Tala's POV:
Bukas na ang birthday ko pero mula nung napanood ko ang training nila Laxus ay hindi ko na siya muna ulit pinapansin. Alam kong ang isip bata pakinggan o isipin ng pag-iwas ko sa kaniya pero kailangan ko ng oras para sa sarili ko. Para pakiramdaman ang sarili ko.
Besides, hindi niya rin naman ako inaapproach so baka ayos lang naman sa kaniya na hindi kami magpansinan. Baka sila na nung team leader ng journalism keme. Pake rin sa kanilang dalawa, e.
"Nak, bakit nakabusangot ang mukha mo d'yan? Masama ba gising mo?"
"Po? Ako po?"
"May iba pa ba akong kausap dito kung hindi ikaw?" Alam ko na kung kanino ako nagmana. Alam na alam.
"Hindi naman po ako nakabusangot."
"Anong hindi? Kulang na nga lang ay malukot 'yang mukha mo dahil sa kakasimangot mo d'yan kanina pa. Kanina pa kita tinitignan, e. Iisa lang ang reaksiyon ng mukha mo."
"Baka po pangit lang ang gising ko kaya ho ganoon," pagdadahilan ko.
"Hindi ka ba stress?"
"Saan naman po? Wala naman po akong pinagkakaabalahan."
"Sa pag-aaral, sa part time mo, sa love life," nakakalokong sambit ni Mama.
Ngumiti lang ako dahil baka madulas ako sa kung ano man ang mayroon sa pagitan namin ni Laxus. Alam kong masama ang magsinungaling lalo na sa magulang pero hindi ko talaga kayang sabihin kay Mama kung ano man ang nangyayari ngayon sa buhay ko.
Alam kong susuportahan ako ni Mama kung saan ako masaya at kung ano ang gusto ko pero sigurado akong mabibigo si Mama. Maiilang si Mama dahil anak ng mga amo niya ang gusto ko o kung ano pa mang matatawag iyon. Una pa lang ay sinabihan na ako ni Mama na alamin ko kung hanggang saan lang ako sa buhay ng mga tao. Na dapat alam ko kung ano ang kailan ako hihinto at hindi dapat hihinto. Na dapat hindi ako lalagpas sa linya.
Pero wala na akong magagawa. Wala na akong magagawa para mabago pa ang alin sa mga 'yon dahil tapos na. Nalagpasan ko na ang linya.
"Oh, tulala ka naman ngayon d'yan. Ano ba talaga ang iniisip mo? Sinasapian ka ba, ha? Tinatakot mo akong bata ka!"
"Ma, ang OA mo! Hindi naman po ako nakatulala!" Nahihiya kong sambit kaya naman sinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan. Napaka ni Mama, sobra kung mangasar. Kapag siya naman inaasar, nagagalit. Pwede kaya 'yon?
"Oh, bukas na ang birthday mo. Ano ang plano?"
"Mag-mall po."
"Sila Chino at Riley? Hindi mo ba sila kukumbidahin?"
"Tsaka na lang ho siguro silang dalawa. Lagi ko naman po silang nakakasama sa araw-araw. Sasabihin ko na lang po sa kanila na tayong dalawa lang ang lalabas bukas at sa susunod ko na lang po sila ililibre. Tsaka maraming pera ang dalawang 'yun, Ma. Huwag mo silang alalahanin!"
"Oh siya sige, ikaw ang bahala. Sigurado kang ayaw mo na maghanda? Imbitahin mo ang mga kaklase ko at mga iba mo pang kaibigan maliban doon sa dalawa."
Mama, dalawa lang po ang kaibigan ko. Wala na akong mga iba pang kaibigan maliban kay Chino at Riley.
"Hindi na po. Sayang lang po ang ganoon sa oras tsaka wala naman po ang pupunta dahil busy po ang klase namin para sa nalalapit po naming retreat."
"Retreat? Hindi mo nabanggit sa akin 'yan, kailan 'yan?"
"Sa susunod na buwan pa po---"
"May budget ka na ba para d'yan? Bibigyan kita, magkano---"
"Ma, ako na ho. May pera naman ho ako. May ipon po ako. Itabi niyo na lang po 'yang pera niyo para kapag may gusto po kayong bilhin ay may ipanggagastos po kayo."
Lagi ko namang sinasabi kay Mama na may pansarili naman akong pera pero palagi niya pa rin akong inaalok na bibigyan niya.
Mahal na mahal kita, Ma. Sana lang ay 'wag magbago ang tingin mo sa akin kung sakali mang malaman mo ang totoo.
---
"What's up, birthday girl?"
"Yuck! Manahimik ka nga, Chin. Tanghaling tapat, maawa ka naman. 'Wag ka munang kumanta nang todo kapag nagmamaneho ka. Mamaya mapaano ka pa niyan at ang mga tao na kasama mo sa sasakyan," kinakabahang sambit ko. Minsan kasi ay may habit siya na kapag nagmamaneho siya ay nadidistract siya sa kanta kaya naman napapasabay siya at napapakanta nang malakas sa loob ng sasakyan.
"Okay, hindi na. Sabi mo, e HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Ingay mo na naman, hindi mo na naman ba nainom gamot mo sa utak?" Pagbibiro ko na ikinatigil niya naman sa pangungulit.
Nandito na kami ngayon sa mall para bumili ng damit na isusuot namin ni Mama bukas kapag umalis kami. Alam kong hindi papayag si Mama na bilhan ko siya ng damit kaya naman hindi ko na lang sinabi ang sadya ko ngayong araw.
"Si Padua, nasaan?" Bigla niyang tanong habang naglalakad kami.
"Huh? What do you mean nasaan?"
"Wala lang. Baka alam mo kung nasaan siya, e. Kapag nakita mo si Padua pakisabi na lang na hinahanap na siya ni coach."
"Why!? Hindi na ba siya pumapasok?"
"Hindi, e. Mga tatlong araw na rin. Hindi mo ba siya nakikita sa inyo?"
"Hindi. Hindi rin kami nagkakausap. Baka naman nag-out of town, inutusan ng parents niya or what. Pero sige, sasabihan ko siya kapag nakita ko siya."
Tatlong araw na siya hindi pumapasok? Kung hindi pa nabanggit ni Chino ay hindi ko pa malalaman na tatlong araw na pala siyang hindi pumapasok sa school. Bakit din naman hindi ko napansin ang bagay na 'yon?
"Pili ka na ng masusuot mo, alis lang ako saglit."
"Saan ka pupunta? 'Wag mo 'ko iwan dito mamaya may gagawin na hindi ko alam, e. Mamaya ka na umalis!"
"Saglit lang ako, HAHAHAHAHA. D'yan ka na muna, o maupo ka roon oh. May bibilhin lang talaga ako saglit," natatawang sambit niya.
"Hindi ba pwedeng mamaya na lang 'yan?"
"Nah, ngayon na para hindi na ako aalis mamaya. Saglit lang ako, just stay here okay? Baka para ka pang bata na mawala rito sa department store ah."
"Gago, sige na! Bye!"
Natatawa pa siyang umalis sa harapan ko na para bang nakakaloko ang ginawa niya. Baliw talaga. Bakit ba ang weird ng mga tao ngayon sa paligid ko? Mga may sakit ba sila sa utak? Ang hihirap kausap!
"Hi, Miss. Kindly try this on po," sabi ng isang saleslady na lumapit sa akin. Mayroon siyang dala-dala na dress na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Po? Wala pa naman po akong pinipiling dress na bibilhin. Hindi po akin---"
"Someone bought this dress for you already, Ma'am. Isukat mo na lang daw po kung bagay." Nakangiting sabi nung saleslady habang nilalahad sa akin ang dress.
Tumingin muna ako sa paligid bago ko tinanggap ang dress na inaalok nitong saleslady, "Bayad na po ba ito?" Pagtatanong ko.
"Yes, Ma'am. It's already paid. This way po ang fitting room," aniya habang tinuturo sa akin ang daan papunta sa fitting room. Nagpasalamat lang ako tapos tumungo na rin ako roon.
Sino naman ang magbibigay sa akin nito? Si Chino? Kaya ba siya umalis nang madalian para rito?
Kulay peach at puti ang dress na binigay sa akin nung saleslady. Parehong simple pero elegante ang dating. Bumagay din sa akin ang mga kulay dahil may kaputian ang balat ko. Pang-pormal na pormal talaga ang mga dress na 'to, hindi revealing or inappropriate. Tama lang pang-birthday.
Matapos kong magsukat, lumabas na rin ako at pinabalot na lang sa paperbag ang mga damit. Nagbilin na lang din ako na kung sakaling balikan siya nung nagbigay sa akin nito, pakisabi na lang kako salamat. Hindi rin naman kasi ako makakasiguro kung si Chino ba ang nagbigay nito o ano.
"Chin!" Tawag ko nang matanaw ko siya mula sa malayo.
May dala-dala siyang mga inumin at box ng doughnut. Ito siguro ang ginawa niya kaya siya umalis kanina.
"What's that? Nakabili ka na?" Pagtutukoy niya sa paperbag na dala ko. So hindi niya nga alam ang tungkol dito. E sino?
"Uhm, may nagpabigay lang sa akin. Inabot sa akin nung saleslady kanina. Hindi ko naman alam kung sino ang nagbigay. Uwi na tayo?"
"Mhm. Ito milktea mo oh. Itong doughnuts kay Mama 'to. Nagpabili sa akin, e. Kaya ako lumabas kanina kasi baka hindi natin abutan, baka magsara na. Let's go."
Maayos naman kaming nakauwi ni Chino. Nagpaalam na rin siya agad dahil may dinner daw sila ng family niya. Which is hindi naman na bago sa pamilyang Lim. Lagi silang may oras para sa pamilya.
"Oh, bakit ang aga mo nakauwi? Iyan lang ang binili mo? Sabi ko naman sa 'yo kanina dalhin mo na ang pera ko rito para marami kang mabili---"
"Ma, ayos na po ito. Isang araw lang naman po ang birthday, sapat na po na hanggang ngayon ay buhay ako at kasama kayo." Nakangiti kong sambit, "Pasok muna po ako sa kwarto para ayusin 'tong binili ko."
"Oh siya sige."
Napatingin ako sa kwarto ni Chino. Nasa loob kaya siya? Pwede ko bang katukin ang kwarto niya? Pwede ba akong umakyat sa second floor nitong bahay nila? Argh, kainis. Itetext ko na lang siguro siya mamaya. Magrereply naman na siguro siya dahil ako naman na ang naunang kumausap. Pride, e.
Matapos kong magligpit sa kwarto, naligo na ako dahil nanggaling ako sa labas. 11 pm na rin pala. Hindi ko namalayan ang oras. Isang oras na lang sakto ay kaarawan ko na. Hindi naman ako excited, pero hindi rin naman ako tinatamad. Normal lang ba? Ganoon lang. Isang normal na araw lang naman 'to para sa akin.
Nothing special.
"Hmph!"
Impit akong napasigaw nang may humila sa akin habang tinatakpan ang aking bibig. Pumiglas ako nang pumiglas hanggang sa makita kong si Laxus ang nasa harapan ko ngayon, tangina talaga.
"Ano'ng ginagawa mo?" Pabulong ngunit may diin kong sambit.
"Shhh," aniya, "Let's go outside."
"Nababaliw ka na ba? 11 pm na! Hahanapin ako ni Mama!"
"Shhh, don't shout. You will wake everyone up if you do that. Tara na, I will bring my motor."
Hinawakan niya ang kamay ko at tinangay ako papunta sa motor niyang nakaparada na sa labas.
"Marunong ka ba gumamit nito!? Bakit hindi na lang tayo magsasakyan!? Ayoko pang mamatay, Laxus ha! Hindi magandang trip 'to!"
"Hahahahaha, chill. I know how to drive." Inabot niya sa akin ang isang helmet bago siya sumakay sa motor niya at sumunod naman ako. "Hang on tight!" Aniya at biglang pinatakbo ang mabilis niya.
"Laxus! Bagalan mo lang ang pagmamaneho, ano ka ba!"
He place my arms around his waist making it look like na para bang nakayakap ako sa kaniya. Dumaan kami sa highway kaya naman napakaluwag ng daanan at ramdam na ramdam ko ang marahang pagtama ng hangin sa aking mukha.
Ipinikit ko ang aking mga mata at sinandal ang ulo sa likod ni Laxus. I bet he's smiling right now. And so am I.
"We're here," aniya pagkababa namin sa motor. Para kaming nasa isang liblib na lugar dahil kung titignan ang likod ay parang gubat pero sa harapan namin ay isang napakagandang tanawin.
Payapang dagat sa ilalim ng maliwanag na buwan. Hindi ko maiwasang mamangha.
He took my hand and guided me to wherever his destination is. Nang makarating na kami medyo malapit sa dagat, he asked me to sit down so I did. Dahil malalim na ang gabi, wala ka ng ibang maririnig kung hindi ang hampas ng alon sa dagat, at ang mga kuliglig. Maliwanag na maliwanag din ang buwan ngayon dahil full moon at tila ba mas malapit ito sa amin ngayon kumpara sa mga nagdaang buwan.
"Did you like it?"
"Ang alin?"
"The dress."
"Oh, ikaw nagbigay?"
"Yeah. I just know that it will suit you very well. Ayos lang ba?"
"Mhm, nagustuhan ko. Salamat!"
"Anything for you."
Walang nagsasalita sa aming dalawa at pareho lang kaming nakatingin sa tanawin sa harapan namin. Nakatitig lang ako sa dagat at sa liwanag na binibigay ng buwan.
Ang payapa.
"Nga pala, bakit hindi ka pumapasok? Three days ka na raw wala sa training niyo kaya hinahanap ka na raw ng coach niyo," pagsisimula ko ng usapin.
"Hmm, I did some kinds of stuff. Kailangan, e. I also talked to the school naman na and told them my reason so it's all good. You don't have to worry about it."
"Ano ang inasikaso mo?" I asked. Looking at him straight in the eye.
"Secret, bawal mo malaman. 5 minutes na lang and it's your day na. Are you excited?"
"Hmm, ayos lang. Taon-taon naman akong nagcecelebrate ng birthday ko nang simple lang kaya wala namang bago."
"You will never know."
"E 'di wow. Ang dami mong alam. Paano mo nalaman 'tong lugar na 'to? Ang dami mo na sigurong dinalang babae rito 'no?"
"Nah, ikaw lang."
Ito na naman ang puso kong akala mo wala ng katapusan sa sobrang bilis ng pagtibok. Iba talaga ang epekto ni Laxus sa akin sa lahat ng paraan at hindi ko maitatanggi iyon.
"2 minutes." He said, taking note of the time and waiting for my birthday to come.
Nakatitig pa rin ako sa dagat habang payapa kong dinadama ang malamig na simoy ng hangin na may kasamang amoy ng dagat kaya naman napapikit ako ng aking mga mata at dinama ang payapang bumabalot sa akin ngayon.
"30 seconds."
I just want to thank God for giving me another year to spend and for giving me and Mama all the love that we deserve. Okay na ako basta kasama ko si Mama. Ang mga kaibigan ko. At ngayon nadagdagan pa ng isasama ko sa aking mga dasal.
Lord, thank you. Thank you for letting me cross paths with the guy sitting right next to me. And please don't take him away from me so easily. 'Wag po muna. Kung hindi man kami, sana huwag muna mawala.
"Baby, look up."
Idinilat ko ang aking mga mata at kasabay nun ay ang malakas na putukan at magagarbong kulay na bumalot sa kalangitan. Carnival of colors filled the night sky with its loud noises, chaotic yet beautiful. Leaving a smile on my face as I watch the fireworks slowly end.
Tumingin ako kay Laxus nang may malapad na ngiti sa aking labi and I mouthed thank you. My eyes are now filled with tears and I don't why. Maybe it is because of the happiness that I am feeling right now.
"You liked it?"
"I did! Sobra! Grabe ka, thank you. All I can say is thank you," nakangiti kong sambit habang nakaharap pa rin kay Laxus.
"I don't have a cake with me right now but at least I have this lighter with me. This will do for this moment, I will buy you a cake later in the morning na lang, sorry."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA, para kang baliw! Ayos lang!"
"Make a wish before blowing it away, okay?" I nodded.
Ipinikit ko ang mga mata ko at humiling, tsaka ko hinipan ang apoy na nagmumula sa lighter.
"Thank you, Lax. Thank you."
He pulled me into a tight hug, resting his head on my shoulder and planting small kisses around my hair. He slowly pulled away from the hug and cupped my face as he slowly closes the gap between our faces.
Then the next thing I knew, I felt his lips pressing into mine with my eyes tightly closed, I felt his lips crash into mine as he whispered those three words.
"I love you."