Chapter 10

1168 Words

“Kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala.” Napatingin si Lirah sa kaniyang likuran. Naroon si Matias at nakatunghay sa kaniya mula sa labas ng kulungan ng baboy. Nakakunot ang noo nito at bahagyang nakatakip ang kamay sa ilong. “Sorry. Narinig ko kasing umiiyak si Chuchay,” ani niya. Muling pinagpatuloy ni Lirah ang ginagawang pagtingin sa mga biik. “Chuchay?” Tumango si Lirah. Tinuro niya ang nakahigang baboy na ngayon ay nagpapasuso. “Siya si Chuchay. Ito naman ay mga anak niya.” Lalong nangulubot ang noo ni Matias. Hindi siya makapaniwala na may pangalan pa ang baboy. Napailing-iling siya hanggang sa mahagip ng mga mata niya ang pulang bagay na nakatali sa isang paa ng baboy. Kanina pa siya nakakakita ng mga hayop na may pulang tali sa paanan pero hindi niya binibigyan ng pan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD