CHAPTER 11 (THE PROPOSAL)

1406 Words
KENDRA “Booth Bazaar kaya?” suggestion ni Nyx. Ilang minuto na kaming nag-iisip kung anong pwede naming maging solid proposal para sa event. Hindi rin masama ang naiisip ni Nyx but then.. "Tsk. That’s too common. I’m sure other sections have already thought of that," Knox muttered, clearly uninterested. “I like your idea, Nyx," sabi ko, "but Knox is right. I think others might go with that too. We need something more unique—something that could bring more benefit to the charity." "How about a fun run for a cause?" Selene suggested.Not bad. But then masyadong hassle mag-organize ng ganung event. “Too risky," Knox shot it down quickly. “Ilang minute na lang ang natitira. Mag suggest ka na Knox.”- Nyx “How about… an auction?” “Auction.” Nagkatinginan naman kaming dalawa Knox dahil sa sabay naming suggest. “Wow ha, hindi naman kayo nag-usap niyan noh.” Nyx teased. “Alright, bakit auction ang napili niyong dalawa? Anong klaseng auction ang pwede nating gawin?”- Selene "Well," I started, "I just thought it wouldn’t be too hard to organize. We can auction off personal items that we think have value—or if we don’t have anything material to offer, we can auction off services instead. Nothing too difficult—just small things that people would find fun or helpful. And the highest bidder gets it. Iyon lang naman ang naiisip ko." "That’s not a bad idea. I agree with it," Selene nodded. “Same. Medyo naeexcite ako kung anong pwede kong i-auction haha.”- Nyx “So, we are all agreed?” sabi ko sakanila at lahat kami tumingin kay Knox na hindi nagcomment kanina. "I don’t really have a choice," he said dryly. I scowled at him for that. Psh. As if. ********** “Time’s up!” “So, sino ang unang maglalatag ng proposal nila?” tanong ni Solene. Nakita naming nagtaas ng kamay ang mga taga-Lavender Section. Medyo na-curious ako kung anong naiisip nila. “Miss President, we came up with the idea of ‘Talent for a Cause.’ We’ll be showcasing talents like singing, dancing, and playing instruments. We’re planning to sell tickets or accept donations, and lahat ng malilikom namin ay mapupunta sa charity. Pwede rin naming dagdagan ng donation jar per act para mas malaki ang ma-raise.” Siguro class president nila ‘yung nagsalita. “Okay. For Lavender Section, I agree with your idea. Gawan niyo na lang ng mas detalyadong proposal para maipasa natin sa Headmaster.” Pare-pareho naman halos ang concept ng Pearl, Crimson, at Midnight Section—booth type, pero may kani-kaniyang twist: Pearl – Food Booth, Crimson – Game Booth (bagay sa pagiging sporty nila), Midnight – Cinema with Photo Booth. “Next, how about Cream Section? Anong proposal niyo?” “We came up with the idea of ‘Mr. & Ms. Acquaintance – Charity Edition.’ Lighthearted pageant siya during the event, pero may twist—magfa-fundraise ‘yung mga contestants through donations, parang vote by donation. The one who raises the most wins.” “I’ll approve your proposal. Just make it more relevant and detailed before niyo ipasa sa Headmaster,” sagot ni Solene. “Lastly, Black Section. Let me hear your proposal.” Huminga ako nang malalim at tumayo. Lumakad ako papunta sa harap, na taas noo. Ayoko lang isipin nila na natatakot ako/kami sa kanila. “Good afternoon. I’m Kendra Del Verra, class president ng Black Section.” Napansin ko pa ang pagngisi ni Ara nang marinig niyang sabihin ko ‘yon. Tsk. “We came up with the idea of a ‘Kindness Auction.’ Paano nga ba gagawin ito? dito lahat ng officers namin ay magdo-donate ng something valuable sa kanila—or kung walang bagay, pwede rin nilang i-auction ang service nila, basta kayang nilang gawin or hindi sobrang hirap. The highest bidder wins.” Tumahimik ang buong room. Parang iniisip pa nila kung workable ba ‘yung idea namin o malabo. “Are you sure about this proposal for your section?” tanong ni Solene na may halong pag-aalala. Hindi ko alam kung genuine concern ‘yon o minamaliit niya kami. Pero mas ayoko isipin ‘yung pangalawa. “Yes, we all agreed,” sagot ko, confident. “Okay, if you say so. Just submit a more detailed version of your proposal for the Headmaster’s approval. Pero kung ako sa inyo, mag-ready na rin kayo ng backup plan, just in case hindi ma-approve.” Ayun na nga. So she really is doubting us. Sige lang. We’ll see who proves who wrong. ********* Natapos ang meeting at isa-isa nang nag-alisan ang iba. Si Knox? Hindi na niya kami hinintay at umalis nang walang paalam. Well, ano pa bang bago doon? “Sa tingin niyo, kailangan na ba nating mag-isip ng back-up plan?” tanong ni Nyx. Yung kaninang confidence niya noong nag-agree siya sa plano namin, sa isang iglap nawala. “Minamaliit lang nila tayo. Iniisip nila na baka walang mag-bid sa mga ia-auction natin dahil Black Section tayo,” sabi ni Serene. “Hindi tayo mag-iisip ng back-up plan, dahil I am very sure na maa-approve ang proposal natin. Kaya ngayon pa lang, ang isipin niyo na ay kung ano ang mga worth it na ilalagay natin sa bidding.” Naglalakad na kami sa hallway nang may humarang sa aming mga lalaki. Familiar sila—kasama namin sila kanina sa meeting. If I’m not mistaken, mga taga-Crimson Section sila. Tulad sila ni Jameson. “I’m Victor, by the way,” pakilala ng isa sabay lahad ng kamay sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero ayoko sa aura niya. “Okay, pwede na kayong umalis sa harapan namin. Nakaharang kayo sa daraanan,” sabi ko nang walang gana. Nakita ko namang nag-iba ang aura niya dahil sa sinabi ko alam kong natapakan ko ang pride niya pero wala ako paki. “Kabago-bago mo lang dito, mayabang ka na agad. Di hamak na Black Section ka lang naman. Wala naman kayong maipagmamalaking mga talunan.” Tama nga ako—lumabas na ang kahambugan ng lalaking 'to. “Alam mo, kung natapakan ko man yang ego mo, kasalanan mo na ‘yon.” “Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo. Kaya umayos ka sa pananalita mo. Hindi porke presidente ka ng klase niyong talunan, magrereynahan ka na.” “Wala pa akong sinabing magrereynahan ako dito. Pero dahil sa sinabi mo, baka tutuhanin ko. Salamat sa suggestion.” Mapang-asar na sabi ko. Gustong-gusto ko talagang nakikitang mas naiinis ko ang kalaban ko. Mas na ti-trill ako Mukhang nainis siya. Bigla niyang mahigpit na hinawakan ang braso ko kaya medyo nasaktan ako. Gusto ko na lang matawa. Psh. Men and their ego nga naman. “Hindi mo nakuha ang gusto mo kaya nananakit ka ng babae?” Isang pamilyar na boses ang nagsalita. “Get your hands off her.” Malamig ang tono. Lumabas si Knox mula kung saan at tumabi sa akin, pero nakatitig siya kay Victor. “Huwag kang makialam dito, Knox,” sabi ng isa pang kasama niya. “Makikialam ako dahil gusto ko. Narinig mo naman siguro ang sinabi ko. Dahil kung hindi, itong kamao ko ang dadapo sa'yo.” Napangisi si Victor pero marahas niyang tinanggal ang kamay niya sa akin. Namula agad ang balat ko kaya halos sampalin ko siya sa ginawa niya. “Magkikita ulit tayo,” sabi nito na may kahulugan. “Don’t worry, sasali kami sa bidding niyo—para naman kahit papaano, may bumili sa ia-auction niyo. Pero mas maganda siguro kung sarili mo ang i-bibidding.” Ngisi niya. Sasampalin ko na sana siya, pero naunahan ako ni Knox na suntukin ito. Hindi ko alam kung bakit niya pa ginawa ‘yon, pero nakita na lang namin si Victor na nasa lapag at napamura sa sakit. Deserved, sabi ko sa isip ko. Napansin kong nakakuha na naman kami ng atensyon ng mga dumadaan. Napabuntong-hininga ako—alam kong hindi maganda ang magiging consequence nito. Akmang lalapit ulit si Knox pero maagap ko siyang pinigilan para hindi na lumala ang g**o. “Hayaan mo na siya. Let’s go,” sabay hila ko sa kanya. Hindi ko namalayang nahila ko siya ulit at hindi man lang siya umangal. Nakalimutan ko na rin na may kasama pala ako kanina—naiwan ko sila dahil sa lalaking kasama ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD