Arousing Suspicion

2598 Words
"How's Lhexine?" boses ni Vaughn ang narinig ko. "Still sleeping, she probably exhausted herself too much. Tito said he found her at the—" Unti-unti ay idinilat ko ang aking mata, napawi ang mahinang usapan ni Sandra at Vaughn nang nakitang nagising na ako. Kaagad na lumapit sa akin si Vaughn at mataman akong tinitigan. Ipinatong niya ang kaniyang palad sa aking noo, marahil ay tinitingnan kung may lagnat pa ba ako o wala na. "S-Sandra," mahinang tawag ko sa kaibigan. Kaagad itong lumapit sa kabilang gilid ng aking kama. Kita ko sa kaniyang mata ang pagod at puyat, marahil habang wala ako ay siya ang umasikaso ng lahat. Pinagtakpan niya ang tunay na kalagayan ko sa ibang tao. Hindi maaaring malaman ng publiko ang nangyari sa akin. "I... I was in a strange laborator—" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang putulin ako ni Sandra. "Huwag ka munang masyadong magsalita at mag-isip, Lhex, makakasama sa iyo iyan." Gustuhin ko mang i-kuwento sa kaniya ang lahat nang nakita ko sa laboratoryo ay mas pinili ko na lang sumang-ayon sa kaniya. Habang nakapikit ay sinabi niya sa akin ang lahat ng mga nangyari matapos kong mawalan ng malay. Tahimik ko lamang pinakikinggan ang kuwento niya. "You were sleeping for about 32 hours now. Ang sabi ng doktor ay maaaring 48 hours ka raw makatulog, ngunit mas maagap kang nagising. I advise you to just lay on your bed and take a rest, you overworked yourself for the past months. You barely rest since you became the President." Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Sandra. Buhat nang umuwi ako ng Pilipinas ay itinuon ko na ang aking atensyon sa politika. Nag-focus ako sa pag-aaral ng iba't ibang constitution at mga batas, nang nagsimula naman ang pangangandidato ay mas lalo akong naging abala. Bawat araw na nagdaan hanggang sa mismong botohan ay naroon ako, walang pahinga o bakasyon man lang. Ang tanging oras ko lamang para makahinga nang maluwag ay sa pagtulog sa gabi, madalas pa ay maagap akong nagigising para tapusin ang mga naiwang gawain. Kailangan kong bumawi ng lakas. Hindi ko alam kung bakit ako bigla na lamang hinimatay at nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. Nang tanungin ko si Sandra sa dialysis ng doktor, ang sabi niya ay overfatigue at stress daw ang dahilan. Mabuti na lamang at iyon lamang, akala ko'y bigla na lamang akong tinubuan ng kung anong malubhang karamdaman. "Dito niyo ba ako dinala nang mawalan ako ng malay?" tanong ko matapos ang halos isang oras na pagtahimik. Pakiramdam ko kahit papaano ay nakabawi na ako ng lakas. Kanina paggising ko ay halos tuyong-tuyo ang aking lalamunan, hindi ako makapagsalita nang maayos, garalgal pa ang boses ko dahil sa panghihina. Tumango si Sandra at saka kumunot ang noo habang nagtatalop ng mansanas. "Oo,bakit mo naitanong?" kuryosong tanong nito. Masakit na ang likod ko kaya ibinangon ko ang aking sarili. Nang nakita ni Sandra uupo ako ay kaagad niyang binitiwan ang kutsilyo at inalalayan ako. Inayos din niya ang unan sa likod ko, maging ang nagusot na kumot. "Sigurado ka ba?" hindi naniniwalang tanong ko. Alam kong totoong nangyari ang paglalakad ko sa laboratoryong iyon. Hindi iyon isang panaginip dahil ramdam ko pa ang sakit ng aking tuhod mula sa ilang ulit kong pagbagsak. "Oo, saan ka naman namin dadalhin? Kung gusto mo ay itanong mo rin kay Salazar at maging sa security team mo." Diretso kong tiningnan ang mata ni Sandra. Gusto kong makita kung nagbibiro ba siya, ngunit nang nakitaan ko nang pagtataka at pag-aalala ang mata niya ay napagtanto kong nagsasabi siya ng totoo. "Nanaginip ka ba? Saan ka naroon kung hindi rito sa ospital na ito, Lhexine?" Inabot niya sa akin ang tinalupang mansanas at saka umupo sa upuang katabi ng kama ko. "I had a dream. It feels so real that I thought it really did happen to me. Nararamdaman ko pa ang sakit sa aking tuhod," marahang sagot ko. Nang naalalang may pasa ako sa tuhod at namumula pa ang binti ay agad kong inililis ang kumot. Nagtatakang tinulungan ako ni Sandra, ngunit nanatili sa mata niya na tila maraming tanong na hindi na pinakawalan pa. "Look puro pasa pa ak—" Nanlaki ang mata ko nang nakitang wala akong pasa o namumulang binti. Normal lamang iyon at walang bakas na kahit na ano'ng galos. Tiningnan ko rin ang braso kong napaso ng laser, tandang-tanda ko nang nasugatan ako nito ang haba'y kalahating dangkal pa nga. Totoo ang sakit na naramdaman ko nang nadikit ako roon, ang init na hatid ng laser ay nanunuot pa sa akin bago ako mawalan muli ng malay dahil sa itinusok na gamot sa akin ni Dr. Ben. "What are you looking at, Lhexine?" Hinawakan ni Sandra ang braso ko at tiningnan din. Nang makitang walang kahit na ano ay mas lalong kumunot ang noo niya. "I don't think you're fine now, I should call the doctor." Tatayo na sana si Sandra para tawagin ang doktor nang pigilan ko siya. Siguro nga ay panaginip ko lamang ang mga nangyari. Maaaring isa lamang iyong likha ng aking magulong isipan, 'yong panaginip na masyadong makatotohanan kaya aakalain mong nangyari talaga sa tunay na buhay. Bumuntong hininga ako at saka umiling sa kaniya. Ngumiti rin para ipakitang maayos ang aking lagay. Ayokong isipin niyang nababaliw na ako, kauupo ko lamang sa puwesto bilang pangulo ay tila mapapatalsik kaagad ako kung ganito ako kung umakto. "No need to call the doctor, Sandra, ayos lang ako. Siguro dahil sa taas ng lagnat ay nagdeliryo ako at nanaginip ng ganoon." Dahan-dahan siyang tumango sa akin kahit na bakas pa rin sa mata niya ang pag-aalala. Naputol ang titigan namin nang bumukas ang pinto at maingay na iyak ni Angelic ang narinig namin. Humahagos siyang lumapit sa aking higaan at agad akong niyakap. Nagmamadali ring lumapit si West at ang kasama nitong si Ellis sa aking kama. Lahat sila ay tila galing sa pagtakbo dahil sa butil ng pawis na nasa noo nila, humihingal pa si Ellis nang hawakan ang noo ko tulad ng ginawa ni Vaughn kanina. "What the hell happened to you, Lhexine? Bakit bigla ka na lang daw hinimatay at halos dalawang araw kang walang malay!?" Diretso ang pagtulo ng luha ni Anj habang tinatanong ako. "Nag-alala kami nang sobra para sa 'yo Lhex, gustong-gusto naming bisitahin ka rito noong wala ka pang malay, ngunit mahigpit ang security. Hindi kami pinapasok nang gagong Salazar na iyon!" nagtatagis ang bagang na sambit ni West. "I was the one who told him not to let anyone in, I made the protocol to restrict the visitors from coming in here while the President is still unconscious. We need to be careful. You know that it would uproar the oppositions' desire to kick Lhexine out of her presidency," malamig na sagot ni Sandra kay West. The way she looks at him shows that she's willing to kick him out of here once he contradicts her statement. Naramdaman siguro ni West ang pagseseryoso ni Sandra kaya bumuntong-hininga na lamang ito at umirap sa kaibigan. "Chill, okay? I got your point loud and clear. Why are you too stiff whenever you're talking to me?" nakangusong sagot nito at saka padarag na umupo sa malaking couch. Tumunog ang cellphone ni Sandra. Bago siya tuluyang lumabas ng silid at sagutin ang tawag ay humarap ito kay West nang nakataas ang kilay. "Simply, because I don't trust you. You may fool the world, but definitely not me," diretsong sambit ni Sandra habang nakatitig nang diretso sa mata ni West. Umawang ang labi naming tatlo na nakikinig sa sagutan nila nang narinig ang tinuran ni Sandra. Kaagad na lumipat ang tingin ko kay West na ngayon ay seryosong nakikipagtitigan kay Sandra habang nakakuyom ang kamao. Si Sandra ang pumutol ng kanilang matalim na tinginan nang humarap ito sa akin at nagpaalam na sasagutin ang tawag. Wala sa sariling tumango ako, nang nakalabas siya ng kuwarto ay saka pa lang ako nakahinga nang maluwag. Okay, what the hell was that? Base sa naging batuhan ng salita nilang dalawa ay alam kong may namumuong tensyon sa kanila. Tila ba may isang away sa pagitan nilang dalawa na sila lamang ang nakakaalam. Dati pa man ay malamig na ang pakikitungo ni Sandra sa aming mga kaibigan niya. She's always serious and whenever she jokes, you'll probably get offended if you don't know her. Hindi mo alam kung sarcasm ba ang sinabi niya o biro lang talaga. "Woah, Sandra Nicole Mendez is so f*****g scary. Lagi siyang ganoon kapag si Lhexine na ang usapan, hindi mo p'wedeng salungatin dahil tiyak na mapapahiya ka lang!" basag ni Ellis sa katahimikan. Nakita kong tumango si Anj bilang pagsang-ayon. Natigil na rin ang kaniyang pag-iyak dahil siguro sa tensyong naramdaman kanina. "Pero iba talaga siya kay West, para bang may lihim na galit. Sabihin mo nga, Pre, naging ex mo ba iyon kaya bitter sa 'yo?" tumatawang dugtong pa ni Ellis. Kaagad na nalukot ang seryosong mukha ni West nang narinig ang tinuran nito. Lumipad ang unan kay Ellis at saktong tumama sa tumatawang mukha ng kaibigan. "f**k you, Bro. Hindi 'no. Alam niyo namang loyal ako rito kay Lhexine!" nakangising sagot ni West. Nagpatuloy ang asaran ni West at Ellis habang kami ni Anj ay tahimik namang nag-uusap. Diretso ang tingin nito sa aking mata habang hinahaplos pa ang dulo ng buhok ko. "Sobra talaga akong nag-alala nang narinig ko ang nangyari sa 'yo, Lhex. Nabasag ko pa ang thermometer na hawak ko sa lab nang tawagan ako ni Sandra para ibalita ang pagkahimatay mo." "I'm sorry, Anj. I didn't want to bother you. Maging ako ay hindi alam kung bakit bigla akong nanghina at nakaramdam ng sakit ng ulo. But the doctor said that I just need to rest for a few more days to regain my strength. Wala naman akong naging malubhang sakit kaya huwag ka nang mag-alala." Tumango siya sa akin. Tinitigan niyang lalo ang mga mata ko at tila may gusto pang idagdag, ngunit pinili niyang hindi na lamang sabihin. "What is it Angelic? I know there's something on your mind," I probed. Umiling siya at nag-aalangang tumawa. Alam kong may itinatago siya sa akin, she's too transparent to hide something. "Wala, sabi sa amin ni Cohen na huwag kang stress-in dahil baka makasama sa 'yo. At hindi rin naman importante," nakangiting sambit niya at saka alanganing tumawa. Kumunot ang noo ko nang wala talagang balak sabihin si Anj. Hinawakan ko ang kamay niya at saka direktang tinitigan sa mata, if the only way to make her speak is by intimidating her, then I will. Alam kong may sasabihin siyang importante, pero pinipigilan lang niya. "Anj," tawag ko gamit ang pinakaseryosong boses. Ibinaling ko ang tingin kina West at Ellis na nasa couch at diretso pa rin sa tawanan. "You need to tell me what's on your mind. You know you can always tell me everything, right?" Tumango siya at saka pumikit nang mariin. "Pero kasi..." "Come on Miracle Angelic Suarez, tell me what you want to say. I am listening," sabi ko at saka hinimas ang kamay niya. Tiningnan niya rin muna ang kinauupuan nila West, nang nakitang hindi ito nakikinig sa amin ay saka lamang siya nagsalita gamit ang pinakamahinang boses. "I have a friend who's working in this hospital. Nang nalaman kong nawalan ka nang malay ay alam ko kaagad na rito ka dadalhin kaya tinawagan ko siya. I asked her if you're fine, pero ang sabi niya ay wala ka raw dito." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang tinuran ni Anj. Seryoso ba siya? Pero ang sabi ni Sandra ay kaagad akong isinugod dito dahil sa sobrang pag-aalala nila. "W-what do you mean?" hindi makapaniwalang tanong ko. "She's telling the truth, Lhex. Imposibleng hindi niya mabalitaan ang pagdating dito ng Presidente. Kung ang intensyon naman niya ay itago ang tunay na kalagayan mo, sana ay hindi siya nagulat nang itanong ko kung kumusta ka na. Wala siyang ideya na hinimatay ka, umaga ang shift niya hanggang hapon. Kung dinala ka nang alas-otso rito ay narito na sana siya at malalaman niya dahil paniguradong magugulantang ang buong ospital sa pagdating mo!" mahabang paliwanag sa akin ni Anj habang namumula ang mata. Maging siya ay naguguluhan sa nangyari. Alam kong nagdududa rin siya kay Vaughn at Sandra dahil sa pagsisinungaling nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Nang nakitang gulong-g**o ako ay nagpatuloy pa siya sa sinasabi. "Then last night she called me, sabi niya ay dinala ka nga rito habang wala kang malay. Namumutla at sobrang lamig ng katawan mo at tila wala na raw buhay. Nahintakutan man siya nang maalala ang tanong ko." Kaya pala sobra ang iyak niya kanina nang makita ako. Walang tigil ang pag-alpas ng luha niya at mabilis ang hininga. Akala niya ay patay na ako! "Totoo ba 'yan, Anj? Sigurado ba ang kaibigan mong iyon? Bakit ang sabi ni Sandra ay kaagad nila akong isinugod dito noong makalawa pa ng umaga? Nang tanungin ko ang doktor ay iyon din ang sinabi niya." Naiiyak ako sa sobrang g**o ng isip. Hindi ko gustong isipin na nagsinungaling sa akin ang kaibigan ko, may ginagawa ba siyang hindi ko nalalaman? "Totoo iyon, Lhex. I can't tell you her identity, dahil siguradong mapapatalsik siya rito sa ospital at makakasuhan dahil nasa confidential itong nangyari sa iyo. And her, telling me that information will put her life in danger! I hope you understand," umiiyak na sambit muli ni Anj. Ilang sandali kaming natahimik ni Anj. Parehas kaming tulala at malalim ang iniisip. Nang napansin nang dalawang kasama namin na tahimik kami ay kaagad silang lumapit. Hinagod ni Ellis ang balikat ni Anj, lumingon naman sa kaniya ito at pilit na ngumiti. Si West naman ay lumapit din sa akin, he leaned forward then kissed my forehead. Napapikit ako nang dahil sa ginawa niya. "Masama ba ulit ang pakiramdam mo?" malumanay na tanong nito sa akin. Nagkunwari na lamang ako na iyon nga ang dahilan ng katahimikan ko. Nag-aalala itong tumingin sa akin at tinulungan akong humiga. "I will call the doctor to check on you." Bago pa siya makaalis ay hinawakan ko na ang kamay niya, lumingon siya sa akin dahil doon. "No need, West. Matutulog na lang muna ako, paggising ko ay maayos na siguro ang pakiramdam ko." Puno ng pag-aalala ang mata niya. He bit his lowerlip then nodded. Muli niyang hinalikan ang aking noo, bago pa siya makabalik sa dating puwesto ay bumukas na ang pinto. Naabutan kami ni Vaughn sa ganoong posisyon. Kaagad na kumuyom ang kamao nito at tumalim ang tingin kay West. Malaki ang hakbang na ginawa niya palapit sa amin, nang nasa tabi na siya ni West kaagad niyang hinawakan ang kuwelyo nito. The way he clenched his jaw shows how mad he is right now. His thick eyebrow creased while the veins on his arms showed. "Leave." Matalim ang tingin niya sa lalaking nakataas ang kamay sa kaniya. "I only allowed you to visit her because you are her friend. I did not give you the permission to kiss her f*****g head." Nahigit ko ang aking hininga nang marinig iyon. What the hell?! "Leave before I drag you out of here." Without a word, Ellis dragged West out of the room. He tapped Vaughn's shoulder. "Please take care of her, aalis na kami." Anj kissed me on my cheek before she followed them. And once again, I was left in a room with my psychotic mortal enemy. Great, just freaking great!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD