Fainted

1344 Words
The continuous beeping of the digital alarm clock on the table disturbed me from my deep sleep. I abruptly turned off the annoying alarm with my eyes is still close. I stretched my arms and yawned before I decided to get up and start preparing for today. It was already late when the celebration ended. A bunch of company presidents and businessmen flocked to me as soon as the celebration ended. I didn't have the opportunity to talk to Col. Salazar. "Good morning, Flyn," bati ko sa alaga kong aso nang salubungin ako nito pagbaba. Walang nagkalat na maids o security guard dito sa tinitirhan ko, ibang-iba ito sa kinalakihan kong bahay. Lumaki akong madalas na kasama lamang ay mga katulong at guwardiya. Noong buhay pa ang mga magulang ko, no'ng na kila Lolo Felix ako, at maging nang nasa Russia ako ay mga kasambahay pa rin ang kasama ko. Ngayong kaya ko nang alagaan ang sarili ko ay pinili kong hindi na kumuha ng katulong. Ako na lamang ang naghahanda ng sarili kong pagkain at mga kakailanganin. Pumupunta lamang si Ate Ysa sa t'wing maglilinis at maglalaba, dahil sa dami ng mga dapat kong gawin ay hindi ko na magagawa pang isingit ang mga bagay na iyon. Samantalang ang security guards ay nasa paligid lamang ng bahay, hindi mo sila makikita kung hahanapin mo, pero nakapalibot sila. Iyon ang una kong ginawa nang lumipat ako rito sa bahay namin, sinigurado kong wala akong makikitang mga gumagalang guards. I want to live on my own, I don't want to be dependent on other people. Isinubo ko ang huling piraso ng pancake at saka diretsong nilagok ang orange juice na siyang umagahan ko. "Good morning, Madame President," bati sa akin ni Sandra. Ngumuso ako sa kaniya at saka itinaas ang kilay. "Good morning, Sandy. Breakfast?" kaswal na alok ko sa kaniya. Umiling siya sa akin habang masama ang tingin. She hates it whenever I call her that. I remember the first time I talked to her, I didn't have any idea that she hates being called Sandy until she b***h faced me and called me Manuela. "Hinahanap ka sa akin nila West kagabi, ni hindi mo raw sila binigyan man lang ng atensyon dahil sa sobrang kaabalahanan mo," sambit ko sa kaniya at saka tumayo para kumuha ng inuming tubig. Nakita kong umilaw ang earbuds na nakakabit sa tainga niya. Kaagad niyang pinindot ang button niyon para sagutin ang tawag na natanggap. Tumango siya at nagbaling lamang sa kausap, matapos niyon ay humarap na siya sa akin. "Mr. Cohen Salazar is here, Ma'am, the team is waiting for you at the front yard." Agad akong sumimangot nang narinig ang pangalang iyon. Mukha yatang kailangan ko na talagang itatak sa sistema ko na madalas ko nang makakasama ang lalaking 'yon. "I'm still wondering how he got that position. The last time I've checked, he wasn't part of the PSG!" reklamo ko habang naglalakad na palabas ng bahay. "May kinalaman ka ba rito, Sandra?" dagdag ko pang tanong habang nakataas ang kilay. Ang alam ko ay si Sandra ang umayos ng lahat bago pa ako maluklok sa p'westo. Maging ang listahan ng pangalan ng Presidential Council ay siya ang nagbigay sa akin, inaprubahan ko lamang iyon dahil sa tiwala naman ako sa talino, dedikasyon at katapatan sa akin ni Sandra. Hindi na ako nagduda pa sa mga taong ibinigay niya sa akin. So far, hindi pa naman ako binibigo ng council ko. Wala akong reklamo sa serbisyo at tulong nila. They are well-trained to do the job smoothly. Ang Presidential Council ay samahang itinatag noong taong 2030, panahon kung saan nanungkulan si lolo. Ang layunin ng grupong ito ay patatagin ang administrasyon ng isang presidente. Bawat pagkakakilanlan ng mga miyembro ay mananatiling sekreto para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Ang Council ay binubuo ng lima hanggang walong katao, sila ay may iba't ibang specialization. May batas na itinalaga para sa Council, sila ay hindi kinakailangang kabilang sa kilalang pamilya o nasa mataas na posisyon. Basta't dalubhasa sila sa larangan ng teknolohiya, siyensiya, matematika, medisina, politika at paglutas ng mga suliranin ay maaari na silang makapasok sa Presidential Council. Ang sabi ni lolo sa akin noon ay kailangang suriin ko nang mabuti ang bawat pipiliin kong Council, dahil ang sekreto sa likod ng pagiging isang mahusay na pinuno ay nakadepende sa katapatan ng miyembro mo. Kung may isang ahas kang kapanalig ay tiyak na mabubuwag ang samahan. "There's nothing wrong with what I did," simpleng sagot ni Sandra sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at kaagad na humarap sa kaibigan. Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang dahil sa sinabi niya. Ilang hakbang na lamang ay nasa harap na kami ng sasakyan, nakaabang sa amin si Vaughn habang hawak ang pinto ng kotse. "So it's you? It's really you who put Salazar on his position?!" Tinitigan ako ng diretso ni Sandra sa mata, her lips are pressed together. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan niya, noon pa man ay mahirap nang basahin ang kaibigan kong ito. Sa aming lahat na magkakaibigan, siya ang pinakamisteryoso. Palaging tahimik at tila laging may malalim na iniisip. "Why did you do it, Sandra? Alam mo kung ano'ng opinyon ko sa pamilyang iyon!" mariing sambit ko. Isang hakbang palapit sa akin ang ginawa ni Sandra. She held my face and caressed it using the most gentle manner. Ano'ng nasa isip mo, Sandra? Please tell me you're not planning anything against me. "Alam mo kung ano'ng ginawa ng lalaking iyon sa akin. Malaki ang atraso niya, hindi ako nagkulang ng kuwento sa 'yo kung paano ako trinaydor ng lalaking iyon." "You know how much I love you, Manuela," mahinang usal ni Sandra habang nakatitig pa rin sa mata ko. Alam kong nakatingin sa gawi namin si Vaughn maging ang ibang miyembro ng security team. Pinili kong balewalain ang presensya nila habang masinsinan kaming nag-uusap ni Sandra. "I am willing to do everything just to help you to become the best president in this country will ever have. Ano man ang mangyari ay kakampi mo ako, magtaksil man ang lahat sa 'yo ay mananatili akong tapat na kaibigan mo." Pakiramdam ko ay hinipo ng kung ano'ng mainit na bagay ang puso ko nang narinig ang tinuran ni Sandra. Her sweet words are melting me softly, sincerity is all I see in her eyes. "Ang lahat ng ginawa at gagawin ko ay para lamang sa ikabubuti mo. I may get anger and hurt you at times, but please remember that I do not intend to inflict your pain and get you harmed." Nangilid ang luha ko sa lahat ng naririnig ko sa kaniya. Napakasuwerte ko para makatagpo ng kaibigang katulad ni Sandra. Hindi lahat ng tao ay mabibigyan ng pagkakataon para makakilala ng isang kaibigang handang gawin ang lahat para sa kaniya. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa naramdamang matinding pagkirot ng aking ulo. Napahawak ako sa sentido ko dahil ramdam na ramdam ko na roon nanggagaling ang sakit. Tila ba kinukuryente ang utak ko dahil sa sakit, napapikit na ako at kaagad na nawalan ng balanse. Bago pa ako tuluyang mapaupo ay nasalo na ako ni Vaughn. "Anong problema? What the hell did you say to her?!" gigil na tanong nito kay Sandra. Hindi ko narinig ang anumang sinagot ni Sandra sa kaniya. Nang imulat ko ang mata ko ay nakita kong alalang-alala si Sandra habang may katawagan siya at dinig na rinig ang frustration sa bawat sigaw niya. Bago tuluyang mawalan ako ng malay ay narinig ko pa ang tinuran nito kay Vaughn, "Lhexine's body is having a seizure right now, there is a malfunction of the neurotransmitter device in the lab!" natatarantang sambit ni Sandra. Hindi ko maunawaan ang sinasabi niya, ang alam ko lang ay masyadong masakit ang ulo ko. "f**k!" Vaughn cursed under his breath. He looked at Sandra with so much anxiety and said, "We need to bring her to the lab." Before I could process their conversation, everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD