Sobrang lamig sa loob ng presidential suite ni Jiro at masyadong tahimik para sa isang lugar na ilang minuto pa lang ang nakalipas after ng nangyari sa baba. Nakatayo si Jiro sa gitna ng sala ng suite niya diretso ang likod at hindi gumagalaw, habang sa harap niya nakaupo ang mga magulang niya. Si Lyza La Huerta na elegante pa rin kahit halatang pagod at sa tabi nito si Jared La Huerta, tahimik pero mabigat ang presensya. Kakauwi lang ng mga ito galing sa hospital para lang sana pansamantalang magpahinga ng maayos dahil ilang araw na rin walang tulog na maayos. May mga kailangang din kausapin, at mga kailangang ayusin. Kaya pansamantala sa hospital nandoon ang kuya niyang si Jael at ang ate niyang si Jeida, nagbabantay kay Joven. At sa maling pagkakataon at oras siya pa ang kailangan h

