Chapter 1

2174 Words
Chapter 1 - Party Bar KAUNTI na lang ang natitirang pasensiya ng dalagang si Karen sa customer na kinakalabit siya para ilabas sa bar at dalhin sa lugar na kung saan babayaran at magiging parausan siya ng nag-iinit nilang libido. Hindi naman ito bar sa Manila na nirerentahan ang mga babae, they are here to serve foods and drinks para sa mga bakasyunista. May iilan lang talagang mga bastos na kapag nasa party, akala mo lahat ng nakapalda, p'wedeng ikama. Kaya nang maging mapusok ang lalaki, hinawakan nito ang hita niya ay nagsisigaw siya, her weakness is this; being touched by men. Naagaw nila ang atensyon ng lahat sa bar na iyon. Hindi sa hiya kaya napayuko si Karen, natatakot siya na baka hindi umubra ang makapal niyang make-up na maging rason para may makakilala sa kaniya from Manila.Nakakahiya na sa pagiging server ang binagsakan niya sa milyong-milyong perang meron ang pamilya niya noon. Limang taon na ang nakakalipas nang lisanin niya ang siyudad para manirahan nang matiwasay sa Siargao at magtrabaho bilang server sa isang party bar sa isla, ang Hanbar. Staying in Siargao and being away from her family is the best decision she did for herself.She didn't regret her decision in life, she's living her best. She enjoyed the view, she enjoyed the foods and the simple life of living in Siargao. "Ano nanaman ang nangyayari rito, Karen?" asar na tanong ng manager nilang babae. Hindi niya ito sinagot bagkus ay yumuko na lang siya lalo. "Lagi kang umeeksena, laging ganiyan ang asal mo, akala mo ba hindi mo nasisira ang negosyo, ha?" "Pasensiya na po," pagpapakumbaba niya. "Patawarin mo na siya, Ysa. May hindi lang kami napagkakasunduan," pagtatanggol sa kaniya ni Mr. Arturo na pinalambing pa ang boses. Napakislot pa siya ng hagurin nito nang banayad ang buhok niya. Abot-langit ang pagpipigil niyang huwag itong suntukin. She needs this work, without this work, she can't survive lalo na at may mga lifestyle siyang hindi naaalis. "Nako, pasalamat ka, Karen, at mabait si Sir Arturo kung hindi, sa malalaking bato ka matutulog ngayon." Nanatili siyang nakayuko hanggang sa mawala si Ysa sa kanilang harapan pero ang kamay ni Sir Alberto ay humahagod pa rin sa buhok niya na para siyang pinapaamong tuta. Mabilis niyang hinawi ang kamay nito sa buhok niya at tiningnan nang masama ang kalbong hukluban. "Hindi mo talaga ako paii-score-in?" nakakadiring tanong ng matanda at dahil regular customer nila ito ay may kaunti siyang nalalaman sa pagkatao nito. "How about I call your wife, Sir, is her name Rondelia, you want me to tell her what you like us to do?" Nagbago ang anyo nito at tiim bagang pinaningkitan siya ng mata. Kilala kasi niya ang asawa nito, medyo taklesa at malaking tao ang legal wife ng matanda. "How dare you to threaten me like that. Totoo ngang tuso ka, babae!" "Well, that's a compliment for me, Sir. Magbago na po kayo para sa mga anak ninyo." Tumalikod na siya at ngumiti ng pilit, pumunta siya sa ibang mesa at kumuha ng mga order. Iniwan niya ang matandang alam niyang naka-laser eyes sa kaniya. You deserve it, pig! Hindi lahat ng customers ay gaya nitong bastos, mas marami pa ring mga turistang local at international ang pumarito para sa mga kaniya-kaniyang purpose na hindi kasali ang pambabastos sa mga crew na gaya niya. "Buy 1 Take 1 special promo po lahat ng nga cocktails namin once you avail our new pizza flavor," pangsi-sales talk ng dalaga sa mga local tourist nila. "How about Spanish Tapa and Paella? Natikman namin noon iyon dito, meron pa rin ba?" "Yes, sir. It is still our best seller," seryoso niyang sagot sa mga ito. Masayang ibinigay ng mga turista ang kanilang order. Binigay niya agad ito sa dispatcher sa kitchen para i-line up ng kanilang humble chef. "Master Chef Han, sarapan mo para bumalik ang customer," seryoso niyang sabi sa gwapong Korean-Filipino chef at may-ari ng bar na iyon. "Say that in a sweet tone, Karen, huwag kang masyadong masungit kaya lahat ginugusto ka, e. Hindi ka mapaamo," tugon nito sa kaniya. "Well, being sweet is not so me, Master Chef." "Then, just be nice," maamo nitong ani. "I am nice." Ngumiti lamang ito sa kaniya na ikinalitaw ng maputi at perpektong mga ngipin nito. Han is handsome and a well-mannered gentleman. Minsan iyong mga regular customer nila na girls ay dito nagpupunta para makasilay sa gwapong chef ng Hanbar na tanaw-tanaw ng lahat ang pagluluto nito.Tawag nga niya rito ay exhibitionist na gustong-gusto naman nito.Tuwang-tuwa ito kapag nakikita siyang naiinis sa mga pagpapasikat nito. Not that she is annoyed but nakakahiya kasi ito. "Master chef..." tawag niya rito habang nakangiti itong nagluluto. "Yes, Karen?" "Bakit wala kang girlfriend?" tumigil ito at nagseryoso. She doesn't like Han or men in general. Curious lang siya dahil sa gwapo at steady na ang buhay nito. Asawa na lang siguro ang kulang rito. Hindi niya masabing marrying age na ang 27 sa boys pero in this generation kasi, mukhang kinse pa lang ay ama na. "Bakit? Tatanggapin mo na ba resumé ko diyan sa puso mo?" walang ngiti-ngiti nitong tanong sa kaniya. "Stop joking around, Master Chef Han, this is why I hate asking people here a question. Lahat kayo mga manlalaro." "Woah, stop right there, Miss Madrigal," depensa nito. "Ang mga salita naming mga chef, especially salita ko ay laging tunay, tapat at totoo, hindi ba, boys?" pasigaw nitong tanong sa mga assistant cook niya na sinang-ayunan naman ng lahat. The audicity!! "There," bumuntong-hininga muna siya. "you're joking again," irap niya rito. "Seryoso mo talaga. Loosen up! Walang mawawala sa iyo kung ngingiti ka. Well, about your question, I do have girlfriends—" "With 's' talaga?" Ngumiti ito nahihiyang kumamot ng batok. "Well, Karen,mabilis talaga ako ma-attract sa babae, kahit nga sayo naa-attract ako, e. You are pretty, with proper curves plus strong and independent personality, thing that we like about girls, pero—" pambibitin nito na ikinainis niya. "Deliver this first to table 24," utos nito sa kaniya. Mabilis naman siyang tumalima. Ganoon talaga si Master Han, kahit marami itong ginagawa ay responsable ito sa pagkain ng mga customer niya, it is his signature of being a chef "customer is always his priority and always come first over his self" And maybe her also reason why she likes working with him. Professional ito at hindi nagti-take advantage sa mga female employee niya although female staff na yata ang naghahain sa mga sarili nila, e. "O, ano? May order pa?" tanong nito sa kaniya. "Wala na po, e, Master Chef.." "Good," sabi nito. Pasimple itong tumalikod sa kaniya na parang wala silang pinag-usapan. Napanguso tuloy siya. Aalis na sana siya sa counter ng biglang tumawa si Master Han. "You know what, Karen," panimula nito pagkatapos ay pumangalimbaba sa bar counter " I really like you, it is just that you're not really the ideal girl I wanna be with. Ayoko rin mawalan ng maasahang crew," deklara nito. Naestatwa siya sa pagiging prangka ng pananalita nito pero hindi si Master Han ang tipong seseryosohin mo. "Wala naman akong sinabing gusto kita at gugustuhin kita. Wala rin akong balak na ibahin ang relasyong employer-employee natin. I like to be here so do not worry, you're not my type either," mabilis at buong kaseryosohan sagot ni Karen sa out of the blue declaration nito ng feelings sa kaniya. "You know why I don't have a girlfriend?" nakangiti nitong tanong sa kaniya na ikinataas ng kilay niya. "I mean, a real one—" depensa nito kaagad. Umiling siya kaya nagpatuloy ito, "Because I don't see my worth to other girls. My manhood is another thing though," natatawa pa nitong biro na hindi niya pinatulan. "You mean, you like being dominant? " "Kinda." Tumango-tango siya. Hindi na siya nagulat. She grew up being with men with a dominant attitude. Normal nga siguro iyon sa kanila. While some men declaring that they like strong independent woman, gusto pa rin ng iilan o baka karamihan iyong mga babaeng mahihina, iyong hindi mabubuhay ng walang lalaking susuporta sa kanila and malayo siya sa ganoong klaseng babae. She is independent. She is strong. Hindi rin siya takot mamatay or kahit anong misfortune. She just like to live her life to the fullest hanggang hindi pa nakukuha ang kalayaan niya. She will enjoy her life here in the island of Siargao at gagawin niya lahat magawa lang ang mga bagay na magpapasaya sa kaniya. Tiningnan niya ang surfing board niya na neon green at kumislap nanaman ang mga mata niya. If it happen that things go wrong, which it will happen in the future, sisiguraduhin niyang dagat ang makikinabang sa kaniya. She can be a food for underwater living things and she is more than happy to be eaten by them. She will die in the sea peacefully. -- "Pauwi ka na, day?" tanong sa kaniya ni Rhian, ang babaeng morenang kinaiinggitan niya ng kulay. Kahit ano kasing bilad niya sa araw ay pumupula lang siya at hindi nagta-tan. Samantalang achieve na achieve na nito ang beach skin plus beach body, this girl is classy kahit napakabata pa nito para sa 18 year old part timer. Umiling lang siya rito. Bagaman mababait ang mga tao rito sa Siargao ay pinili niyang huwag mag-build ng relationship sa mga ito. Wala siyang ibang mapagkakatiwalaan kundi sarili lang niya. Trust no one, ika nga. "Gabi na uy, sa'n ka pa magpunta ng ganitong oras, day?" nag-aalalang nitong ani. "Diyan lang ako sa dagat." "Pero gabi na?" "Okay lang, sandali lang ako at uuwi rin," mahinahon niyang sabi rito. Ngumiti naman ito sa kaniya at tipid din siyang ngumiti rito. "Alam mo, kaganda-ganda mo," pagsisimula nito sa pagdaldal habang sabay silang nag-aayos sa locker room nila sa Hanbar. "Inggit nga ako sa rosy cheeks mo," sabi nito. Para kang artista." Tipid uli siyang ngumiti at hindi sumagot. "Malungkot ka, no? You maybe have a big problem in a place where you came from." Natigil siya sa pag-aayos at naestatwa. Is she that transparent to this person? "I don't have a problem. Ganito lang talaga ako," pagtatanggol niya sa sarili niya. "No, I saw that kind of eyes in my kuya's eye. Malungkot. Probably someone dearest to you died also?or your family abandoned you? Alam mo ba why I am in Siargao, I really like playing hide and seek to my kuya,e, he's finding me while working very dearly, imagine, nakikipag-taguan ako sa kaniya dahil lang sa gusto ko siyang libangin. If he finds me again, tatago ako uli. Saan kaya magandang isla?" Hindi na niya pinansin ang babae, her surroundings get blurry. She sees different judging eyes. Different tragic incidents. She is hallucinating and she's aware but she can't find herself to get out. Natatakot siya. Natatakot siya na hilahin ng kumunoy ng demonyo. Died? Someone died? Abandoned? Is she being abandoned? No! No! "Uy, Karen. What is happening to you?" tanong sa kaniya. Hindi na niya nagawa pang sumagot. She is seeing guns pointing on her. Hands in her body. Filthy hands touching her body. Sumigaw si Karen habang sinasakal ang sarili. "What the hell is happening to you, Karen?" nag-aalalang tanong sa kaniya. "Help!!" sigaw ng dalagang si Rhian na natatakot sa anyo ni Karen. "Tulong!" May pumasok na rin sa locker room at maging si Han ay narito na rin. Nagulat ito sa posisyon ni Karen. Namumula na ito at namumuo ang pawis. Sinasakal nito ang sarili nito. "Don't, don't!" malakas na sigaw ni Karen. "Anong nangyari, Rhian?" bulyaw nito sa kasama. "Wala. Nag-uusap lang kami." Kamay... Kamay.... Dila... Sakal... At demonyong tawa, mukha! Mga hallucination ni Karen. Binuhat ni Han si Karen at mabilis na lumabas. Nagulat ang mga customer sa anyo ni Karen ngunit mas gulat sila sa galit na nakikita sa mukha ng chef. "Sasama ako!" sigaw ni Rhian. "No! Hintayin mo ako rito at mag-uusap tayo," seryoso nitong sabi kay Rhian na ikinabigla ng huli. "Karen...Karen..." tapik ni Han sa kaniyang pisngi but her mind is still playing with her. Ang mga kamay... "Ahhhhh!" sigaw niya ng biglang makita nito ang kalulunos-lunos niyang anyo sa kaniyang isip. "Karen! Damn it!" nilagay siya ni Han sa kotse nito at mabilis na pinatakbo ang kotse. Tarantang-taranta na ito kung bakit nagkakandaganito ang babaeng matapang pa ang personalidad sa hayop na tigre. Karen is still crying to get out from her demon. Hindi niya alam kung papaano pero mayamaya ay unti-unting nawawala ang mga imaheng nakakatakot. She feel her eyes heavy. Ang huli niyang nakita ay liwanag at mukha ni Han na nakikipagtalo sa mga nakaputing tao. She is in the hospital. Again. A/N - Ako po ay nag-a-update, every other day. Day Started: February 7, 2021
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD