Chapter 3

2984 Words
Tala's POV: "Ma, una na ho ako." "Mag-iingat ka, ha. Hinahatid ka ba ni Chino?" "Naku, Ma. Ayoko makaabala. Kaya ko naman ho mag-commute araw-araw. Hindi naman ho hassle para sa 'kin. Nakakahiya po kay Chino kung magpapahatid-sundo pa po ako," pagpapaliwanag ko. "Oh siya sige, ikaw ang bahala. Ang baon mo, nakuha mo na ba?" "Opo, Mama. Salamat, una na ho ako!" Paglabas ko ng bahay ng mga Padua, nakita ko si Laxus sa malapit sa gate at may kasamang babae. Ganito kaaga may babae agad siyang kasama? Pero hindi, e. Mukhang dito natulog ang babae dahil basa pa ang buhok nito at naka-uniform habang si Laxus naman ay nakapangtulog pa at halatang kagigising lang. So basically, some girl did slept with Laxus last night. Patawarin nawa. Dadaan ako sa gawi nila kaya agad nila akong napansin. Nagtaka pa ang babae at bakas ang gulat sa mukha niya nang mamukhaan niya ako. Shit, wrong move. "What are you doing here?" Mataray na tanong niya. Gago, ano'ng gagawin ko? "I just asked you a question, wala ka bang planong sagutin? Rude b***h?" Ha? Ano raw? Anong rude b***h sinasabi nito? E siya nga 'tong ang aga-aga naghahanap agad ng away. Hindi ba sila matatahimik hangga't hindi nila ako naaaway? "Uhm, dito kasi---" "She visited Mom to submit some files. I don't know what that is but I think it's a business matter. I saw her talking to my Mom earlier in the hallway so I guess that's it. Right, Miss girl?" I was too stunned to speak but I still gave them a nod and then made my way out of the mansion. Gago muntik na 'ko run, ah. Thank God at may ginawang tama si Laxus for the first time ever. But I don't think that's for my benefits naman. I think he did what he did earlier kasi ayaw niyang malaman ng mga schoolmate namin na may koneksiyon siya sa gaya kong naninilbihan para sa pamilya niya. Right, that's why he made an excuse. It's for his own gain. Bakit ko naman iisipin na para sa akin ang ginawa niya. Nahihibang na 'ko kung ganoon. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep, hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit araw-araw ay iba't ibang babae ang kasama ni Laxus. Alam kaya iyon ng mga magulang niya? At pumapayag naman ang mga babae niya sa ganoong sitwasyon? Jusko, patawarin niyo ho ang mga batang ito sapagkat sila ay nagkasala. "Tala!" Don't tell me...? Of course, Chino. "Gago, ano'ng ginagawa mo rito? Baka may makakita sa 'yo rito!" "Bakit naman may makakakita sa 'kin e ang aga-aga pa! Tsaka dalian mo na't sumakay ka na. Lalo lang may makakakilala sa 'yo d'yan kapag d'yan ka pa sa labas nagbunganga. Hop in the car!" "Aish!" Padabog akong sumakay sa loob ng sasakyan ni Chino at malakas kong binagsak ang pintuan ng kotse niya. "What? Are you mad or something?" Pagtatanong niya habang inaayos ang seatbelt niya. "Talagang tatanungin mo pa 'ko kung galit ba 'ko? Sabi ko naman sa 'yo ayoko nang nakakaabala ako sa ibang tao, e! Ang kulit niyo ni Mama. Sabi ko namang ayos lang ako sa pagcocommute ko dahil hindi naman ako nahihirapan makasakay. Bakit kailangan mo pa akong sunduin, e sobrang out of the way mo sa lugar na 'to?" Ah, basta. Naiinis ako. At kapag naiinis ako, hindi ko napipigil ang mga sinasabi ko. Dirediretso, tuloy-tuloy. Walang preno. "Chill, okay? Don't be mad. It's not a good way to start your morning. Your Mom didn't ask me to pick you up, I volunteered. If you're going to ask why it's because I hate going to school alone. Alam mo naman na kapag pumapasok ako nang mag-isa kung sino-sinong tao ang lumalapit sa 'kin at umaastang ka-close ko sila. And you know how much I hate that. To be surrounded by fake-shallow people. Sorry if I still picked you up when you already told me not to," mahabang paliwanag niya na agad ko namang ikinakalma. Chino's always good with his words. He always knows what's the right word to use for specific arguments. That's why we never fought as friends. Hindi nagpapataas ng pride si Chino. Chino is indeed a down-to-Earth person and everyone knows that. "Why are you spacing out? Are you still mad at me, Tala?" "Nah, hindi ako galit. Nabigla lang ako dahil sinundo mo na naman ako right after I told you na 'wag na and stop insisting dahil nahihiya