CHAPTER 4 (RESULT)

851 Words
KENDRA Two weeks na ang nakalipas simula nung nag-entrance exam kami ni Ara. Wala na rin masyado sa’kin kung pumasa man ako o hindi. Pero si Ara? Halos araw-araw chine-check ang email niya, hoping na may result na. Naalala ko rin yung g**o noong performance test. Tama si Serene — hindi basta-basta ang kalaban si Olivia. Pero honestly, hindi naman ako natatakot sa kanya. CALLING ARABELLA… Napatingin lang ako sa phone ko habang hinihintay na mamatay ang tawag. Wala ako sa mood makipagkwentuhan ngayon. CALLING ARABELLA… Na naman? Nakalimutan na naman niya yung rule ko — mag-message muna bago tumawag. After a while, sunod-sunod na nag-message siya. “May result na!!!” Did you see already? Anong rating mo? Anong class mo? OMG, I can’t wait na for the first day of classes. I know hindi ka magrereply kaya pupuntahan na kita diyan. Napailing na lang ako sa last message niya, pero na-curious din ako sa sinabi niyang “class.” Section kaya ‘yun? Dahil naintriga ako, binuksan ko na rin ang email ko. I'm pretty sure doon nila ipapadala yung result — and I was right. Binasa ko agad yung message. Maikli lang siya at diretso sa punto, pero mas lalo akong naintriga. Nexus Academy May 26, 2025 Dear Miss Del Verra, Subject: Congratulations on Passing the Entrance Examination Warm greetings from Nexus Academy! We are pleased to inform you that you have successfully passed the entrance examination held on May 16, 2025, and have qualified for admission to Senior High School for the academic year 2025–2026. Your performance reflects the potential we seek in our future students, and we are confident that you will be a valuable addition to our academic community. Please proceed to the Admissions Office for enrollment procedures, submission of necessary documents, and orientation details. We congratulate you once again and look forward to seeing you grow and succeed at Nexus Academy. Sincerely, Zandra Ortega Head Mistress Nexus Academy Nag-scroll pa ako hanggang dulo to check kung may nakaligtaan ako — pero wala na. Sabi ni Ara may rating at class, pero wala namang ganun sa letter. Pero isa lang ang sure: nakapasa ako. “So ano? I know nakapasa ka, may tiwala ako sayo! Anong class mo? Cream Section rin ba?” bulaga ni Ara sa tabi ko. Hindi ko napansin na dumating na pala siya. Kitang-kita sa mukha niya ang excitement. “I don’t know. Wala namang nakalagay sa letter,” sagot ko, medyo bored ang tono. “What!? Imposible!” Kinuha niya yung laptop ko at binasa ulit yung letter. Pareho kaming nagtaka. “Bakit ganun?” “Ewan ko rin.” “Maybe tanungin na lang natin sa school. Pero ang importante, nakapasa tayong pareho. Who knows, baka magkaklase ulit tayo!” she said cheerfully. Napailing na lang ako. “Hindi ka ba nagsasawa? Magkaklase na naman tayo. Sawang-sawa na ako sa’yo.” Alam kong hindi niya ‘to seseryosohin. Pero totoo rin kasi — simula elementary hanggang junior high, lagi kaming mag-classmate. Lagi kasi kaming napupunta sa first section. And I can’t deny — matalino din talaga si Ara. “Ang sama mo! Pero nafefeel ko talaga na Cream Section ka rin.” “What’s that?” kunot noo kong tanong. “Ay naku, Kendra! Unlimited ang Wi-Fi niyo pero hindi mo ginagamit sa pagre-research,” sabay roll eyes niya. Anong konek? “Ganito kasi ‘yan,” she explained. “Sa Nexus Academy, merong anim na sections. ‘Yung placement mo depende sa rating mo sa entrance exam — kaya tinanong kita kanina. Kapag 95 and above ka, pasok ka sa Cream Section — parang First Section sa dati nating school. Next is Pearl Section, for those with 90 to 94.99% rating.” Tumango ako, unti-unting naiintindihan. “Tapos merong Lavender, Crimson, at Midnight — lahat ‘yan for ratings between 80 to 89.99%. Pero may specialization. Ang Lavender Section, para sa mga magagaling sa arts and music. Crimson naman, para sa sporty. Midnight, para sa mga talented sa theater and film.” “Nakausap ko nga yung pinsan ko, na ngayon ay nasa Crimson Section. Halos bumagsak siya sa written test, pero mataas ‘yung performance niya. Athlete din kasi siya like you. Di na ako magtataka kung varsity ulit siya. Sa Nexus din siya noong junior high.” Tumango ako. Mas malinaw na ngayon. “Wait… sabi mo anim ang section. Ano ‘yung isa?” “Ah! Oo nga pala. I Almost forgot. Yung last ay Black Section. Para ‘yun sa mga naka-75 to 79.99%. Pero ang sabi ng pinsan ko, usually ‘yun daw ‘yung section ng mga students na may bad record or bad reputation.” Dahil doon bigla kong naalala yung mga nakasabay ko sa exam. Now I understand kung bakit parang minamaliit ng iba ‘yung Black Section. Hmm. Huwag naman sana. I hope I’m wrong. Well… malalaman ko rin ‘yan sa tamang panahon. To be frankly I’m not aiming for higher rating. I dunno maybe I want to challege myself in other things.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD