Hindi pa man tuluyang humuhupa ang galit at hiya ni Sera mula sa nangyari sa ladies’ room at elevator, pakiramdam niya ubos na agad ang lakas niya. Parang isang araw na ang lumipas kahit ilang minuto pa lang naman talaga. Tahimik siyang naupo sa silya niya at nakatitig sa monitor pero wala siyang nakikita. At na alala pa niya ang narinig na bulungan sa HR ng mga empleyado. “Uy, narinig mo?” “Yung fiancée ni Sir Jiro… umalis na ulit.” “Ano?” “Kanina lang. Saglit lang daw talaga siya dito. Nagpaalam lang bago bumalik abroad.” "Ganun lang..." bulong ni Sera sa sarili. Dumating, ngumiti, nagpakita tapos… umalis na agad parang walang naiwan. Parang walang dapat ayusin at si Jiro…naiwan nanaman mag-isa. Hindi ba ito natatakot sa klase ng relasyon na meron ang mga ito. Not to mention tot

