BRONE’s POV
Nang makabalik sina Raze sa kanilang pagpapatrol ay may dala silang isang wild boar. The one who hunt it is Raze but it was quite huge kaya napagpasyahan na lang na kainin na lang ng salo-salo sa labas.
As far as I can remember, the whole territory is divided into five sectors. The east where the foxtrot is leaving. West is where the Delta is originally situated pero ‘yung iba eh dito na sa central plains namamalagi especially if you have a high-ranking position. Commander in chief si Raze ng kanyang platoon o team kaya rito siya ngayon sa central plains naninirahan which originally occupied by Alphas and Betas. And lastly the North and South area kung saan naninirahan ang mga Omega. Sila ang may pinakamaraming myembro na cluster kaya sakop talaga nila ang dalawang area bukod pa roon ay sa kanila rin nakatoka ang agriculture and half of their areas is covered with agricultural land.
Kung titingnang mabuti ay napakaganda naman talaga ng pagkaka-organized ng pack nila, each cluster has different role. Omegas for agriculture. Foxtrots for experimentations and innovations. Deltas for security and patrolling. Betas for safe guarding the chamber and lastly Alphas who govern the pack’s totality. Kung hindi lang sa diskriminasyon na nangyayari sa mga Omegas ay baka masabi ko nang perfect na perfect na talaga itong pack na ito. Sana lang ay mabago na ‘yun.
Half the population of the pack is composed of Omegas, and the other 50 percent is divided by the remaining clusters. Deltas with 25 percent, Foxtrot with 10 percent, Betas with 10 percent, and Alpha with only 5 percent, which composed of noble bloodline. The most important cluster of the pack.
At narito nga kami sa central plains where most of the people gathering is Deltas and their maids which is Omega lahat. May part kasi sa central plains na puro Delta lang ang nakatira at kung saan ako nakatayo ngayon ay ang mismong lugar na ‘yon.
Malakas na halakhakan ng mga Delta ang bumubuo sa salo-salong ito. Lahat ay nag-eenjoy sa kunting kasiyahang nagaganap. Ako naman ay nasa isang tabi lang habang nakatitig lamang sa bon fire na siyang nagbibigay liwanag sa lahat.
Napagpasyahan kasing patayin ang mga ilaw na de kuryente para damang-dama raw talaga ang gabi, wala namang tumutol kasi hindi rin naman masamang mungkahi iyon, in the end lahat kami rito ay nagshe-share lang sa iisang pinanggagalingan ng liwanag. May iilang halatang lasing na rin dahil sumasayaw na kahit wala namang kanta na pinapatugtog.
Hindi naman ako nababagot sadyang hindi lang siguro sanay ang katawan ko sa ganitong uri ng pangyayari. Hinuha ko ay baka unang beses pa lang itong na-try ng sarili ko. Baka sa nakaraan ko ay palagi lang akong nagkukulong at hindi nakikihalubilo sa iba. It’s just a thought though pero may point din naman base na rin sa kung paano ako mag-react sa kasalukuyang nangyayari ngayon.
Kung hindi ako nakatitig sa apoy na nasa gitna eh nakatulala ko lang na pinagmamasdan ang karamihan na nagsasaya tapos ‘di ko na pala namamalayan na pati ako ay napapangiti na rin.
Isa pa eh simula nung tinawag ako ni Raze kanina sa bahay para pasamahin sa feist na ito ay hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikibuan. Todo pasaring lang siya ng tingin sa akin tapos ganon din ako sa kanya, kapag naman nagkahulian kaming dalawa ay sabay rin kaming umiiwas ng tingin. Pauilit-ulit lang talaga kaming ganon, lumipas na ang mahigit isang oras at pataasan pa rin talaga kami ng pride sa kung sino ang unang kakausap sa isa.
All this time ay si Lixn lang ang katabi at kausap ko. Nagtatawanan kami tapos todo tanong naman ako sa mga pangalan ng mga taong naririto.
“Sir Brone,” ani ni Lixn sabay lahad sa aking ng isang plato na may lamang pagkain.
Dahan-dahan ko naman itong tinanggap sabay pasalamat na rin, may isa rin siyang dala pang at alam kong sa kanya ‘yon. Lumapit siya sa gilid ko saka umupo patabi sa akin. Pagkatapos nun ay sabay na kaming kumain. Kakaluto lang kasi ng nelelechon nilang wild boar at naroon ngayon si Raze para manguna sa pagtadtad.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkaing dalawa ni Lixn nang may biglang lumapit sa aming tatlong lalaki. Sa pagkakaalam ko ay mga kasapi sila ng platoon ni Raze. Base sa amoy na nanggagaling sa kanilang mga katawan at sa uri ng pagsasalita nila ay alam kong mga lasing na ang mga ito.
“Psst, ikaw si Brone ‘di ba?” ani ng isa sa lasing nitong boses.
Nabigla naman ako sa biglang pagtawag nito sa ‘king pangalan kaya kaagad ko itong nilingon. Ang dalawa pang kasama nito ay naka-akbay sa kabilaan nitong balikat na parang napaka-close nilang magkakaibigan. Siguro ay kaedaran ko lamang ang mga ito base sa taas at hubog ng katawan nila, pati na rin sa kanilang complexion.
Tinuro ko ang sarili ko kunwari ay hindi lang ako ang nag-iisang may pangalang Brone rito.
Naging tahimik ang lahat. Ang mga kumakanta kanina ay tumigil pati na rin ang mga nagtatawanan. Maging ang mga nagsisipagkain na rin ang tumigil muna sa pagsubo para makisuri sa nangyayari.
“Pre, siya iyong napulot ng ating commander sa gilid ng sapa. Naalala mo pa ba?” bulalas pa ng isa, ‘yung naka-akbay sa kaliwang balikat ng nauna.
“Ah, siya ba ‘yon?” Tugon nung nauna sabay hawi pa sa mga kamay sa kanyang balikat ng dalawa, nagpagewang-gewang itong pilit na lumalapit sa pwesto ko. Matapos nun ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa ng makailang ulit saka siya ngumisi ng nakakaloko.
“He he he, apaka shwerte naman ng ating commander at shiya pa ang nakapulot sa iyo. Kung ako kaya iyon siguradong mash sasaya ka sa puder ko.” Pagkatapos nun ay sabay-sabay silang nagtawanang tatlo.
“Aba’t—” Tatayo na sana si Lixn para ipagtanggol ako sa pang-iinsulto ng tatlo pero pinigilan ko siya.
“Tingnan mo naman, Pre. Ang ganda ng katawan, napakaliit at ang puti pa ng kulay ng balat. Kahit na lalaki ito ay hindi na ako magiging pihikan pa.”
Nainis na ako sa muli niyang sinabing iyon kaya hindi na talaga ako nagtimpi at talagang inipon ko na lahat ng init ko sa palad ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang platong hawak ko sabay tayo habang nakadikit lang ang aking galit ng tingin sa lasing na lalaking nasa harapan ko.
Pagkalapit ko rito ay isang malakas na suntok kaagad ang pinakawalan ko sa isa niyang pisngi, yon bang sa lakas ng impact nito ay talagang mawawala talaga pagkalasing mo pag ikaw ang nasapak.
Kita ko kung paano manggalaiti ang mukha niya nang balikan niya akong tingnan. Hindi naman ang nagpasindak at tinitigan ko rin siya pabalik gamit ang nanggagalaiti kong mata. Pag ‘to inambahan ako ng suntok, talagang hiwa aabutin ng leeg niya.
“Hindi dahil lasing kayo ay pwede na kayong mambastos ng kahit na sino. Kapag uminom kasi kayo, ‘wag sa ulo ilagay ang alak kung hindi sa tiyan. Magtira kayo ng kunting kahihiyan sa sarili niyo, yun bang makakauwi kayo sa mga pamamahay niyo nang hindi nambabastos ng iba,” ani ko rito na talagang nilakasan ko talaga para marinig din ng ibang umiinom.
Nagalit ito sa sinabi kong iyon at tama nga ang hinala ko.
“Taas ng tingin mo sa sarili mo ah, tandaan mo hindi ka rito nabibilang at hindi ka namin kalahi kaya walang magpoprotekta sa ‘yo rito.”
Who told him na kailangan ko ng poprotekta sa ‘kin? I can manage on my own, I can protect myself.
Ambang susuntokin niya na sana ako at nakahanda na rin ang mga matutulis kong kuko para mag-counter attack nang isang kamay ang humawak sa pasuntok na sanang kamao ng lalaking iyon.
Pagtingin ko kung sino ito ay si Raze pala. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang ekspresyon, nang makita rin iyon ng lalaki ay kaagad bumahag ang buntot nito at animo’y naging isang maamong tuta na natatakot sa kanyang amo.
“Hurt him and your entire bloodline will suffer.” Madiing wika ni Raze sa lalaki, sa lakas ng pagkakasabi niya nun ay mukhang pati ang iba ring nakikinuod lang ay natakot rin. Maging ako man ay nakaramdam din ng takot sa sinabi niyang iyon.
At doon na nga tuluyang nagising ang lalaki na parang nawala na talaga ang pagkalasing nito. Nanginginig nitong binawi ang kamay niyang feeling ko ay nabali dahil sa uri ng paghawak dito ni Raze. Makailang ulit din itong humingi ng tawad sa akin pagkatapos ay kasama ang dalawa pa niyang kasamang nambastos sa akin kanina ay kaagad na kumaripas ng takbo palayo sa amin.
“Ohh, tapos na ang palabas. Magsibalikan na kayo sa kung ano mang ginagawa niyo kanina.” Rinig kong wika ni Ford sa ibang nakikiusyuso para pahupain ang tensyong nangyari.
Naiwan kami roong dalawa ni Raze na nakatayo. Ilang saglit pa ay sabay naming nilingon ang isa’t isa. Pero imbes na pagpapasalamat ang lumabas sa aking bibig ay iba. Imbes na magpasalamat ako ay sinumbatan ko pa siya.
“Hindi mo na dapat ginawa ‘yon. Mas pinalaki mo pa tuloy ang gulo. Kaya ko naman ang sarili ko.” Kasabay nun ay kaagad ko na siyang tinalikuran. Alam kong may gusto pa sana siyang sabihin pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong masabi iyon, dahil ayaw ko rin naman iyong marinig. Baka mas lalo lang gumulo ang takbo ng aking isip.
Pagkalapit ko kay Lixn ay kaagad niya akong kinamusta kong nasugatan ba raw ako o ano, ang sabi ko lang na okay lang naman ako. Matapos nun ay bumalik na rin ako sa aking pagkain, nagkunyareng may gana pang ubusin ang pagkaing nasa plato ko kahit hindi na talaga. Para lang hindi mahalatang walang ginagawa, baka kasi lapitan pa ako ni Raze na ngayon ay hindi pa rin umaalis sa pwesto niya kanina at hanggang ngayon ay nakatitig lang sa direksyon ko.
Alam ko namang medyo harsh iyong sinabi ko sa kanya, but want can I do. Kung hindi ko sasabihin iyon eh baka isipin lang niyang napatawad ko na siya sa lahat ng kasinungalingan niya sa ‘kin. Isa pa sa tuwing nakikita ko ang mukha niya sa malapitan ay ‘yung nangyari kagabi lang ang lagi kong naaalala. Pilit ko mang ibaon sa limot pero sarili ko na rin ang pilit ring nagbabalik dito.
Pagkatapos nang nangyari ay bumalik na kaagad sa normal ang lahat, na parang hindi man lamang naganap ang pangyayaring iyon kanina. Dahil na rin iyon sa tulong ng mga dry jokes ni Ford. Na sa sobrang corny eh nahihilo na ang mga nakakarinig at wala nang gusto kundi makalimot na lang.
Nagpatuloy ang salu-salong iyon hanggang hating gabi. Naroon pa rin ang lahat at nagsisiyahan. Nagsasayawan paikot sa apoy na nasa gitna. Maging ang mga hindi lasing ay nakiki-join na rin. Hanggang sa umabot na sa puntong isa-isa nang nanghahablot ang mga nagsasayaw ng mga nakaupo lang sa gilid para pasalihin.
Hindi ako nakaligtas doon. Nabigla ako sa nangyari kasi isang kamay na lang ang biglang humila sa aking papunta sa gitna para sumali sa paikot-ikot na sayaw sa apoy. Sabay pa kami ni Lixn na nahila at wala akong nagawa kundi hayaan na lang sila. Feeling ko naman ay masaya rin itong ginagawa nila.
“This is one of our tradition after a feist.” Ani ng katabi kong ginang. Sa tingin ko ay isa siyang asawa ng Deltang naririto. “This is our way to thank the forest for giving as food to eat and for celebrating the abundants. . .”
Tango lang ako nang tango sa mga sinasabi niya habang nagpapatuloy ang pag-ikot ng sayaw sa apoy na nasa gitna naming lahat. Habang tumatagal ay napapasayaw na rin ako kasabay nila pati na rin ang mga pakanta-kantang ginagawa ng iba ay sinasabayan ko na rin. Hindi ko na namalayan na nakaukit na pala sa aking mukha ang isang napakasayang ekpresyong dulot ng ginagawa kong ito.
Ngayon sigurado na ako sa sarili ko. Na ang ganitong uri ng kasiyahan ay ito pa lamang ang unang beses na ito’y aking masubokan.
Sa hindi malamang dahilan ay hinanap ng mata ko si Raze kung nandirito rin ba siya sa bilog at nakisali rin. Hindi naman nagtagal ang aking paggalugad at kaagad ko naman siyang nakita. Kasalukuyan siyang nasa aking harap. Nakatitig sa aking habang isang napakalapad na ngiti ang nakaplastada sa kanyang mukha. Nadala na rin siguro ako ng sobrang kasiyahan at hindi ko na pinigilan pa ang aking sarili at isang malapad na ngiti rin ang ibinalik ko sa kanya.