Episode 1- Collateral Damage
Huminto ang taxi sa harap ng hotel, at tumingin si Seraphina Quinn sa taas ng building. Ang taas at kinang ng glass facade nito parang sinasabi sa kanya,
“You don’t belong here.” Pakiramdam niya, mali na nagpunta siya roon. Kanina pa iyon isinisigaw ng instinct niya na wag tumuloy at umuwi nalang pero abot-abot na ang text sa kanya ng ama niya.
“Okay, Sera… breathe lang,” bulong niya sa sarili saka huminga ng malalim, mahigpit na hinawak ang strap ng bag saka humakbang na papasok ng naturang hotel. Nasa may entrance na siya ng makareceive muli ng text sa ama.
“It’s time to settle matters. He’ll be waiting.” Sa totoo lang kabado siya, internship lang naman ang kailangan niya at sabi ng ama niya nagawan na nito ng paraan na makapasok siya sa company nito kahit bawal ang magkamag-anak. Pero since intern lang daw naman siya pumayag daw ang amo nito si Mr. Jiro La Huerta. Graduating na siya this year sa kursong Bachelor of Fine Arts major in Jewelry Design at sa LA siya nag-aaral. Napilitan lang siyang umuwi ng Pilipinas dahil gusto talaga niyang maging jewerly designer, masuwerte na siya na naka pasok sa company ng ama niya na kilala sa pag design ng mga magagandang klase ng alahas Ang L’Héritage Royale Gems Inc. Sikat sa alta or sa high society ang mga alahas na gawa ng company ng ama niya, kahit mismong sa school nila sa LA na banggit ang naturang company ng Daddy niya kaya naman gusto niyang doon mag intern para maganda sa record niya pero hindi natanggap ng intern ang company pero dahil doon nag tatrabaho ang Daddy niya kaya nagawan daw nito ng paraan.
Pero ewan ba niya kung bakit siya kinakabahan ngayon formality lang naman para sa intership niya. Pumasok siya sa lobby at lumapit na sa receptionist para sabihin ang pakay niya. Agad naman siyang ipina-assist sa isang bellboy. Tahimik at elegante ang hotel, ang bango ng hangin humahalimuyak ang amoy ng orchids at polish sa kahoy. Tahimik na umakyat sila sa elevator, top floor ang destinasyon niya. Hindi na lumabas ang bellboy dahil naroon na daw sila mismo sa destinasyon n'ya.
"Wow!" iyon nalang lumabas sa bibig niya habang inililibot ang mata sa loob ng sosyal na suite. Mayaman din naman siya pero never pa siyang nakapasok sa ganun klase ng hotel suite parang mga design na lang sa mga magazine. Natigilan sa pag hakbang si Sera ng makita ang isang lalaki na naka tayo sa tabi ng floor to ceiling na salamin, naka-cross ang braso, naka suot ng perfect na suit, nakatingin sa city lights sa baba, pero lahat ng atensyon ni Seraphina, naka-focus sa lalaking nasa harapan niya. Ang ini-expect niyang Jiro La Huerta na boss ng ama niya ay tipong mga around 30 to 40 years old. Hindi niya inasahan na bata pa, kung tama siya ng tansa baka around 25+ palang ito, halata sa mukha ang kabataan nito.
“Ms. Quinn,” mahinang sabi nito ng bumaling ito paharap sa kanya na nag dulot ng biglang kaba kay Sera na mabilis na umiwas ng tingin rito bigla kasi siyang kinabahan ng magtama ang paningin nila.
“I’ve been expecting you.” tumikhim naman siya saka tumayo ng tuwid kahit kabado talaga siya at hindi niya mapaklama ang puso niya.
“Ikaw ba si Sir Jiro?” Tumango lang si Jiro, walang emosyon.
“I’m here to finalize your father’s… arrangements. He owes a significant debt. You are the collateral.” bigla parang gustong lumuwa ng mata ni Sera sa narinig.
Ano daw? Collateral? Parang may naipit sa dibdib ni Sera na napa atras.
“Collateral? You mean… my father used me as collateral for his debt? Am I understanding this correctly?”
“Yes.” Tahimik pero matatag ang boses ni Jiro na hindi man lang nag paligoy-ligoy or inihanda siya para sa big revelation na yun.
“You will comply. Or else, there are consequences.” hindi naman maka-imik si Sera, so hindi siya pinapunta roon ng ama para sa intership niya kundi ibayad sa utang nito.
“It’s time to settle matters. He’ll be waiting.” so iyon ang ibig sabihin ng sinabi nitong iyon. Hindi niya na gets ng una iyon pala yun.
“Hindi… hindi puwede ‘to!” Napabuntong-hininga siya, sabay iling na umatras.
“Hindi puwede na ako ang gawin na collateral! Tao ako hindi ako bagay” humakbang naman papalapit si Jiro, slow lang pero commanding ang dating ng aura nito na mas nag dudulot ng kaba kay Sera.
“Ms. Quinn, understand this. I don’t ask. I don’t negotiate. You comply, or your family suffers. Your father’s debts are legally binding. They are not a threat—they are fact.” wika pa nito na pati boses nito napaka lagong, napaka lamig. Kahit anong guwapo at amo ng mukha nito mas nakakatakot pa rin ang boses nito. Kumabog ng husto ang puso ni Sera. Ang pride niya, ang sense of independence, lahat, biglang parang nawala. Unti-unting nag sink-in sa utak niya ang maraming bagay.
“No ayoko!” Pabulong na sagot niya, habang mahigpit ang hawak sa strap ng bag niya.
“Mali ‘to… mali! Hindi n'yo puwedeng gawin sa akin ito ni Daddy." Bahagyang lumambot ang expression ni Jiro pero hindi comforting, pero nakaka-unsettle.
“Morality doesn’t matter. Your compliance is the only way to protect your family.” Hindi niya alam kung bakit, pero may spark na hindi niya gusto sa katawan niya. Takot? Oo. Pero may something pa rin na… hindi niya maintindihan. Nakatitig siya sa mukha ng amo ng Daddy niya at yung paraan ng pagtitig nito sa kanya may kakaibang kabang hatid.
“Hindi!” taas na ang boses niya, nanginginig pero may tapang hindi siya dapat mag pakita ng kahinaan dahil siya ang pumasok sa lungga ng lion ng di alam kung ano ang panganib na nag abang sa kanya.
“Hindi ko gagawin! Hindi ako ang nangutang sa'yo.” Lumapit si Jiro hanggang halos isang dangkal na lang ang pagitan nila. Amoy na niya ang cologne nito—wood, spice. Ang katawan niya, parang nagtatrabaho laban sa utak niya, nanginginig, tensyon sa bawat bahagi ng katawan niya.
“I can, and I will.” tahimik niyang sabi.
“Full compliance. No hesitation. Naintindihan mo?” Nag simula siyang umiyak, humihinga ng malalim.
“Hindi ko kaya…”
“Choices are limited,” mahinang sabi ni Jiro.
“You refuse, your father loses everything. You comply, and… he’s safe. Think carefully.” Pakiramdam niya, sinikksik ng mundo. Lahat ng pride niya, lahat ng tapang niya, parang nawala.
"What do you want in exchange for my dad's debt?"
"Do you even need to ask that? You’re not stupid, Miss Quinn.” lalong kinabahan si Sera sa sagot nito.
"Are you going to make love with me?" lakas loob na tanong ni Sera na bahagyang tinawanan ni Jiro.
"Your father’s debt is settled with your body. He gave me full permission to take whatever I want from you.” saglit itong huminto at namulsa habang nakatingin sa kanya.
“And making love with you wasn’t part of the deal… the proper word is f*ck. I will f*ck you.” napasinghap na napapikit si Sera. Hindi makapaniwala sa mga naririnig. Ang guwapo at ang ayos nitong tingnan pero ang tabas ng bibig nito grabeng bastos.
“You have exactly ten minutes. When you’re done deciding, put that on and follow me to the room.” turo pa ni Jiro sabay talikod. Napatingin naman si Sera sa isang itim na box na naroon sa may sofa. Nang makapasok na si Jiro sa isang pinto agad na binuksan ni Sera ang box at nagulat siya ng makitang itim na mesh and lace lingerie na agad din niyang binitawan saka isinarado ang box. Hindi niya kailangan ng 10 minutes to decide. Nag mamadali siyang tumalikod at nagtungo na sa elevator. Saktong pinindot niya ang elevator saktong bumukas iyon ng mag-ring ang phone niya. Na agad niyang sinagot ng makita ang ama ang natawag, sisigawan na sana niya ito at iiyak pero nagulat siya ng sunod-sunod na sorry ang narinig niya sa ama. Damang-dama din niya ang pag sisi sa boses nito at ang malakas nitong pag-iyak sa kabilang linya.
Pakiramdam tuloy niya na durog ang puso niya ng marinig ang pag-iyak ng ganun ng ama. Hindi daw nito sinasadya, hindi ito nag e-explain pero panay ang hingi na lang ng sorry kaya ano pang sasabihin niya.
“Gagawin ko na…” iyon na lang ang sinabi niya saka pinatay ang call bago mabibigat ang hakbang na binalikan ang box na inutos ni Jiro na isuot niya bago sumunod sa kuwarto nito. After ilang minuto pa suot na niya ang lingerie na wala ng itinago sa katawan niya. She was only 20 years old not too young but not too old, never been have a boyfriend. Kaya paano siya kikilos ng tama? Kung pag halik nga hindi niya alam gawin tapos katawan niya ang ginawang kapalit ng ama.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo sa gitna ng sala habang suot ng lingerie hanggang sa mapaupo na lang siya sa sahig habang umiiyak ng tahimik. Bukod sa natatakot siya dahil 1st time niya, hindi naman niya kayang umuwi at makita ang ama na humihingi ng sorry. Hanggang isang sapatos ang nakita ni Sera na huminto sa harapan niya.
"You can cry all you want, but it won’t change our arrangement. Tears won’t undo the deal your father made. just walk away! Your only bonus is a chance to join my company as an intern, impress me at work, and maybe I’ll keep you. Not just in bed—I have no patience for stupid women.” wika ni Jiro, dahan-dahan naman na tumaas ang tingin ni Sera at tumingala kay Jiro.
"Kapag umalis ako, anong gagawin mo sa Daddy ko?" tanong niya.
“I’ll have him jailed for making a mistake he shouldn’t have made in the first place. And worst of all, you won’t be able to return to LA to finish your studies, because I’ll take everything your father and mother own. In the end, you’ll be the one paying for all the sins your father committed.” dahil sa sinabi nito mas lalo ng luminaw sa kanya ang lahat ng nagaganap kahit hindi pa niya alamin ang puno't dulo. Ang iyak ng ama niya at pag hingi nito ng sorry ay malinaw na patunay na may ginawa itong mali.
"Gagawin ko na." halos bulong na sagot Sera. Lumuhod naman si Jiro sa harapan niya. Tumitig si Jiro sa kanya, calm, almost predator-like.
“Good. That wasn’t so hard.” Mabigat ang puso niya, nanginginig ang kalamnan niya pero alam niyang tama ang ginawa niya—para sa pamilya para sa pangarap niya. Ngunit deep down, alam niyang ito ay simula pa lang ng delubyo. Lumapit si Jiro, paunti-unti, bawat galaw ay puno ng tensyon at nang maglapat ang labi nila saglit lang iyon na parang sinubukan lang siya kung lalaban ba siya o manunulak pero since wala siyang ginawa ngumiti ito.
“Now,” mahina ang boses niya, parang inaakit na siya his thumb touching her lip.
“We begin. Remember, compliance ensures safety.”