CHAPTER 9 (MEETING OR DISASTER?)

1323 Words
KENDRA “That’s all for today. See you tomorrow.” Paalam ng teacher naming si Mrs. Susan sa Reading and Writing Skills na subject. Ito na ang huling subject namin ngayong hapon. Kanina, matapos kaming mag-usap ni Miss Emery sa umaga, hindi ko agad nakausap ang mga officers ko dahil sunod-sunod ang klase. Tapos noong lunch break naman, para silang mga nakawala sa hawla—nag-uunahan sa paglabas. Kaya ngayon, bago pa sila makaalis, kailangan ko na silang kausapin at makapagplano para sa classroom. Way ko na rin ‘to para makilala sila nang mas maayos. Pagkalabas ni Mrs. Susan, agad akong pumunta sa pinto at hinarang ang sarili ko. Alam ko na kasing mag-uunahan na naman ang mga ‘to palabas—and I was right. Nasa harapan ko na agad ang mga loko. “Get out of our way kung ayaw mong may mangyaring masama sa’yo.” Malamig at mayabang na sabi ng feeling hari ng classroom, kasama ang dalawa niyang alipores. Akala ko tatlo sila? Asan na ‘yung isa? Hindi ko na lang siya pinansin. Tiningnan ko ang iba pa naming mga kaklase. “Lahat ng napili KONG officers, magkakaroon tayo ng meeting ngayon.” Malakas kong sabi habang ini-scan ang buong klase. Tapos binalingan ko ang feeling hari, at tinitigan ko siya nang diretso sa mata. “PALALABASIN KO lang ang hindi officers. Naiintindihan mo?” Seryoso kong sambit, hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Mas matangkad siya sa akin, pero kahit ganun, hindi ibig sabihin nun na puwede niya akong maliitin. Medyo kinakabahan ako habang sinasabi ko ‘yon. Pumasok kasi sa isip ko ang sinabi ni Miss Emery—na halos lahat ng classmates ko ay hindi basta-bastang nagpapadikta. Bigla siyang bumawi ng tingin, hinawakan ang braso ko at medyo itinulak ako palayo sa pinto. Muntik na akong mawalan ng balance sa ginawa niya. Walang kahirap-hirap na binuksan niya ang pinto at umalis silang tatlo—kasama na rin ang ilang mga kaklase naming pasimpleng sumunod. Naiwan ako sa may pinto, napatingin sa labas, at nanggagalaiti sa inis. Kendra, kumalma ka lang. Pakiramdam ko, sa unang araw ko pa lang bilang president ng Black Section, palpak na agad ako. Simple instruction pa lang, hindi na agad sinunod. Parang ginawa lang nila akong president dahil trip lang—para lang masabing may nominee at may nanalo. Pero respeto? Wala. Huminga ako nang malalim at tinignan ang mga naiwan sa loob. Mukha silang mga officers na pinili ko. Wala nang ibang umalis maliban sa tatlo. “Don’t bother with them. Hindi mo sila mapapasunod, lalo na si Knox,” sabi ni Nyx habang nakatingin sa akin. “Hindi ko rin maintindihan kung bakit sila ang pinili mong maging officers. Parang hindi mo man lang sinuri ang background nila,” dagdag niya, halatang nababagot na. “Kung ako lang din ang masusunod, ayoko rin sanang maging officer mo. But then again, respeto na lang,” ani Jessica. “Yeah, I agree. Siguraduhin mo lang na maayos ang pamamalakad mo. Kasi kung hindi namin magustuhan, hindi rin kami susunod sa’yo,” dagdag ni Krystal. “Are you threatening me already? Huwag kayong mag-alala, may isang salita ako,” seryoso kong sambit sa kanilang tatlong magkaibigan. Mukhang hindi talaga ito magiging madali. Akala ko magiging smooth ang pagpili ko ng officers, pero mukhang disaster ang kahihinatnan. “Ahm, excuse me. Gusto ko lang gamitin ang position ko. As the Vice President, pwede bang makinig muna tayo sa sasabihin ng ating President? I’m sure may rason siya kung bakit tayo ang napili niya sa positions natin ngayon. For now, supportahan at respetuhin muna natin siya. So please, settle down, guys, and listen to whatever our President has to say. Kung may hindi man tayo magustuhan, pwede naman natin siyang kausapin nang maayos. So, Miss Kendra Del Verra, please lead us now,” mahabang sabi ni Serene habang nakangiti sa akin. Nginitian ko rin siya at binigyan ng maliit na “thank you” gamit ang bibig. So far, naging maayos naman ang meeting namin ng mga officers. Wala pang reklamo o issue na lumalabas. Pinag-usapan namin ang roles nila sa kani-kanilang posisyon—kahit alam ko namang alam na nila ‘yon—may mga idinagdag pa rin akong bagong tasks. “Sabi ni Miss Emery, magkakaroon ng meetings para sa mga officers kapag malapit na ang mga activities. Pero selected lang ang makakasama sa meeting. Usually, President, Vice Pres., Secretary, and Treasurer lang. Tama ba?” tanong ko. “Oo, Miss Pres. Usually, lahat ng officers ng Grade 11 and 12 pinagsasama kapag may mga school activities. Kasama rin doon ang SGO (Student Government Officers),” sagot ni Serene. “For sure, mamaliitin na naman tayo sa ganyang meeting. Buti na lang, hindi ko kailangan umattend,” sabat ni Samantha. Biglang natahimik ang paligid nang sabihin niya ‘yon. Mukhang may ibig sabihin ang comment niya. Hindi ko alam ang buong kwento pero halatang ayaw din nila ang nangyayari sa mga gano’ng meetings. Hindi ko na lang muna pinansin pero gusto ko ring malaman kung ano ‘yung tinutukoy niya. “Nyx, kapag may mga meeting, ikaw ang madalas kong kasama, lalo na kung sakaling magsabay-sabay ang schedules. Si Serene naman ang a-attend sa isa, kasama ang Secretary, at tayo ang sa isa pa. Titignan natin kung alin ang pinakacrucial—lalo na kung tungkol sa budget. ‘Yun ang mas dapat nating unahin. Naiintindihan mo?” “Okay, no problem,” sagot ni Nyx. Medyo gumaan na rin ang pakikitungo niya sa akin simula nung nagsalita ako kanina. Mukhang unti-unti ko nang nakukuha ang loob nila. “Ikaw na rin ang magrereport ng mga napag-usapan sa meetings sa Business Manager at Auditor kung tungkol sa pera.” “Miss Pres., paano naman ako? Paano kung ayaw sumunod ng Secretary?” tanong ni Serene habang nakasimangot. Naalala ko tuloy—si Knox nga pala ang Secretary. Naku, ang hirap talaga niyang pakisamahan. Bakit nga ba siya ang kinuha ko? Hay. “Huwag kang mag-alala. Kakausapin ko siya.” “Kapag nakausap mo siya at napasunod mo talaga, ibibigay ko na sa’yo ang full pledge ko, Kendra. Itaga mo ‘yan sa bato,” pahayag ni Nyx, parang may hamon sa tono. “Are you challenging me, Mr. Treasurer?” “Psh. Mas matutuwa sana ako kung ‘Ms. Treasurer’ na lang ang itawag mo sa akin,” sagot niya habang nakasimangot. Nagtawanan kami. Natapos ang meeting at pinauna ko na silang lumabas. Ako na ang magsasara ng classroom at ako rin ang magbibigay ng susi sa in-charge. Habang nagliligpit, napansin ko ang isang lalaking nakayuko, nakapatong ang kamay sa noo na parang natutulog. Huwag mo sabihing... hindi ito nakinig sa buong meeting? Haist. Mukhang dagdag problema pa siya. Hindi ko na kailangang tanungin kung sino siya—si Hezron. Isa sa mga kinatatakutan sa classroom. Mukhang hindi niya alam na tapos na ang meeting. Mabuti pang gisingin ko na siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa pag-attend niya, pero kung hindi rin naman pala siya makikinig, sayang lang. “Hezron, tapos na ang meeting. Kung ganyan lang din ang ipapakita mo tuwing may meeting, huwag ka na lang umattend,” inis kong sabi. Dumilat siya at tumingin sa akin. Napalunok ako. May intimidation sa tingin niya. “Ginusto mo ‘yan. Panindigan mo,” malamig niyang sabi habang tumatayo at lumalampas sa akin. “Psh. Pareho sila ng feeling-hari na ‘yon,” bulong ko sa sarili ko. Nang masiguradong wala nang naiwan sa classroom, isinara ko na ito. Tahimik na ang hallway—halos lahat naka-uwi na. Nag-chat si Ara na mauuna na raw siyang umuwi kasi marami pa siyang gagawin. Pareho pala kami—marami ring nakatambak na assignments. Sinasanay ko na rin ang sarili ko sa bagong environment. Black section na talaga ako. Sana nga… hindi ito ang worst year ko. Kahit papaano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD