Chapter 18

2785 Words
Tala's POV: "Your birthday's coming next month?" "Mhm." "What are your plans? Why didn't you tell me sooner?" "Why would I tell you my birthday? Does it matter?" "Of course, it does! What do you mean by does it matter? It's your birthday so yeah, it matters." Nakatingin lang ako sa kaniya habang nag-iinarte siya nang parang bata habang nagsusulat ng notes sa ipad niya. Nandito kami ngayon sa study room nila para mag-review sa papalapit na midterms naming next month. "Okay, sabi mo e." "Why are you such a dry texter type of person?" He asked, now looking at me as if I am something mysterious for him. "Why? Naboboring ka na ba na kasama mo 'ko? You can always come back to your girls though; I am not forcing you to be with me and spend time with me all the time. You can have a blast with your girls if you want to." "s**t, you're getting too worked up again." "I am not." "Yes, you are, love." "Kadiri ka, 'wag mo nga ako tawaging ganiyan. Baka mabato ko sa 'yo 'tong hawak ko, Padua. 'Wag mo akong jinojoke-joke d'yan." "As if naman na magagawa mo," sabi niya na para bang hinahamon niya ako na makipagkulitan sa kaniya. Bata ba 'tong kasama ko? I once never thought that he has this kind of behavior. Hindi halata sa kaniya na magmukhang tanga. "What are you thinking? You are spacing out on me again. Earth to Elle?" "Wala, mukha ka kasing tanga. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ba sumasama at nakikipag-usap ako sa 'yo." "Damn, that's offensive. That's foul!" "Wala akong pake." "Ayoko na nga, I'm out." Tumayo siya at nag-umpisa siyang ligpitin ang mga gamit niya habang bitbit niya ang bag niya. "Sa'n punta mo?" Pagtatanong ko dahil talagang nililigpit niya na ang mga gamit niya e hindi pa naman kami tapos mag-aral. "Club." "Huh?" "I'll go to BGC with my friends, they're asking me out kanina." Another side of him, his moody side. One second he's gullible, the second he's cold. I am still not familiar with him. "Hindi pa naman tapos study time natin, ah? Aalis ka na?" "Yeah, I'm getting bored already. Kabisado ko naman na lahat so I don't have any reason to review anymore." f**k, that's it? "Okay, ikaw ang bahala." Tumayo na rin ako at niligpit ang mga gamit ko. Hindi naman na pala siya magereview, e. E 'di wala na akong karapatan na tumambay pa rito para mag-aral dahil hindi naman na gumagamit ang may-ari. Nakakahiya naman. "Where are you going?" He asked, watching me wrap my things up. "Sa kwarto. Doon na lang ako magtutuloy ng pagrereview." "Why not continue in here? Wala naming tao---" "Ayun na nga, e. Wala naman ang kakilala kong may-ari na gagamit so ano ang karapatan kong maki-gamit ng study room na 'to kung wala naman akong kasama na may-ari, hindi ba?" "I don't get you sometimes, Elle. Why do you always have to bring something like this up? Something about our life difference? Don't make me get used to it." Gusto ko siyang batuhin dahil sa inaasal niya ngayon. Kanina lang ang ayos pa naming nagaasaran tapos ngayon bigla siyang magiging walking red flag. Tangina niya ba? "Una na 'ko, 'wag kang masyado uminom. Uuwi ka pa. Ingat kayo, enjoy." Dali dali na akong lumabas ng study room dahil baka pigilan niya na naman akong umalis o may kung ano na naman na lumabas sa bibig niya na hindi ko kayanin. Ayoko siyang makaaway o kung ano pa man dahil una pa lang alam ko ng ako lang ang matatalo. Nakita ko pa siyang lumabas ng bahay bago ako makapasok ng kwarto. So talagang aalis nga siya. At hindi niya man lang talaga ako nilapitan para sabihing aalis na siya, panigurado naman ay nakita niya ako dahil hindi pa ako nakakapasok sa kwarto bago siya makalabas ng pinto. E 'di ayos. Ano nga ba naman ang Karapatan kong mag-reklamo kung magpaalam man siya o hindi. Kaurat. Nababanas na naman ako sa mundo. Sinubukan kong tawagan si Chino para sana ayain siyang lumabas at pumunta sa café para makapag-review kami kaso hindi siya sumasagot. Nagriring lang nang nagriring ang cellphone niya. Baka busy o naka-mute, o may ginagawa. Weekend ngayon, e. Baka nasa lakad kasama ang fam niya. Lagi silang umaalis tuwing weekends, e. Talk about a healthy relationship with family. Mag-download kaya ako ng i********: para makita ko ang mga ipopost ng mga kaibigan ni Laxus mamaya? O 'wag? Ano naman sa akin kung magsaya sila mamaya, bakit ako nageexpect ng update mula sa kaniya? Nababaliw na naman yata ako. "Mama? Mama!" Kanina ko pa rin hindi nakikita si Mama, ah? Umalis ba siya? May binili? "Manang, nakita niyo po ba si Mama?" Tanong ko sa isang nakakatandang maid ng pamilyang Padua. "Ah, oo! Inutusan nila Ma'am sa palengke. Hindi ba siya nagbilin sa iyo? Kanina pa siya umalis, e. Wala pa rin ba hanggang ngayon?" "Wala pa po, e. Sige ho, una na ho ako. Salamat, Manang!" Kagaya namin ni Mama, matagal na ring nagtatrabaho sa mga Padua si Manang. Sa paglilinis at sa garden ang focus niya rito sa mansion. Si Mama naman sa pagluluto at kapag may mga personal na utos o kailangan ang mga magulang ni Laxus. Mamamatay na yata ako sa sobrang boring. Nawalan ako ng gana mag-review dahil naiinis ako kay Laxus. Siya ang nag-plano nitong sabay na pagrereview naming tapos bigla siyang aalis. Tanga ba talaga siya o ano? BGC? Saan kaya siya sa BGC? Chin. Calling... [Hi, what's up? I saw your missed calls, sorry. I was in a church with my family earlier. What's up? Did something happen?] "Wala naman. Ang boring, e. Gusto ko sana mag-review sa café dahil nadidistract lang ako rito sa bahay at nawawala ang focus ko sa pagrereview." [Pauwi na rin kami. Want me to pick you up there?] "Paano mga gamit mo?" [Dadaan lang ako sa bahay to get my stuffs tapos diretso na ako d'yan para sunduin ka, g?] "Okay, g. Bye! Ingat kayo pauwi." Call Ended. Sa wakas, makakalabas na rin ako ng bahay. Kaninang umaga pa ako nakatengga rito, wala naman akong ginagawa dahil wala namang inuutos sa akin o kung ano pa man. Ayoko rin naman na manood ng TV sa sala dahil wala namang ibang nanonood. Nakakahiya naman kung basta na lang ako magbubukas para manood nang sa sarili ko. Boring ng araw ko, nakakaurat. After an hour, narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Chino sa labas ng bahay kaya naman excited akong lumabas ng bahay dahil sa wakas ay makakahinga na naman ako ng hangin mula sa labas ng bahay. "Excited ka yata ah?" Tanong ni Chino pagkapasok ko sa sasakyan niya. "Malamang, boring sa bahay, e. Wala si Mama." "Nasaan?" "May pinuntahan daw, e. Ang tagal nga, e. Hanggang ngayon wala pa rin, kaya nag-text na lang ako para magpaalam na lalabas muna ako. Saan tayo?" "Starbucks, matik." "Gago, ang mahal d'yan! Wala akong budget! Sabi ko review lang, e. Babanat ka naman ng Starbucks d'yan. Baka imbes na sa topic manakit ang ulo ko, sa presyo pa ng mga inumin. Tanginang kape, 300." "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA, galit na galit? Don't worry, it's my treat." Lagi naman niyang libre. Parang hindi na ako nasanay. Pagdating naming sa Starbucks, wala masyadong tao. May kaniya-kaniya sigurong gala ang mga tao ngayong weekend. "Nasaan si Padua? Bakit hindi ka sinamahan? Nagsabi ka ba?" "Hindi. May lakad siya, e. Punta raw silang BGC ng mga kaibigan niya." "Oh." "Bakit?" "I thought I saw him at the mall earlier." "Mall? Sa BGC raw sila, e. Baka naman hindi siya 'yon or baka naman may dinaanan lang." Bakit naman siya mapupunta sa mall kung siya na mismo ang nagsabi na sa club sila pupunta ng mga kaibigan niya? "Siguro nga. Dito ka muna, oorder lang ako. Open my laptop for me, please. Thanks!" Pagkaalis niya, tsaka ko lang binuksan ang laptop niya gaya ng sabi niya. Hindi ako mapalagay kakatingin sa cellphone ko. Para akong tanga na naghihintay sa balitang alam kong hindi naman makakarating sa akin. Is he enjoying? Malapit na nag gabi. They are definitely warming up for the party. Of course, there are girls in there. Club 'yun, e. Ano pa ba ang aasahan ko? All-boys club? Pft. "Here you go," ani ni Chin habang nilalapag ang mga inorder niya. "Salamat." "Wanna go to BGC?" Pagtatanong niya na agad kong kinabigla. Is he a mind reader or something? "Ano gagawin natin doon? Makakapag-review ba tayo roon?" "Hang out before our finals? Kayang-kaya mo naman na 'yung exam, e. Bakit kailangan mo pang mag-review?" "Sira. Baliw ka ba? Anong kayang-kaya? Ang dami ko ngang absent this sem." "Well, you have your reasons. Ano tara? Pagtapos natin dito?" "Hindi ako nakadamit nang maayos, magtigil ka." "Daan tayong mall, bili tayong mga damit natin na pang-party. Hindi rin maayos ang suot ko ngayon, e." "Wala akong pera, Chino. Manahimik ka muna." "E, saan tayo pupunta?" "Wala, mag-aaral lang. Kung gusto mo rin gumala, pwede ka naman mauna na umalis. Kaya ko naman sarili ko rito." "Charot lang, ang seryoso mo naman. Punta na kasi tayo BGC, ayain din natin si Riles. Matik sasama 'yon." "Hindi ba galit sa akin si Riles?" "Huh? Hindi. Bakit naman magagalit sa 'yo?" "E, hindi niya sinasagot mga text at tawag ko, e." "Ah, busy raw sa school. Tsaka nalaman niya na hindi rin tayo nag-uusap kaya wala raw muna siyang kinausap sa ating dalawa dahil ayaw niya raw ng g**o o mamili." "Hmm, okay." "Okay what? BGC tayo? Payag ka na?" "Okay, g." Pagkaubos namin sa mga inumin namin, niligpit na rin namin ang mga gamit namin at nagpunta na sa mall para bumili ng mga damit na masusuot namin para sa party. Gagahulin kasi kami kung uuwi pa kami sa kaniya-kaniya naming bahay para lang magbihis. "Doon na lang daw natin kitain si Riles sabi niya." "G lang." Namili lang ako ng isang itim na dress na medyo backless ang sa likuran dahil hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong isuot. Okay na 'to, naka-sneakers naman ako kaya babagay naman 'to. "Oh, you look good." Sabi ni Chino paglabas ko ng fitting room. Iisang store na lang kasi ang pinagbilhan namin ng damit dahil nagmamadali na rin kami. "Ikaw din." He's wearing a maong jeans and a plain white shirt. Hindi ko nga alam kung bakit nagpalit pa siya ng damit samantalang maayos naman ang suot niya kanina. Rich things ang peg ni Chino ngayong gabi. "Thanks, let's go." Tahimik lang kami sa byahe papunta sa nightclub na destinasyon namin. Nandoon na raw si Riley kaya medyo mabilis na ang pagmamaneho ni Chino ng sasakyan. Buti na lang talaga at walang traffic. Xylo? Pagdating namin sa harapan ng nightclub, kita mo agad ang dagsa ng tao. Buhay na buhay ang side na ito ng BGC dahil ang daming sasakyan na mga nakaparada at marami rin ang mga tao na nakapila sa labas para makapasok sa loob. "Hi, guys!" Bungad sa amin ni Riley pagkakita niya sa amin at sinalubong kaming dalawa ni Chino ng isang beso, "Bati na ba kayo, ha?" "Hindi naman kami nag-away." Sagot ni Chino. "Sus, hindi raw. Isang linggo hindi nag-usap tapos sasabihin mo hindi kayo nag-away? Ano pala 'yon? Kayong dalawa talaga, ang labo niyo!" Kung pwede lang tapalan ang bibig ni Riley, malamang ay ginawa ko na. Masyado na siyang maraming nasasabi at mamaya kung ano pa ang lumabas sa bibig niya. "Let's go na." Pagkapasok namin sa loob ng nightclub, sinalubong agad kami ng dumadagundong na speaker at mausok din ang lugar dahil sa mga vape na gamit ng mga tao sa loob. Halos lahat yata ng nadadaanan namin ay gumagamit ng vape. "LET'S GET READY FOR A BLAST PARTY PEOPLE!" Napatakip ako ng tainga nang maghiyawan ang lahat ng tao sa loob. Tangina, nakakagulat sila. Bakit ba sila parang mga asong umaalulong? Mga baliw. "Are you okay?" Baling ni Chino sa akin at tumango lang ako. Pumwesto na kami sa isang table na pabilog ang couch at nag-order na rin sila ni Riley ng drinks. Ako nakatahimik lang, hindi ko naman alam ang mga inumin na mayroon dito. Pinagmamasdan ko lang ang paligid ko habang si Riley ay panay na ang kuha ng videos at pictures para sa social media accounts niya. Si Chino nagpaalam na pupunta raw muna ng CR. Hindi pa ako umiinom pero nahihilo na ako dahil sa strobing lights dito sa loob. Dumating na 'yung waiter yata at hinain na sa table namin ang mga drinks na inorder nila Chino. Pag-alis nung waiter, kumuha na agad ako ng isa at ininom iyon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para tunggain ang isang baso na puno ng alak, nahibang yata ako at ginawa kong tubig ang alak. "Girl, dahan-dahan lang! Ano ka ba, bakit mo inistraight? Nakakaloka ka!" "E, ayos lang naman." "Huh? Anong ayos? Girl, Jack Daniel's 'yung nilagok mo nang isang tunggaan! Okay ka pa ba?" Ano ba 'yung Jack Daniel's? Hindi ko naman alam kung ano 'yun, basta alak silang lahat. "Nangyari na, e. Hayaan na." Tinawanan ako muna ako ni Riley bago siya nagpaalam na pupunta raw muna siyang dance floor para maghanap ng mga pogi. Punta rin kaya akong dance floor? Tangina, ano ba 'tong mga naiisip ko. Kanina pa 'to ah. Ang tagal naman ni Chino, nasaan na ba 'yon? Nakaubos na ako ng tatlong baso. Tatlong baso, at puno. Basta ko lang binubuhos sa baso ang alak na nandito, e. Wala naman kasing binigay na shot glass kaya baka tama lang naman ang ginagawa ko. Kukuha na sana ako ng pang-apat kong baso nang may tumabig sa kamay ko dahilan para matapon ang alak na hawak-hawak ko. "Gagi, ano ka ba---Laxus!?" He is standing right beside me while his eyes are like burning with fire; looking intently at me. He is f*****g staring at me as if I did something wrong. "What are you doing out here alone and drinking?" He said with a cold tone. "Uhm, wala lang. Kasama ko sila Riley." s**t! Bakit naman sa dinamidami ng nightclub sa BGC ay nasa iisang lugar pa kami!? Tangina, nababaliw na yata talaga ako dahil nararamdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. "Do you want to get drunk? Why are you drinking Jack Daniel's as if it is just water?" "Huh? Ayos lang naman ako, hindi naman ako malalasing agad sa tatlong basong ininom ko. Sige na, doon ka na sa mga kaibigan mo. Ayos lang ako rito." "Move." "Huh?" Pinausog niya ako ng pagkakaupo at tumabi siya sa akin sa couch. Kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko na nakatitig siya sa akin. Kahit paglunok ay hindi ko na magawa dahil sa pangtititig niya sa akin. "'Wag mo nga akong titigan, para ka namang baliw." "Why do you smell like strawberries?" "Huh? Ako? Lasing ka na ba?" "I want to kiss you right now but I know that I can't and I shouldn't," he said while his gaze is turning down to my lips. "How can someone be this pretty?" He said, caressing my hair and looking at me as if I am a piece of art in front of him and he's mesmerized by it. Nalulusaw ako. Nanghihina ang mga tuhod ko. Tila tumahimik ang buong paligid ko at si Laxus lang ang tanging nakikita ko. Lasing na ba ako? Ang bilis naman? Nabigla ako nang bigla siyang sumandal sa balikat ko habang nakapikit ang mga mata niya. Lasing na ang isang 'to. Kanina pa siya nandito, e. "Text mo na driver mo, magpasundo ka na. Lasing ka na, e." "Elle." "Hmm?" "Please don't get tired of me. Don't get rid of me quickly, ayoko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Please try to understand me as well kahit na may mga araw na kahit ako ay hindi maintindihan ang sarili ko. Choose me, and I will choose you for the rest of my life, as long as I am living. Just don't leave me, Tala Rielle. Ikamamatay ko." Tears escaped my eyes as I am listening to his soft words. As I looked down on him, he was already sleeping. I kissed his forehead lightly and whispered the words, "I won't leave if you're not leaving." I think I am sober enough to process things right now. I like Laxus Gabriel Padua. And I just kissed his forehead while he was asleep. I wonder why but he also smells like strawberries and cigarettes. My favorite song is the scent of my favorite person.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD