Chapter 2
MULA nang ma-hospital si Karen last week ay iba na ang trato sa kaniya ng lahat ng mga kasamahan niya, not that she doesn't appreciate their thoughtfulness pero para na siyang prinsesa at di trabahador dito sa party bar. Konting pag-deliver lang ng order sa table ay sinasalo na nila.
"Hindi ko naman sinasadya, e.—hindi ko talaga alam kung bakit ganoon, e! Mapapatawad mo ba ako, day?" tanong ni Rhian sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya.
Isa pa sa problema ni Karen ay itong si Rhian. Hindi na ito tumigil sa kakaatungal na akala mo'y isang bakang hindi mapaanak. Ang ingay!
"I said, that was nothing, Rhian," seryoso niyang sabi rito pero ang babae ay tinitigan siya, mayamaya ay tumulo ang luha, pagkatapos ay umatungal nanaman uli.
"Ano ba ang ginawa kong kabutihan, bakit ang bait-bait mo sa akin! Akala ko mamatay ka na noon, tapos wala lang? wala lang sa iyo iyon?" madamdamin nitong pahayag pagkatapos ay umatungal nanaman.
Napapikit siya sa inis. Seryoso siyang tao at hanggang maaari ay ayaw niyang nagsasalita, she hates talkative people and now she is starting to hate this girl in front of her.
Kaya lang, hindi niya rin magawang magalit nang todo sa babae, bukod sa ito talaga ang nagbantay at nag-asikaso sa kaniya sa hospital ay heto rin lang ang kumupkup sa kaniya nang masunog ang little studio type niya na tinutuluyan kahapon, destiny leave her no choice kundi tiisin ang daldal ng babae hanggang sa makaahon siya.
Rhian is a blessing in disguise to her, matanda siya ng limang taon dito, if she's 23 years old now, the girl is only 17 and will go 18 on the first of the month March, maganda at kumpleto sa pasilidad ang tahanan ng dalaga na napag-alaman niyang Manila girl din pala at kaya heto narito sa Siargao ay nakikipaglaro ito sa kuya ng hide-and-seek. Imagine the stress this girl is giving to her family.. that's something brave. She reminded her of her past self.
Bumuntong-hininga siya at malalim na huminga.
"Rhian, please, tumigil ka na, nakatingin na sila sa atin."
Suminghot-singhot pa itong si Rhian habang lumilinga bago tumigil. Totoong umiiyak naman ang dalaga pero ang singhot nito, exaggerated na. Bagay na ikinailing na lang niya.
"What we gonna eat later?" tanong nito kapagkuwan.
"I don't really know, hindi naman ako palakain. Basta magutom," paliwanag niya, tumango naman ang dalaga.
"Okay, sige, adobo tayo mamaya," deklara nito. Napatunganga siya sa dalaga. Narinig ba siya nito? Hindi siya kakain.
"Hindi ako kumakain lalo na ga—"
"I'll make it spicy, you'll like it."
Bumuntong-hininga nanaman tuloy si Karen, she is like babysitting this girl.
"Bahala na. Magsi-surf muna ako bago umuwi. I know my way," sabi niya rito.
"I'll surf later too. Sama ako, day."
Tumango naman siya rito. Nakita na niya paano nakikipaglaro ang dalaga sa alon and she is like a pro. Marunong pa ito sa kaniya. Kaya hindi siya mangangamba na bantayan niya ito. Sabay lang sila pero hindi siya magbabantay.
"Sige."
---
Surfing in the water is an extreme sports, maraming kaakibat na peligro, and she hates to admit it but at this dangerous water, she is enjoying. Tubig ang naging taguan niya ng nararamdaman, maraming lungkot at takot ang tinakpan ng tubig and if ever that God has given her an option to die where, she will choose the ocean.
"I'm afraid, sis, baka tumama ang surfing board ko sa bato diyan sa tubig," dinig niyang sabi ng isang turista. "Tapos mauna ulo ko, or baka may sharks!"
Napangiti siya. Siargao is the best surfing home in the Philippines. Kaya iyong takot nila sa bato or sa kung ano pa man when it comes to surfing, alisin nila. This is a safe surfing water in Siargao. Wala ring sharks or big underwater predators, safe na safe and many lifeguards around the area pa.
She can trade her life and wealth in Manila just to stay here in Siargao. Kahit maging pulubi siya rito, pipiliin niya pa rin dito.
"Ang sexy mo talaga, day!" bati sa kaniya ni Rhian na ngayon ay katatapos lang mag-surf.
"You're way better than me," bati niya rin dito. "Your morena skin suits you well. Maganda ka rin."
Ngumiti ito sa kaniya ng pagkalapad-lapad. Pagkatapos ay niyakap siya. Pagkabitaw nito sa kaniya ay nagulat siya ng hawakan siya nito sa balikat.
"Promise, day! Sasarapan ko luto kong adobo. Kapag ikaw pumupuri, nakakakilig pala."
She is dumbfounded. What the hell is that for?Kinikilig?
"Ah, hindi ako lesbian if you think I am—"
Pigil itong ngumingiti, this Rhian found her amusing. Hanggang sa ang pigil nito ay bumunghalit ito ng tawa. Hindi na talaga siya natutuwa.
"Sira ka! Hahahaha. Ang akin lang ay mas nakaka-touch kapag ikaw ang nakaka-appreciate ng tao kasi alam ng kausap mo na hindi ka marunong magbiro so technically totoo. Isang Karen ba naman ang pumuri sayo, bihira, day!" Nang matapos ito tumawa ay pinaghahampas siya sa balikat, "Straight ako, no! Baka gilitan na ako sa leeg ng kuya ko kung pati kasarian ko pinapalitan ko!"
Ah, iyon naman pala. Akala talaga nito ay lesbi siya. Not that she hates lesbian but she can't find herself liking someone with same gender as her.
Tumango na lang si Karen kay Rhian pagkatapos ay kinuha na niya ang sarili niyang surfing board.
"Got to go!"
"Okay, day!" masigla nitong sabi at nag-OK sign pa. Napangiti na lang siya. Ang kulit talaga ng batang iyon.
Nilusong na ni Karen ang dagat, noong una ay maliliit na alon lang easy-ing-easy niyang nilalaro but it excites her more nang may makita siyang mas malaking alon. She'll get out that big waves and avoid being wiped out dahil kung hindi disgrasya aabutin niya. Buti na lang talaga at kabisado niya ang dagat na ito, she knew already that this spot has no underwater rock or razor-sharp reefs. Ang pinakalalim ng parteng ito ay mabuhangin and that's safe for her to paddle.
She can't consider herself professional but her staying here for 5 years, alam niya na ang ginagawa niya. Isa ang surfing sa dahilan kung bakit madaling naubos ang allowance niya nang tumakas siya galing Manila pero nahanap niya ang sarili niyang halaga sa hampas ng tubig.
Ang problema ay parang alon, lalamunin ka nito at dadalhin sa pinakailalim, pwede ka lunurin nito at hindi na makaahon kung hindi ka marunong sa diskarte mo, talo ka.
That's why, whenever she is facing waves of ocean, nae-excite siya dahil hindi niya alam paano niya ito malalampasan pero alam niyang malalamapasan niya. She just have to be calm.
Nang hahampasin na siya ng alon ay mabilis niyang sinanggalang ang braso niya patakip sa mukha. Hinayaan niyang tabunan siya ng malaking alon, she relaxed herself. Hold her breathe. Limang segundo lang pero kung titingnan, akala mo, tatapusin na ang buhay mo but no, this is heaven for her.
Successful ang unang surf niya sa linggong ito. Pumedal siya patungo sa dalampasigan.Inalis ang pagkakatali ng surfing board sa paa niya pagkatapos ay inayos ang swimsuit niya. Nilugay niya ang naka-ipit niyang buhok at sinuklay ito gamit ng mga daliri niya.
Nakarinig siya ng pagsipol kaya nilingon niya ang tinig na iyon and she was silently shocked dahil ang dami-dami palang turista ngayon. Sabagay ay March na, dry season kaya maraming turista lalo na pasimula nang bakasyon.
Hindi rin inaasahan ni Karen ang palakpak na maririnig niyanfrom the tourist. She bow her head a little and smile.
"You're amazing! You're impressive. What's your name?" bati sa kaniya ng isang foreigner. Normally ay ngumingiti siya but her eyes locked in another part of the ocean!
Someone is drowning!Isang lalaking nalulunod! Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote niya kung bakit siya tumatakbo. Hindi na isang beses ang may nalunod sa dagat na ito pero this is the first time in her 5 years to witness drowning without a lifeguard in the area.
Mabilis na lumusong si Karen. Mabilisan ang paglangoy niya. Hindi na kasi kumakampay ang tao. Siguro ay tuluyan na itong nalunod. Kaya ang papalubog na tao ay hinabol niya. She was shocked! It's a guy! At mukhang mahihirapan siyang itaas ito dahil malaki ito sa kaniya.
She's in the ocean already—wala ng atrasan 'to!
Laylay na ang lalaki nang maabutan niya, kinuha niya ang lalaki gamit ang isa niyang kamay at pinanglalangoy niya ang isang kamay patungo sa taas ng tubig. Siya man ay hirap na huminga sa bigat ng buhat niya pero wala siyang magagawa, bigla na lang kasi niya naisipan magpaka-super hero. And what's up? Why there are no lifeguards in this area?
Nang nasa dalampasigan na ang dalawa ay kaagad niyang inayos ang pwesto ng lalaki. She checked his breathing. Pagkatapos ay kinapa ang pulso nito.
Wala ng choice, mahina na ang pulso nito.
She gave the guy a CPR,may mga life in the water lesson sa isla na ito at nakapakinig na siya noon. marami na ring lumapit sa kaniya para makiusyoso. Natataranta siya. Hindi niya alam paano tutulungan ang lalaki.Kaya kahit tirik ang araw ay sinasalba niya pa rin ang lalaki.
Luckily, nilabas na nito ang nainom nitong tubig. The guy is safe! Nagmulat ito ng mata at nagtama ang paningin nila, nag-a-adjust ng mata ang lalaki and she doesn't know if narinig niya nang tama ang lalaki, he uttered her name "Karen" pero busy na siya para isipin pa kung paano nito nalaman ang pangalan niya.
"T*nga ka ba? You should not play with water if you can't swim! Kung gusto mo mamatay, huwag dito! How can I die here if you are gonna die here, they will ban the tourist here! At pag ban na lahat, pati pag-surf, hindi na papayagan! Sa susunod, gamitin ninyo utak ninyo!" hinihingal niyang sigaw rito.
Gulat na gulat ang lahat sa kaniya, maging ang mga lifeguard ay gulat sa kaniya.
"At kayo—" napaatras ng bahagya ang mga lifeguard. Naiinis siya, gusto niya sigawan ang mga ito pero pinigilan niya sarili niya. She shouldn't mess with people. Ayaw niyang maging sentro ng usapin baka malaman kung anong pamilya siya kabilang. "Shh!" gigil siyang umalis.
She will remember that guy!
Kung magpapakamatay ito, doon sa daan, huwag sa tubig dahil doon niya planong mamatay!
----
"Anong nangyari sa iyo?" tanong agad ni Rhian kay Karen.
"Leave me alone! Please!"
Dinaanan niya ang dalagang takang-taka pero napagtanto niyang hindi niya bahay ito at nakikituloy lang siya, isa pa ay hindi siya magandang ehemplo kay Rhian kung ganoon siya kabastos.
Bumalik siya at hinarap si Rhian.
"I'm sorry. Mainit ang ulo ko. May t*ngang lalaki kasi na hindi naman yata marunong lumangoy ang munting nang malunod. Sinagip ko baka kasi ipasara ang beach na ito dahil lang sa kapabayaan ng mga turista," litanya niya. Maya-maya ay naamoy niya ang pagkaing nakahain. "Nakaluto ka na agad?"
"Ah, oo." Maagap na inayos ni Rhian ang lamesa. "Tapos, ano, day, naligtas mo ba ang lalaki?"
"Oo," tipid niyang sagot. Nagsandok siya ng kanin para sa kanilang dalawa. "Gusto ko ngang sigawan pa, e. Kaya lang ayoko maging sentro ng atensyon nila,".
Tumango-tango naman si Rhian na kataka-takang tahimik ngayon.
"Kumain ka na rin."
"Oo," sagot nito.
"May problema ka ba?" tanong niya. Hindi man sila magkaibigan pero it's a common courtesy to ask someone close to you if something is bugging to them.
"Wala naman. Para kasing nararamdaman ko, alam mo iyon? Dahil sa tagal kong nakikipaglaro sa boring kong kuya, nararamdaman ko kung malapit na siya sa akin. And I have no proof pero feel ko, malapit na siya, e."
"Ba't kasi nagtatago ka?" tanong niya habang ninanamnam ang ulam na niluto ni Rhian, masarap nga.
"I am helping him to be a human, wala na kasi itong inatupag kundi ang tingin sa kaniya ng tao, kaya trabaho nang trabaho. Kapag kasi hinahanap ako ng kuya ko, nakakapunta siya sa iba't ibang place, atleast he can see the outside of his office."
"That's your reason bakit ka nasa Siargao?" tanong niya habang sumasandok ulit ng kanin. Unti-unti ay nawawala na ang inis niya. Masarap talaga ang luto ng dalaga, maanghang na matamis-tamis.
"Yes, aside from I can do water sports here, hindi ako kilala ng tao."
Tumango-tango siya. They are the same na nagtatago para di makilala, iba man ang rason pero atleast they're the same in some point.
Nang mabusog ay tumayo siya. Hinihimas niya ang kaniyang tiyan. Busog na busog si Karen. This is the first time she ate more than three plates of rice.
"Ako na maghuhugas, day. Pahinga ka lang," suhestiyon nito. "O kaya use my laptop to online on sss, friend na ba tayo sa sss, I'm quiet famous you know," nahihiya nitong yaya sa kaniya.
"Sorry pero di kasi ako nagso-social media. I don't even have cellphone."
Tumango-tango ito sa kaniya kapagkuwan ay nagkibit balikat.
Naghilamos siya pagkatapos ay nahiga na. Nakatulog agad siya,pero sandali lang dahil naalimpungatan siya nang may marinig siyang nagtatalo sa balcony ng bahay ni Rhian.
"No, I will stay here, Kuya Russel! Hindi ako sasama sa iyo!"
---