BLACK 2(PERFORMANCE TEST)

1746 Words
KENDRA Inaantok na pinasa ko ang test paper ko after kung magsagot. I don’t even check kung tama ba ang pinasasagot or hindi. I don’t care basta ang mahalaga ay natapos na ako. Masasabi kong okay naman ang exam, yun nga lang ay.. Basta ewan ko ba kung bakit naisip ko iyon. Nevermind. Ang nasa isip ko na lang ng mga oras na iyon ay kung makapasa e di okay, kung hindi naman marami namang school na pagpipilian. Inabot ko naman kay Miss Emery ang test paper ko sakanya akala ko i-check pa niya pero hindi naman na. Mabuti na lang rin at multiple choice ang mga test so for sure naman hindi ako mazezero. May inabot naman saakin si Miss Emery na booklet tatanungin ko sana ito pero inunahan na ako nito. “For your performance test later, basahin mo na lang ang mga nasa loob niyan. Good luck.” Tipid na ngiti nito saakin. Inayos ko naman ang gamit ko at kinuha rin ang cellphone ko sakanya. Bago ako umalis tinignan ko lahat ng kasabayan kong nag-exam. Nandoon yung mga halo-halong tingin nila, para bang nanghuhusga. Dalawa lang naman ang pwede nilang isipin saakin dahil ako ang naunang natapos saaming lahat. It’s either matalino ako or bobo. Yun lang naman iyon. Saan naman ako nito tatambay ngayon may dalawang oras pa ako maghihintay for the next exam. Nakita ko naman ang soccer field nila may isang puno roon mukhang presko doon kaya doon ko na lang naisipang hintayin si Ara. Kailangan ko siyang i-message, hindi siya pwedeng tawagan for sure hindi pa iyon tapos dahil masyadong pusigidong makapasok dito ang babaeng iyon. Umupo na lang ako — wala na akong pake kung marumi ba yung inuupuan ko, basta ang gusto ko lang talaga ay makapagpahinga. Bago ko ipinikit ang mga mata ko, minessage ko muna si Ara kasi sobrang antok na ako. Imagine, 5:30 AM pa lang gising na ako dahil ginising ako ni Mommy. Sabi niya kasi alam niyang makupad akong kumilos. Tapos 7:00 AM, sinundo na agad ako ni Ara. Nakaka-stress, sobra. Naghanap ako ng pamaypay kasi medyo naiinitan pa rin ako kahit presko naman somehow. Habang naghahalungkat ako, nakita ko ‘yung booklet na binigay ni Miss Emery. Sabi niya basahin ko raw — so binuklat ko rin. Doon ko nalaman ang tungkol sa performance test na kailangan naming gawin. Basically, pipili ka lang ng isang area na ipe-perform mo. May apat na options: **Sports**, **Arts and Music**, **Theater and Film**. **Sa Sports**, kailangan marunong ka ng 3 to 5 types of sports, pwedeng indoor or outdoor sports, at kasama na rin dito ang mga board games. **Sa Arts and Music**, pwedeng sa music side — like singing and dancing, music production, choreography, or playing instruments. Sa arts side naman, nahahati pa ito sa dalawa: * **Visual Arts**: painting, sculpture, architecture, drawing, and photography. * **Literary Arts**: poetry,fiction, and prose. Same rule applies — dapat may 3 to 5 ka na kayang i-perform or ipakita sa kanila. **And lastly, Theater and Film.** Nasa ilalim pa rin siya ng Arts category, pero hiwalay ang treatment. Ang naiisip ko lang dito ay roles like actress mga director/producer. Ang sabi sa booklet: “on-the-spot audition.” So, most likely, memorization of a script or short scene ang kailangan gawin — typical naman ‘yon sa theater set-ups. Medyo intense din pala. Akala ko simple lang. Okay, kailangan ko ng matulog kung anong napanaginipan ko iyon ang i-peperform ko. Bahala na diyan. Naalimpungatan naman ako ng may narinig akong click, like camera or something kaya nagising na ako ng tuluyan ng narinig ulit iyon na tumunog. “R.A. 9995 also known as the Anti-Photo and Video Voyeurism Act, explicitly illegal to capture an image or video of a person without the consent of the person involved. Violation of this law can result in severe penalties, including imprisonment and fines.” At tinignan ng masama ang may gawa nun. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo malapit saakin. In fairness, he’s not bad-looking — pero syempre, hinding-hindi ko ‘yon aaminin sa harap niya. May ganung vibe siya na parang laging naka-smile ‘yung mga mata niya, ‘yung tipong may warmth and friendly feel. Soft ‘yung features niya, smooth skin, tapos ‘yung cheeks niya parang may natural blush — parang fresh palagi. Bakit ba ako nagko-compliment? “Woah, you got me there,” sabay tawa niya na parang na-amaze pa sa sinabi ko. “But then… did you know,” tuloy niya, “na walang batas na nagsasabing bawal kang kunan ng litrato kung nasa public place ka, like where anyone can clearly see you with their own eyes? Yung binanggit mo, applicable lang ‘yon kapag may state of undress na involved, or kung ginagawa mo ‘yon secretly sa lugar na may expectation of privacy, like bathroom or dressing room.” Napairap na lang ako. Ugh, I knew that — umaasa lang talaga akong kakagat siya sa banta ko. Ang kapal din ng mukha. “Whatever.” Kainis