Mga nakasisilaw na ilaw, sunod-sunod na pag-flash ng kamera, malalakas na boses mula sa mga reporter na naghahangad na makakuha ng kahit kaunting panayam sa akin. Ito ang nagpagulo sa akin ngayong Lunes ng umaga.
Halos kumunot ang aking noo dahil sa rami ng mga taong nakapalibot sa paligid ko. Sa bawat paghakbang papasok sa loob ng Malacañang ay nakasunod ang higit sa tatlumpung katao sa akin. Walang humpay ang pagbato nila ng tanong na tila ba may panahon pa ako para sagutin, abalang-abala ang lahat ngayong umaga.
"Madame President, nalaman na ba ninyo kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa inyo noong Sabado ganap na alas kwatro ng hapon sa Eternal Memorial Cemetery?" malakas ang boses na tanong ng lalaking reporter.
"Mayroon bang naging mga casualties? Ilan ang napuruhan sa inyong panig?"
"May katotohanan ba ang bali-balitang mga Salazar ang pasimuno ng pamamaril sa inyo?"
Napairap ako nang marinig ang tanong na iyon. Hindi ko maintindihan kung sino ang nagpasimula ng balitang iyon, ni hindi ko nga naisip na maaaring ang mga Salazar ang gumawa no'n sa akin. They are not stupid enough to shower the whole place with gunfire habang naroon si Tita Lucy.
Mabuti nga at hindi ito nadamay. Nawala na sa isip kong alalahanin pa ang kalagayan ni Tita Lucy no'n dahil sa rami ng nangyari. Wala rin naman akong plano na kumustahin ang ginang dahil ayaw ko nang magkaroon pa ng ugnayan sa kaniya.
"Wala ba kahit isa sa mga bandidong grupo ang nahuli?"
Halos tatlong hakbang na lang sana ay makapapasok na ako sa loob nang mapahinto ako sa paglalakad. Agad kong nilingon si Sandra sa aking tabi. "Anong ginagawa niyan dito?" nakaangil kong tanong sa sekretarya.
Pinilit kong ngumiti nang makaharap ko si Retired Col. Alejandro Salazar, hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon dito sa Malacañang. Masyado yata akong naging abala at hindi ko matandaan kung nabanggit ba sa akin ng sekretarya ko na makakadaupang-palad ko ngayon ang Colonel.
"He is part of the conference today, Madame President. His name was written on the guests' list," bulong pabalik ni Sandra sa akin.
Great. Just freaking great!
Mas lalong dumami ang mga kamera na nakatapat ngayon sa akin. Lumakas din ang ingay sa paligid nang makita umano nila ang matandang Salazar. Lumakad si Vaughn para hawiin ang mga nakaharang na tao sa aking daraanan, inilahad niya ang kaniyang braso sa akin bilang suporta ngunit pinili kong ignorahin ito.
"Col. Salazar," ngiting bati ko sa matanda sabay lahad ng kamay.
Nagkamayan kaming dalawa habang matamis na nakangiti sa isa't isa. Marami ring mga nakaikot na bodyguards sa kaniyang tabi kaya naman hindi siya malapitan ng mga nagkakagulong reporter.
"Good morning, Miss President, mukhang magiging mahaba ang araw na ito para sa 'yo ngayon. I heard what happened and I truly hope that you're fine," pambungad na sambit ni Sr. Salazar sa akin.
"Yes, I am. Mabuti at napakahusay nitong si Vaughn sa kaniyang tungkulin. Hindi ako nahagip ng kahit isang ligaw na bala!" Nagtawanan kaming dalawa matapos kong sabihin iyon.
Napakahusay ko talaga umarte. Madalas ay nagtatakha rin ako kung paano ko nagagawang makipagngitian nang matamis sa aking mga kaaway.
"We need to go now, Madame President. The press conference should start in 10 minutes," agad na sambit ni Sandra.
Tumango lamang ako sa kaniya at kay Sr. Alejandro Salazar. Bahagya akong humarap sa mga nagkakagulong media at itinaas ang aking kamay bilang hudyat ng pagpapatahimik.
Everyone hushed upon my signal. I smiled at them sweetly before I began to speak, "Alam kong marami kayong katanungan dahil sa nangyaring insidente noong nakaraang Sabado. Huwag kayong mag-alala dahil walang dapat na ipangamba, agad ring naresolba ang insidenteng iyon at natukoy kung sino ang nasa likod ng pamamaril."
I spoke as if everything I said was true. I am very good at lying, I can tell a lie even without blinking and no one could notice that what I said was just a bluff. "Ngayon ay ilalahad ko sa media ang lahat ng nangyari sa aking live press conference. I don't want to cause any unnecessary public panic that may trigger anxiety in the citizens because of the incident. Kaya sa buong sambayanang Pilipino, ngumiti lang tayo dahil tuloy ang laban natin habang hindi pa nila ako napupuruhan."
Tumawa ako at saka bumaling pa kay Sandra para kumindat. Umiling lang siya sa akin ngunit kalaunan ay ngumisi rin.
"May katotohanan ba ang kumakalat na sabi-sabi na ang mga Salazar ang nasa likod ng pamamaril?"
Mula sa harap ay nakita ko ang pag-iling ni Col. Salazar, habang si Vaughn ay hindi man lang natinag sa kaniyang pagkakatayo. Diretso lamang sa harap ang tingin niya at saka lamang lumilinga sa t'wing may kakausap sa kaniya.
"Walang katotohanan ang sabi-sabing iyan. Ang pagpapakalat ng maling impormasyon ay may kalakip na kaparusahan, ito ay malinaw na paglabag sa Republic Act 6022," I said while directly looking at the guy who asked the question.
Humarap ako sa kamera na nakatutok sa akin bago nagpatuloy, "Any person who maliciously offers, publishes, distributes, circulates and spreads false news or information or causes any public disturbance shall be penalized with accordance to the law."
Tumango ang mga taong nakikinig sa akin. Nagpatuloy ang pagtatanong hanggang sa tuluyang matapos ang press conference. Inilahad ko ang mga nangyari at nag-iwan ng mensahe para hindi mabahala ang publiko.
The Palace expects that conspiracy theories about terrorist attacks will spread shortly after delivering my message. I don't want to cause any anxiety to my fellow citizens, that's the reason why I chose not to disclose all the information we've obtained from the bandit leader.
"Kasalukuyang hawak ng NBI ang lider ng grupo na namaril sa akin. Nananatiling tikom ang bibig nito kaya nahihirapan kaming malaman kung sino nga ba ang tunay na nasa likod ng nasabing insidente. Handa ang pamahalaan sa anumang posibleng krisis na kaharapin. Hindi pa man natutukoy ang dahilan ng pamamaril ay walang dapat na ipag-alala ang lahat dahil mananatiling malakas ang pwersa ng gobyerno," mahabang pahayag ko.
Sa mundong kasalukuyan kong ginagalawan, hindi p'wede ang panghinaan ng loob. Kapag pinili mong umupo sa posisyong ito, kailangan mong tatagan ang loob para tumayo nang buong tapang. Kung magpapasindak ka sa bawat putok ng b***l at mga balang rumaragasa patungo sa direksyon mo, hindi ka tatagal.
"Our military forces trained extremely hard for the past decades. We are equipped with high-end technology, we have access to multiple and high-quality firearms and lastly, we have brilliant allies from the Presidential Council whose main duty is to ensure national security. Kaya bakit tayo mangangamba? Handa tayo sa anumang posibleng gyera na kaharapin natin, 'di ba?"
We all know that the war has not ended in the year 2035, perhaps, it is just the beginning. The firing may stop for almost two decades, not because we defeated the enemy, but only because the government thought of a temporary solution to cease the war. Naniniwala akong hindi pa tuluyang nauubos ang kalaban, nariyan lamang sila at nagpapanggap na kaibigan. Nakikihalubilo sa mga tao para hindi mahalatang kakaiba sila kahit ang totoo'y mga halimaw sila.
They don't bleed, they just get rusty.