ABOT-ABOT ang kabang nararamdaman ko habang nakatayo sa labas ng operating room. Hindi ko magawang kumalma o maupo man lang kahit na sandali habang naghihintay sa paglabas ng doktor sa loob ng emergency room. Dalawa't kalahating oras na kaming naghihintay dito sa labas subalit wala pa ring kahit na isang doktor ang lumalabas para balitaan kami sa lagay ni Sandra. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatitig sa kawalan. Balik-balik ang lakad ko sa iisang lugar at hindi ko magawang makipag-usap kahit na kanino. Lutang ang aking isip at nanunuyo ang lalamunan, kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung sana ay isinama ko na lang si Sandra sa mansyon ng mga Quilor sana'y hindi nalagay sa alanganin ang aking kaibigan. "L-Lhexine," umiiyak na tawag sa akin ni Angelic habang nakaupo sa pasilyo ng