paano na ako nito makakatulog na istorbo na ang tulog. Kasalanan ng lalaking ito. "I'm sorry if I disturbed your rest time. Don’t worry, hindi kita kinunan ng litrato — ‘yung puno lang talaga ang subject ko. Kailangan ko kasi ‘yon for my performance test later.” Sabay pakita niya ng DSLR na nakasabit sa leeg niya. So, isa rin pala siya sa mga kukuha ng exam ngayon. I’m guessing he's in Arts and Music — *Visual Arts*, most likely. Hmm… not bad. “How about you? Anong napili mong performance test? Makikiupo ako ha.” Hindi na nga niya ako pinasagot — umupo na agad siya sa tabi ko. Well, wala naman na akong magagawa. Bukod sa nagdesisyon na siyang mag-isa, hindi ko rin naman pagmamay-ari ang school para pagbawalan siyang umupo kung saan niya gusto. “I dunno,” walang pakialam na sagot ko. “Huh? Meron ba yun? Don’t tell me you’re a versatile? Well then, good for you?”Versatile ba ako? Siguro? Come to think of it, I actually know how to play more than five sports — so kung iyon ang pipiliin ko, mukhang makakapasok ako. Pero nakakapagod kasi kung physical performance test ang haharapin ko. Sa Arts and Music, not bad na rin. I mean, I know a few things here and there — may alam naman ako. Pero ‘yung Theater and Film? I think that’s where I might struggle a bit. Hindi kasi talaga ako marunong umarte. Mahilig lang talaga akong mag-memorize ng lines. My mom used to be an actress, pero sa tingin ko hindi ko naman namana ‘yung natural flair niya sa acting. “Kendra!!” Nabalik naman ang atensyon ko sa realidad ng may tumawag saakin. Nakita ko roon si Ara na naglalakad papalapit saakin/saamin. “Kanina pa ako hanap ng hanap ng puno na sinasabi mo sa soccer field nandito ka lang pala.” At masamang pukol ang ibinigay nito saakin. Sorry naman, nakalimutan kong marami pa lang puno rito. Mukhang napagod nga siya sa paghahanap. “Ilang oras lang tayong nagkahiwalay, may lalaki ka na agad? Ikaw na, Ikaw ng maganda. And who are you?” baling niya sa lalaking katabi ko. Natawa naman ito sa sinabi ni Ara akala siguro nagjojoke ang babaeng to. Oo nga no hindi ko rin pala alam kong sino siya. Well, I don’t even care. “Dalton, by the way,” pakilala ng binata habang nakangiti. “Napadaan lang ako dito to take some photos for my performance test later.” “I see,” sagot ni Ara. “I assume you’re taking an Art category for your minor test?” Tumango si Dalton. “Well, theater and film naman sa akin.” “See you around, and good luck sa inyo,” paalam ni Dalton habang inaayos ang DSLR niya. “Good luck rin sa’yo,” sabat ni Ara bago ito tuluyang umalis. Pagkalayo ni Dalton, agad akong binalingan ni Ara. “OMG! Hindi pa first day of school pero lapitin ka na ng mga *papabels*, Kendra. Nakuha mo ba number niya?” “Why should I?” sagot ko habang nagkukunwaring wala lang. “My gosh,” sabay hawak niya sa ulo niya, kunyaring inis. “If I’m not mistaken, ang tagal niyong magkausap tapos hindi mo man lang nakuha ang number niya. Don’t tell me hindi mo rin alam ang pangalan niya kung hindi pa ako nagtanong sakanya!” “And so?” balik ko lang. “You’re hopeless, my friend,” umiling siya nang madiin. “Hindi mo ba alam, binibigay na nga sa’yo, hinahayaan mo pa? Opportunity na 'yon!” “For me, that’s not an opportunity — that’s a hindrance. Pumunta ako rito para mag-exam, nothing more, nothing less.” Napailing na lang ito dahil sa asal ko. “Ewan ko sayo ang hirap mong pakiligin. By the way, naglunch ka na ba?” Pag-iiba nito ng topic. Hindi naman niya ako pinansin at may inilabas lang ito sa bag niya na pagkain I think snacks niya iyon. “Paghatian na lang muna natin itong clubhouse na ginawa ni Mommy saakin. Sa tingin ko kasi hindi na tayo makakapunta sa cafeteria dahil gahol na tayo sa oras. May isang oras pa tayo para sa lunch break pero kailangan natin hanapin kung saan ang next na performance test. Nasa main building nakapaskil iyon kaya kailangan nating mag-mini-bus na lang papunta doon.” Inabot niya naman ang isang clubhouse saakin. Wala na akong nagawa dahil gutom na rin ako at tama siya kung pupunta pa kami ng cafeteria para kumain masasayang na ang oras namin. “My gosh, naistress ako sa exam kanina. Hindi ko alam kung entrance exam pa ba iyon or board exam. Jusko, magsesenior high pa lang ako pero feeling ko kanina preparation for board exam yun. Parang wala sa nireview ko lahat ng lumabas kanina halos gusto kong ako na mismo ang lalabas. Tapos yung math, hindi ko alam kung Math pa ba iyon? Tapos bawal pang gumamit ng calculator. Matatangap ko pa kung basic math iyon pero may halong calculus. Like mapapa- what the! Ka na lang.” Kanina pa niya reklamo saakin. Hindi ko siya masisi kung ganun ang reaction niya pero, kahit ako rin nahirapan akong piliin kong ano yung tama. #Team Black # TeamCream #TeamPearl #TeamLavander #TeamMidnight #TeamCrimon #MoreChapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD