bc

The Secret Young Billionaire

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
HE
confident
drama
gxg
campus
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Natalie Joy Figaroa isang beinte-anyos na dalaga, maputi, sexy at matangkad. Lahat ng lalaki ay napalingon sa angking  kagandahan.Sa hindi inaasahan, mahuhulog ang kanyang damdamin sa isang mangangalakal na si John Dave.John Dave Fermindoza isang  beinte-tres anyos na binata, gwapo, matangkad at matipuno. Kabaliktaran siya sa buhay na meron ang dalaga. Nag-iisa sa buhay si John Dave at ginawa ang pangangalakal para kumita ng pera para sa kanyang pag-aaral at para matugunan ang kanyang pangangailangang pinansyal.Ang kasabihan na laging naririnig ng dalaga. "Ang mahirap ay para lang sa mahirap at kung mayaman ay para lang sa kapwa mayaman."Mapuputol kaya ni Natalie ang kanyang naririnig na paniniwala para sa mayaman at mahirap?Magagawa kaya niyang ipaglaban ang kanyang pagmamahal sa lalaki kahit magkaiba sila ng status sa buhay?Totoo ba na walang mahirap at mayaman sa pag-ibig?

chap-preview
Free preview
The Comparison
Galacia 6:4-5 "Dapat suriin ng bawat isa ang kanyang sariling gawa. At sa gano'n mayroon na siyang maipagmayabang sa kanyang sarili, na hindi kailangan ihambing pa ang kanyang sarili sa iba. 5 Sapagkat buhatin ng bawat isa ang kanyang sariling pasanin." ***** Natalie's POV Sabi nila ang mahirap ay para lang sa mahirap at kung mayaman ka ay para ka lang sa kapwa mo mayaman. lyan ang palagi kong naririnig sa aking mga kaklase at kaibigan na sosyalera. Well, I'm one of them. Sa isang pribadong paaralan kami nag-aaral at halos buong barkada namin ay anak ng mayayaman. May kanya-kanya kaming sasakyan at updated sa mga gadgets. Para sa akin madali lang kasi humingi sa magulang basta daw panatilihing mataas ang grades. Mahilig kaming gumimik sa mga kaibigan ko sa mga bars and resto na may mga live bands. Nagpupunta rin sa mga parties at kung anu-ano ang kaartehan sa katawan. Ako pala si Natalie. Sexy, maputi at maganda. Mahilig akong magsuot ng maiikling shorts at tops na makikita ang pusod. Napapalingon ang mga kalalakihan sa aking kagandahan. Lunes ngayon at maaga akong papasok sa eskwelahan. May sundo ako sa araw na ito. Kasalukuyang nasa aming garahe ang kanyang sasakyan. Lumabas ako mula sa loob ng aming bahay at patungo ako sa garahe kung saan naka parking ang sasakyan ng boyfriend ko. "Tara na bilisan mo, baka malate pa tayo sa klase!" Sigaw ng aking boyfriend habang naghihintay sa loob ng sasakyan dito sa aming garahe. Siya si Jefferson, ang aking boyfriend. Gwapo siya at matangkad. Mayaman ang kanilang pamilya. Sinagot ko siya dahil sa udyok ng barkada, sayang daw kasi nga mayaman na gwapo pa. lyon nga lang ay hindi mamuscle ang kanyang katawan. Parang normal lang ang babyfats niya. lyan ang nasa isip ko habang lumalapit ako sa kanyang sasakyan. "Wait lang kasi, andiyan na nga oh," sigaw ko na nagmamadali. Syempre kiss muna sa magulang ko. Lumapit muna ako sa kanila habang nakamasid sa akin na ngayon ko napansin na nasa garahe sila. "Bye Mommy at Daddy," sabi ko sa kanila. "Bye, ingat anak," bilin pa ni Mommy. "Bye, anak," sabi ni Daddy sa akin. Agad ako pumasok sa sasakyan, pagsakay ko ng kotse ni Jeff ay agad na niyang pinaandar ito. Binuksan naman ng hardinero namin ang gate at paatras kaming lumabas. Hindi napansin ni Jeff ang isang mangangalakal na nagtutulak ng kariton sa likod kaya muntik na naming maatrasan. "Ano ba? tatanga tanga ka! masagasaan ka na gago!" Sigaw niya sa mangangalakal. Humingi kaagad ng sorry ang binata ngunit pinagmumura pa rin nito. Gumilid siya agad at nakalabas ang sasakyan. Umabante ang sasakyan at galit pa rin si Jeff hanggang sa makalayo kami sa bahay. "Why,you're so rude?" Tanong ko sa kanya dahil sa kanyang salita kanina. "Who cares?" Sagot naman nito sa akin. "I care,dahil tao lang din ang pag pinag sasalitan mo kanina," sabi ko sa mababang tono. "Okay, fine!" Hindi na ako umimik pa baka magalit si Jeff ay baka mabangga pa kami.Tahimik ang aming biyahe, dahil walang traffic ay mabilis kaming nakarating. Nang malapit na kami sa aking school ay hinimas pa niya ang aking hita sabay dakot sa p********e ko sa ibabaw ng palda ng walang pahintulot. "Ano ba Jeff, umayos ka nga!" Singhal kong sabi. Ngumisi lang siya sa akin. Pagkatapos maipark ni Jeff ang kanyang sasakyan ay agad akong bumaba. Nakatingin ang mga tropa at alam kong hihingi ng kiss si Jeff kaya kiniss ko siya, bago pa umalis dahil hindi kami magkaklase. Halos ilang buwan ko nang boyfriend si Jeff at lagi niya akong niyayang mag hotel para patunayan ko daw sa kanya kung mahal ko siya talaga o hindi. Ngunit hindi naman ako pumapayag. "Ayoko nga!" Sabi ko ng muli niya akong pilitin. "Ihatid mo na nga ako!" Sabi ko ulit. Kasabay ng pagtawag sa Mommy ko na pauwi na ako. Paraan ko ito para ihatid na ako ni Jeff sa bahay namin. Agad naman siyang sumunod sa sinabi ko. Pagbaba ko sa tapat ng aming tahanan ay may nakaparadang kariton na naglalaman ng mga kalakal. Agad umalis si Jeff ng maisarado ko ang pinto ng sasakyan niya. Pumasok ako sa loob ng aming bakuran at nakita ko ang isang lalaking madungis ang kasuotan. Matipuno ang katawan at mamuscle ito. Tiyak akong sagad siya sa pagtatrabaho at tingin ko ay halos kasing tangkad niya si Jeff. Abala siya sa pagsisilid ng mga kalakal na binigay na lang ni Mommy dahil sa nakatambak lang ang mga ito sa likod ng bahay. Halos dalawang sako ito kaya halos pagpawisan ang mangangalakal sa pag-aayos. Parang nakita ko na rin ang kanyang katawan dahil bumakat sa kanyang puting T-shirt dahil basa ito sa pawis. "s**t,his abs, parang nag gi gym," sabi ko sa utak ko ng makita ang kanyang masarap na pandesal ay este abs. Napangiti na lang ako ng tahimik dahil sa iniisip ko tungkol sa kanyang katawan. Napatingin pa ako ng ipunas niya sa mukha niya ang laylayan ng kanyang damit. Napansin niya ako at nahihiyang nagsalita. "Ay hello po, Ma'am, pasensya na po nakaharang ako dito," sabi sa akin ng may kinang sa kanyang mga mata. "Ah, ok lang," ang tanging naisagot ko sa pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Humalik muna ako kay Mommy ko ng makita ako bago ako pumasok sa loob ng bahay. Sinilip ko pa ang mangangalakal sa bintana. Lalong nanggigigil ang mga muscles niya ng buhatin ang dalawang sako ng bote ng gano'n lang kasimple. "Wow!" Sabi ko sa sarili ko dahil nalilito ako sa nakikita kong muscles sa katawan niya. "Ew!" Sabi ko sa sarili ko dahil tagaktak ang kanyang pawis. "So madungis!" Dagdag ko pa sa isipan ko ng makita kong pinunasan niya ang mukha na ulit gamit ang laylayan ng damit niya. Lumipas ang mga araw ay napapadalas ang pagpunta ng mangangalakal sa aming tapat. At sa tuwing lalabas ang sasakyan ay nandoon siya sa tapat ng pwesto ko at minsan ay ngumingiti siya. Ngayong hapon ay tumawag si Jeff, di daw niya ako masusundo kaya agad akong nag pasundo sa aming driver. Habang nasa bahay ako ay nag text ang isa kong tropa na nakita daw nila si Jeff na may kasamang ibang babae. Hindi agad ako naniniwala pero galit na agad ang naramdaman ko noon. Halos buong magdamag kong iniisip ng isinumbong sa akin kaya ilang oras lang ang tulog ko. Pagkagising ko ay agad akong humarap sa salamin. Tiningnan ko kung maayos pa ako, okay naman ang aking itsura dahil maganda ako talaga at hindi halata na napuyat ako. Pagkatapos akong nagbihis ay dumating na ang sundo ko na si Jeff sakto na nakagayak na ako papuntang school. Mabilis akong sumakay at sa sasakyan pa lang ay inaway ko na siya. Pilit kong pinapa amin ngunit magaling tumanggi. Never siya umamin kahit nakikita niya ang galit ko. Kahit pa siguro magwala ako wala pa rin. Hanggang sa maging okay na kami ulit at bumalik sa dating gawi. Minsan ay nagtungo ako sa mall mag-isa para magpalipas ng oras. Mag-isa akong namamasyal sa loob ng mall at umiikot para maaliw ang aking sarili. Sa may squalator, kaliwaan ang mga pares-pares na lovebirds dahil weekend. Oras ng galaan at leisure lalo sa mga estudyante na kagaya ko. Tahimik lang ako naglalakad at patingin-tingin sa paligid. Ayoko tawagan ang mga kaibigan ko dahil alam ko na busy rin sila sa kani-kanilang lovelife. Naranasan ko rin na may lovelife ako sa pamamagitan ni Jeff pero ngayon ay hindi ko siya kasama. Hindi pa ako nagsasabi sa aking mga magulang ang tungkol kay Jeff sapat lang na alam nila na boyfriend ko siya at hindi sila nagtatanong ang tungkol sa relasyon namin. Minsan iniisip ko kung siya nga ba ang gusto kong lalaki na makakatuluyan o pinapangarap ko man lang? Seryoso ba ako sa kanya o di kaya ay seryoso rin ba sa akin? Nakakainis, bakit ako nag-iisip ng ganito? Umupo ako sa isang mahabang bench habang nagmamasid sa kapaligiran. Maraming tao na halos karamihan ay kasama ang kanilang pamilya. Marami rin ang mag-jowa. Hays, masakit sa mata! Sa di kalayuan ay may nag-aaway na magkasintahan. Hindi ko man naririnig ang kanilang salita ngunit nakikita ko naman sa kilos nila na nag-aaway. Ano kaya ang dahilan, bakit sila nag-aaway? Sa isang saglit ay naaalala ko si Jeff, ano kaya ang ginagawa niya sa oras na ito? Sino kaya ang kasama nito? At kung anu-ano pa ang nasa isip ko. Binalik ko ang aking mga mata sa magkasintahan na nag-aaway kanina pero ngayon ay naglalambingan na sila. Kapwa sila nakangiti habang nagseselfie sa gitna ng aisle. Kusang lumabas ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan sila. Maya ay may dumaan sa aking harapan na magkasintahan. Malayo na sila ng napansin ko na kasin-likod ni Jeff Ang lalaki. Naka-akbay siya sa isang babae. Matagal kong tinititigan ang likod ng dalawa habang lumalayo sila sa gawi ko. Nais kong makita na lumingon ang lalaki para mapatunayan ko na si Jeff ba siya o hindi pero never lumingon ang binata. Hinayaan ko na lamang ang aking nakita at wala akong lakas ng loob para habulin sila. Paano kung hindi siya o di mapapahiya lang ako sa kanila at makaistorbo pa! Paano kaya kung siya si Jeff? Kunot ang aking noo sa aking iniisip. Para mawala ang aking iniisip ay tumayo na ako at naghanap ng mga bibilhin kong damit, sandals,makeup at kung anu-ano pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook