Under His Umbrella

2450 Words
EVER SINCE my parents died from the ambushed, I found it hard for me to trust other people again. I automatically had this instinct to be defensive and to embed doubt on my system. I learned a lot from my parents' grave mistake. They were too kind, they never think ill towards other people even if they knew that those people do not deserve their respect and kindness. Hindi ko na kailangan pang maranasan ang isang bagay para lamang matuto, sapat nang makita ko ito sa ibang tao. My parents trusted their friends. They let their guards down because they didn't think that their so-called friends would betray them. Kung hindi sana sila nagtiwala masyado sa mga Salazar, sana'y narito pa sila sa aking tabi. Sana ay magkakasama pa kaming lahat habang masayang namumuhay. "What are you thinking?" basag ni Sandra sa katahimikan ng aking opisina. Lumingon ako sa kaniya at tinitigan siya sa mata. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng emosyon ang mababakas niya sa aking mata, kaagad na tumaas ang kilay niya nnangnapansing seryoso ako. "Naiisip ko lang ang mga magulang ko, Sandra. Naalala ko kung hindi sana sila nagtiwala sa kanilang malapit na kaibigan, sana'y humihinga pa sila ngayon." Umawang ang labi niya nang marinig ang aking tinuran. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Bakit kaya gano'n? Kung sino pa 'yong mga pinagkakatiwalaan mo nang lubos, sila pa ang mangungunang sasaksak sa likod mo," malamig kong pahayag habang titig na titig sa maitim na mata ni Sandra. Ipinaling ko ang aking tingin sa bintana ng opisina. Pumangalumbaba ako at tinitigan ang mga nagsasayawang puno sa labas. "Nakakalungkot isipin na ibinibigay natin ang buong tiwala natin sa mga maling tao. Iyong mga lion na nagbabalat-kayong tupa, sa oras na tumalikod ka ay sasakmalin ka na lang nang bigla." "Bakit mo naman naisip ang ganiyan kalalim na bagay?" Bumuntong hininga ako at inalis ang tingin sa labas. Ibinaling ko ito sa mga nagkalat na dokumento sa aking lamesa, pinulot ko ang ballpen at tinusok-tusok ang papel. "Hindi ko rin alam kung bakit e, siguro kasi masaya ako na ang mga kaibigan ko ay hindi tulad ng kila Mama. Totoo kayo at alam kong hindi ninyo ako gagawan ng masama." Muli kong inilipat kay Sandra ang tingin at huminto sa pagtusok sa papel, "Hindi ba?" dugtong ko pa habang nakataas muli ang kilay. "O-Oo naman," nanginig ang boses niya nang sabihin iyon. Umiwas pa siya ng tingin bago nagpatuloy, "Bakit ka naman namin ta-traydurin?" Bakit hindi ako kumbensido sa tinuran niyang iyon? Pakiramdam ko ay hindi bukal sa puso niya ang sinabi sa akin. Para bang sa isip niya ay may itinatago siya. "Hindi rin kayo nagtatago sa akin ng sekreto hindi ba?" dagdag ko pa. Pumikit si Sandra at saka marahang tumango. Now I confirm that there's something going on. Ito ang unang beses na nakitaan ko siya ng pagkabalisa. Siya ang tipo ng tao na hindi mo mababasahan ng emosyon, mahirap malaman ang iniisip niya dahil palagi lamang siyang kalmado at blangko ang ekspresyon, ngunit ngayon, sa paraan pa lang ng pag-iwas niya ng tingin, pagkakautal at pagpikit ng mata na tila balisa at kinakabahan, alam ko na. She's doing something big behind my back. I don't know what that is or what's that for. I just hope that it is not against me or anything like that. Ayaw kong mawalan ng kaibigan, ngunit mas ayaw kong maging kalaban ang aking kaibigan. Hindi ko alam kung papaano ko tatanggapin kung sakaling may kahit isang kaibigan ko ang magtaksil sa akin, be it Sandra, Anj, Ellis, or West. Hindi ko kakayanin. "Oh, you don't need to answer my ridiculous question, Sandy. Alam ko namang wala kang itinatago. I've known you for years, you can't hide anything big from me!" I giggled like everything's normal. Tumayo ako nang may matamis na ngiti habang nakatingin pa rin kay Sandra. Kinuha ko ang papel na butas dahil sa pagkakatusok ko kanina, pinunit ko ito sa harap niya habang ang mata'y diretso pa rin ang titig sa kaniya. "Tara na?" aya ko sa kaniya matapos punitin nang pinong-pino ang papel. Wala sa loob na tumango siya. Kinuha ko ang aking itim na Gucci handbag at dumiretso na palabas ng opisina. Dalawang linggo na mula nang nakalabas ako ng ospital, nang nagising ako roon ay unti-unti ring bumuti ang kalagayan ko. Namalagi ako sa ospital ng tatlong araw bago tuluyang lumabas, habang ang apat na araw naman ay inilaan ko sa maikling bakasyon. Sa halip na bumalik sa mga gawain ay pinili kong manatili muna sa bahay at magpahinga. Sinulit ko ang apat na araw na iyon para makaipon ng lakas at makasiguradong hindi na muli ako hihimatayin. Habang nasa bahay ay ginawa ko ang mga bagay na halos nakalimutan ko nang gawin buhat nang maging abala ako. Nagsimula akong magpinta, magyoga at tumugtog ng gitara para malibang naman ako. Hindi ako lumabas ng bahay dahil mas nakakahanap ako ng comfort at peace kapag mag-isa lamang ako sa bahay. The silence and loneliness gave serenity to me. Nagkaroon din ako ng pagkakataon para makapag-isip tungkol sa bagay na sinabi sa akin ni Anj. Naisip ko, kung naguguluhan ako sa isang bagay, dapat lamang na humanap ako ng kasagutan para roon. Ayaw kong manatiling nanghuhula lamang, kailangan ko ng tiyak na kasagutan sa aking mga tanong. "Ano'ng mga schedule ko ngayong araw?" tanong ko habang diretso sa paglabas ng Malacañang. "Good morning, Madame President," bati sa akin ng guwardiya. Tanging pagtango lamang ang naging tugon ko sa kaniya. "Alas nuwebe hanggang alas-dose ay nasa kampo ka para sa personal na pag-eeksamin sa mga b***l at bagong armas. Ala una y media nama'y magkakaroon kayo ng pagpupulong para ibigay ang desisyon mo kung alin sa mga b***l ang aaprubahan o ibabasura mo. Kasama sa pagpupulong na iyon ang department head ng NDD, PSG, AFP, Marine at Airforce. Habang ang mga foreign investors at suppliers naman ng mga materyales ay naka-conference via holographic screen, Madame President." Sumakay ako sa nakabukas na pinto ng kotse habang tumatango kay Sandra. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang lagkit ng tinginan ni Sandra at Vaughn. Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang tumingin sa kanila. Kaagad namang binawi ni Vaughn ang makahulugang tingin sa aking sekretarya nang naabutang nakatingin ako sa kanila. Nagtagis ang bagang ko nang dahil sa ginawa niyang iyon. Hindi kaya may romantikong relasyon na namamagitan dito sa sekretarya at bodyguard ko? Iyon ba ang dahilan kung bakit ibinigay ni Sandra kay Vaughn ang posisyong iyon kahit na alam niyang magagalit ako?! Nang nakasakay si Sandra sa aking tabi at si Vaughn naman ay nasa frontseat, matalim kong ibinaling ang tingin sa rearview mirror para tapunan ng disgustong tingin ang demoho. Sa halip na ipakitang guilty siya'y itinaas lamang niya ang gilid ng kaniyang labi at ipinaling pa ang ulo na tila ba inaasar ako. "Sandra!" malakas ang boses na tawag ko kahit na katabi ko lamang ito. "Madame?" litong sagot naman nito sa akin. Habang nakatitig pa rin nang masama kay Vaughn ay diretso kong kinakausap si Sandra. Gusto kong makitaan ng pangamba ang bruskong lalaki na ito, ngunit mas lalo lamang tumaas ang gilid ng kaniyang labi nang gawin ko iyon. "Hindi ba't mayroon kang sekretong manliligaw? Sino nga ulit iyon?" Hindi ko ugaling manghimasok sa personal na buhay niya, ngunit mukhang hinihingi ito ngayon sa akin ng panahon. Gusto ko lang makumpirma kung tama ba ang hinala ko. Gulong-g**o ang hitsura ni Sandra nang lingunin ako. Kanina ay abala siya sa pagpindot sa hawak niyang iPad, ngunit ngayon ay tila nawala na sa isip niya ang ginagawa. "Ha? Bakit mo naitanong iyan, Ma'am?" Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin ngayon sa akin, bakit? Ano'ng nakakagulantang sa tanong ko? Normal lang na mag-usap kami ng mga ganitong bagay dahil magkaibigan naman kami hindi ba? Puwera na lang kung ayaw niyang pag-usapan namin ito ngayon dahil hindi niya gustong magselos si Vaughn sa maririnig. Baka naman pag-awayan pa nila ito. "Wala, naalala ko lang ang manliligaw mong iyon. I wonder where he is, natigil na yata sa pagpapadala ng sekretong love letter sa 'yo." Tumawa pa ako nang sabihin ko 'yon. Kung tutuusin ay puwede na akong sumabak sa pag-aartista. Kayang-kaya kong itago ang tunay kong pakay sa mga tanungan kong ito. Ni hindi ni Sandra malaman ang dahilan kung bakit bigla kong nabanggit ang bagay na iyon. Dati'y hindi ko pinupuna ang mumunting galaw ng aking kaibigan. Wala akong pakealam kung sino ang manliligaw niya noon, iyong nagpapadala sa kaniya ng maraming sulat. Iyong lalaking madalas niyang kausap noong nasa ibang bansa pa kami. "Hindi kaya may iba nang nililigawan?" Lumingon ako kay Sandra. Gulat pa rin siya sa aking mga sinasabi. Halos mamula na rin ang mukha niya sa sobrang kahihiyan. Oh no, my dear Sandy is blushing! What the heck? I never saw her blushed before! "O baka naman kaya tumigil na dahil nasa paligid na lang siya? Tell me, nakakausap mo na ba siya sa personal?" Nakita ko ang pagnguso ni Vaughn habang walang habas pa ring nakikipagtitigan sa akin sa salamin. Umirap ako sa kaniya at ibinalik kay Sandra ang tingin habang nanliliit ang mata sa pagdududa. "M-Madame President, I don't think it is appropriate for us to talk about something personal. Hindi lamang tayong dalawa ang naririto sa sasaky—" Hindi ko na hinayaang matapos pa ang sasabihin ni Sandra. Pinutol ko siya sa pamamagitan ng sarkastikong pagtawa. "Bakit hindi? Hindi naman nila kilala kung sino ang tinutukoy nating dalawa hindi ba? At saka imposibleng isiwalat nila sa iba ang maririnig sa usapan natin," sambit ko. Umiling si Sandra habang madiing nakakagat sa labi. Pasimple siyang sumulyap kay Vaughn sa salamin, mas lalong nag-init ang ulo ko nang nakitang itinaas ni Vaughn ang daliri at inilagay ito sa gitna nang kaniyang labi. Ano 'to? Sinasabihan niya sa Sandra na tumahimik? So siya nga ang lalaking nagpapadala kay Sandra ng mga sulat noon?! "But, Lhex, I am not very comfortable—" muli kong pinutol ang sasabihin ni Sandra. Naiinis na talaga ako, bakit kailangan pa niyang i-sekreto sa akin? Puwede naman niyang sabihin sa akin na nagkakamabutihan na silang dalawa ng demohong lalaki na 'yon, as if naman hahadlangan ko ang pag-iibigan nila. Yes, I might stop her at first, but I definitely won't force her to stop seeing that bastard if she would tell me that she really likes him. Hindi ako ganoon ka hipokrita at kontrabida sa pagmamahalan nilang dalawa. Siguraduhin lang ng lalaki na ito na hindi niya lolokohin at iiwan sa huli itong kaibigan ko, kun'di ay mapapatay ko siya! "You know what? You're right. Hindi tamang pag-usapan ito, I'm sorry for putting you in an awkward situation, Sandra." Tiningnan ako ni Sandra nang nagtataka. Tila naguguluhan sa inaarte ko. I just realized that it is not okay to corner her using these questions just because I want to prove something. Or because I feel irritated at Salazar's annoying grins. "I didn't mean to offend you, Madame President. Hindi lang talaga ako komportableng pag-usapan ang mga personal na bagay sa oras ng trabaho. You know how passionate I am about doing my job as your secretary. I want to remain my professionalism even if my boss is my friend," seryosong usal ni Sandra. Wala na ang namumulang mukha niya at tulirong ekspresyon. Bumalik ang kilala kong Sandra, iyong seryoso at misteryoso habang sinasabi niya iyon. Tumango ako sa kaniya at iniwas ang aking tingin, what the heck are you doing, Lhexine? You shouldn't test your friend's loyalty! "I... I know, Sandra, I understand." Ngumiti ako sa kaniya nang maliit at bahagyang tumango. Tumahimik na ako sa buong biyahe patungong kampo militar. Itinuon ko na lamang ang aking tingin sa daan at hindi na kailanman sinulyapan ang salamin kahit na alam kong nakatitig pa rin sa akin si Vaughn. Hindi dapat ako magpaapekto kay Salazar, he's just a tease. A temptation, I should never dare to touch, or else I'll just get miserably broken at the end. Huminto ang sasakyan nang nakarating na kami sa maalikabok na kampo. Ito ang lugar kung saan kasalukuyang isinasagawa ang pinaka-unang proyektong isinulong ng aking administrasyon. Mainit ang sikat ng araw at nagkalat ang mga bakal sa paligid, binuksan ni Vaughn ang pinto para makalabas ako. Hindi ko siya tinapunan ng pansin, tila ba hangin ang kaniyang presensya sa akin. Bumukas ang hawak niyang malaking payong. Nakasunod siya sa paglalakad ko, masyadong malapit ang distansya naming dalawa. Gustuhin ko mang itulak siya palayo ay hindi ko na ginawa, I don't want to cause any commotion. Habang naglalakad ay rinig ko ang bulong niya, tila ba nagagalak pa siya sa aking pakikitungo sa kaniya. "Kuhang-kuha ang ugaling Manuela, selosa at mataray!" Napa-irap ako nang maintindihan ang tinuran niya. Nagsisimula na naman akong makaramdam ng inis, ngunit pinipigilan ko lang. Sa gilid namin ay naroon din si Sandra, pinapayungan naman siya ng isa sa kanang kamay ni Vaughn. "I imagine her throwing tantrums and ridiculous moves," bulong pa nito. The hell is he saying? May saltik yata ang isang ito. Nang hindi ko na mapigil ang inis ay huminto ako sa paglalakad at hinarap na si Vaughn habang kunot na kunot ang noo. Kaagad siyang umatras ng dalawang hakbang nang nakita ang busangot kong mukha. "You know what? Hindi mo na ako kailangan pang isilong sa payong kung iba naman ang gusto mong payungan. I am not gonna stop you if you'll ask him," tinuro ko ang lalaking nagpapayong kay Sandra, "to switch partners," dugtong ko habang matalim ang tingin kay Vaughn. Nagtataka naman si Sandra habang pinapanuod kaming dalawa. Kita kong gusto akong pigilan ni Sandra sa pagsabog, ngunit hindi niya ginawa, marahil ay natatakot na sa kaniya ko maibaling ang inis. "Payungan mo kung sinong gusto mong payungan, walang pumipilit sa 'yo, gago!" Matapos ang katagang iyon ay tinalikuran ko na siya. Nagmartsa ako palayo sa kanila, hindi bale nang maglakad sa init ng araw kaysa makasabay sa iisang payong ang lalaking iyon. Siya ang magiging dahilan ng pagbagsak ko! Mga limang metro na ang layo namin nang marinig ko ang lagapak ng sapatos, tila tumatakbo ito palapit sa akin. Nang tuluyan na siyang nasa gilid ko ay kaagad niyang hinawakan ang aking baywang. Hinapit niya ako palapit sa kaniya at saka bumulong, "Wala akong ibang gustong isilong sa iisang payong kun'di ang aking Presidente. Siya lang, ang presidente ko lang." Aking presidente? What the f? Ang landi ni Vaughn Cohen Salazar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD