Magmula noong gabing iyon ay palagi nang ipinagluluto ni Lirah si Matias. Hindi naman iyon problema kay Lirah dahil sanay siyang magluto. Tinuruan siya ng Nanay Myrna niya at palagi rin siyang natulong dito. Ngunit ang pinagtataka niya lang ay kung bakit bigla na lamang natahimik ang binata noong gabing iyon. Pagkatapos ay hindi na ito nagsalita pa ulit. Nag-aalala tuloy siya na baka na pipilitan na lamang itong kainin ang mga luto niya. “Masarap naman, ‘di ba?” tanong ni Lirah kay Kiray. Hinihintay niya itong sumagot pagkatapos ipatikim ang nilutong menudo. Kasalukuyan siyang nasa hacienda ngayong araw. Nakiusap kasi siya kay Matias na kung pwede ay rito siya maglalagi tuwing araw. Pumayag naman ito basta raw uuwi siya tuwing hapon at magluluto ng hapunan nila. “Oo, besh! Ang sarap-sara