na ako sa mga natulong mo sa 'kin. It's fine now, don't worry." "You sure? Then are you allowing me to pick you up na everyday?" Nakangiti niyang sabi na para bang nabuhayan siya sa sinabi ko kaya naman ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Right, I was just joking. Sabi ko nga hindi na kita susunduin, hahahahaha." Bago kami dumiretso sa school, pumunta muna kami sa Starbucks dahil gusto raw ni Chino mag-kape. Masyado pa namang maaga bago magsimula ang klase namin kaya pumayag na lang din ako. Well, nandito na kami e. May magagawa pa ba ako? Wala namang sakayan dito papuntang school. "What's yours Tala mae?" He asked while standing in front of the counter with me beside him. Tinignan ko ang mga presyo ng kape na nasa harapan ko at halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang mga presyo. Seryoso ba 'to? 180-300 pesos para lang sa kape? Ano ba ang kape na ginagamit nila rito? Sila mismo ang nagtanim? "Uhm, wala akong gusto e. Hihintayin na lang kita roon," pagtuturo ko sa vacant seat malapit sa bintana. Tumango siya kaya naman agad na akong pumunta roon at naupo. Konti pa lang ang mga tao na nandito ngayon at lahat sila ay nakaharap sa kanilang mga laptop. Maybe these people are also students and some of them are employed people or something. "I ordered something for you, ha." "Ano? Sabi ko sa 'yo wala akong gustong inumin, e. Ang mahal naman ng kape rito. Ano ba ang kape nila rito, ginto?" Natawa naman si Chino sa sinabi ko kaya napatingin agad sa gawi namin ang ibang tao na mga nakaharap sa laptop nila. Sineniyasan ko naman si Chino na manahimik at hinaan lang ang pagtawa niya dahil mukhang busy ang mga tao rito ngayon. "Here's your order, Sir. Enjoy!" Nilapag na sa harapan namin ang mga inorder ni Chino kanina at muntik na naman akong magmura sa dami ng inorder niya. "Red velvet cheesecake for you, alam kong favorite mo 'yan. And this coffee for you rin. I'm sure that you'll like it," pagpapaliwanag niya habang isa-isang nilalapit sa 'kin ang mga para sa akin. "Buti naman pala at hindi sa atin ang lahat ng 'to. Kanino mo bibigay 'tong mga 'to?" Pagtutukoy ko sa mga pagkain na naka for takeout. "Later, you'll see." Tahimik naming tinapos ang pagkain namin at agad na rin kaming umalis dahil wala pa sa dalawang oras ay maguumpisa na ang klase namin. Wala pang limang minuto ay huminto kami sa gilid ng daan at bumaba si Chino mula sa kaniyang sasakyan. Hindi na ako bumaba dahil wala naman siyang pasabi at basta na lamang siya bumaba. Mula sa bintana ng sasakyan ay kitangkita ko kung kanino inabot ni Chino ang mga pagkain na binili niya kanina. Sa mga batang lansangan. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang mga malalaking ngiti ng mga bata habang nagpapasalamat sila kay Chino. Anim lahat ng bata na binigyan ni Chino ng pagkain at ang iba sa kanila ay hindi na pinalagpas ang pagkakataon at agad nang kinain ang kanila. Pagbalik ni Chino sa sasakyan, binigyan ko siya ng isang ngiti at marahang kinurot ang braso niya. "Ouch, what is that for?" "Arte mo, hindi naman masakit 'yon!" "Sa 'yo ko kaya gawin tapos sabihin ko ring hindi masakit, ha Tala?" "Pikon." "Whatever, Tala mae. Let's go. We're gonna be late." --- "For today's activity, you'll conduct research and this is a group activity. Have I told you yesterday that you need to pick a partner?" "Yes, Ma'am." Sagot naming lahat. "Then go to your partner and discuss a few things. I'll be back in a few, I'll just head into the faculty room." Ano'ng ididiscuss e wala nga siyang binigay na topic? Nahihibang ka na ba, Ma'am? Umalis na agad siya nang ganoon na lamang ang instruction. Ano ang gusto niyang pag-usapan ng mga group? Aish. "What?" Pagtatanong ko kay Laxus nang maabutan ko siyang nakatitig na naman sa akin. Hindi siya natinag at talagang direkta lang siyang nakatingin sa 'kin. Lutang ba siya o talagang tinitignan niya 'ko? Winagayway ko ang kamay ko sa harap niya at doon lamang siya napakurap. Lutang nga lang. "What are we going to discuss?" "Ewan ko. Hindi naman nagbigay ng clear instructions si Ma'am, e. Basta na lang siyang lumabas. Hintayin na lang siguro natin, baka may announcement pa siya." "I don't like waiting." "Then tell Ma'am to make it quick because you don't like waiting." "You're quite a feisty pala 'no?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman lumitaw na naman ang nakakalokong ngisi niya. "I'm back, class. So for today, kayo ang mamimili ng topic niyo for the research. Once again, this is just like a dry-run para makita ko kung paano niyo maipepresent ang mga gawa niyo even though you are given a short span of time. Now choose a topic, and discuss it with your partner. Class dismissed." Napabuntong hininga ako nang marinig ko na naman ang favorite line ng mga prof ko ngayon. Ang 'class dismissed.' Kailan ba nila balak magturo? Aral na aral na 'ko oh. Namimiss ko na magkabisado ng mga terms and such. "What's our topic, Laxus?" "It's up to you. I'm good with everything, Ms. Cruz. So kahit ano pa'ng topic, you can expect something from me. Choose a topic and send it to me through a message. Aaralin ko." "Pero---" "It's been decided. Choose a topic and let me know what it is. I'll be waiting until tomorrow evening. Is that clear enough?" "Yeah, okay." Kung pagmamasdan, ibang-iba pala ang aura niya kapag seryosong bagay ang pinaguusapan. To be honest, hindi ko ineexpect na seseryosohin niya 'tong groupings na 'to. Akala ko ako lang ang kikilos at gagawa, pero hindi naman pala. Mabuti naman kung ganoon 'no. Ano siya hilo? Wala na naman ang susunod naming prof. Naiirita na ako. Kung pwede lang tanungin kung bakit wala sila sa araw-araw ay malamang nagawa ko na. Tinatamad ba silang magturo or sinasanay nila kami na mag-self study? Masyado pang maaga para mag-self study! Wala pa nga kami sa kalahati ng first sem. Ano sila d'yan? "Tala, let's go." "Where to?" "Canteen. Hindi ka pa ba nagugutom? It's almost lunch time na rin, e." "Mamaya na lang siguro ako, Chin. Hindi pa 'ko nagugutom, e. Mauna ka na lang doon. Susunod ako 'pag nakaramdam na 'ko ng gutom." "You sure?" Tumango ako kaya naman umalis na rin si Chino sa harapan ko at lumabas na ng classroom. Kaming dalawa na lang ni Laxus ang narito sa loob ng classroom. Nakasubsob ang ulo niya sa desk ng upuan habang nakapasok sa magkabilang tainga niya ang airpods. Maybe he's sleeping. Watching him sleep makes me want to take a nap too kaya naman sinubsob ko rin sa desk ko ang ulo ko at ipinikit ang mga mata ko. It's cold. The aircon's on and I think it's on its max number. Sinabayan pa ng pag-ulan. Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko na nangangatog na ang aking mga tuhod dahil sa lamig. Bakit ba biglang lumamig? Hindi naman ganito kalamig kanina. "Are you sleeping?" Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Laxus sa tabi ko. Panigurado ay hindi na siya naka-nap sa desk niya dahil sa linaw ng boses niya ngayon. What is he doing? Is he planning to wach me sleep? Idiot. "Maybe she's sleeping," mahinang sambit niya na para bang sarili niya lamang ang kausap niya. Naramdaman ko na may pumatong sa likod ko na parang isang tela at amoy ba amoy ko ang pabango ng lalaki na nagmumula sa damit na nakapatong sa akin. Is this the hoodie that he's wearing earlier? Tangina? Seryoso ba? Laxus will do this? Nah, I'm sure naman na nagawa niya na rin 'to sa lahat ng babae. I mean, this is just a bare minimum. Of course he already did this to other girls who's also cold. It's Laxus Gabriel Padua after all. "Guys, listen up!" Naalimpungatan ako at napabangon mula sa pagkakatungo sa desk ko nang marinig ko ang hiyawan ng mga kaklase ko. Nakatulog ako? Gaano katagal? Marahan akong nag-unat at hikab bago muling nagsalita si Daisy. Class representative yata or something, hindi ko alam at wala akong balak alamin. "We will have a freshmen party tonight at XYLO!" Huh? Ano raw? "Whooooo!" "That's it!" "Let's get ready for tonight!" Huh? Bakit sila naghihiyawan? Ano'ng Xylo ang sinasabi ni Daisy? Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko na nag-text si Chino sa akin. From: Chin. XYLO at the Palace is a nightclub located at Taguig. Are you coming later? I'll pick you up if you're coming. And stop frowning, halatang hindi mo alam ang nangyayari LOL :pp Oh, so Xylo is like a bar or something? Pupunta ang mga kaklase ko roon? Hindi ba kami pagbabawalan doon? Ah right, college na nga pala kami. I forgot. Ang bilis ng panahon. Parang last year lang nasa highschool pa lang ako. Ngayon pwede na nga pala kami pumasok sa mga ganoong klase ng lugar. To: Chin. Hindi ko sure kung sasama ako. You know that parties are not my thing, right? So baka hindi ako sumama. Mabobored lang ako roon kapag sumama ako. From: Chin. What if sumama si Riley? Sasama ka ba? Ibinaba ko ang cellphone ko at napaisip sa sinabi ni Chino. Riley is also my betfriend ever since we were in elementary din. Kaso sa ibang department si Riley dahil architecture ang tinetake niya. To: Chin. Fine. If Riley's coming, sasama rin ako. If hindi pupunta si Riley, hindi rin ako. From: Chin. Okay^^ "The party will start at 10 pm so don't be late! Let's have some fun, guys!" Ang definition of fun ko ay malayong malayo sa definition of fun ng mga kaklase ko. Kung sila, paggala ang definition of fun, ako literal na sa pag-aaral lang sumasaya. Ewan ko ba kung bakit para akong manang. Kaya rin wala akong kaibigang mga babae ay dahil hindi ko sila nakakasundo sa mga bagay na gusto nila at hindi ako interesado. After mag-usap ng mga kaklase ko about sa party mamaya, tumayo na rin ako sa upuan ko gaya ng iba at lumabas na ng classroom. Nasa CR yata si Chino dahil hindi ko siya nakita na lumabas mula sa classroom kaya naman sinulit ko na ang pagkakataon ko para umalis. Ayoko na na ihahatid niya pa ako hanggang pauwi dahil nakakahiya. Kasabay ko lang maglakad si Laxus pero hindi kami nagpapansinan. Maybe hindi niya rin namalayan na ako ang katabi at kasabay niya maglakad ngayon. Diretso ang tingin ko sa dinadaanan namin, at siya naman ay nakadiretso ang tingin sa kaniyang cellphone. "Tala! Rylie's coming daw later! Invited din daw section nila." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Chino sa kaliwa ko at sa lakas ng boses niya ay napalingon sa amin si Laxus na kanina pa busy kakapindot sa cellphone niya. Tumingin muna siya sa akin bago niya binilisan ang paglalakad para hindi na siya makasabay pa sa amin ni Chino. Talaga bang malupit ang naging pag-aaway nila noon? Kahit yata magtabi ay hindi na nila magawa ngayon. "Sige, sasama ako. 'Wag mo na 'ko sunduin, baka puntahan ako ni Riles. Text na lang kita if magpapasundo ako sa 'yo, okay?" "Okay, boss! Hindi kita mahahatid ngayon sa inyo kasi may lakad kami nila Mommy." "Ayos lang, baliw ka ba? Hindi naman din talaga ako magpapahatid. Sige na, una na 'ko." "Text me later, okay? Ingat, Tala!" Salamat naman at nagpatalo siya ngayong araw. Ayoko na talaga ng nakakaabala ako ng ibang tao. Ayokong may nasusumbat sila sa 'kin. Oo alan ko, mataas ang pride ko. But that's the only way I know to protect myself from everyone else. "Tala." Napatingin ako sa gawi ko nang makita ko ang sasakyan sa mansyon ng mga Padua. Tinawag ako ng driver ni Laxus kaya naman huminto ako sa paglalakad hanggang sa maabutan nila ako. "Bakit ho?" "Sumabay ka na raw sa 'min sabi ni Sir Laxus." "Ho? Naku, hindi na po! Sasakay na lang po ako ng jeep. Kaya ko naman na po, salamat po sa offer pakisabi kay Sir Laxus," sambit ko at muling nagpatuloy sa paglalakad pero alam kong hanggang ngayon ay nakasunod pa rin sa 'kin ang sasakyan. Ano ba'ng paandar nitong ni Laxus? Kahapon pa 'to, ha. "Tala, sumabay ka na raw sa amin ni Sir Laxus at 'wag ka na raw magmatigas." Binaba ni Laxus ang automatic niyang bintana at sumandal siya roon nang bahagya para lamang ngisihan ako. "Hop in. We don't any time to waste so just hop in. I won't bite you. Iisa lang din naman kasi ang tungo natin kaya why not, hindi ba?" "Whatever, Laxus." Sumakay na ako sa kotse ng service niya at sumiksik lamang ako sa pinakasulok ng upuan dahil ayoko na bigla siyang magtanong nang wala sa topic. "Are you coming to the party later?" He asked. "Ano naman sa 'yo kung sasama ako o hindi?" "What the hell? I'm just asking. Bakit ba ang sungit mo sa 'kin? Did I ever do something wrong to you?" May point. Ewan ko basta. Ayoko magkaroon ng business sa kaniya. Gugulo ang tahimik mong buhay kapag pinasok mo ang mundo ni Laxus. "If you're coming, then I'm coming as well." Ano raw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD