It was a normal day when I first met him. I was five when I first had a glance at his mysterious dark brown eyes. He was intently looking at me as our mothers introduced us to each other.
I can still vividly picture Tita Lucianna on her white floral dress. It's a rare scenario for me to see her wearing a casual dress, she was always on her knee-length laboratory coat and black slacks.
"Hi, little boy. This is my daughter, Lhexine Manuela, she's five and a bit moody, please don't call her Manuela, she really hates it when someone calls her that except me and her Papa." Tumawa si Mama at saka hinimas ang balikat ko.
Si mama at papa lamang ang pinapayagan kong tumawag sa akin gamit ang second name ko. I'm not really fond of my second name, it makes me feel so old because of it. Who would name their child Manuela? That's too primitive, ewan ko nga ba kay mama kung bakit isinunod pa niya ang pangalan ko kay papa.
Ngumiti si Tita Lucy sa amin ni mama. She bent down to level my eyes as she slightly pushed her son to get closer to me.
"Lhexine, this is my son that I am talking about, do you remember when I told you that I have a very good-looking and genius son?" Tumango ako kay tita at saka muling inilipat ang tingin sa lalaking katabi niya. "His name is Vaughn Cohen," pakilala ni tita sa anak.
My brow instantly arched as I saw him extended his right hand for a handshake, mama gave me a warning look as she sensed my hesitation to accept the hand of Tita Lucy's son.
"Pleasure to meet you. I am Cohen," nakangising sambit nng anak ni tita.
Labag man sa loob ay tinanggap ko na ang nakalahad niyang kamay, ayokong mapagalitan sa harap ng ibang tao. Hindi pa tuluyang naglalapat ang palad namin ay kaagad ko nang binawi ang kamay ko habang nakangiwi nang may naramdamang malapot sa kamay ng lalaki. Hindi ko rin napigilan ang impit na tili nang kaagad na maisip na tila sipon ang nahawakan ko sa kamay niya!
Lalong lumaki ang ngisi niya at nagawa pang itagilid ang ulo, para bang pinipigilan niyang humalakhak ngunit hindi niya magawa. Kumunot ang noo ni Tita Lucy at napaawang ang labi habang nakatingin sa anak niya.
"Yuck! I touched something sticky on your hand," nandidiring sambit ko at saka kaagad na lumayo sa kaniya.
Sinusuri ko ang kamay ko para makita kung dumikit ba sa akin ang bagay na iyon. Kaagad na kumunot ang noo ko nang makitang may maliit, manilaw-nilaw at malapot na bagay nga sa palad ko!
"Mama, look," nangingiyak na ipinakita ko kay mama ang palad ko.
Lumapit ang katulong na nakaabang sa amin dala ang hand sanitizer. Hindi ako nakontento roon, kaagad ko ring ipinakuha ang alcohol. Hindi maalis sa mukha ko ang pandidiri at tiyak kong nakasimangot na ako ngayon nang todo habang pinupunasan ang kamay.
"Oh sorry, may sipon kasi ako at suminga ako kanina sa tissue, baka hindi ko namalayang nalagyan ang kamay ko." Ngumiwi ito at saka ipinunas ang palad sa damit niya at muling inilahad ang kamay sa harap ko.
Agad akong nakaramdam ng inis nang nakita ang arogante at mapang-inis niyang ngisi sa akin. His eyes reflect playfulness partnered with the annoying grin on his face. He's not even sincere when he said sorry!
Ramdam ko ang kaagad na pamumula ng mukha ko tanda na nagsisimula na akong mapikon. I can't believe this jerk is Tita Lucianna's son, ibang-iba siya sa sopistikada at mabait niyang ina!
"Cohen!" mataas ang tonong tawag ni Tita Lucy sa anak niya at saka hinawakan ang braso nito.
Ngunit hindi man lamang pinansin ng lalaki ang tawag sa kaniya ng mama niya, mas lalo pa siyang lumapit sa akin habang nakalahad muli ang kamay.
"Here, malinis na ang kamay ko."
"Eww, I will not be going to shake your hands again. You are so gross!" maarteng sambit ko. Binalingan ko si Tita Lucy, nakita kong masama na ang tingin niya sa anak. "I am sorry Tita but I can't be friends with your son. He is so disgusting, dugyot pa." Bulong ko lamang binigkas ang huling sinabi, I don't want to be rude at tita but I can't hide my immeasurable irritation for her son.
"Manuela!" nagbabantang tawag sa akin ni mqma nang tumalikod ako at padabog na nagmartsa paalis ng sala.
MABILIS na lumipas ang panahon, tulad ng nakasanayan ay nagigising na lamang ako na wala na ang mga magulang ko. Palaging maagap kung umalis ng bahay si mama at papa. They are both busy person, si mama ay isang mahusay na tech analyst, habang si papa naman ay isang mechanical engineer. Nasa iisang kompanya lamang sila, NeuroLink Robotics and Prototypes.
Pangkaraniwan na sa akin na mga kasambahay na lang ang abutan sa t'wing magigising ako. Hindi naman ako nagtatampo sa mga magulang ko kahit na madalas ay abala sila sa kani-kanilang mga tao, in fact I feel proud and privileged to be their daughter. Masaya ako na nakakasama ko naman sila sa hapunan at maging sa buong araw ng Linggo.
"Good morning, Miss," bati sa akin ni Ate Ysa.
Nginitian ko lamang siya at dumiretso na sa dining table. Nanlaki ang mata ko nang napatingin sa isang batang lalaki na nakaupo sa mahabang lamesa ng aming dining area habang nakapangalumbaba at tinutusok ang hotdog na nasa plato niya.
"What are you doing here?!" malakas na sambit ko sa anak ni Tita Lucy.
Agad na lumipad ang tingin niya sa gawi ko, nakita ko kung paano nagliwanag ang tingin niya nang nakitang ako nga ang nagsalita. Hindi ko alam kung natural lang ba ang makaramdam ng matinding inis sa ibang tao sa edad na limang taon.
Nanlilisik ang aking mata habang nakatingin sa kaniya, mabigat ang bawat paghakbang ko palapit sa kinauupuan ni Vaughn.
"Ate Ysa, may nakapasok na magnanakaw!" buong lakas kong sigaw. Agad kong narinig ang mga yabag ng mga kasambahay habang nagmamadaling daluhan ako. Nakakunot ang noo ko habang nakaturo kay Vaughn. "Tumawag po kayo ng security, may nakapuslit na masamang loob dito sa atin."
Rinig ko ang malalim na paghinga ni Ate Ysa at ni Ate Mila nang nakita kung sino ang sinabi kong magnanakaw. Hinahabol pa nila ang hininga nila nang daluhan ako, narinig ko naman ang nawiwiling tawa ni Vaughn. Ni hindi ito tumayo mula sa pagkakaupo niya, diretso lang ang subo niya sa hotdog habang tumatawa pa nang nakakainis.
"Sus maryosep ka naman, Miss Lhexine, akala ko ba naman ay may nakapasok ngang masamang tao rito sa mansyon!" hinihingal na sambit ni Ate Mila, isa rin sa mga kasambahay namin. May hawak pa itong walis tambo sa kaniyang kamay. Nakanguso akong humarap sa kanilang dalawa habang naka pamaywang.
"Bakit narito ang isang 'yan, Ate? Paano nakapasok 'yan dito?"
"Baka umakyat ako sa electric fence n'yo para lang makakain ng hotdog," bulong ni Vaughn at saka uminom ng gatas.
Alam kong sinadya niyang iparinig sa akin ang pamimilosopo niya. Walang modo talaga ito, hindi lang pala siya dugyot, makapal din ang mukha! Nakikikain pa talaga siya rito sa amin matapos nang ginawa niyang kasalahulaan sa akin?!
"Inihatid po siya rito ni Ma'am Lucy. Ang bilin ng Mama ninyo sa amin ay ipaalam sa inyo na mula ngayong bakasyon ay palagi na rito si Sir Cohen para may kasama ka habang wala sila. Uuwi naman siya mamayang hapon kapag nakauwi na sila Ma'am," mahabang usal ni Ate Ysa.
"What?! Hindi p'wede! Ayokong narito ang balasubas na iyan!" sigaw ko at saka muling itinuro si Vaughn.
"Bakit kila Ate ka nagagalit? Kung ayaw mo ako rito si Mama at si Tita ang kausapin mo. As if naman gusto kong dito sa inyo tumambay ngayong bakasyon," aroganteng singit ni Vaughn.
Ibinaling ko sa kaniya ang matalim na tingin ko. Nagtaas lamang siya ng kilay sa akin na tila ba wala na akong magagawa pa kun'di umayon sa gustong mangyari ni mama.
Mula nga ng araw na iyon ay palagi na sa amin si Vaughn. He was a year older than me, ngunit kung makaakto siya ay akala mo mas bata pa sa akin.
Wala siyang ibang ginawa kun'di inisin ako sa loob ng dalawang buwan, hindi puwedeng hindi ako maiiyak sa t'wing nagbabangayan kaming dalawa.
"What's with these toys Manuela? Why are you playing guns instead of dolls? Tomboy ka 'no?" pang-iinis nito sa akin habang pina-pakealaman ang mga laruan ko.
Umirap ako sa kaniya bago sumagot, "Bakit? Lalaki lang ba ang p'wedeng maglaro ng b***l-barilan?"
"Do you want to be a part of military someday? Para kang si Aly, mahilig sa b***l," nang-uusyosong sambit pa nito at saka sumalampak din sa sahig habang itinututok sa akin ang laruang b***l. Tumango ako sa kaniya nang hindi siya tinitingnan. Masyado akong abala sa pag-aassemble ng bagong biling b***l ko.
"Yes, I want to be like my Uncle Rhodes." Kahit na hindi ko madalas na makasama si Lolo Felix at maging ang kapatid nitong si Uncle Rhodes, ay gusto ko na sila, nawiwili kasi ako sa kuwento ni papa tungkol sa kanilang dalawa. Nasanay din akong tawaging Uncle si Uncle Rhodes kahit na dapat ay Lolo. Iyon kasi ang tawag sa kaniya ni papa, kaya naman nagaya ko rin.
Masayang-masaya ako sa tuwing binibisita ako ni lolo rito sa bahay namin, 'yon nga lang ay sa t'wing wala sila mama at papa. Hindi ako ni papa pinapayagang sumama kay lolo dahil nag-aalala siya sa kaligtasan ko, naiintindihan ko naman sila lalo na't matunog ang pangalan ni lolo ngayon dahil sa pagtakbo nito sa politika.
"When I grow up, I will learn how to shoot. I'll protect my Mama, Papa and Lolo from the evil goons. I will lead a battalion of soldiers even if I am a girl." Palagi kong napapanuod sa mga pelikula na mga kalalakihan lamang ang nasa mataas na posisyon. Wala pa yata akong napanuod na babaeng namuno sa batalyon ng mga sundalo. Palaging ang role ng mga babae ay moral support lamang sa mga partners nila o hindi kaya ay mga pabigat lamang, laging sila ang kailangang iligtas at protektahan.
Ayoko ng gano'n, bata pa lang ay gusto ko nang baguhin ang toxic mentality ng lipunan sa mga kababaihan. I want to show them that women are also capable of doing the things they think only men can do.
Nang nagsimula na ang pasukan ay saka lamang natigil ang madalas na pagpunta ni Vaughn sa amin. Laking pasasalamat ko na hindi ko na ulit nakita ang lalaking iyon, napag-alaman kong sa ibang bansa pala namalagi si Vaughn kasama ng kaniyang kapatid na babae.
Maging sa mga importanteng okasyon ay hindi ko na nakita pa si Vaughn kahit na madalas ko namang nakikita ang mga magulang niya. Mukha yatang hindi na babalik ang lalaking iyon dito sa Pilipinas, pabor naman sa akin iyon dahil ayoko rin naman sa kaniya.
"Hi, I am Aly," nakangiting pakilala sa akin ng isa pang anak ni Tita Lucy.
I knew this girl, minsang nabanggit din ni Tita ang anak niyang ito. Kung hindi ako nagkakamali ay halos magka-edad lamang kaming dalawa, mas matanda lang yata ako ng mga tatlong buwan sa kaniya.
Hindi tulad ni Vaughn, ay mabait at malambing si Aly. She likes playing guns and knives, bagay na pinagkasunduan namin. Kapwa kami hindi mahilig sa paglalaro ng mga manika, mas naaaliw kami sa t'wing b***l-barilan ang hawak namin. Minsan niyang nabanggit sa akin na ang Lolo Alejandro raw niya ay isang sundalo.
"I grew up in America with my brother Cohen. Wala roon sila mama at papa, pero madalas naman sila kung bumisita sa amin, tanging ang grandparents lamang ang madalas na kasama namin," kuwento ni Aly habang parehas kaming nakababad sa swimming pool ng bahay namin.
"Bakit doon kayo tumira ng Kuya mo, kung narito naman sila Tito at Tita?" kuryosong tanong ko.
"It was our parent's decision, ang sabi nila ay mas magiging ligtas daw kaming dalawa ng kapatid ko kung nasa puder kami nila Lolo. You know that my grandfather is a high-ranking officer in the US military right?" Tumango ako sa kaniya, hindi pa rin ako kumbinsido sa sagot niya kaya nagpatuloy ako sa pakikiusisa.
"May death threats ba kayong natatanggap?"
"Hindi ko alam, wala namang binabanggit sila lolo sa amin."
Naging magkaibigan kami ni Aly matapos ang dalawang buwang pagkakakilala namin. Tulad ni Vaughn ay lumipad na rin siya pabalik ng America nang nagsimula ang pasukan ng sumunod na taon. Nagpatuloy ang pagkakaroon namin ng komunikasyon kahit na magkalayo kaming dalawa.
That was how Vaughn, Aly, and I knew each other. I didn't know that from those simple encounters, our friendship would start. I missed how simple our life was back when we were kids, twenty-one years ago.