Chapter 19

2550 Words
Tala's POV: Last night was simple yet fun. Hindi ako nalasing. After three shots, tumigil na ako. Walang aalalay kay Lax pauwi, e. I need to stay sober. Pagbalik ni Chino kagabi from the cr, nag-aya na rin siya umuwi after an hour dahil nagkaroon daw ng problema sa bahay nila. Si Riley naman, nagpaiwan dahil may mga kakilala rin siya na nasa Xylo kagabi. I remember everything vividly from last night. Every words he have said is now imprinted in me. At kahit kailanman ay hindi na yata iyon mawawala sa akin. Hindi ko lang alam kung naaalala niya pa rin ang mga ginawa at sinabi niya kagabi. Let's see. "Good morning," I greeted him as I saw him comfortably sitting on the sofa while sipping from his iced coffee. He looked at me with disbelief na para bang isang himala ang pagbati ko sa kaniya ng good morning. "Kung makatingin ka naman d'yan!" "What happened last night that made you say good morning to me right now?" He said, slightly laughing while rubbing his eyes. Kagigising niya lang yata talaga. "Wala. E 'di hindi na. Ang dami mo pang sinasabi, e. Sabihin mo na lang kung ayaw mo ng good morning ko para sa susunod ay alam ko---" "Shh. Good morning, baby. How's your sleep?" Hmm, Lord. Ang sabi ko po, I am not your strongest soldier. Kahit ano pa pong tigas ko, kung ganiyan ba naman po ang maririnig ko sa umaga ko, Lord, I do na po agad. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling itong kalandian kong bagong sulpot pero, Lord, akin na 'to please. "Okay, sabi mo e," sabi ko habang pinipigilan ko malala na huwag mangiti sa harap ni Laxus. Mangyari na ang mangyari pero ayokong malaman niya na kinikilig ako 'no! "Let's study for today?" He asked, patting the seat next to him. And I sitted. "Sus, ayan ka na naman. Tapos bigla ka na lang aalis, sasabihin mo may lakad kayong magkakaibigan." Teka nga, wala ba siyang naaalala kagabi? Ni isa? Ni hindi niya nga rin binabanggit na kasama ko si Chino kagabi sa club. His typical self would definitely fight with me dahil lang kasama ko si Chino kagabi. Is he losing his memories after he got drunk? "I won't, I promise. Last night, what happened last night?" Ayan na. Nagtanong na. Salamat naman. "All I can remember is that I saw you drinking three full glasses of Jack Daniel's. Damn, are you trying to alcohol-poison yourself?" Hanggang doon lang ang naaalala niya!? Paano na ang mga sinabi niya sa akin? Lahat 'yun tandang-tanda ko pa! Lahat nakatatak pa sa isip ko! Tapos siya, nakalimutan niya lang? Sinabi niya lang ba 'yon dahil lasing siya? Lord, kunin niyo na po ako siguro. "Hanggang doon lang talaga naaalala mo?" "Mhm. Why? Did I do something awful to you last night? Did I say something wrong? Did I hurt you in any way possible---" "Hindi. 'Wag ka ngang paranoid d'yan! Akala mo na lang lagi, lagi kang may nagagawang mali sa akin. Okay lang ako. Nothing bad happened last night," I said as I was trying to calm myself down at the same time. "You sure? I didn't say anything?" Paninigurado niya. Ano ba, ang g**o naman nito. Ayokong sabihin sa kaniya ang nangyari kagabi. Gusto ko kusa niyang maalala. Ayokong maalala niya dahil lang sinabi ko. "Wala nga, ang kulit mo." "Cook breakfast for me." "Ano ako, yaya mo? Magtigil ka!" "Please? I want to see you cook." "Mukhang may plano ka pang i-hire ako as assistant chef dito sa bahay niyo, ah? Baka kaltukan kita d'yan, Laxus, manahimik ka." "Please?" Nasa kusina kami ngayon. Si Laxus nakaupo sa high chair, at ako naman ay naggigisa. Ano pa nga ba? As you can see, hindi rin ako nakatanggi sa pamimilit niya na ipagluto ko siya ng almusal. Ayos na rin dahil hindi pa rin naman ako kumakain ng almusal. "What are you going to cook for me, love?" Nadidistract na naman ako, oo. Pagsubok lang 'to, malalagpasan ko rin 'to. "Maghintay ka na lang d'yan, 'wag kang maingay dahil nadidistract ako." "Wow, serious mode. Okay then." Mukhang nakinig din naman talaga siya sa sinabi ko dahil hindi na siya nagsalita pang muli. Masunurin naman pala. Dapat lang. Ako ba naman ang nasa harapan, hindi ka susunod? Magluluto lang ako ng dried beef steak, sinangag, sunny side egg, pritong tuyo, at tocino. Hindi ko nga alam kung nakakain na ba 'to ng tuyo o hindi pa. Bahala na, kainin niya kung ano ang gusto niyang kainin. "Maghain ka na, tapos na ako magluto." Utos ko sa kaniya. "Yes, Sir!" Baliw. Akmang sasandok na sana siya ng kanin nang bigla kong maisipan na tumikhim at saka ako pumikit upang magdasal. Hindi ko alam kung sumunod ba siya sa pagdadasal o tinignan niya lang ako, bahala siya sa buhay niya. Malaki na siya. "Kain na." "Hmm," reaksiyon niya matapos ang unang subo niya ng pagkain na hinain at niluto ko. "Masarap?" "Ah, this is so good! What do you call this?" Turo niya sa tuyo na pinirito ko. Tama nga ako, hindi niya alam kung ano ang tuyo. "Tuyo." "Tuyo? As in dry?" "Oo, dried fish yata 'yan sa English, ewan ko. Kumain ka na nga lang! Ang dami mong tanong!" "Ang sarap! Pwede ka na mag-asawa!" "Okay." "Kapag ako lang ang mapapangasawa mo, hehe." Lord, ang corny. --- Ngayon na ang araw ng finals namin for this sem. After nito sembreak na namin. Inaaya nga ako nila Chino na sumama sa family nila sa Ilocos pero hindi ko pa alam kung sasama ako dahil bakasyon nilang mag-pamilya 'yon. Tuwing sembreak naman kasi ay nasa bahay lang kami ni Mama ng mga Padua namamalagi. "Good luck on your exam, love," Laxus said before he planted a kiss on top of my head. Wala naman siguro ang nakakita nun dahil kaming dalawa pa lang ang tao sa room ngayon. Ang aga kasi namin umalis sa bahay nila, e. Maaga kami ng isang oras sa usual na oras ng pasok namin. "Good luck din." "I'll take a nap first, hmm? Wake me up kapag dumating na test master natin." I nodded as a response. Wala pa naman kaya nagbasa-basa na lang muna ako sa mga notes ko. Pero hindi gaano dahil baka ma-mental block lang ako mamaya sa oras ng exam. Next week na rin wala ang birthday ko. Lalabas na lang siguro kami ni Mama sa mall at kakain. May ipon din naman ako na natabi pang-celebrate sa birthday ko. Half an hour have passed at nagsisimula na ring magdatingan ang mga kaklase ko. Ginising ko na rin si Laxus dahil malapit na ang oras ng exam. "Okay, class. Take this exam based on your pure knowledge. Always remember that once you cheat, sarili niyo lang din ang niloloko ninyo. Understood?" "Yes, Sir." Then he handed us the test papers. I took a deep breathe and answered the test paper quietly. Goodluck sa akin malala. Nawa'y hindi tinangay ng alak ang mga ni-review ko noong araw na 'yon. I believe, nasa Diyos ang awa at wala sa akin. "Sir, I'm done." Sabi ko at tumayo na para ipasa ang papel ko. Hindi ko alam kung ilang minuto ko bago natapos ang exam namin. Sa palagay ko naman ay lumagpas din ng isang oras. In fairness, wala akong tanong na hinulaan o sagot na pinagdudahan man lang. Maybe Jack Daniel's is good for the brain? Tama siguro. I should drink more. Lumipas ang oras at natapos na rin ang lahat ng exam namin para ngayong araw. Dalawang araw na lang, sembreak na. Salamat Lord at nairaos ko ang araw na 'to. "Hey, wanna watch our training today?" "May training pa rin kayo kahit exam week?" "Yeah. Malapit na laban, e. Wanna come with me?" Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam kung gusto ko bang sumama o hindi. Huling panood ko ng training nila ay mayroong hindi maganda na nangyari at natatakot na ako na maulit pa 'yon at mas malala pa ang mangyari. Baka himatayin na lang ako on the spot. "Are you scared?" He asked. Napansin niya siguro ang reaksiyon ko. "Hindi naman sa ganoon---" "I promise you, I will take extra good care of myself today. No foul plays, okay? Or gusto mo na ba umuwi so that you can rest?" "Nah, ayos lang. Let's go." Pagpasok namin sa court, naghiyawan agad ang mga teammates niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagdating ni Laxus, o dahil sa fact na may kasamang babae si Laxus. Which one? "Upo ka malapit sa bench namin, please?" "Ano bang magagawa kung umupo ako malapit sa bench niyo? Baka matamaan lang ako ng ligaw na bola, e." "Baby, this is not volleyball. Walang lilipad na bola papalapit sa 'yo." "Tsk, oo na! Ang pilit ko, e. May magagawa pa ba ako?" "I know that you can't just ignore my requests. Malakas ako sa 'yo, e." Tignan niyo? Ang laki na ng ulo? Ang yabang na? Ang sarap pingutin ng buong mukha niya sa tuwing ngingisi siya sa akin na para bang may nagawa siyang ikauunlad ng buong bansa, e. "I'll go get change lang sa locker room. Seat over there," turo niya sa upuan na malapit sa bench ng mga player. Okay naman din dito maupo. Malayo ako sa ibang mga nanonood. Nung nakaraang nood ko rin ay muntik na akong mailibing nang buhay ng mga babae sa likod ko, e. Did I also tell you guys already na wala na ang mga nangbubully sa akin dito sa school na 'to? Noon, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, may naririnig akong lumalabas sa bibig ng mga estudyante rito na hindi maganda tungkol sa akin sa tuwing dadaan ako. May minsan pa nga na binabato nila ako ng mga papel kapag dumadating ako. May bigla ring nananampal at nananabunot. Pero ngayon, wala na ni isa ang lumalapit pa sa akin. Wala na rin akong naririnig pa na kung ano-ano. Finally, peace within my life. Napatingin ako sa babaeng maganda na biglang umupo sa tabi ko. Maikli ang buhok niya at nakasuot din siya ng salamin sa mata pero kitang-kita mo agad ang ganda niya kahit pa sa isang tinginan lang. "Hi! Do you mind if I seat here?" Gago, ang ganda. 'Wag mo akong ngitian, Miss. Baka ikaw ang pakasalan ko imbes na si Laxus. Ay? "Hi, no! Not at all, hehe." I answered politely with a wide smile plastered all over my face. 'Wag naman niya sana mapansin na kinikilig ako sa ganda niya. May baon siyang camera at may mga notebook din siyang dala. Related siguro sa photography ang course niya o sa balita, o sa newspaper. She's giving me that kind of vibes. "Mind if I ask you what brings you here?" She asked. "Huh? Ano ang ibig mong sabihin?" Marahan ko pa ring sagot. "This is the bleachers near the players' bench kasi, e. So meaning, mga important person lang ang pinapaupo rito. Do you have any brother sa list of players?" Haha, binabawi ko na ang mga compliments ko kanina. Binabawi ko na lahat. "Hehe, wala." "Then why are you sitting here?" Uhm? Hindi ba siya nahihiya sa mga tanong niya? Hindi naman kami magkakilala pero kung tanungin niya ako parang lalamunin niya na ako nang buo rito sa kinauupuan ko. "Elle!" I saw Laxus jogging his way towards me with a wide smile on his face. "Pogi ko ba?" Bungad niya sa akin nang makalapit siya. Hindi ako makapag-focus kay Laxus dahil kita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagtitig sa amin nung babae. God, ano ba ang problema? "Hi, Laxus! Nice to meet you!" Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at lumapit kay Laxus para yumakap at bumeso. Guys, I'm right here? Bakas din sa mukha ni Laxus ang gulat dahil sa biglaang pagbeso sa kaniya nitong babae na hindi ko naman alam kung sino at ano ang papel sa buhay ni Laxus. Ex? Pinsan? Kamag-anak? Best friend? First love? Greatest love? "Hi," nag-aalangan na sagot ni Laxus. "Baby, are you comfortable here? Gusto mo ba lumipat?" Baling niya sa akin. Nakita ko ang gulat sa mukha nung babae kaya naman hindi ko maiwasan ang mapangiti. Tama 'yan, makinig ka. Tinawa akong baby. Ako. Ako ang tinawag na baby. "Nah, ayos na ako rito. Punta ka na roon, goodluck!" Papatalo ba ako? Wala si Chino ngayon sa training nila dahil may urgent meeting daw sa bahay nila within his family. Napapansin ko rin lately na laging aligaga si Chino when it comes to his family. I don't know if it's because of their booming business or what. It's not my business to discuss. The game ended earlier than before nung unang nanood ako ng training nila. Nag-isang quarter lang sila tapos tinawag na sila ng coach nila. Mula rito sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang pagod kay Laxus. Tumatagaktak din ang pawis nilang lahat, halata mong sineryoso nila kahit pa ang isang saglit na larong 'yon. "This is Maxine, head of the journalism team in our school. She will be needing your cooperation para sa school newspaper na ilalabas bago ang laban niyo. Take part in the interview, lahat kayo. Go!" "Yes, coach!" Sagot nilang lahat. So Maxine is this girl's name. Head of the journalism club. Hmm, sabi na e. She's giving me that vibes kanina pa. Intimidating. Lumipat sila ng pwesto at ako naman ay naiwan dito. Sumenyas lang si Laxus na saglit lang daw kaya naman hihintayin ko na lang siya rito para sabay kami makauwi. "Hi, my name's Maxine and I am going to interview you all for our school newspaper, is that alright?" "Ayos na ayos!" "Basta ba ikaw ang magiinterview!" "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" "Max ang ganda mo raw bulong ni Padua!" "Huy, totoo ba? Joke! HAHAHAHAHA!" Mula rito sa kinauupuan ko ay rinig na rinig ko ang hiyawan at paguusap nilang lahat. Kitang-kita ko rin dito sa pwesto ko ang reaksiyon ni Laxus sa tuwing inaasar siya ng mga teammates niya. He's just...he's just laughing it off. Not even trying to stop his friends from teasing him with that girl Maxine. It's his turn sa interview kaya naman umupo siya sa upuan katapat nang sa kay Maxine. Dahilan kung bakit naghiyawan na naman ang mga teammates niya. "Uy, bagay na bagay!" "Parehong amoy unreachable!" "Royal couple ang datingan, mga lods!" "Maxine kayo na lang daw ni Laxus!" "Guys, stop it na nga. Baka totohanin ko 'yan, sige kayo." She said while placing his hair at the back of his ear. "'Yun oh!" "Padua, ano pa hinihintay mo!" "Crazies," Laxus said with a faint smile on his face. Tangina. I can't do this. I just can't. Tumayo ako at lumabas ng court nang walang pasabi kay Laxus o sa kahit na sino. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa makalabas ako ng school. Tangina, what was that? What's up with that? Why isn't he trying to stop his friends? Is he enjoying that? Tangina. I can't explain what I am feeling right now basta ang alam ko lang ay naiinis ako at gusto kong sumabog. What was that, Laxus? Until when are we going the play this push and pull game? f**k it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD