"You didn't tell me that Mr. Cohen Salazar will accompany you, President. Ang buong akala namin ay ang anak kong si West ang susundo at maghahatid sa 'yo," nakangiting sambit ni Tita Vienna sa akin. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa kanilang dining table habang ang mga masasarap na pagkain ay nakahain sa aming harapan. Naging mainit ang pagbati sa akin ng pamilya Quilor pagbaba ko pa lamang ng sasakyan. Agad akong sinalubong ng yakap at beso ni Tita Vienna habang si Tito Fred naman ay nakangiti rin sa akin. Maya-maya'y dumating din si West. Diretso itong umakyat sa kaniyang k'warto nang hindi kami binabati. Tinawag siya ni Tito Fred subalit hindi man lang ito lumingon nang sabihin bababa siya sa oras ng hapunan. Sumama siguro ang loob ni West sa akin dahil sa pang-iiwan ko sa kaniya

