Chapter 17

2089 Words
Tala's POV: "Nak, malapit na birthday mo. Ano'ng gusto mo?" "Ma, okay lang po ako. Hindi na po ako bata para humingi pa ng regalo." "Aba, kahit na! Wala ka namang pinapabili kay Mama kahit pa noong bata ka. May pera naman ako ngayon kaya tinatanong kita kung anong regalo ang gusto mo. Bagong cellphone ba?" "Mama, ayos lang po talaga ako. Lumabas na lang po tayo sa birthday ko at kumain sa labas nang tayo lang. Ayos na ho ako roon," nakangiting sambit ko. "Sila Chino, hindi mo ba iimbitahin?" Natigil ako sa pagtutuping ginagawa ko dahil sa tanong ni Mama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Chino. Kahit si Riley ay hindi rin pinapansin ang mga messages ko. Siguro nga ay nagtatampo sila sa akin at naiintindihan ko naman sila. Kahit sa mismong room ay hindi man lang ako tinitignan ni Chino. Ni ayain kumain ay hindi niya na rin ginagawa. Walang kahit na ano. Para bang bigla na lang siyang nawala sa akin nang tuluyan at hindi ko alam kung paano ko siya ulit malalapitan at makakausap. "Hayaan mo na po 'yung mga 'yon, Ma. Busy sila sa family nila, e. Sa susunod ko na lang po sila iimbitahin." "Oh, sige. Ikaw ang bahala. Lalabas na ako, ha? Lumabas ka na rin para kumain. Lagi ka na lang nakakulong dito sa kwarto. Takot ka ba sa araw?" Pagbibiro pa ni Mama bago lumabas ng kwarto. Si Laxus? Iniwasan ko na rin muna siya. Matapos naming mag-usap ni Chino sa parking nung araw na 'yon, may kung anong parte sa akin ang parang nagising at nagpaalala sa akin na lagi kong tandaan kung saan ako kabilang. Kung saan lang ang pwede kong abutin, at kung saan ako nararapat. Nag-uusap pa rin naman kami ni Laxus pero hindi na gaano dahil ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang makaiwas. Sa school, nagpapanggap ako na marami akong ginagawa lagi para hindi niya ako kausapin o ayain sa kung saan. Dito sa bahay, lagi akong nagtutulogtulugan para hindi niya ako tawagin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lahat ng mga tao sa paligid ko. Baka kailangan ko rin talaga ng space mula sa lahat at oras para sa sarili ko. "Anak may bisita ka!" Huh? Bisita? Lumabas ako ng kwarto para silipin kung sino ang tao sa sala at nakita ko si Chino na nakaupo sa sofa habang sumisimsim ng orange juice. Tangina, ano'ng ginagawa niya rito? Okay na ba kami? Kakausapin niya na ba ako ulit? Hindi na masama ang loob niya? Nagmadali akong lumapit sa sala at nakangiting sinalubong si Chino. He smiled back. Tangina, in all fairness. I missed his smile. I missed Chino so much. He opened his arms wide, signaling me to go for a hug and that's what I did. I hugged him tight because I can't just say the words 'I miss you' to him. I don't know why, but I just can't. "Missed me?" He asked. Mind reader ba ang isang 'to? "Asa ka!" Sambit ko at saka kumalas sa yakap, "Ano ginagawa mo rito? Akala ko ba galit ka?" "Hindi ako galit." "Oh? Kwento mo sa pagong, Lim. Hindi raw galit. Sus, kaya pala." "Kaya pala ano?" "Kaya pala kung ano-ano sinabi mo sa 'kin sa parking nung araw na---" "Magkaiba ang galit sa nagtatampo at masama ang loob. Always remember that I can't be mad at you, Tala. Kahit ano pa'ng gawin mo, I know to myself that I can't be mad at you. I can't bear not to talk to you for days and weeks. God knows how much I controlled myself not to talk at you, look at you, ask you for lunch, and everything. That one week is hell, Tala. Hell." "Hindi mo ako matiis because?" Pangaasar ko. "Because it's you." "Anong ako?" "Si Tala ka, e. I promised to myself that Tala will always have a place in me." Tangina. Lord, 'yung puso ko. Bakit po bumibilis ang t***k? Hindi po ako makahinga nang maayos, Lord. Ano ho ba itong ginagawa niyo sa akin. "Let's go outside?" "Saan punta?" "Mall? Park? Church? It's up to you. Boss ka ngayong araw." "Ganiyan ang gusto ko, ako nasusunod," natatawang sabi ko, "Bihis lang ako. Naligo naman na ako kanina---" "Yuck, gago. Baka hindi ka pa naliligo ah? 'Wag kang excited, pwedeng maligo muna." "Ang kapal talaga ng mukha mo, bwisit ka! D'yan ka muna! 'Wag kang magkalat d'yan ah! Alam kong mukha kang aso pero 'wag mo naman sana ugaliin, please lang. Wala kang taga-linis dito." "Lul, magbihis ka na! Mainis mo pa 'ko!" Patawa-tawa akong naglakad pabalik sa kuwarto nang makita ko si Laxus na nakatayo sa labas ng kwarto namin habang tinitignan si Chino na nakaupo pa rin sa sofa hanggang ngayon. Shit, kanina pa ba siya nandito? "Enjoying his company?" He asked. Tangina, ito na naman ba kami? "What are you doing, Elle?" "What do you mean by that?" "Are you toying us?" "Alam mong hindi ako ganiyan, Lax." "Then what are you doing? Can you please clear things out? Let's talk---" "Mamaya na, lalabas kami ni Chino." "I can't believe this. I don't know what you're up to but I am losing my s**t, Elle. I know that you guys need to talk but please. Please promise me that you're going to talk to me after you come home, okay?" "Mhm. Pasok na 'ko," pagpapaalam ko at saka pumasok na sa kwarto namin ni Mama. Ah, s**t. Ang hirap nitong ginagawa ko. Bakit ba lagi na lang silang nagsasabay? Nung nakaraan walang nagpaparamdam, ngayon sabay pa talaga silang gusto akong makausap. Aba, iisa lang ako. Hindi ko kayang hatiin ang sarili ko para lang makausap sila nang sabay. Naloloka na ako. Hindi naman ako model ng shampoo pero bakit ang haba ng buhok ko? Kidding. Lol, what am I thinking? Nababaliw na yata talaga ako. After Chino, I will deal with Laxus naman. I will talk to them both today but not at the same time. I am going to clear things out today para wala na rin akong gaanong iisipin dahil napapagod na rin ako sa ginagawa naming tatlo. Para kaming mga naggagaguhan. Hindi na kami mga bata kaya tama lang na ma-settle na ang lahat ng ito nang mas maaga. Kakayanin ko naman siguro. Pagdating namin sa mall, dagsa ang tao dahil daw sa palabas na showing ngayon sa sinehan. "Gusto mo panoorin?" "Hindi na, baka mauna pa akong mamatay bago tayo makabili ng ticket. Box office nga ang pila oh. Ayoko sumabay sa ganiyan." "Me too. Buti naman. Akala ko aayain mo ako manood, e. Iiwan na lang sana kita rito sa mall." "Tangina mo, manahimik." "Saan tayo kakain?" "Samgyup tayo? 'Di ba miss mo na samgyup?" Naalala ko kasi na nabanggit niya noong ayos pa kami na miss niya na kumain sa samgyup kaso wala akong oras pati si Riley that time para samahan siya. "Naalala mo?" "Ano akala mo sa 'kin, may amnesia?" "Kailan ka pa naging joker, Tala-Marie?" "What the f**k, stop calling me names! Nakakainis ka, iiwan kita rito!" "Sige, ayos lang. Alam ko namang ako maiiwan." "Huh?" "Wala, tara na. Kain na muna tayo bago tayo mamasyal. Kumain ka ba ng almusal?" "Hindi." "Tama 'yan. Ganiyang mamuhay ang isang tao na nagdadasal for good health." "Alam mo? Manahimik ka na. Masyado ka na maraming nalalaman sa mundo, Lim. Itikom mo na 'yang bibig mo kung ayaw mong tapalan ko 'yan ng semento." "Wow, ang harsh." Kumulo agad ang tyan ko pagpasok namin sa samgyup-an na na si Chino ang namili. Nasa labas ka pa lang amoy na amoy mo na ang iba't ibang luto ng mga pork na nandito. Nakakagutom nga. Ako na ang humanap ng pwesto namin at siya na ang pumunta sa counter para magbayad. Nakatitig lang ako kay Chino habang nagsasalita siya sa staff na nasa counter. Grabe, ang hinahon niya sa lahat. Alam na alam niya lagi kung paano makipag-usap ng tama sa mga tao. Never ko ngang narinig 'yan na sumigaw towards someone. Pinalaking maayos talaga. Nakangiti siyang lumapit sa table namin habang may hawak ng mga plato at kung ano-ano pang magagamit namin sa pagkain. "How have you been?" He asked. "Pwede kumain muna tayo? Nagugutom na 'ko, e hehe." "Right, my bad!" Si Chino ang naggrill ng mga pagkain sa harap namin dahil siya na raw ang bahala, 'wag na raw ako mag-abala e. Ayos lang, baka rin makagawa lang ako ng katangahan dahil hindi ko naman alam kung anong klase ng pagluluto ang gusto niya. Tahimik kaming natapos sa pagkain makalipas ang halong dalawang oras. Take note, ni isa wala man lang nagsalita sa amin. Habang kumakain tuloy ako kanina ay nanlalamig ang mga palad ko at nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa lakas ng aircon sa loob ng kainan na 'to at dahil na rin siguro sa awkward scenario namin dito ni Chino. Lord, kunin niyo na lang po siguro ako kaysa ganito. Hindi ko po kaya ang mga ganitong eksena, e. "Nabusog ka ba?" Pagtatanong niya habang marahang pinupunasan ang gilid ng labi niya. Ang sosyal naman nito. Ako kasi minsan sa damit lang pinupunas...? "Baliw, tinatanong pa ba 'yan? Oo naman, halos dalawang oras tayo kumain tapos unlimited pa, sinong hindi mabubusog dun?" "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA sabagay, alis na tayo?" "Mhm, pwede naman na." Naglalakad-lakad na kami ngayon sa loob ng mall pero wala pa rin naglalakasloob na magsalita sa aming dalawa. "Galit ka pa ba?" Pangunguna ko. "Hindi naman ako nagalit." "E, ano lang pala?" "I don't know. Nagtampo?" "Bakit?" "I know that you came looking for me that day because someone might have told you that I did that on purpose to Padua but I didn't. I swear to God, Tala. I didn't. And it pains me that you thought that I did that on purpose for a second. How come you doubt me for that guy? Haha." Oh. If you're in my position right now, you will immediately figure out that he's hurt. He is hurt and it is because of me. He is hurt because of the action that I realized was too insensitive and immature. He's Chino. My best friend. Why did I doubt him even just for a second? Damn, this isn't me. "I'm sorry, Chin. I am. I don't know what's gotten into me but I am trying to figure things on my own now so please bear with me a little more." "Do you like him?" Dito na ako napalingon sa kaniya at napahinto sa paglalakad kaya huminto rin siya para mapantayan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Chino pero alam ko ang sagot sa sarili ko. Bakit ba ako natatakot na sabihin o malaman ni Chino? "Do I?" I asked. "As long as you are happy, Tala. Just take care of yourself. You know when to stop and when to keep on going, hmm?" "Of course, I do. Silly. Hindi naman ako tanga 'no." "I just don't want you to lose yourself over something like this. Don't forget me as well, I'm your best friend, magtatampo talaga ako," pagbibiro niyang sambit habang masama ang tingin niya sa akin. "Hindi ako ikakasal, Chino. 'Wag kang overacting d'yan, para kang baliw." "Ang sama ng ugali mo. Hindi ba pwedeng nag-aalala lang ako? Basta! Hindi mo naman ako maiintindihan dahil wala kang pake sa 'kin!" "Ang kapal talaga ng mukha mo, Chino Lim. Bwisit ka." "Just please, tell whenever you're hurting. Kapag sinaktan ka nung Padua na 'yon, magagalit talaga ako, Tala. Alam mo 'yan. Let me know when something bad happens, okay?" "I will tell you anything, Chin. You don't have to tell me, I will do it right away. May iba pa ba akong pagsasabihan kung hindi isa sa inyo ni Riley?" "Mhm, right. I just want you to know as well that I am not mad at you, okay? Stop whining and talk to me at school already! Ang taas talaga ng pride mo, Tala Rielle! Baguhin mo 'yan, iiwan ka niyang ni Padua tamo!" "Tangina mo, shut up!" We spent the day together hanging out while talking about how our life went after a week without talking to each other. Catching up and talking about kinds of stuff. This is how we have always been. Chino knows me best and Chino understands me best. That is why I will be forever thankful for him for bearing with me for how many years now. My comfort person, Chino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD