Magkadikit ang aming mga noo habang ang sinag na nanggagaling sa buwan ay patuloy pa ring tumatanglaw sa amin. Pati ito ay nag-enjoy rin yata sa maikili ngunit parang napakahabang palabas namin.
Slap. Isang tunog ng sampal ang ipinadapo ko sa kanyang pisngi. Sinigurado kong malakas iyon na aabutin talaga ng isang araw bago mawala ang marka na pasa.
Matapos nun ay wala akong iniwang salitang tumakbo palayo sa kanya at pabalik sa daan patungo sa central plains, kung saan naroon ang bahay na siyang aking tinutuluyan.
Dala ang magkahalong hiya at kilig ay patuloy lamang akong tumakbo hanggang sa maabot ko ang harapan ng bahay. Dire-diretso ang aking pagpasok hanggang sa aking kwarto. Saka nagtalukbong ng kumot at kinalimutan nang gawin ang paghahanda sa pagtulog.
Kinabukasan. Maaga akong nagising at wala akong Raze na nahagilap sa bahay. Tinanong ko si Lixn kung umuwi ba ito kagabi ngunit ang sabi lng niya ay hindi raw. Marahil ay sa totoong bahay na niya ito umuwi.
Hindi ko rin naman ito kayang harapin na. Lalo pa sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung ako ba ang may kasalanan ng nangyari o siya.
Kasalanan ba niya dahil siya ang nag-initiate ng halik o sadyang kasalanan ko dahil hindi ko siya tinulak at hinayaan ko lamang ang aking sariling mahulog sa tamis at lambot ng kanyang labi? Napalingo-lingo na lamang ako, sa konting pagkakataon ay nakalinutan kong napakarami ko pa lang iniisip kagabi na hindi pa nabibigyan ng agarang kasagutan.
Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng sagot pero bahagya nang huminahon ang aking sarili. Nakakapag-isip na ako ng mabuti nang hindi nagpapadala sa galit at padalos-dalos na galaw.
Siguro nga ay tama rin si Raze, kailangan ko lang talagang hintayin ang tamang pagkakataon at sa sariling desisyon ko lamang dapat ako magtitiwala. I sound absurd pero napakalma ako ng halikan naming iyon kagabi. Naging parang melatonin ko pa nga ‘yon para maging mahimbing ang tulog ko kagabi without worrying some things.
Tinawag ko si Lixn para lumapit sa ‘kin dahil may mahalaga akong dapat itanong sa kanya. Mabilis naman niya akong nilapitan.
“Alam mo ba kung saan ang daan papunta sa sapa sa ilalim ng tree of change?”
Tumango siya.
“Samahan mo ko,” ani ko sabay tayo na at lalabas na sana ng bahay nang tawagin niya ang aking pangalan at sabihing bawal nga talagang pumunta sa lugar na iyon sa mga panahong ‘to. Hindi na lang din ako nangulit dahil alam ko na rin namang wala ring patutunguhan kong pipilitin ko ang katulad ni Lixn. Bumalik na lamang ako sa pag-upo at napangalumbaba.
“Ano ba talagang meron sa lugar na iyon at dalawag linggo talaga itong bawal puntahan at lapitan?” Iritang pagtatanong ko.
“Ahm, tuwing kabilogan ng buwan kasi ay nagpapalit anyo ang mga kalahi ko sa ilalim ng tree of change, yun din ang gabi para makahanap ng ka-mate ang mga lobong wala pang kapares.”
Nagising ng diwa ko ang huling sinabi ni Lixn. Nabuhay ang lahat ng dugo ko sa katawan at hindi ko iyon matago sa bumabaon ko ng kuko sa gilid ng upuang aking kinauupuan.
“Anong meron sa paghahanap ng mate?”
“It was a traditional ritual in our race. We as a werewolf needs to find a mate in every full moon. Kapag tumuntong na kami sa 25 taong gulang ay doon pa lang kami maaaring maghanap ng kapares. Kapag hindi kami nakahanap in two consecutive full-moons ay pepwede kaming maging rouge wolf.”
Ramdam ko ang takot at lungkot sa hulita salita niya, marahil ay isang malagim na bangungot ang pagiging rouge.
Naging tahimik ako na parang nag-aalangan akong itanong ang naglalarong katanungan sa aking isip. Nahihiya ako na parang ano.
“Ahm, Lixn, posible bang magkaroon ng ka-mate ang isang lobo kahit na hindi niya ito kalahi?”
Umukit sa mukha ni Lixn ang pagtataka at pagkalito sa tanong kong ‘yon pero sinikap niya pa rin akong bigyan ng matinong kasagutan.
“Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ‘yon. Wala pa naman akong nakakasalamuhang magka-mate na hindi parehong lobo. Kung magkakaibang cluster siguro ay ‘yon pa, may nakita na akong ganon. Actually, may kakilala akong mag-asawang Delta and Foxtrot.”
“That’s not what I mean. You know what, just forget what I asked.”
Pinabalik ko na siya sa kanyang ginagawa at nagpaiwan na lamang ako doon sa sala na nakatulala at napakalalim ng iniisip.
Posible nga kayang maging mate ko si Raze o sadyang namali lang talaga ako ng dinig kay Izy kagabi. Pero hindi eh, pwede pa akong mamalikmata pero ang mamali ng pagkakarinig? It’s not possible. As part of my werecat instict ay malakas ang aming pandama lalong-lalo na sa pandinig kaya imposibleng namali ako ng rinig kagabi.
Hayst, hindi ko na talaga alam ang iisipin ko, napakagulo na ng isipan ko. Kailangan ko pang alalahanin ang nangyari sa amin kagabi ni Raze pati na rin ang mga pinagsasabi ng alpha leader at ni Izy. Mukhang mali nga yatang dito ako napagpad sa wolf pack na ito.
Biglang bumukas ang pinto sa harap at saktong iniluwa nito si Raze, kaagad na nagtama ang aming mga tingin. Wala kaming kaimik-imik na nagtitigan hanggang siya na ang unang umiwas.
“We hunted a boar. There’s a feast outside... mind if you join us?” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad rin siyang umalis nang hindi ako pinapasagot.
Nang nakalayo na siya ay saka lang ako nakakilos. Tumugon pa rin ang sa pamamagitan ng pagtango kahit na alam ko namang hindi na niya iyon makikita. Hinanap ko kaagad si Lixn para bitbitin papunta sa feast na sinabi kanina ni Raze.
Aayaw pa sana ito pero nung sinabi kong utos iyon ni Raze ay wala na siyang nagawa kundi magpahila na lang sa akin.
I don’t want to be alone with Raze, not for now.