Chapter 4

2757 Words
Tala's POV: Wala akong mahanap na maisusuot kaya naman tinawagan ko si Riley kung may maipapahiram ba siya sa akin na damit para sa party mamaya. Wala akong ibang damit dito kundi mga pantalon at t-shirt lang. At alam kong hindi ganito ang damitan mamaya roon sa party. Hindi naman ako ignorante. Magmumukha lang akong tanga roon kapag itong mga damit ko ang sinuot ko. [What's up, Tala girl?] "Hi, Riley! Susunduin mo 'ko, hindi ba? Pwede bang pumunta ka rito nang mas maaga? Wala kasi akong masusuot na damit, e. Baka may mapapahiram ka d'yan? Kung ayos lang sa 'yo syempre." [Gaga! Of course naman it's fine with me! Ano ka ba, do you hear yourself right now? Para namang hindi mo kaibigan ang kausap mo! Tapusin ko lang 'tong food ko, and I'll go there na. Ako bahala sa 'yo, Tala girl.] "Thank you, Riley! Love you, ingat ka sa pagmamaneho!" [Thank, love you too!] Pabagsak akong humiga sa kama matapos ibaba ni Riley ang tawag. Ang hirap naman pala ng ganitong mga party, naloloka ako. May nalalaman pa silang dress code. Kung pwede lang mag-pantalon at t-shirt doon ay malamang kanina ko pa ginawa. "Nak, Tala?" "Pasok, Ma!" Pagpasok ni Mama sa kwarto, mayroon siyang dala na orange juice at tinapay na agad niya namang inabot sa akin. "Kainin mo 'to oh. Kinuha ko ito roon sa mga iniwan nila sa lamesa dahil sayang naman kung itatapon ko. Masamang magtapon ng pagkain, hindi ba?" Bumuntong hininga muna ako bago ko tanggapin ang pagkain. Sa totoo lang, ayokong kumakain kami ni Mama ng mga natitira lang mula sa pamilya ni Laxus. Ayokong kumakain si Mama ng tira ng ibang tao, o gumamit ng gamit na pinagsawaan na ng ibang tao. Kaya nga ako nag-aaral nang mabuti, para kay Mama. Lahat para kay Mama. "Ikaw, Ma? Kumain ka na ba?" "Naku, oo. Kanina pa kumain dito. Ang aga mo yata ngayon?" "Wala pa hong gaano pinapagawa mga prof namin, e. Mama, aalis po pala ako mamaya. Mayroon daw pong freshmen party. Naimbitahan din po kasi ang section namin. Ayos lang po ba na sumama ako?" "Naku, oo naman! Sige, sumama ka. Para naman maranasan mo ang mga party na 'yan, hindi 'yung maghapon ka lang nakakulong dito sa kwarto na 'to. Sino ang kasama mo?" "Si Riley at Chino, Ma. Susunduin po ako rito ni Riley dahil papahiramin niya po ako ng damit na isusuot ko para mamaya." "Naku, bakit nanghiram ka pa? Hayaan mo sa sahod ko, bibigyan kita ng pera. Mag-mall ka at bumili ka ng mga damit mo para hindi ka na manghihiram sa mga kaibigan---" "Mama...ayos lang po ako. Ayos lang po sa akin ang mga damit ko. Hindi naman po ako galang tao. Masasayang lang po ang mga damit na bibilhin ko dahil hindi naman ho ako madalas lumalabas. Kayo na lang po ang bumili para sa sarili niyo. Maaayos pa naman po ang mga damit ko rito," pagpapaliwanag ko. Si Mama, laging ako ang inuuna. Kahit na sinabi ko na wala naman akong kailangang bilhin, bibigyan niya pa rin ako ng pera. Ang hindi niya alam, lahat ng naibigay niya sa akin na pera ay nasa bangko. Inipon ko lahat ng 'yun para in case of emergency, hindi na kami lalapit sa kung sino-sino pa. Pati ang mga sahod ko ay nasa bangko at inipon ko. Wala akong ginagastos dahil totoo naman na lahat ng gamit ko ay maayos pa. "Tala?" Narinig ko ang boses ni Riley sa labas ng kwarto kaya naman nilabas ko na siya para sunduin. "Tala girl! Na-miss kita!" Agad akong niyakap ni Riley nang makita niya akong lumabas sa kwarto kaya naman yinakap ko siya pabalik. "Tara na, aayusan kita para kabog ka mamaya! Hihi, excited na 'ko!" Para siyang bata na excited bihisan ang bago niyang manika. Tulad ni Chino at Laxus, galing din mula sa maimpluwensiyang pamilya si Riley. May ari ng isang sikat na architecture firm ang pamilya ni Riley kaya naman iyon din ang tinatahak niyang kurso. Pagpasok namin sa kwarto, wala na si Mama. Sumabay na rin siguro siya sa akin paglabas ng kwarto, hindi ko lang nakita. "Naligo ka na ba?" Pagtatanong niya. "Baliw, oo naman. Kanina pa ako nakaligo kaya natuyo na ang basang buhok ko kanina." "Hmmm," pinagmasdan ni Riley ang kabuuhan ko habang marahan pa akong iniikot-ikot. "You definitely have a fair and glass skin kaya feeling ko you'll own the color Black! Ayos lang ba sa 'yo ang Black?" "Ikaw ang bahala. Wala akong alam sa mga ganiyan, Riles. Alam mo naman na wala akong hilig sa ganiyan." "Hmmm, right! Okay, then you will wear this little black dress of mine na lang. Wear this and balik ka rin agad dito. Lalagyan kita ng onting make-up." "Ha? Kailangan pa ba ng ganoon?" "Hindi naman required, pero lalagyan pa rin kita para mas umangat ganda mo mamaya and magulat silang lahat sa 'yo! Hashtag campus nerd to campus queen real quick ang peg mo!" "HAHAHAHAHA, sira ka talaga! Sige na, dito ka muna. Susuot ko na 'to, wait mo lang ako rito." "Okay, fine." Lumabas na ako ng kwarto para dumiretso sa common cr ng mansyon dahil wala namang cr sa loob ng kwarto namin ni Mama. Nakita ko si Laxus sa harap ng main door at may hinahatid na namang babae ba iba pa bukod doon sa kasama niya kaninang umaga. Araw-araw ba siyang nagpapalit ng babae? Grabe. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Sakto lang sa akin ang dress na pinahiram ni Riley pero may kaiksian ito kaya hindi ako sanay. Covered nang maayos ang harapan ko pero backless ang likod ng bestida. Okay lang ba sa 'kin magsuot nang ganito? Hindi ba masiyadong revealing? "Come out." Napatakip ako sa sarili ko nang biglang may kumatok sa pintuan ng cr at sa labas no'n ay ang boses ni Laxus. "May tao!" Pagsigaw ko. "Make it quick, and come out!" "Doon ka na lang sa kwarto mo gumamit ng cr, matagal pa ako!" Hindi ko rin alam kung bakit kami nagsisigawan right now kahit na dinig na dinig naman namin ang isa't isa. "Are you bossing me around?" "Hindi. Ito na nga, lalabas na." Gago, may choice ba ako? Niyakap ko nang mahigpit ang mga damit na sinuot ko kanina para matakpan naman ako kahit papaano bago ako lumabas ng CR. Paglabas ko, agad niya akong pinasadahan ng tingin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse, dadaan ako." Makitid kasi ang hallway sa labas ng CR kaya kumbaga one way lang ang daanan. Nakasandal si Laxus sa pader pero sakop niya ang buong daanan. Ang laking harang talaga. "What are you wearing?" "A dress, obviously." Umigting ang panga niya sa sinagot ko at inalis ang tingin niya sa 'kin. "Ano ba'ng problema mo? Excuse nga, dadaan sabi ako. Ano ba'ng kinukulit mo?" Napipikon na ako. Kahapon pa siya nagpapapansin, parang tanga lang. Baka akala niya madadaan niya ako sa ganiyan niya. Manigas siya d'yan. "Don't you have any other clothes?" "Bakit ka ba nakikialam sa buhay ko? Ni hindi mo nga ako tinitignan dati. Ngayon nangingialam ka na. Wow, ha. Level up? Wala kang pake kung may iba pa akong damit o wala kaya pwede bang tumabi ka riyan?" "Sure." Tatabi rin naman pala ang dami pang sinasabi. Hanggang sa makalagpas ako sa kaniya, ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa 'kin dahil hindi ko naman narinig na magsara ang pinto ng cr. "Tala! What took you so long? Akala ko kung napaano ka na roon sa loob ng cr, e. Ayos lang ba sa 'yo 'yung dress? Are you comfortable with it?" Naabutan ko na si Riley sa tapat ng kwarto dahil nainip siguro siya roon sa loob at saka mainit. "Ayos lang naman. Pero hindi ba nakakailang 'yung sa likod? Bagay naman ba sa akin? Hindi ko kasi sigurado kung ayos lang ba sa akin ang ganitong klase ng mga damitan." "Ikot ka nga." Sinunod ko naman ang sinabi ni Riley at dahan-dahan akong umikot para makita niya nang mabuti ang suot ko. "You look good! What do you mean bagay ba sa 'yo? Girl, you nailed this look! Parang para sa 'yo talaga mismo ginawa 'yung dress! I love it!" "Ganoon ba? Hehe, thank you Riley." Actually hindi ko alam ang sasabihin ko bukod sa salamat. Pakiramdam ko tuloy ang awkward pakinggan nung pagpapasalamat ko. Ewan ko ba kung bakit ang tipid ko sa salita. Isang tanong, isang sagot. "You're welcome, pretty! What did Chino tell you?" "Told me what?" "Wala siyang sinabi sa 'yo or anything?" "Wala siyang sinasabi sa akin. Bakit ba, ano ba 'yun? Pinapakaba mo naman ako, e." "Gaga wala lang 'yun! Susunduin niya raw tayo dito mamaya sabi ni Chino sa call kanina. Ayun lang, baliw." "Ah, akala ko naman kung ano na. Akala ko ba may lakad sila ng Mom niya?" "Hmm, I don't know. You know naman na Chino will always put us first no matter what 'di ba?" "Hindi ko alam." Alam ko ang sagot sa tanong na 'yon pero ayokong sagutin. Pinipili kong maging bulag at bingi sa mga ganiyang klase ng usapan dahil hindi ko alam kung mahahandle ko ba 'yon nang maayos o ano. "Ang aga pa pala. Let's go na lang muna kaya sa mall? I don't want to stay here kasi kanina pa tingin nang tingin si Laxus sa atin." Pasimpleng nginuso ni Riley ang taas niya kaya naman pasimple rin akong tumingin doon at nakita ko si Laxus na nakasandal sa salamin ng hagdanan nila at nakatingin sa amin. Or should I say, sa akin? "Right, alis na tayo rito. Mukha siyang tanga sa ginagawa niya." Nagpaalam na ako kay Riley na kukunin ko lang ang pouch ko sa kwarto bago kami umalis kaya naman hihintayin niya na lang ako sa labas ng gate dahil dala niya rin daw ang sasakyan niya. "Are you guys already going? It's still early for the said party." Kabute ba 'tong isang 'to? Bakit ba bigla-bigla na lang siyang sumusulpot mula sa kung saan? Pasalamat ako sa Diyos na hindi ako magugulatin dahil kung oo ay baka kahapon pa ako sumalangit dahil sa palitawlitaw nitong lalaki na 'to. "Bakit ba tanong ka nang tanong tungkol sa mga ganap ko sa buhay? E, ano naman sa 'yo kung maaga kaming aalis? Hindi ba pwedeng may iba pa muna kaming pupuntahan before the party? Hindi ko naman inexpect na ganiyan ka pala kachismoso." "You're also quite unbelievable for the daughter of our maid. That's fair, I guess?" "'Wag mong idamay si Mama sa kabastusan ng ugali mo, SIR. Mauuna na HO ako, excuse me." Talagang in-emphasize ko ang mga salitang 'yon para naman maramdaman niya ang sarcasm ko. Baka kasi sa itsura niyang 'yan ay wala siyang sense of humor sa katawan. Nilagpasan ko lang siya dahil wala naman na siyang iba pang sinabi. Hindi rin naman siya umangal or anything so naging tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko palabas ng bahay nila. Si Mama hindi ko mahanap kaya nag-iwan na lang ako ng note sa kwarto saying na aalis na ako dahil may pupuntahan pa kami ni Riley. Paglabas ko ng gate, nakita ko ang magarang kotse ni Riley na nakaparada sa harapan ko. Pagsakay ko, umiiyak si Riley. "Huy, ano nangyari?" I asked. "Wala, hahahahaha." She said; forcing herself to laugh. "Ano nga, Riles? Ano'ng nangyari? Itatago mo pa, e nakita ko na. Tell me. What happened? Is it your Mom again?" Riley's Mom is abusive. Not just with her words but sometimes it can go physically. It has been going on since we were in highschool. Hindi ko alam na hanggang ngayon pala ay ginagawa pa rin ng Mama niya. "She told me horrible things again. Am I not enough? Ginagawa ko naman 'yung best ko. I even took architecture para sa kanila ni Dad kahit na hindi ko naman talaga gusto 'tong kurso ko. Can't she just stop calling me things na nakakasakit? Like, when will this end? Kasi nahihirapan na ako. It's suffocating." She said in between her sobs. "Shh. After college, we will build our own life, okay? Tahan na, Riles." I can't find the right words to say right now because I am not the type of friend who gives out advice. I just listen. All I can do is listen until they feel better. I pulled Riley into a hug and waited for her to feel better. Minutes after, she finally stopped crying and wiped her tears away from her face. Inayos niya ang damit niya at nag-retouch ng kaniyang makeup bago siya nagsimulang mag-drive. Nang makarating kami sa mall, dumiretso lang kami agad sa Strabucks para uminom ng kape, obviously. Tumambay lang kami ni Riley nang ilang minuto at dumating na rin si Chino. He's wearing casual party clothes for men. Lahat naman ng damit ay kayang dahlhin ni Chino kaya siguro'y hindi na siya namomroblema pa ng susuotin niya for every occasion. "Tagal mo," bungad ni Riley kay Chino. "Traffic, boss. Kanina pa ba kayo rito? Sorry---woah." Napahinto si Chino sa pagsasalita nang mapansin niya ako sa tabi ni Riley. Kasalukuyan akong sumisimsim sa kape na inorder ni Riley para sa akin kaya naman muntik ko na iyong mabuga nang matawa ako sa reaksiyon ni Chino. "Gago, para ka namang tanga Chin. Umayos ka nga!" "Gago, I didn't even recognize you at first glance! Ikaw ba talaga 'yan? Ano ba'ng ginawa mong magic dito, Riley? Pustahan magugulat din schoolmates natin mamaya. Gago, ang ganda mo." "Talaga ba, Chino?" "Oo nga, seryoso. Ang ganda mo." Sambit niya sa isang seryosong tono. Napatitig ako sa kaniya at ganoon din siya. Hindi ko mabasa kung ano'ng nararamdaman niya ngayon pero nakakaramdam ako ng mga bagay na hindi ko maintindihan habang kasalukuyan ko siyang tinitignan sa mata. "Okay, that's enough for the both of you! Wala sa plano ko ang maging third wheel for today. Tama na ang titigan dahil baka malusaw kayo d'yan." Pagsingit ni Riley sa pagitan naming dalawa ni Chino. Doon lamang naputol ang pagtititigan namin ni Chino kaya naman nanlamig ang katawan ko nang biglaan. Hindi ko alam kung sa kaba ba para sa party mamaya o dahil sa naging titigan namin ni Chino kanina. --- Pagdating namin sa loob ng Xylo, marami na agad ang mga tao kahit hindi pa oras ng calltime. Kadalasan sa mga tao rito ay hindi ko kilala. Pero sila Chino at Riley, tinatanguan lahat ng masasalubong namin. Wala pa man din pero parang gusto ko na umuwi. Malaki ang lugar na 'to kung ikukumpara sa pinagtatrabahuhan ko. Mukhang pang-yayamanin din ang nightclub na ito dahil sa estilo ng buong lugar. Umupo kami nila Chino sa medyo malapit sa couch sa mismong harap ng stage ngunit may kalayuan. Wala pa ang DJ pero malakas na rin ang tugtugan ngayon ng mga nandito. Pinagmasdan ko pa ang paligid nang mabuti at hindi ko maiwasang mapamangha sa lugar na ito. Panigurado ay laging nandito sila Chino o Riley dahil sila ang mahilig sa mga ganito. "Naninibago ka?" Bulong ni Chino sa tabi ko at tanging pag-iling lamang ang ginawa ko. Patagal nang patagal ay parami rin nang parami ang mga tao na nagdadatingan dito sa nightclub. Ang iba ay parang hindi naman mga estudyante pero kadalasan ay mga taga-school ang nandito. Hindi ko man sila kilala pero namumukhaan ko silang lahat. "Kukuha lang kaming drinks ni, Ry. What do you want?" "Hindi ako umiinom, baliw. Kayo na lang." "Right, I forgot. Are soft drinks fine for you? Or do you want some specific juice or something? "Yeah, ayos na ako roon. Get me some Coke na lang if meron, salamat!" "Sure." Pag-alis nila Riley, halos sumiksik na ako rito sa kinauupuan namin dahil ayokong may makakilala sa akin or what. Baka mamaya kung ano na naman ang abutin ko dito dahil wala akong kasama. "So you're here alone?" Kabute nga yata talaga siya. "Where's Lim?" "Drinks." "And you?" "Andito sa harap mo, obviously." "Why are you so mad at me?" "Ano ba'ng gusto mong mangyari Laxus? May kailangan ka ba or need help with something? Kasi hindi naman tayo nag-uusap dati, e. Can't we just stay like that?" "Sure, whatever. It's not like I want to be friends with you or something." Then he left. He just left after telling me that he has no intentions of becoming friends with me. If that's the case, then why is he even interacting with me? What's your deal, Laxus?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD