Episode 5-The Memo

1738 Words
Hindi pa man natatapos ang maghapon, pakiramdam na ni Seraphina ay pagod na pagod na siya. Hindi dahil sa dami ng trabaho niya kundi dahil sa bigat ng iniisip niya. Tahimik naman ang buhay niya ng hindi pa bumabalik si Jiro, nag eenjoy siya sa trabaho niya kahit mostly utusan lang naman talaga siya ng mga regular employee, parang runner ba. Ang gusto sana niya sa Design & Innovation Department kaso sa HR department siya napa-assigned hindi naman siya puwede mag reklamo dahil internship lang naman ang inapplyan niya dahil 6 months lang ang internship niya kapag natapos na niya babalik na ulit siya sa school sa LA. At least nasa L’Héritage Royale Gems Inc sikat siya tiyak sa school nila kapag nalaman na naka pasok siya sa sikat na pagawaan ng alahas na nasa Pilipinas. Napabuga ng hangin si Sera, kanina lang, tinawag siya sa opisina ni Jiro. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. At muntik pa siyang mapapak ng di oras kung di niya napigilan. At para bang… may alam itong hindi alam ng iba. Para bang hawak nito ang lahat ng sikreto niya maging ang buhay niya. Well, syempre may sekreto naman talaga sila na alam nila pero hindi alam ng lahat maliban sa Papa niya. Pero hindi iyon ang inaalala niya kundi ang mangyayari mamayang gabi. 7 PM ang utos ang usapan nila, parehong suite sa parehong sitwasyon. Napapikit siya saglit habang nakaupo sa cubicle niya. Hindi ako puwedeng pumunta… pero hindi rin puwedeng hindi. Ano bang tingin niya sa akin s*x toy, kadarating na lang niya s*x agad ang gusto niya. 1 month niyang kasama ang girlfriend niya, hindi pa ba siya nag sasawa? Napaka ano naman niya." maktol ni Sera sa isip niya but some part of her medyo na alala niya yung sarap na dulot ng ginawa nila ni Jiro ng gabing yun at aaminin niya nag enjoy din siya ng una pero ng huli na ayaw na niya hindi na masarap puro sakit na lang ito nalang ang nasasarapan. “Uy, Sera!” Medyo nagulat pa na napalingon siya sa katrabaho niyang si Aiza na may hawak na printed memo. “Nakita mo na ‘to?” inabot sa kanya ang isang papel. “Ha? Ano ‘yan?” Iniabot ni Sera ang papel, halatang excited naman ang mukha ni Aiza. “Galing kay Ma'am Gaile!” tukoy nito sa HR manager nila. Salubong ang kilay na binasa ni Sera ang nilalaman ng papel na dahilan para huminto ang ikot ng mundo niya. FROM: HUMAN RESOURCES SUBJECT: INTERNAL APPOINTMENT Effective immediately, Ms. Seraphina Quinn is hereby assigned as the Personal Assistant of Mr. Jiro La Huerta. Awang ang bibig na napatitig siya sa papel parang hindi siya makahinga. “Ako…? Legit ba to?” bulong niya na napalingon sa paligid ng HR most particularly sa bulletin board na nasa unahan. “OO IKAW! Legit yan, naka paskil na yan sa lahat ng bullentin board dito sa L’Héritage.” halos pasigaw si Aiza, tuwang-tuwa. “Girl, alam mo ba kung gaano ka swerte?!” wika pa nito, hindi siya agad nakasagot. Hindi swerte ang pumasok sa isip niya. Kundi… Trap. He's coming to get my head. Ilang minuto lang ang lumipas, parang kumalat na agad sa buong floor ang balita. Hanggang sa ipatawag na nga siya sa maliit na office ng HR manager saglit lang siyang kinausap at pinalabas na din. Pakiramdam niya nawalan na siya ng lakas na mabuhay pa, hindi niya inasahan na mangyayari ito sa kanya. Akala niya after ng gabing iyon tapos na dahil nakuha na ni Jiro ang gusto nito at naka jackpot pa dahil virgin siya. Ano pa bang inaasahan niya? Na absuwelto na agad ang atraso ng Papa niya dahil lang virgin siya. “Siya daw yung intern na ginawang PA!” bulong ng isang taga HR na nadaan niya. “Ang bilis ah! Parang pang isang buwan palang niya dito diba?” “Grabe, si Sir Jiro talaga pumili sa kanya, bakit kaya?” "Baka dahil maganda?" bulong naman ng isa. "Gaga! I heard anak yan ni Sir Mitch." "Sino yun?" tanong ang isa. "Basta dito yung nag tatrabaho noon manager, pero nag retired na ang alam ko." wika ng isang pang babae na kahit papaano ikinahinga niya ng maluwag dahil hindi pumutok ang balita ng ginawang pagnanakaw ng ama niya sa company na yun dahil kung nagkataon baka hindi niya kayanin ang atmosphere. May mga tingin na naka sunod sa kanya halatang inggit kaya nag bubulungan ang mga ito. May mga ngiti na pilit lang kapag napapatingin siya at nag yuyuko ng ulo tandan ng pag bati sa mga ka trabaho niya. May mga bulungan na hindi man direkta, pero ramdam mo. At si Sera pagbalik niya sa upuan niya nanahimik lang siya pero sa loob niya, magulo. Kung alam lang nila…Kung alam lang nila kung anong kapalit nito… Hindi siya swerte, hindi siya paborito. Isa siyang… collateral sa utang ng Papa niya. “Congrats ha,” sabi ng isa pang officemate, pero halatang may halong inggit. “Thank you…” pilit niyang ngiti. “Grabe, kahit intern ka lang, ikaw agad pinili ni Sir Jiro. Iba ka talaga.” Oo. Iba talaga. Naka ilang rounds ba ang lalaking yun??? Kung alam mo lang. Sa paningin ng lahat si Jiro La Huerta ay perpekto, super gwapo well true naman... Kagalang-galang, mayaman, powerful pero para kay Sera siya lang ang nakakaalam ng isa pang side nito. Isang side na hindi ipinapakita sa publiko, isang side na… Mapanganib at matakaw sa s*x. Napatingin siya sa memo na nasa ibabaw ng mesa niya, hinawakan iyon at napahigpit ang hawak niya sa memo. Bakit ako pa? Pero alam naman niya ang sagot. Dahil siya ang puwedeng kontrolin hindi ang ama niya. Siya ang bata at maganda na mapapakinabangan hindi ang ama niya na matanda at wala ng kayang ibigay. “Uy Sera,” bulong ni Aiza, na muling lumapit sa kanya. “May tanong ako…” “Ano?” “Paano mo siya nakuha?” Napatingin siya rito na nagtataka. “Ha?” “Si Sir Jiro! I mean… alam mo na… may secret ka ba?” Napatawa si Sera ng pilit. “Wala…” “Sus, hindi ako naniniwala. Baka ginayuma mo ano?” Doon, parang may pumasok na ideya sa utak ni Sera. Ginayuma… Napaisip siya at sa gitna ng kaguluhan sa isip niya napangiti siya, maliit lang pero may kakaibang kislap ang mga mata niya habang gumagana ang imagination niya. Maya-maya, may isang grupo ang lumapit sa kanya ito ang mga nag bubulungan kanina ng lumabas siya sa office ng manager. Minsan na niyang narinig ang mga ito habang pinag-uusapan ang tungkol sa mga kulay at love potion di umano. “Uy, mga Ma'am may tatanong po sana ako…” nakangiting tanong niya ng harangin ang mga ito na mukhang breaktime at palabas. Nagkatinginan ang mga ito at plastic na ngumiti. “Go lang!” “May kilala ba kayong… mangkukulam?” Natahimik ang mga ito tapos sabay-sabay silang natawa. “Ha? Ano daw?” “Mangkukulam?!” “Girl, anong trip mo?” Napakamot siya sa ulo, kunwari nahihiya. “Wala lang… curious lang po…” “Siguro gagayumahin mo si Sir Jiro no?” tukso ng isa. Napangiti si Sera. Kung alam niyo lang…Hindi ko siya gagayumahin. Bulong niya sa isip niya. Sa loob-loob niya napabulong siya. Paliliitin ko lang yung TT niya para hindi na siya masyadong pinag pala sa lahat. At may kasamang inis na sumabay sa iniisip niya. Muling nag tawanan ang lahat pero walang sumagot sa tanong niya basta nalang iniwan siya at sinabihan siyang kumain nalang siya, dahil malabo daw na magayuma niya si Sir Jiro dahil mahal daw ni Jiro ang nobya nitong ballerina. At hindi siya ang babaeng pamalit. Lumipas ang oras, pero hindi bumababa ang kaba niya. Tuwing titingin siya sa oras palapit nang palapit ang 7 PM. Parang countdown, parang parusa. Na iimagine nanaman niya yung sakit ng pag-ihi, ultimo yung paglakad. She even got fever day after pero hindi manlang siya kinamusta ng mokong na yun basta na wala nalang ito ng existence period. Tapos ito nanaman sila mararanasan nanaman niya ang sakit na yun, okay lang sana kung puro sarap baka ma-excite pa siya. “Hindi ako pupunta…” bulong niya sa sarili. Pero kasunod tiyak isa lang ang sagot. Fired ka. Napapikit siya, hindi puwede. Kailangan niya itong trabaho na to, para sa sarili, sa pag-aaral niya, para sa pamilya niya. Para makatapos siya at makakuha ng magandang trabaho konti nalang tapos na siya. Kaya kailangan niyang magtiis sa loob ng 5 months hanggang matapos lang ang internship niya. Bandang hapon, habang nag-iimpake na ang iba para umuwi, siya ay nakaupo pa rin. Hindi gumagalaw. Nakatingin lang sa mesa niya, nakatitig sa screen ng laptop kahit wala naman specific na data ang naroon. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Aiza. “Ah… may gagawin pa ako…” alanganin na sagot niya ng lingunin ito. “Ahh, PA duties na agad?” Ngumiti siya ng pilit. “Siguro…” Nang mag-alisan na ang lahat, naiwan siyang mag-isa sa floor. Tahimik lang at mas ramdam ang kaba. Ilang oras na lang 7pm na, kinuha niya ang bag niya saka huminga ng malalim at tumayo. Habang palabas siya ng building hindi niya maiwasan ang mag-isip. Hanggang kailan ganito? Hanggang kailan ako susunod? Diba dapat meron duration ang usapan? At sa unang pagkakataon, may sumagi sa isip niya. Paano kaya kung lumaban ako? Mag matigas kaya ako? Pagdating niya sa labas, napatingin siya sa langit. Papadilim na eksaktong tulad ng pakiramdam niya kaya napabuga siya ng hangin. Pero sa kabila ng lahat may isang bagay na malinaw. Hindi na siya yung parehong Sera na natatakot lang at iiyak lang. Ngayon may galit na siyang nararamdaman, may inis na at nakakaisip na ng plano. Pero sa ngayon wala pa talaga siyang naiisip na paraan paano tatakasan si Jiro kailangan pa niya ito para sa internship niya. Malaking step stone ang company nito para sa ikagaganda ng future niya. “Mangkukulam…” bulong niya ulit sa sarili, napapangiti iyon nalang siguro ang pag-asa niya, kung liliitn ang TT nito baka hindi na siya masaktan. “Subukan natin.” parang nababaliw nalang na bulong niya sa sarili saka tuluyan ng naglakad palabas ng company.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD