CHAPTER 3 (MUSIC)

1336 Words
KENDRA “Kendra Madison Rios Del Verra. You’re up next.” Tumango lang ako sa staff na tumawag sa pangalan ko. Kasalukuyan kami ngayon sa music room— more like a full-on studio kung tutuusin. Iba’t ibang klase ng instruments ang nakahilera sa paligid: may drums, keyboards, guitars, violins, at kung anu-ano pa. So I guess no need to ask kung anong category ang pinili ko, right? Kung kanina sa written exam may 15 lang kaming sabay-sabay, ngayon halos triple na ang tao rito. Bunutan ang naging sistema para sa performance, at pang-sampu ako. Hindi ko nga namalayan na ako na pala ang kasunod. Ang mechanics? Pipili ka ng tatlong instruments na kaya mong tugtugin. The more complex the instrument, the higher the possible score. Simple as that—pero pressure is real. “Your nervous,” bigla kong saad sa katabi ko. Kanina ko pa siya napapansin—kinakagat niya ‘yung kuko niya. “Huh?” tanong niya, halatang hindi agad na-gets. “See? It’s a sign,” balik ko, sabay irap. Medyo naiirita na ako, to be honest. “Oo, medyo kabado ako,” tipid niyang sagot, sabay ngiting pilit at tingin sa paligid. Halatang distracted pa rin siya. Ilang saglit lang, may lumapit na apat na babae sa amin. Parang may sariling aura sila—confident, well-dressed, and clearly full of themselves. “Oh hi there, Serene,” bati ng isa, na may plastik na ngiti. “Galingan mo sa performance test mo, ha? Gusto ko makasama ka sa Cream Section.” I’m not buying that tone—parang may laman ang sinabi niya. Napansin ko rin ang biglang pagtigas ng katawan ng katabi ko. “O-Olivia… kayo pala,” nauutal na sambit ni Serene. And just like that, I knew something was off. May kakaiba sa dynamics nila—at obvious na hindi lang simpleng hi-hello ang nangyayari rito. Serene looked... scared. As if this Olivia girl held some kind of power over her. Who cares anyway. “Kendra Madison Rios DeVerra, you’re up next.” Tumayo na ako. Hudyat na ako na nga ang susunod. Napatingin ako sa mga instruments na naka-display—may mga number na nakalagay sa bawat isa. If I’m not mistaken, iyon ang equivalent grades. 84 ang pinakamababa, at naka-assign ‘yun sa mga basic instruments gaya ng guitar, tambourine, cymbals, at flute. So, iyon ang safest route kung gusto mo ng sure na grade. Okay, not bad. Tutugtugin ko na lang ‘yung mga naalala ko sa tinuro ng private music teacher ko dati. Pagkatapos kong tumugtog, wala namang comment ang panel, kaya bumaba na agad ako sa stage. Ang next na hintayin ko ay either singing or dancing. Same grading system: the more complex, the higher the score. “Serene, pwede ba kuhanan mo kami ng maiinom sa cafeteria?” Narinig ko ang boses ni Olivia. Hindi na sana ako uupo sa tabi ni Serene, pero nag-init ulo ko nang marinig ‘yon. “A-ano kasi, Olivia… baka malapit na ‘ko magperform. Ang layo pa ng cafeteria.” May halong takot ang boses ni Serene, halata mong ayaw niyang umalis pero hindi makatanggi nang diretso. “Gusto mo bang magtampo kami sayo? Favor lang ‘to tapos hindi mo magawa?”At nagkunwaring nagtatampo pa si Olivia. Nakita ko rin ‘yung mga alipores niya na parang nagpipigil ng tawa. Pigilin mo ang sarili mo, Kendra. Don’t get involved. Pero nang makita kong parang iiyak na si Serene, hindi ko na napigilan. “Why don’t you get your own drinks? Buo naman ang mga kamay at paa mo. Or maybe utusan mo yang mga alipores mong mukhang tapos na sa performance nila.” Sabat ko habang nakakunot ang noo, ipinakita ko pagkainis sakanila. Kita kong hindi nagustuhan ni Olivia ang sinabi ko—but I don’t care. Ayoko sa ugali niya. “Sino ka ba para makialam?” taas-kilay niyang tanong. “Someone who’s just concerned. Ganun ba kayo kababa para patulan ang mas mahina sa inyo?” “Miss, concern din kami sayo. Kaya kung ayaw mong magaya sa kanya, wag ka nang makialam. Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo.” Sabi ng isa sa mga alipores niya, sabay ngisi. “Kung hindi kayo lalayo sakanya, I won’t hesitate na magsumbong sa faculty. Don’t test me.” Balik ko naman dito. “Sa tingin mo natatakot kami sa banta mo?” Mayabang na tono nito. “I don’t care who you are. Or kung saang planeta ka galing. I just want you out of my sight. Spoiled biatch.” “What did you call me?!” Galit na galit na tugon nito, nanlilisik pa ang mga mata. “Do you want me to repeat it? Sige, pet name ko para sayo: Spoiled. Bitch.” At bago ko pa namalayan, hinila na niya ang buhok ko. Gumanti ako agad. Ramdam kong pinagtutulungan na ako ng alipores niya, pero lumalaban ako. “WHAT IS HAPPENING HERE?! S-T-O-P! Right now!” Isang malakas na sigaw mula sa isang SIR ang pumuno sa buong music room. Mabilis naming binitawan ang buhok ng isa’t isa. Crap. I’m screwed. Isa siya sa mga validators kanina. “Gusto niyong materminate agad at magkaroon ng record? Bago pa lang kayo, g**o na agad ang dala niyo.” He looked sharply at Olivia. “Miss Garza, you first. Ikaw pa sa lahat ng estudyante… I’m so disappointed.” “Sir, siya po ang nauna. Tinawag niya akong ‘b***h,’ so I only defended myself.” At may paawa effect pa niyang tono. Dapat pala sa theater ito nagperform masyadong maarte. Tumingin naman siya sa akin. “Miss Del Verra, your side?” “I called her ‘spoiled b***h’ because that’s what she is.” Mabilis kong sagot. No hesitation. “So you admit, ikaw ang naunang mambastos?” “Pero sir, siya ang unang nanabunot at pinagtulungan ako ng mga kasama niya. I only defended myself.” "Kayong anim! Go to the disciplinary office now! I’ll suspend your performance for a while. Titignan nila kung anong ipapataw na parusa sa inyo." Lumabas kaming anim, kasama si Serene. Nagpahuli kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ko pa ginawa ‘yon. Sana hindi na lang ako nakialam. "Sana hindi mo na ‘yon ginawa," mahina niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. Nakayuko lang siya, pero alam kong ako ang pinaparinggan niya. "Lalo mo lang pinalala." "And what? Sana kasi marunong ka ring ipagtanggol ang sarili mo! Hinayaan mong utus-utusan ka nila. You weakling! Of all people I hate, it's the weak." "Hindi kami weak," sagot niya, halos pabulong. "Ayaw lang namin ng g**o o away." "And gusto mo na lang na sundin sila? Maliitin ka? I-bully? ‘Yun ba ang gusto mo?" may diin at galit kong sabi. Nagsisi ako sa mga ginawa ko. Sana talaga hindi na ako nasangkot. Sana hinayaan ko na lang siya. "I’m sorry… Ayoko lang na may nadadamay. Pasensya ka na sa pagiging mahina ko. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko," mahinahon niyang tugon. "Tsk. Ano pa nga ba. I did the right thing. Nandito na tayo, we need to face this." Maya-maya, nagsalita ulit siya. "Thank you pala… sa pagtatanggol sa akin." Mahina ang boses niya, pero malinaw. "Hindi kita ipinagtanggol. Naiirita lang ako sa ugali ni Olivia," matigas kong sagot. Napansin kong natawa siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Pero balik tayo kay Olivia," aniya, mas seryoso na. "Tama ang sinabi niya kanina. Hindi mo siya dapat binabangga. Maimpluwensiya ang pamilya niya." "And so? Hindi ako natatakot." "Hindi mo naiintindihan. Isa sa mga pinakamalaking shareholders ng school ang pamilya nila. Kilala siya sa buong campus. At ang pupuntahan nating disciplinary officer? Tiya niya ‘yon." Okay. Dapat na ba akong kabahan? No. I’m Kendra Madison Rios Del Verra. Wala akong kinatatakutan. #Team Black # TeamCream #TeamPearl #TeamLavander #TeamMidnight #TeamCrimon #MoreChapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD