Tala's POV:
Pagdating ko sa canteen, wala gaanong tao dahil ang iba ay sa field kumakain sabay ipopost sa kanilang mga i********: account. Ewan ko kung para saan pero ayun ang lagi kong nakikita na ginagawa nila.
"Tala!"
Malamang sa malamang alam ko na agad kung nasaan si Chino. Sa lakas ba naman ng boses niyan, hindi mo maririnig kung saan nanggagaling 'yung boses? Mayroon ng mga pagkain sa mesa namin nang makalapit ako kaya naman agad ko siyang pinandilatan ng mata.
"Libre mo na naman? Sabi ko naman sa 'yo may pera ako, e. Magkano lahat ng akin? Babayaran ko," pangungumbinsi ko.
"Lol, as if naman na papayagan kitang bayaran ako. Sige na, don't mind me and just eat your food na lang. My parents told me na masama raw magbilangan ng pera habang nasa harapan ng pagkain so you should definitely eat na lang and don't mind the gastos kasi it's not that much for me naman."
Chino is Chino. Chino's parents raised their son very well. I'm Chino's friend for a long time now and I think that Chino is written by a woman. That's why I can't blame those girls who are ready to jump through obstacles just to be close with Chino. Kaya nga sila galit sa 'kin. Kasi Chino and I are always together. Well, I am not to blame though.
Tahimik kaming kumakain nang mahagip ng mga mata ko si Laxus sa gilid ng entrance ng canteen. He's kissing another girl, AGAIN? What the hell is happening, Sir? This is illegal! Sa loob talaga ng school facility? In public place?
Nilayo ko ang tingin ko sa kanila at tumitig na lamang sa pagkain ko. Tangina, naiilang ako kahit ang layo ko naman sa kanila. Bakit ba rito nila sa school ginagawa 'yang mga ganiyang bagay? Nakakaistorbo sila sa mga makakakita sa kanila 'no.
"You okay?" Chino asked kaya naman agad akong umiling para mawala sa isip ko ang nakita ko at tumango naman kay Chino bilang sagot sa tanong niya.
"Ano'ng plano mo?" Tanong niya ulit.
"Plano saan?"
"After college. May med school ka na ba na natitipuhan? Like, you know? Planning the life after college especially when you're planning to be a doctor."
"Ba't mo naman naisip 'yan? Ang haba pa ng lalakbayin natin. 1st year pa nga lang natin 'to as college students tapos ayan na agad ang nasa isip mo. Chill ka lang, Chin. Matagal mamatay ang masamang d**o sabi nila," pagbibiro ko.
Sa totoo lang ay wala pa rin akong eksaktong plano para sa buhay ko. Basta ang goal ko lang ngayon ay makatapos sa college. After nun, madali na lang humanap ng med school. Kahit saang school naman ako, e. Basta magiging Doctora ako in the future. 'Yan ang goal ko.
"Ang pangit mo mag-joke 'no? Nakakainis ka, Cruz."
"Mama mo Cruz."
"Ah, talaga? Mama ko Cruz? Sige ha. Sasabihin ko kay Mommy 'yang mg sinabi mo. Mama ko Cruz pala, ha. Yari ka kay Mommy," parang batang paghahamon niya. Umiling na lang ako sa kaniya bago pa kami muling magtawanan at bumalik sa pagkain.
---
"Today, you will be assigned to have a partner that is valid for the whole semester. You guys will choose your partners. Malaki na kayo, hindi na kayo kailangang i-baby pa or what. Kaya bahala kayo kung sino ang kukunin niyong kapareha. Basta walang sisihan kapag ang pinili mong kapareha ay iresponsable. That's it, class dismissed. Be ready for tomorrow."
Huh? Is this normal? Dismissing classes in less than 15 minutes? Lol, sila. First day na first day mga ayaw mag-discuss.
"Tala!"
"Be my partner."
"Huh?" Nagtataka akong lumingon sa katabi kong si Laxus nang bigla siyang bumulong sa kanang tainga ko. Hanggang ngayon ay malapit pa rin ang mukha niya sa akin pero hindi ako lumalayo. Bakit ako lalayo? Siya ang dapat mag-adjust.
"Be my partner, I said. I'm too lazy to stand up and look for a partner. Just be my partner, okay?"
"Pero mayroon na 'kong---"
"Be my partner. Hey, Murillo! List down all the groupings. My partner is Tala." He said before he took a nap.
What the f**k? Seryoso ba siya? Lumingon ako kay Chino para sabihing wala na kaming magagawa kaya naman sumimangot siya at tumayo na para maghanap ng bagong kapareha. I swear to God, Laxus is getting on my nerves today at hindi ko 'to nagugustuhan. He's annoying. He's smart but he's annoying.
After ilista ng kaklase namin ang lahat ng groupings ay lumabas na rin kami ng room para magsiuwi dahil wala na raw ang mga susunod pa naming mga prof dahil nagkaroon daw ng biglaang meeting sa faculty. Hindi ko alam kung totoo ba 'yun dahil nakita ko ang iba sa mga prof namin na nasa canteen at nagdadaldalan.
"Tala-mae, heading home? Hatid na kita."
"Stop adding that 'mae' after my name nga, Chin. Parang baliw. Hindi pa ako uuwi. May dadaanan pa akong part-time job, e. Mauna ka na."
"You sure? Ihahatid na kita sa work mo. Maybe we're just heading the same way kaya hatid na kita. Saan ka ba?"
"Katipunan."
"Katips? Why? Saan ang work mo roon? Puro nightclubs doon, ah? Don't tell me you're working in that kind of place, Tala?" He asked in a serious tone.
What's up with working at those kinds of places? As long as I am not involved in doing something bad, it's fine with me. As long as sasahod ako nang tama.
"Yep, sa night club ako nagwo-work. Why? May masama ba roon?"
"Hmm, wala naman. Are you safe there? Hindi mo nasabi sa 'kin 'tong bago mong working place, ha. Hatid na kita. Traffic ngayon doon, let's go."
"Chin..."
"'Wag ka na tumanggi, okay? Just for today. Malapit din naman sa Katipunan ang punta ko kaya hindi out of the way. Tara na, ikaw pa. Alam mong malakas ka sa 'kin, e."
Hindi ako mayaman pero hindi ako tanga, at mas lalong hindi ako manhid. I know that too well. I know for a fact that Chino likes me ever since we were in high school. I heard him and his friend talking about me accidentally. But Chino doesn't know that I am aware of his feelings. I don't want any awkwardness between us. I couldn't bear it.
"Ngayong araw mo lang ako ihahatid, ha? Hindi naman kita service. Lagi mo na lang akong hinahatid sa mga pupuntahan ko. Sa susunod nga magkabit ka na ng metro rito sa sasakyan mo para naman makapagbayad ako sa susunod!" Pagbibiro ko na ikinatawa naman niya.
Hindi nagkakamali si Chino. Traffic nga ngayon papunta sa Katipunan at kung nag-commute ako, malamang sa malamang ay baka next year pa ako dumating sa paroroonan ko dahil sa sobrang traffic.
"I told you, it's traffic."
"Whatever, Chin."
"By the way, what's up with Laxus? Is he bothering you? Why's he getting your attention today? Pinagtitripan ka ba niya? Do you want me to talk to him?" Sunod-sunod na tanong niya habang nakatingin sa akin dahil hindi naman umuusad ang sasakyan.
"Chill, ayos lang ako. Ang OA nito! Sasabihin ko naman sa 'yo kapag may ginawa siyang hindi ko nagustuhan, 'no. Groupings lang naman 'yun, kakayanin ko 'yun nang ako lang mag-isa."
"Ay wow. Nagyabang pa. Pasuntok nga," natatawa niyang sambit bago muling pinagpatuloy ang pagmamaneho.
Siguro inabot din kami ng higit pa sa isang oras bago kami nakarating sa working place ko. Bumaba na ako ng sasakyan ni Chino at nagpaalam sa kaniya.
"Wait, are you sure you're going to be fine in here?" He asked while eyeing the whole place.
"Yeah, oo naman. Bakit naman ako mapapahamak dito?"
"You don't know every people that are coming in here every night, Tala. Mas mabuti na na mag-ingat ka, okay? Call me ASAP if something weird or bad happened. Take care," paalam niya at sumakay na muli sa kaniyang kotse at nagmaneho na paalis.
"Good afternoon, Tala!"
"Hi, Aely! Marami na ba'ng tao sa loob?"
Aely's a workmate of mine. Gaya ko, edstudyante rin siya na nagpaparttime job kaya naman malapit din ang loob ko sa kaniya dahil pareho lamang kami ng sitwasyon.
"Wala pa naman gaano. Maaga pa, e. Tapos na clases niyo? Aga mo, ah?"
"Ah, oo. First day pa lang namin, e. Hindi nagturo mga prof namin kaya ang aga ng dismissal namin. Dumiretso na agad ako rito dahil wala naman akong ibang pupuntahan, haha. Pasok na tayo sa loob?"
"Tara na."
Pagpasok namin sa loob, may mga iilang tao na nagiinom mag-isa. Hapon pa lang kasi kaya wala pa ang mga tao. Matao lang naman dito tuwing gabi.
"Tala! Available ka ba? Need help sa kitchen!"
"Sure po, coming right up!"
Nagpaalam na ako kay Aely at dumiretso sa kusina habang sinusuot ang apron ko.
'Yuh oh. Tambak ang hugasin. Hindi ako naka-assign dito sa kusina kaya naman hindi ko alam na ganito pala karami ang hinuhugasan dito. Sa cashier kasi ako naka-assign at minsan ay ako ang waitress. Wala namang problema sa akin dahil mas nadadalian pa 'ko sa mga 'yon kaysa rito sa paghuhugas ng tambak na mga plato.
"Ang aga ko ngayon, Tala ah? Wala kang pasok?" Tanong ng manager namin.
"Meron po kaso first day pa lang po namin kaya hindi pa po nag-lecture ang mga prof ko kaya maaga po ang dismissal namin."
"Ah, mabuti naman kung ganoon dahil kailangan nila ng katulong ngayon dito sa kusina. Rito ka ba muna iaassign?"
"Hindi ko ho alam, e. Tinawag lang po ako ni Benedict na need daw po ng tulong dito sa kusina." Si Benedict ang isa ko pang workmate na kasalukuyan ding nag-aaral. Kaming tatlo nila Aely ang tanging working student dito kaya kami-kami rin ang magkakasundo.
"Sige, dito ka na lang muna sa kusina ngayong araw. Hindi yata makakapasok ang naka-assign dito kaya ikaw na lang muna. Ayos lang ba, Tala?"
"Sure po, walang problema."
As if naman na may choice ako?
Agad akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga pag-alis ng manager namin. Titignan ko pa lang itong hugasin na nasa harap ko'y napapagod na ako.
"Kaya ba today?" Pagbibiro ni Benedict sa gilid ko.
"Ewan ko sa 'yo! Ako pa kasi tinawag mo, e! Andoon naman din si Aely sa labas!"
"Mukha ka kasing magaling maghugas ng plato, e. HAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Ah, ganoon? Oh ito! Magaling pala ha!" Winisik ko sa kaniya ang bulang naipon sa kamay ko dahil sa sabon kaya naman nagbasaan kaming dalawa rito at huminto lang nang makita namin na nagdadatingan na ang mga customer.
"Sige na, maghuhugas na ako. Lumayas ka na rito," pangbubugaw ko sa kaniya't agad din naman siyang umalis sa tabi ko at bumalik sa trabaho niya sa pagtulong sa pagluluto.
Sana naman maaga akong pauwiin ngayon dahil plano ko sanang mag-advance reading dahil bukas, panigurado'y may surprise recitation o quiz na naman. Ayokong pumapasok ako nang walang alam sa lahat. Mahirap na.
---
Alas onse na ng gabi nang matapos ako sa trabaho ko. Pinayagan na akong umuwi ng manager dahil humabol sa pagpasok ang naka-assign sa paghuhugas ng plato. Buti naman dahil napapagod na ang kamay ko kakahugas ng plato.
"You're done?"
Nagulat ako nang makita ko sa harapan ng night club si Chino na nakasandal sa kaniyang kotse na mukhang kanina pa naghihintay dito sa labas.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Sinusundo ka, obviously. Tapos ka na ba? Let's go na. Ihahatid na kita."
"Gagi, bakit nag-abala ka pa? Kanina ka pa rito?" Sa itsura niya ngayon mukhang kanina niya pa 'ko hinihintay dito sa labas. "Ba't hindi ka pumasok sa loob?"
"Nah, baka maka-istorbo ako sa work mo kapag pumasok pa ako sa loob. And yup, kanina pa ako rito sa labas hehe. Pero ayos lang. Hindi naman nakaabala. Galing kami ng friends ko sa BGC and pauwi na rin ako so dinaanan na kita rito. Don't worry this is for today lang naman. I won't bother you everyday in your work, 'no! Tara na, baka ma-traffic pa tayo."
"Sabi mo 'yan, ha. Tara na."
Tahimik lang ang byahe namin at walang nagsasalita. Baka pareho kaming pagod na for today or may mga iniisip kami. Ihahatid ako mismo ni Chino sa bahay nila Laxus dahil alam naman ni Chino ang estado ng buhay ko. Alam ni Chin ang lahat ng tungkol sa akin kaya naman hindi ako nahihirapan sa pagkukwento sa kaniya.
"Nag-party kayo ng friends niyo?" Pangbabasag ko sa katahimikan.
"Yeah, birthday ng classmate ko noong highschool. Next time, you wanna come?"
"Naku, hindi na. Nagtanong lang naman ako dahil baka sinadya mo lang talaga na pumunta sa workplace ko."
"Asa ka!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Whatever, Chino intsik. Matutulog muna ako, ha. Inaantok na ako, e. Gisingin mo na lang ako 'pag malapit na tayo. Thanks, Chino."
"Sure."
Pumikit lang ako pero ang totoo, hindi naman talaga ako matutulog. Natatakot lang ako. Natatakot ako na baka anytime ay kausapin niya ako tungkol sa nararamdaman niya at kapag dumating ang araw na iyon ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
Ayoko.
Natatakot ako.
Hindi ako handa at kailanman ay hindi yata ako magiging handa para sa ganoong usapin.
"Salamat sa paghatid, Chin! Ingat ka pauwi!"
"Anything for you, Tala. Goodnight! See you later!"
Kumaway ako sa kaniya hanggang sa hindi ko na matanaw pa ang sasakyan niya. See him later dahil malapit na mag-ala una ng umaga. Ang tagal din ng byahe namin. Inabutan kami ng traffic, e.
"So you guys are a thing, huh?"
"s**t!"
"What? You scared of me or something?"
"Nanggugulat ka, e! Ano'ng ineexpect mo na magiging reaksiyon ko? Bigla-bigla kang nagsasalita d'yan kita mong anong oras na. Nand'yan ka pa sa pinakasulok! Ano ba'ng ginagawa mo d'yan?"
Of course, it's Laxus. Sino pa ba?
"None of your business."
"Okay, sabi mo e. Pasok na ako sa loob." Lalagpasan ko na sana siya at papasok sa gate nang bigla niyang hilahin ang braso ko at tinignan muli ako nang direkta sa aking mga mata.
"What's with you?"
"Huh? Anong what's with me, e ikaw 'tong kanina pa nakikipag-interact sa akin. Dati nga ni hindi mo ako tinitignan. Nababaliw ka na ba?"
Ilang segundo niya pa akong tinitigan bago niya binitawan ang braso ko at linihis ang kaniyang tingin.
"Whatever."
Tignan mo 'yong gagong 'yon. Inunahan pa ako sa pagpasok sa loob ng bahay. Talagang hindi ko maintindihan kung ano ba ang pumapasok d'yan sa isip niya, e.
Laxus is weird.