BLACK 1 (ENTRANCE EXAM)

1275 Words
Kendra “Nadala mo ba yung gold ticket? Importante iyon, maiwan mo na lahat wag lang iyon. It’s one last opportunity. Sabi kapag naiwan mo iyon hindi ka na pwedeng umulit –ulit mag-exam.” Napairap na lang ako dahil kanina pa ako naririndi sa mga paalala ni Ara. Mula sa bahay hanggang dito sa Nexus Academy parati niyang pinapaalala ang ticket na yan. Sayang sana iniwan ko na talaga. “Kendra, nakapagready ka ba? Buong araw ang exam. Medyo kinakabahan ako.” “Buong araw ang exam?” akala ko ba entrance exam lang ito. Bakit parang feeling final exam naman at gaya noong Junior High School namin na lahat ng subject kailangan i-take sa isang araw. “Hindi ka ba nagresearch? Dalawa ang exam natin ngayon. Written test sa umaga at performance test naman sa hapon.” Paliwanag nito. “May performance test pa? Anong gagawin doon?” Ngayon ko lang na encounter ang ganyang klaseng entrance exam akala ko written test lang mas okay iyon. “My gud, hindi ka nga nagresearch. Yes po, may performance test ang alam ko para makita nila ng actual kung may talent ka or something. Ipakita mo lang yung mga alam mong gawin. For sure hindi ka naman babagsak doon dahil talented ka naman. Pero sa written, nagreview ka ba? Nasagap ko kasi saaking mga source na mahirap raw talaga ang written exam nila dito hindi ko lang alam kung gaano kahirap. But I know you prepared for this, hindi ba?” Kung titinan mo ito ngayon halos gusto niya na ako ipakain sa lupa na kinatatapakan namin. Pero ang nakakatuwa dito kay Ara ay ang pagiging patient niya pagdating saakin. Sorry naman, sa hindi ko naman alam talaga akala ko simple lang ang mga gagawin. “Hindi ko lang din alam.” Tinignan naman ako nito na parang hopeless. Bakit parang siya pa ang nag-aalala sa kalagayan ko. Ano naman kung hindi ako makapasa rito? Marami pa namang school na pwedeng pasukan. “My gosh, Kendra. Sa puntong ito, pagkakatiwalaan ko na lang ang natural intelligence mo, iyon ang panghahawakan ko para makapasok ka rito. Di bale 75% naman ang passing rate. For sure kahit hindi ka nakapag-aral with your natural intelligence and talent alam kong hindi baba ng 85% ang rating mo.” Ganyan ang kumpyansa niyang makakapasok talaga ako sa school na ito. Bahala na nga. *********** Kasalukuyang hinahanap ko ang classroom kung saan ako magtatake ng exam. Nagkahiwalay kami ni Ara dahil alphabetically ang ginawang arrangement ng exam so lahat ng magkaka pareho ng letter ng apelyedo ay magkakasama sa isang classroom. Room 408 — that’s the room number I need to find. I didn’t expect this school to be this huge. It’s definitely not like other international schools I’ve seen. But in fairness, kahit gaano pa ito kalawak, it’s not that hard to get around. There are escalators and elevators in every building, and they even have mini buses and golf carts to help students move from one place to another. 405, 406, 407, 408 Gottcha! Kumatok muna ako sa pinto at hinintay kung pagbubuksan ako, kung ilang segundo at walang nagbukas saakin ako na mismo ang magbubukas. Pinapakiramdaman ko kung merong tao pero impossible na wala pang tao rito dahil 10 mins. na lang at magstart na ang exam. Iyon ang nakalagay sa information na binigay saakin ni Ara. “Get inside.” Biglang sabi ng nang nasa likuran ko. Kaya bigla akong napatingin I think she’s one of the school employees. I could feel the authority in her presence, but not in a scary way — maybe it’s because of her bubbly face. She opened the door, and inside, I saw a few students already seated. Maybe they heard me knock earlier but just didn’t bother to open the door. Then again, who am I to them, right? I guess we’re all the same here — part of the so-called elite class, all too proud to lower our guard.Naalala kong sabi ni Ara na hindi basta-basta ang mga pumapasok sa Nexus. They have this so called “connection” para makapasok ka lang sa ganitong eskwelahan. “Can you please lock the door, Miss? You’re the last student I’m allowing to take the exam — and that’s even with 10 minutes left before it starts. Consider yourself as lucky dahil nabutan mo pa ako sa labas. Anyone who knocks after this will be marked late and get a zero on the written exam.”Seryosong anunsyo niya sa buong klase. Sinunod ko na lang ang sinabi nito at umupo sa bakanteng upuan. “Good morning, students. My name is Ms. Emery Perez, and I’ll be your proctor for today. Before we begin, let me give you a quick briefing about your exams. Today, you’ll be taking written tests for your major subjects: English, Filipino, Math, Science, and Social Science. Each subject will have a 40-minute time limit, except for Math, which will be 60 minutes. After the Math exam, you’ll have a 30-minute snack break. Each subject contains 30 items. Any questions before we start?”May snack pang nalalaman? As if naman makakalabas pa kami dito for sure ang layo ng cafeteria nila dito kung sakali mang bibili ka ng snack mo. Macocosume lang nun nang oras mo. Mabuti na lang at binigyan ako ni Ara ng bottled water, okay na saakin ito. “None, Miss.” Sagot naman naming lahat. “Alright, we still have 5 minutes. You can take this time to rest or prepare everything you need — except for any cheat sheets. If you’re planning to use one, just know that you’ll be immediately disqualified. The same goes for anyone caught cheating. So be careful and stay honest.” Pinayos na niya ang mga gamit namin. Inilagay na namin lahat ng bags at ibang gamit sa harapan. Kinumpiska rin niya ang mga cellphone namin — sabi niya makukuha na lang daw namin ‘yon pagkatapos ng lahat ng exams, para maiwasan ang leakage. “OMG, kailangan kong galingan. Kahit sa Pearl Section lang ako mapunta, okay na... pero syempre mas maganda kung sa Cream Section,” rinig kong sabi ng babaeng nasa likuran ko. “I know we can do this, Sissy. Nag-prepare at nag-review tayo for a whole year just to get in here, so I know we’ve got this. Bakit mo naman pinagdarasal na kahit Pearl Section lang, eh you can aim for the Top Section? Sabi nila, there are a lot of advantages if you end up in that section — so go for the Cream Section!” Rinig kong sabi ng kausap niya. Napakunot naman ako kung anong pinag-uusapan ng mga ito. Hindi ako makarelate. ““Bro, ayusin mo yang exam mo. Baka bigla ka na lang bumagsak sa Black Section,” narinig kong sabi ng nasa gilid ko — sabay tawa pa. Mukhang magkaibigan rin silang dalawa. Pero ano nga ba meron sa Black Section? Parang minamaliit nila ito. “Yuck, no way I’d end up in that section. Okay na ako sa Crimson Section. Hindi ako nag-hire ng private tutor para lang mapunta sa kolelat na section,” sabay nagtawanan pa sila. Okay, if I’m not mistaken, yung section na pinag-uusapan nila — yung Black Section — mukhang ito yung pinaka-ayaw mapuntahan. Obvious na iniiwasan nila. “Ayaw mo ’yon, kapag nandoon ka, chilax lang. Wala kang gaanong responsibility… pero ang kapalit, mababa ang tingin sa'yo ng lahat.” Pagkatapos kong marinig ang mga iyon. Biglang nagsalita si Miss Emery hudyat na mag-istart na ang exam. Okay, Let’s get this done. #Team Black #MoreChapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD