CHAPTER 10 (TALK to HIM)

1533 Words
KENDRA Three weeks. I survived almost a month in the Black Section. So far, wala pa naman masyadong unusual na nangyayari — bukod sa mga mapangmata naming schoolmates, wala na akong ibang iniintindi. Iniisip ko na lang, hanggang tingin at salita lang sila. Dito sa Black Section, masasabi ko rin na unti-unti na akong pinakikinggan ng iba. Somehow, they’re starting to recognize me as their president. Pero siyempre, hindi mawawala yung mga pasaway — ironically, sila pa talaga yung pinili kong maging officers. Nakakainis, lalo na si Knox. Buti na lang napakiusapan ko si Riego — isa sa mga kaibigan ni Knox at siya ring classroom escort. Pero si Knox at Hezron? Hopeless cases. Akala mo pag-aari nila ang buong school. Napansin ko rin na parang kinatatakutan sila ng ibang estudyante — kapag dumadaan sila, halos umiwas lahat. Kahit minamaliit ang section namin, kapag sila ang dumaan, parang sila lang ang nirerespeto. Minsan napapaisip ako — magkano ba ang "investment" ng mga pamilya nila para ganun sila itrato? --- “OMG, andiyan na sina Knox at Riego! Ang gwapo talaga ni Knox, pero mas gwapo ang Riego ko,” kilig na sabi ni Ara habang nakatingin sa direksyon nila. Napalingon ako. Psh, ewan ko ba kung anong nakita niya sa mga iyon — mga sakit sa ulo lalo na yung feeling hari. “Kumain ka na lang diyan, ang dami mong napapansin,” sabi ko. “Bakit ba? Alam mo kasi, Kendra, marunong lang akong maka-appreciate ng mga gwapo dito sa school. Sa lahat ng napasukan natin, ito na ang may pinakamaraming magaganda ang lahi. Dapat marunong ka ring magpasalamat sa gawang-Diyos.” “Aanhin ko naman ‘yon kung masama naman ang ugali?” “Hay naku, Serene, pagsabihan mo nga itong president niyo. Hindi marunong mag-appreciate,” reklamo niya habang umiirap. Napatawa si lang Serene. Nasa cafeteria kami noon — lunch break. Dahil libre ang pagkain, ang daming laman ng table namin. Nakasanayan na rin namin na sumama si Ara kahit magkaibang section kami tuwing lunch, kasama ang pinsan niyang si Jameson, na kakakilala lang namin last week. “Huwag mo na siyang pilitin, Ara,” sabi ni Serene. “Tama rin naman si Kendra. Aanhin mo ang gwapo kung masama ang ugali? Buti pa ako—gwapo na, mabait pa, talented pa. Saan ka pa?” pagmamayabang ni Jameson. Napairap ako sa hangin niya, pero aminado naman ako — kung hindi mo siya kilala, iisipin mong mayabang talaga siya. Popular rin kasi siya sa school. “Doon ka nga, Jackson. Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo? Ikaw lang nagsasabi niyan,” biro ni Ara. Pero in fairness, kahit ayaw kong aminin, may ibubuga talaga siya. Yun nga lang, kulang sa pagiging humble. “Inggit ka lang kasi wala kang namana sa lahi namin,” pang-aasar niya. Napatawa kami sa bangayan nilang magpinsan — lagi na lang silang ganun, kaya parang normal na. “Tama na ‘yan, baka kung saan pa mapunta usapan niyo. Kung hindi ko lang alam na magpinsan kayo, iisipin kong kayo na,” biro naman ni Serene. Nagkatinginan ‘yung dalawa, tapos sabay nasusuka sa isa’t isa. “Yuck ka, Serene! Sa lahat pa ng ipapare mo sa akin, sa kapre pa na ‘to?” – Ara “Lalo naman ako! Kahit hindi ko siya pinsan, hindi ko pa rin pipiliin ‘yan!” – Jackson Napailing na lang ako. Sila na talaga. “Change topic na nga tayo. Mamaya pala may meeting lahat ng officers. First meeting natin ‘to, I’m so excited kung anong pag-uusapan,” wika ni Ara. Oo nga pala — siya ang secretary ng classroom nila. Ang rason? Pang-calligraphy daw ang penmanship kaya in-demand. Hindi na ako nagtaka. Ganun na rin kami sa dati naming school. Minsan inis pa siya kasi hindi siya pinipiling muse. “Kung alam mo lang, Ara, kung anong nangyayari sa mga meeting na ‘yan. At dahil karamihan sa officers ngayon ay naging classmate at schoolmate ko, medyo kilala ko na sila. For sure, hindi magiging madali ang mga pag-uusapan — magsasama-sama kasi lahat ng maimpluwensyang students sa school,” sabi ni Serene. Marami pa siyang sinabi na hindi ko na gaanong naintindihan. Basta ako, gagawin ko na lang kung anong pwede kong maambag sa meeting. --- **Sa loob ng klase...** “Miss, may I excuse the President, Vice President, Secretary, and Treasurer for the meeting at the function hall now?” anunsyo ng isang staff habang nagkaklase kami. “Okay, you are all excused,” sagot ng ecology teacher namin, kahit masungit siya. Tumayo na sina Nyx at Serene, kaya tumayo na rin ako. Napatingin ako kina Knox sa last row —walang pakialam, at mukhang natutulog pa. Bumaling ulit ako kina Nyx. Kita ko sa mukha nila ang pag-aalala kung isasama ko pa ba si Knox. Sinabihan ko silang mauna na, ako na ang bahala sa kanya. Dati na nilang sinabi sa akin na palitan ko na lang daw si Knox at Hezron — pero ewan ko, hindi ko sila maalis. Hindi ko rin alam kung nacha-challenge lang ako sa kanila o ramdam kong may magagawa talaga sila sa section namin. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa upuan ni Knox. Nagulat sina Riego at Jairo, mga kaibigan niya. Narinig ko pang tumikhim sila para gisingin siya, pero wala pa rin. Mukhang tulog nga. Maingat ko siyang sinipa sa paa — hindi malakas, para lang magising. Nagmulat siya at agad akong tiningnan… nang masama. Pero sanay na ako sa tingin niyang ganyan, kaya deadma na lang. “Tumayo ka na diyan. May meeting tayo,” seryoso kong sabi. “Wala akong pakialam. Makakapag-meeting kayo kahit wala ako,” balik niya, matigas pa rin. Konti na lang, Kendra… kaya mo ‘to. “Tatayo ka diyan o hihilahin kita papuntang function hall,” mariin kong sabi. “Do you think you can scare me with what you're saying?”paghahamon naman nito. Sa inis ko, kinwelyuhan ko siya at tinignan nang masama. “You put me in this position—now deal with it and learn to obey. Got it?” mataang sabi ko at sa sobrang inis ko, hinila ko ang palapulsuhan niya para mapatayo. Ewan ko kung saan ko nakuha ang lakas, pero nakalabas kami ng classroom. Kita ko pa ang reaksyon ng buong klase — halatang nagulat sila sa ginawa ko. Pero wala na akong pakialam. Pagkarating namin sa function hall nakita kong nandoon na lahat at mukhang kami na lang ang hinihintay. Napatingin naman halos lahat ng pumasok kami ni Knox hindi ko na lang pinansin ang mga ito deretso pumunta kung saan sina Nyx at Serene. Unfortunately nasa hulian pa sila hindi ko alam kung pinili nila ang pwestong iyon or nakaassign na pero hindi pa rin ako natutuwa. Nadaanan ko naman sina Ara na kasama ang mga kaklase niya. Tumingin pa ito na parang may malisyong tingin. Nang makalapit kami sa dalawa naming kasama makikita ang hindi makapaniwalang tingin nila saamin ni Knox sabay tingin nila pababa kaya sinundan ko ang tinitignan nila at doon nagregister saakin na hindi ko pa inaalis ang pagkakahawak ko kay Knox. Kaya ba sila nakatingin saamin at kaya rin ganun ang tingin ni Ara saakin. Patay malisyang inalis ko ang pagkakahawak ko sakanya at tumabi kina Nyx. “Umupo ka na.” sambit ko sakanya. Padabog pa itong umupo na medyo gumawa ng kunting ingay kaya nakakuha ulit ito ng atensyon. Tsk. A woman stood in front of us, her gaze moving from each of us, as if she were examining each of us carefully. I'll admit, she was beautiful, with an aura so gentle she seemed incapable of doing any harm. There was just something about her. “"Looks like everyone’s here, so let’s begin our first activity for this month. I hope all of you will cooperate. First, let me introduce myself. I’m Solene Novah Garza, the President of the Student Government Organization. Our first event for this month is the Acquaintance Party. The school has entrusted us with organizing it. But this won’t be your ordinary acquaintance party—because alongside the fun, we’ll also be holding a fundraising activity to support the school’s chosen charity programs. So, I’d like you to start thinking about what ideas or activities we can do to help make this event both meaningful and successful." “So I’ll give the floor for any suggestions.”-Solene Tahimik ang buong room. Halos lahat ay mukhang malalim ang iniisip. Ako rin, nag-iisip kung dapat ko bang i-share 'yung mga ideas na nasa isip ko. “What if bawat section magbigay ng isang suggestion, tapos nasa sa’yo na kung i-aapprove mo or may babaguhin ka?” Nagtaas ng kamay ang isang lalaki—kung tama ang hinala ko, kaklase siya ni Ara. Not bad. At least lahat may chance mag-contribute sa event na ’to. “Magandang idea ’yan. So ganito na lang: bawat section mag-isip ng isang activity. Gagawa kayo ng simple proposal for your section’s idea. Ako na bahala mag-decide kung i-aapprove ko or may suggestions akong babaguhin. Bibigyan ko kayo ng 20 to 30 minutes to work on your proposals.” – Solene
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD